Share

CHAPTER 2

After the ceremony, nilapitan kami ni Grand Alster, inaasahan ko na talaga ito kaya ready na akong ipagmayabang ito sa kanya pero hindi sa pagkakataon ito.

"Congratulations Henry, and to you Mrs. Lily Alster."nakangiti nitong sabi. Pero mas malaki ang ngiti ko ng marinig ko ang buong pangalan ng aking asawa. Damn! Ganito pala ang pakiramdam kapag may babae nang nakahawak sa apelyido mo. Oh hindi kaya bagay lang talaga sa kanya ang apelyido ko.

"Thank you, Grand Alster." sagot ko at tinanggap ang pakikipagkamay at dagliang niyakap siya. Tinapik niya ako sa balikat at nagsalita.

"You make me proud, Apo. Your wife is very beautiful and I can see it in her eyes that she’s a good woman." bulong nito.

"Are you happy, Mrs. Alster?" baling nito kay Lily na nakapagwala ng natural kong ngiti. How can she be happy? Napilitan lang naman siyang magpakasal dahil kailangan.

"Of course, Sir." nakangiti nitong sabi pero alam kong hindi iyon totoo. Ofcourse, I know.

"Oh no! Call me Lolo from now on." magiliw nitong sabi naikinatawa ni Lily.

"Ba't ang unfair mo Grand? Hindi ka naman nagpapatawag sakin ng Lolo ahh?" kunyaring nagtampo ako.

"Ehh, ano ngayon?" baling nito sakin. Seryoso na ang mukha nito na ikinatiklop ko. Grandfather maybe looks jolly and funny but he’s somewhat intimidating and serious sometimes.

"HAHAHAHAHA, biro lang apo. Pagpasensyahan mo, pero si Lily lang ang gusto kong tumawag sakin ng Lolo wag ka sanang magtampo matanda na kasi ‘yang mukha mo edi mas tatanda ako lalo" nakangiti nitong sabi at bumaling ulit kay Lily. Napasimangot ako at napapailing nalang. This old man!

"Apo, bigyan mo ako ng maraming apo sa tuhod ahh. "biro nito na pilit nginitian ni Lily.

"Grandpa naman, ‘wag mong e pressure ang asawa ko. Tsk, doon ka na nga." biro kong sabi.

"Tsk, alagaan mo ang asawa mo. Pag ‘yan pinaiyak mo, wala kang makukuha ni centavo galing sakin." seryoso na nitong sabi kaya natatawa akong tumango at tinapik siya sa kanyang balikat.

"Sige na't magpapahinga na muna ako. Congratulations to both of you." huling sabi nito bago niya kami tinalikuran. May mga bumati sa’min at walang sawang pasasalamat at ngiti ang itinugon namin sa kanila. Binalingan ko si Lily at nakita ko ang kaunting pawis sa kanyang noo at leeg.

“You’re sweating, gusto mong magpalit?” tanong ko at pinahiran ang noo niya gamit ang likod ng aking palad. Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko ngunit hindi na lamang nagsalita.

“Ayos lang ba? Ang init ng damit na ito, para akong nasa disyerto.” natatawa niyang sabi kaya napangiti ako habang pinagmasdan siyang pasadahan niya ng tingin ang kanyang kabuuhan.

“Of course, babalik naman tayo mamaya. Let’s go, I'll show you to your room so you can change." sabi ko sa kanya. Tumingin siya sakin at tiningnan ako ng may pagtataka.

