“What's happening here?”
“Babe!” Sigaw ni Leslie pagkalabas ng lalaki agad itong yumakap at nagsumbong pa. “Sinabunutan niya ako!” Napataas naman ang kilay ni Honey sa narinig. Naalala niyang may asawa itong department head nila. At sigurado siyang hindi ang babaeng ito. “Excuse me, siya ang nauna,” depensa ni Honey sa sarili. “No, babe. Siya ang nauna. Pinakiusapan ko lang siya na dalhin ang papeles na ito sa office ng daddy niya pero ayaw niya. Tapos sinabihan pa ako na wala akong karapatan na mag-utos sa kanya dahil anak daw siya ng may-ari ng kumpanya,” sabi pa ni Leslie. Napangiti na lang ng hilaw si Honey sa kasinungalingan ng babae. Hindi niya akalain na may mga taong kayang i-down ang iba para lang umangat sila. At na-experience na niya yon, ngayon-ngayon lang. “It's true, Miss De Guzman?” Tanong ng department head nila. “No, sir,” tanggi ni Honey. “Lier!” Sigaw ni Leslie. “No! Nagsisinungaling siya!” Hindi na napigilan ni Honey ang sampalin ang babae kahit nasa harap pa ng lahat. Halos lahat naman na nakatingin ay napasinghap sa ginawa niya. “Miss De Guzman?!” Bulyaw ng department head nila. “What? I'm just teaching her a lesson na wag gumawa ng kung ano-anong kwento,” confident na wika ni Honey. “Babe…” “Miss De Guzman–” “Mr. Guhit,” putol niya sa sasabihin sana ng lalaki. “How are you related to her? Is she your other woman? Kasi sa pagkakaalam ko, you're married. And definitely, hindi siya yon.” “W-what?” Halos hindi makapaniwala na tanong ni Leslie. “Totoo ang sinasabi niya?” “Babe, let me explain,” halos mataranta din ang lalaki sa rebelasyon niya. “Opps, did I pull a trigger?” Kunwari hindi hindi sinasadya ni Honey na banggitin yon. “Sorry, di ko alam. Secreto pala dapat yon.” “You!” Bulyaw ng lalaki kay Honey at akmang sasampalin siya ngunit hindi natuloy. “Touch her or your fired, Mr. Guhit!” sigaw ng taong kapapasok lang sa department nila. “M-mr. Macapagal,” natarantang bati ng department head nila. “What's the commotion here?” tanong nito sa lalaki. “It's nothing, Mr. Macapagal,” sagot ng lalaki. “Come, let's talk to my office.” “No need. I'll just drop this file,” saad nito sabay abot ng isang folder sa department head. “Oh, thank you,” yon na lang ang sabi ng department head nila. Tumango lang din si Zack at lumabas na sa opisina nila. Bago pa man ito tuluyang mawala ay pansin ni Honey ang malalim na tingin nito sa kanya. Hindi tuloy maintindihan ni Honey kung warning ba ito o ano sa kanya. Samantalang bumalik naman sa opisina ang department head nila kasama si Leslie. Para namang nabunutan ng tinik ang mga naiwan. Ngunit si Honey ay nakatikim ng tampal mula sa kaibigang si Jhaira. “What was that, girl? Bakit bigla ka nang nanabunot?” tanong ng kaibigan sa kanya. “Kulang pa yata yon eh. Sabihan ba naman ako ng porket anak ako ng may-ari ay mag-seating pretty lang ako dito. Naging kasalanan ko pa ngayon na hindi ako binigyan ng pwede kong magawa,” himutok ni Honey. “Pero totoo? Kabit ni Sir Guhit si Leslie?’ curious na tanong ng ilang kasamahan nila. “Abay, ewan ko sa kanila at wala akong pakialaman sa kanila,” nagkibit balikat na lang si Honey habang sinasagot ang tanong na yon. “Kaya, kayo? Wag nyo talagang ipamukha sa akin na pa-easy-easy lang ako dito kindi sasabunutan ko talaga kayo.” Natawa naman ang mga kasama niya sa kanya. “Kaya nga kami takot utusan ka. Baka masabunutan mo kami,” biro ng isa sabay tawa. “Gagi, mas gusto ko ngang may gagawin kay tibuan ng ugat ang puwet ko sa kakaupo,” sagot naman ni Honey. “Hayaan mo bukas, girl. Puna na ang mesa mo ng mga papeles,” nakakatawang biro ni Jhaira. “Or baka mas lalong magmukhang airport ang mesa ko sa sobrang linis. Lalo na sa nangyayari ngayon, mas mas matakot silang utusan ako,” dagdag ni Honey. “Dapat lang na matakot sila. Baka may bagong secreto na naman ang mabulgar,” pang-aalaska ni Jhaira. “Ikaw talaga, girl. Wala naman akong alam sa bawat buhay nila sa labas ng opisina. Nag kataon lang talaga na alam ko ang mukha ng misis ni Mr. Guhit. Kaya ganun,” wika ni Honey. “Which is nagamit mo naman ng tama. Kundi baka ikaw pa ang mabaliktad sa ginawa mong pananabunot kay Leslie. Ikaw sana ngayon ang nasa hot seat,” sabi ni Jhaira. “Oo nga eh. Lagot sana ako ngayon kau daddy. Baka tanggalan ako ng allowance,” saad naman ni Honey. “Back to work na nga tayo, baka mas lalo tayong malagot kung wala tayong matapos.” Nang tumango ang lahat ay kanya-kanya na silang focus saga ginagawa ngunit hindi pa man uminit ang upuan nila ay nagulat sila sa malakas na pagsara ng pinto mula sa office ng department head nila. Padabog na lumabas mula dito si Leslie na mukhang galing sa pag-iyak. Deretso ito sa table niya at kinuha ang bag. Pagkatapos ay mabilis ang mga hakbang nito na lumabas sa department nila. Hindi naman nagtagal ay humahangos na lumabas naman si Mr. Guhit. Marahil ay para sundan ang babae. Lahat sila ay nakatingin lang sa pintuang nilabasan ng dalawa. “This is bad,” rinig niyang bulong ni Jhaira. “Mukha ngang malala,” sang-ayon ni Honey. Na-guilty naman si Honey sa nangyari. Baka nga wala talagang alam ang babae na ginawa siyang kabit. Hindi niya mapigilang mag-alala. Baka kung ano pang gawin nito sa sarili ngayon na nalaman nito ang totoo. “Hoy, natulala ka dyan,” sita ni Jhaira sa kanya. “Natakot ako. Baka kung ano ang gawin ni Leslie sa sarili niya,” nag-alala na wika niya. “Ayan, mukhang ma-back to you ka ginawa mo,” nag-alala ring wika ni Jhaira. “Sana pala di ko na sinabi yon,” may pagsising wika ni Honey. “Nako, Miss Hon. Hayaan mo na yon. At least, habang maaga pa ay alam niya kaysa habang buhay siyang maging kabit,” pakunswelo ng isa sa mga kasama nila. “Paano kung may gagawin siyang di maganda?” Hindi pa rin mapakali si Honey. “Na kay Leslie na yon kung paano niya i-handle yon,” sabi pa ng isa. “In the first place, kasalanan niya yon. Hindi niya inalam ang totoong status ng lalaki bago siya pumatol dito.” “Tama, tama,” sang-ayon ng lahat. “Pero alam mo kanina, ang astig ni sir Zack magsabi ‘touch her! Or you fire!’ ang galing. Buong-buo ang boses,” kinilig na wika ni Jhaira. “Oo nga,” sang-ayon ng isang babae. “Itsurang may gustong bakuran at protektahan.” “Sa true. May chemistry kayo, miss Hon,” sabi pa ng isang kasamahan nila na parang kilig na kilig sa nangyari. Napailing