"Paano ang mga bisita? Okay lang bang iwan natin sila? At tsaka may kwarto ako? I thought–"

"It's okay, may aasikaso naman sa kanila. And about your room, yeah, you have your own room.” sabi ko. Hinaplos ko ang kanyang magandang mukha na ikinagulat niya. Napangiti ako sa kanyang naging reaksyon. “I don't want to force you to be with me in one room, Lily. I don't want to force you to sleep in one bed with me. I can wait, hanggang sa maging handa ka. Alam kong naninibago ka pa at alam ko ring hindi magiging madali ito para sayo. Iniisip ko lang ang mararamdaman mo, ayaw kong pilitin ka at maghihintay ako hangang sa maging handa ka.” dagdag ko. Kumislap ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin at hindi ko mapangalanan ang emosyong nakikita ko sa kanyang mga magagandang mga mata. Tila isa iyong napakagandang tanawin na nais kong pagmasdan bawat sandali.

“Besides, matagal pa naman ang kontrata." natawa ako sa huli kong sinabi. Natawa sya at tumango at bahagya pang umiling na para bang hindi niya inaasahan ang aking mga sinabi.

Oo nga't kailangan kong magkaroon ng anak, pero ayaw ko siyang pilitin at ayaw ko siyang madaliin. I don't want to force her in any way because the moment I saw her, it seems like I was obliged to take care of her. Ganon yung naramdaman ko, kakaiba.

"Come with me, then." sabi ko at inilahad ko ang aking kamay na agad naman niyang tinanggap. Her hand is like a cotton, it was so smooth but she's shaking. Inalalayan ko siyang makaakyat sa hagdanan hanggang sa makarating kami sa kanyang kwarto. Bahagya kong binuksan at pinauna siyang pumasok.

"Welcome to your new room, Lily." sabi ko ng makapasok kami. Malaki ang kwarto niya, malaki ang kama at merong bed side table sa tabi nito. Nakapatong naman ang isang malaking lampshade. May sarili rin itong study table at bookshelf nang sa ganon ay hindi na niya kailangan pumunta sa library kung gusto niyang magbasa. May sarili rin siyang TV at mga gamit na kakailanganin niya. The theme is so feminine, makikita palang sa unang tingin lang. Sinadya ko talagang ipaayos ito pagkauwi ko ng araw na nainterview ko siya. I am not excited, I just want her to feel comfortable.

Pinagmasdan ko siyang pagmasdan ang kwarto niya at makikita sa kanyang itsura ang paghanga at pagkamangha.

“Sigurado ka bang sa’kin ang kwarto na ito? Napakalaki at napakaganda.” baling niya sa akin.

"You deserve this." sagot ko.

“I am?”

“Hmmm. You can change now, may mga gamit kana d’yan. You can wear whatever you want. It's all yours." nakangiti kong sabi sa kanya na mas lalong ikinamangha niya. Muli niyang inilibot ang kanyang paningin at nasisiguro kung masaya siya sa kanyang nakita.

“I’ll go to my room now, kumatok ka lang pag may kailangan ka okay? Sa kabila lang ang kwarto ko." paalam ko upang makapagbihis na siya. Tatalikod na sana ako ng magsalita siya.

"Ahh, ano…”

“May kailangan ka ba?" tanong ko. Bakas sa mukha niya ang pag-alinlangan.

"Hmm, ano kasi. Paano ang kapatid ko?" alinlangan niyang sabi. Nginitian ko siya to make her know that there's no need to worry.

"I'll take care of him, don't worry.” nakangiti kong sabi. Bagaman may pag-aalinlangan sa kanyang mga mata at nais niya pang magtanong ay pinili niyang ngumiti na lamang at hayaan ang bagay na iyon sa akin bagay na ikinangiti ko dahil ibig sabihin may tiwala siya sa’kin.

“He is now my brother-in-law and everything that was related to you is now my responsibility. May kwarto na rin siyang nakalaan dito sa bahay." nakangiti kong sabi, pero tumitig lang ito sa’kin. I froze when she hugged me. I didn't expect that coming. My heart skipped a beat and heat is consuming my body. What’s wrong with me? There’s a tingling sensation that runs through my body. Shit, I’m fucked up.

"Thank you.”

"You're always welcome." bulong ko, kumalas siya sa pagkakayakap at nginitian ako. Iyong ngiti na natural na natural.

“Magpapalit lang ako." paalam nito at tumalikod na papasok sa closet niya.

"Now, I have reason to be happy every day." bulong ko bago tuluyang lumabas sa kanyang kwarto.

I went to my room ang changed my clothes. Ako man ay naiinitan din sa aking suot. Makalipas ang kalahating oras ay napagdesisyonan kong lumabas para puntahan siya pero natigilan ako ng sabay kaming nagbukas ng pinto. She is now wearing an elegant white dress. Napakaganda parin kahit wala na ang make up sa kanyang mukha. Ngumiti siya kaya sinuklian ko naman ang ngiti niya.

"Hey." mahina niyang sabi.

"Hey, do you feel better now?" nakangiti kong sabi at lumapit sa kanya.

"Yeah, thanks." sagot nito at tuluyang isinara ang pinto.

"Let's go downstairs then, sigurado akong may mga bisita pa doon." sabi ko sa kanya at inilahad ang kamay ko na agad naman niyang tinanggap. Naramdaman ko parin ang alinlangan niya but I’m trying to make her comfortable with me.

"Relax, wife, don't stress yourself. Just act naturally. Nandito lang ako, okay? paninigurado ko sa kanya.

"Hindi ko maiwasan eh, nag-aalala ako sa kung ano ang sasabihin nila. Alam kong alam nila na hinired mo lang ako upang maging asawa mo, at hindi iyon normal. Hindi ko alam kung paano ako kikilos at makihalubilo." may pag-aalala sa boses niya.

"They knew, but they don’t matter, Wife. Trust me, I can handle this. I won't let them think something bad about you. Will you trust me?” sabi ko.

"Can I trust you?" sagot din niya na may kaunting ngiti sa labi na ikinangiti ko.

"If you want to." nakangiti ko na talagang sabi at kumindat dahilan upang matawa siya.

"Ok then, I'll trust you." and at this very moment, I saw her genuine smile again. Gusto kong makita iyon palagi. Gusto ko iyong natural na ngiti niya na mas lalong nakapagpaganda sa kanya.

Nang nakarating kami sa baba ay napatunayan kong tama nga ako, marami paring tao at lahat may kanya-kanyang mundo. Nilapitan kaagad kami ng isa sa mga cousin ko, si Scarlett. She is a model and she's very perfectionist and meticulous.

"Hi Couz, I'm sorry if ngayon lang ako nakalapit sa inyo, sinisingatan ako palagi kanina. Tsk." maarte niyang sabi. Kasabay ng kanyang pag-irap ang paghawi niya sa kanyang buhok.

"It's okay, I want you to formally meet my wife, Lily. Wife, this is Scarlett, my cousin." sabi ko sa kanya. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Lily sa kamay ko at tila ba'y nagustuhan ko kung paano niya ako hawakan. Pinisil ko ang kamay niya upang maramdaman niya na hindi ko siya pababayaan.

“Hi, please to meet you.” nakangiti niyang sabi.

"Ohhh, Mrs. Lily Alster. What a nice name huh! Bagay na bagay. " sarkastikong sabi ni Scarlett. Bagaman nakangiti ay mahihimigan ang pagiging sarkastiko niya.

"Scarlett, please." pakiusap kong sabi. Alam ko na ang ugali niya at hindi niya titigilan si Lily.

"What? What's wrong? I didn't do anything." inosente niyang sabi. "Well, Lily? How does it feel being Mrs. Alster now? Everyone is aiming to have it in their names but you won." nakangisi nitong sabi. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Lily. Magsasalita na sana ako ng magsalita siya.

"Scarlett, right? Well, to tell you honestly Scarlett, it was great. I’m glad I won." nakangiti na niyang sabi. Hindi ko inaasahan iyon, bagaman makikita sa kanyang kataohan ang pagiging palaban.