na natawa na lang si Honey. Kapag talaga ganitong pagkakataon nagkakaintindihan lalo na pagdating sa crushes nila sa buhay. “Pag yang si Miss Hon at sir Zack ang magkatuluyan, sure ako ang gaganda ng mga lahi nila,” tuloy nila sa kwentuhan. “Naman. Given na talaga yan. Kahit siguro di sila maliligo ng ilang araw ang fresh pa ring tingnan,” sabat pa ng isa. “Oy, oy, oy, kayo ha? Tigilan nyo ako. Nanahimik yong tayo, dinadamayan nyo pa. Saka, asa naman kayong magugustuhan ko yon?” Putol ni Honey sa imagination ng mga kasama. “Di mo talaga magustuhan yon?” Tanong ni Jhaira sa kanya. “Hindi. Kahit magunaw man ang mundo. Never mangyayari yon,” may paninindigan sagot Honey. “Sure na talaga yan?” Kulit pa ni Jhaira. “Yes. Sure na sure. Cross my heart. Over my dead sexy body!” Sagot ni Honey. “Okay. Sabi mo eh,” sukong saad ni Jhaira. “Still, my vote is for you and him ang end game.” “I agree,” sabat naman ng isa. “I second the motion,” dagdag pa nilang lahat. Natatawang ipinagpatuloy na lang ni Honey ang ginagawa. Di naman nagtagal ay naging tahimik na ang paligid. Lahat sila ay naka-focus na sa ginagawa. Kaya naman ay nag-concentrate na rin sa Honey sa trabaho. Inalis muna niya sa isip si Leslie na kanina ay nag-alala siya baka kung ano pang gawin nito sa sarili. Inisip na lang ni Honey na matanda na ito. Alam na nito kung ano ang tama at mali kaya kahit paano ay nabawasan ang pag-alala niya. Nabulabog ang lahat na may telepono na biglang tumunog. Kaya naman ay mabilis ang pagsagot nito sa isa sa mga kasamahan nila. “Hello?” sagot ng isa kasamahan nila. “Sige, po.” Lahat sila napatingin dito matapos maibaba ang telepono. Lahat nag-aabang sa sasabihin nito. Napakunot ang noo ni Honey ng tumingin ito sa kanya. “Bakit?” tanong ni Honey dito. “Pinatawag ka sa taas,” ani nito sa kanya. “Ako? Bakit? Saan?” Sunod-sunod na tanong niya. “Sa opisina ng daddy mo,” sagot nito. Napabuntong hininga na lang si Honey at tumango. “Alright, punta muna ako sa taas.” Yun lang at lumabas na siya sa department nila. Deretso siya sa elevator at pinindot ang top floor kung saan ang opisina ng daddy niya. Medyo kinakabahan pa siya dahil panigurado na may kilalaman ito sa nangyaring sabunutan nilang dalawa ni Leslie. Baka nagsumbong ang assistant ng daddy niya kaya agad nalaman ng huli ang nangyari.“What's happening here?”“Babe!” Sigaw ni Leslie pagkalabas ng lalaki agad itong yumakap at nagsumbong pa. “Sinabunutan niya ako!”Napataas naman ang kilay ni Honey sa narinig. Naalala niyang may asawa itong department head nila. At sigurado siyang hindi ang babaeng ito. “Excuse me, siya ang nauna,” depensa ni Honey sa sarili. “No, babe. Siya ang nauna. Pinakiusapan ko lang siya na dalhin ang papeles na ito sa office ng daddy niya pero ayaw niya. Tapos sinabihan pa ako na wala akong karapatan na mag-utos sa kanya dahil anak daw siya ng may-ari ng kumpanya,” sabi pa ni Leslie. Napangiti na lang ng hilaw si Honey sa kasinungalingan ng babae. Hindi niya akalain na may mga taong kayang i-down ang iba para lang umangat sila. At na-experience na niya yon, ngayon-ngayon lang.“It's true, Miss De Guzman?” Tanong ng department head nila. “No, sir,” tanggi ni Honey. “Lier!” Sigaw ni Leslie. “No! Nagsisinungaling siya!”Hindi na napigilan ni Honey ang sampalin ang babae kahit nasa harap pa