"Hmm, talaga? Well, ano bang aasahan kong sagot? Diba you're marrying him for money? He hired you to be his wife, right? That’s why you’re feeling great." she was smirking. She's a bitch.

"Oh, hindi ko alam may class pala ang pagiging chismosa, akala ko kasi para lang ‘yon sa mga hampas lupa?" nakangiti pa rin niyang sabi na nakapagpagalit kay Scarlett.

"Scarlett please, enough. Don't ruin our day." pakiusap ko.

"My dear cousin, I’m not ruining your day. Were just having a very nice conversation here, right Lily? Well, my dear cousin in law, I’m not chismosa. It just happened that I belong to this family." sarcastic parin nitong sabi.

"So? Look, I don’t demand you to like me or to accept me but just respect the fact that I am your cousin’s wife. Our situation may seem complicated and beyond normal but valueed this situation. It just happened that he needs a wife, and I need a money not for my own fortune and own sake but for someone who’s dear to me. So don’t judge me because I did this, judge yourself for humiliating me on the day of my wedding and in front of my husband." malumanay at kalmado niyang sabi ngunit mababatid mo ang diin at pagkaseryoso nito. Bigla namang tumawa ng malakas si Scarlett na ikinagulat naming lahat.

"Ohh My God. Couz!! You chose a feisty woman. I like her! I like her!" nakangiti nitong sabi, bahagya pa siyang nagtatalon sa tuwa. Hindi ko nagawang magsalita at mukhang hindi lang ako. Alam ng lahat nang nandito na hindi basta-basta magkakagusto si Scarlett sa isang tao. Lalo na kung mga babaeng involve sa pamilya namin. Lumapit siya kay Lily at niyakap ito bigla.

"I'm so happy, my God! I like you for my cousin and I want to be friends with you. I’m sorry for being mean, I’m just testing you hehe. Is it okay?" nakangiti nitong tanong ng kumalas ito sa yakap. Maging si Lily ay natigilan din sa pagbabago ng ugali nito.

"Ahhh, I don’t know what to say." alinlangang tugon ni Lily.

"Please, Lily. I like how feisty you are. I like your fighting spirit. I like how honesstraightforwardorward you are. And I want a friend like you." nakangiting sabi niya.

"O sige, ikaw bahala." mahinang sabi ni Lily.

"Really? Everyone! We are friends now! Thank you." sabi nito at yumakap ulit kay Lily na alinlangan paring tumugon sa yakap niya.

Hindi na tinantanan ni Scarlett si Lily. Ipinagpaalam niya ito sakin na hihiramin muna niya ito sandali. I saw how happy she is, talagang gusto niya si Lily at masaya ako. Wala akong magawa kaya hinayaan ko nalang muna.

Nakikipagbatian ako sa iba pa naming kaanak. They always told me how beautiful she is, and I feel so proud. Ilang sandali lang nang lumapit si Lily sakin.

"Are you alright? Anong sabi ni Scarlett?" tanong ko.

"I'm okay. Masaya ako dahil maganda ang trato nila sakin." nginitian niya ako.

"Cheers for the newly weed! Cheers!" sigaw ng isa sa mga cousin ko.

"Cheers!" sigaw ng lahat at sabay sabay nag taas ng baso ng wine.

"Kiss! Kiss! Kiss!” sigaw ng mga dalaga at binatilyo at nag-iingay gamit ang kanilang mga baso na bahagyang pinukpok ng kutsara. Tiningnan ko ng may pag-alinlangan si Lily, nakita ko siyang lumunok at naging malikot ang kanyang mga mata. Maya-maya lang ay napabuntong hininga siya at tumingin sa aking mga mata.

"I'm fine, do it." sabi niya. I slowly grabbed her waist, and I smiled at her.

"God knows how I wanted to kiss you since I saw you that day on the interview." mahina kong sabi na nasisiguro kong kaming dalawa lang ang makakarinig. Napakurap siya kaya mas lalo akong napangiti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status