“Girl, try this one,” sabi ni Honey sa kaibigan na si Jhaira. Lunch break kaya naisipan ni Honey na sumaglit sa isang mall. Wala naman problema kahit ma-late sila dahil sa kanila naman ang kumpanya. At dahil kaibigan niya si Jhaira ay damay din sa kanya. “Ay, hindi. Ikaw na lang,” nakangiwing wika ni Jhaira. “Why? I'm sure, bagay ‘to sayo,” giit ni Honey. “Oo nga, bagay sa akin. Pero ang presyo, hindi bagay sa akin.”“Ito naman, parang 5k lang.”Naparolyo naman ng mata si Jhaira sa kaibigan. “Girl, mukha bang afford ko ang 5k?”“Sinabi ko bang ikaw ang magbayad?” Ganting irap ni Honey. “Of course, isukat mo dahil kapag kasya sayo, libre ko yan sayo.”“Nako, girl. Wag na. Nakakahiya,” sagot ni sagot. “Mas nakakahiya kung pinahiya mo ako dito kasi tinanggihan mo ako, gusto mo ba yon?” Bulong ni Honey sa kaibigan. “Sige na nga mapilit ka,” sabi na lang ni Jhaira at kinuha ang damit na nais pasukat ni Honey sa kanya. Hindi naman nagtagal ay lumabas si Jhaira mula sa dressing room
Past five na ng hapon kaya mabilis na inayos ni Honey ang gamit niya isa-isang isinilid sa bag niya. As usual, wala na naman siyang ginagawa kaya ayon nag-make up session na lang siya sa desh niya. “Bye!” Paalam niya sa mga kasama. “Bye!” Sabay na sagot ng mga ito. Sa halip na bumaba ay top button ang pinindot niya nang makasakay siya sa elevator. Balak niyang sumabay sa ama pauwi. Na-miss niya ang panahon na hatid sundo siya ng ama. Nagulat pa siya ng buksan niya ang pintuan ng opisina ng ama. Nakasalubong niya sa Zack na ngayon ay papalabas na. “H-hi,” halos mautal na bati niya dito. As usual, umuko lang ito bilang pagbati sa kanya. Nilagpasan lang siya ng lalaki patungonsa desk nito. Bagay na ikakunot ng noo ni Honey. “Haizt, pipi ba ang lalaking yon? Mahal ba ang bayad kapag masalita siya?” Inis na tanong niya sa sarili. Naparolyo na lang siya ng mata. “Whatever! Bahala siya sa buhay niya! Hmmp!”Tuluyan siyang pumasok sa opisina at nakita niya ang ama na busy pa sa mga pa
“Ouch!” Napaigik sa sakit si Honey Jane dahil sa pagka tapilok niya mula sa unang baitang ng hagdan kung saan siya naroroon ngayon. “Are you okay?” Tanong ng kaibigan niya na si Jhaira. “Girl, do I look like I'm okay?” maarting bulyaw ni Honey sa babae. “Ito naman, nag-alala lang naman.”“Kitang hindi ako okay, nagtanong ka pa,” bulyaw pa ni Honey. “Edi, sorry. Sorry kung nag-alala ang tao sayo,” ganting bulyaw ni Jhaira sa inunahan ng akyat si Honey papunta sa 3rd floor kung saan ang opisina nila. Napangiti na lang si Honey sa reaction ng kaibigan niya. Hindi pa talaga sanay tong kaibigan niyang ito sa ugali niya. Para siyang isang panahon na bigla na lang uminit sa kasagsagan ng bagyo o kaya naman ay umulan kahit may araw naman.Agad naman sinundan ni Honey si Jhaira sa opisina nila. Baka mahawa pa ito sa pabago-bago niyang ugali. Baka sa huli, siya pa ang mahihirapan na amohin ang kaibigan niya. “Good morning, miss,” bati ng ilang empleyado pagpasok niya sa opisina. “Morn