Share

CHAPTER 4

"Good evening, Grandpa."

"Good evening." bati nito pabalik. Hindi man lang ako tiningnan dahil nakatutok ito sa asawa ko. Ang ngiti niya ay hindi nawala sa kanyang labi at ganon nalang ang pagkamangha ko sa aking nakita.

"Good evening po, Lolo." nakangiting bati ng aking asawa.

"Good evening, Apo. Halika't maupo ka nang makapaghaponan na tayo." nakangiti parin nitong sabi.

"Tsk." bulong ko.

"What now?" baling niya sakin. Napanguso ako at napailing.

"Nothing." sagot ko. Tiningnan lang niya ako at bumaling ulit kay Lily.

"Kumain ka ng marami Apo, balita ko ay paborito mo ang kare-kare at sinigang?"

"Opo, Lolo. Actually, paborito po namin 'yan ng kapatid ko." nakangiti niyang sagot.

"Mainam, sige na at kumain kana habang mainit pa." Utos ni lolo. Nilagyan ko ng pagkain ang plato niya kaya napatingin siya sa akin. Napakurap siya ngunit agad ding ngumiti.

"Salamat." Sabi niya kaya tumango lang ako at ngumiti.

"Nasaan pala ang kapatid mo apo? Bakit hindi mo isinama dito, maging sa seremonya kanina ay hindi ko nakita?" tanong ng matanda. "Ang mga magulang mo Apo? Bakit hindi sila dumalo?" dagdag niyang tanong.

"Wala na po akong magulang Lolo eh, ako at ang kapatid ko nalang po ang magkasama pero nasa hospital po siya ngayon." paliwag niya. Natigilan si Grandpa sa narinig, maging ang pagnguya ay napatigil siya.

"I'm sorry. Kumusta ang kapatid mo? Sinong nagbabantay sa kanya ngayon?" may pag-aalala sa tinig ni Grandpa nang tanungin siya nito. Tumingin ako sa kanya at batid kong malungkot siya sa sandaling ito. Siguro ay naaalala niya ang nangyari at maging ang kalagayan ng kanyang kapatid.

"Hindi ko pa alam lolo eh, noong huling punta ko doon ay wala pang maibigay na impormasyon ang doctor. Hindi pa nila nagagawa ang ibang test dahil wala akong perang pambayad sa kanila. Nakiusap ako pero hindi talaga nila gagawin 'yong test kapag walang pera. Nasa pribadong hospital kasi kami at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Nakakahiya mang aminin pero iyon talaga ang dahilan kung bakit ako naririto, huwag niyo po sana akong husgahan sa desisyon kong ito pero wala napo talaga akong matakbuhan sa nangyayari sa amin ngayon." nakayuko niyang sabi at nang balingan ko si Grandpa ay nakatingin na siya sa akin. Nagtatanong ang kanyang mga mata.

"Henry? Anong balita? Inaasahan kong may nagawa kana para don?" seryoso niyang sabi.

"Yes, Grandpa. Actually, I've  already talked to the best team they had to do the operation. But, can we talk later? I have something to discuss with you." sabi ko.

"Good." Sabi niya. "Huwag kang mag-alala apo, tutulungan ka namin tungkol diyan. Tungkol naman sa sinabi mo, I know everything." Dagdag niya at tiningnan ako. Bahagya akong kinabahan.

"Huwag mong isiping huhusgahan kita dahil nakikita ko sa iyong mga mata ang mga bagay na kaya mong gawin para sa iyong pamilya. Hindi kalabisan at mas lalong hindi iyon dapat husgahan dahil ginawa mo lamang ang nararapat para sa iyong kapatid at hanga ako doon. Iyon ay pagmamahal na handang magsakripisyo. Isinasakripisyo mo ang iyong kalayaan, ang iyong dangal at dignidad para sa kapatid mo at hindi iyon mapapantayan ng ano mang halaga sa mundong ito. Hinihiling ko lang na sana matutunan niyo nalang mahalain ang isat-isa." Mahaba niyang sabi.

"O sige na, kumain na tayo. Hindi dapat pinaghihintay ang pagkain, nawawala ang grasya." May kung anong humaplos sa aking puso. Ang kaninang pag-aalala na aking naramdaman ay napalitan ng tuwa at saya. Nang lingonin ko si Lily ay nakapako na ang kanyang paningin kay grandpa habang may namumuong luha sa kanyang mga mata. Hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil iyon. Tiningnan niya ako at ngumiti.

Maya-maya lang ay binasag ko ang katahimikan.

"Guto mo bang bisitahin ang kapatid mo bukas?" tanong ko at agad naman siyang napangiti.

"Oo sana. Paniguradong namimiss na niya ako." Sagot niya.

"Ok then, we'll going to visit him tomorrow." Tumango naman siya.

"How old are you Apo?" kapagkuwa'y tanong ni Grandpa.

"Mag 26 na po ako sa susunod na buwan Lolo, June 8 po." sagot niya.

"Aba'y malapit na pala. Sabihin mo lang kung anong gusto mo sa birthday mo. We'll going to celebrate it together. " nakangiti nitong sabi.

"Salamat Lolo pero wala po akong ibang gusto sa ngayon kundi maging maayos ang lagay ng kapatid ko. Hindi na po kailangan ng handa, sanay na po ako lolo."

"You are now belonged to this family. We should celebrate." nakangiti paring tugon nito na ikinangiti ko. Ramdam na ramdam ko ang pagkagusto niya kay Lily at masaya ako sa nakikita ko. Natapos kaming kumain na hindi nauubusan ng topic. Napakadaldal ni Grandpa, hindi magpirmi ang bibig palaging nagtatanong kaya ang dating tahimik na hapagkainan ay nag-iba. Naging masaya ang pag-uusap namin habang kumakain at dahil iyon sa asawa ko. Kakaiba ang kanyang presensya, para bang gumaan ang pakiramdam namin ngayong nandito siya.

"Maiwan ko na kayo dyan at magpapahinga na ang matanda." hapong-hapo na sabi nito na ikinatawa naming pareho ng asawa ko.

Asawa ko. Napakagandang pakinggan.

"Sige po, Grandpa. Can I come to your room later? " sagot ko.

"Yes. Don't  take too long. I want to sleep early."

"Yes po, Grandpa."

"Goodnight po, Lolo." sabi ni Lily.

"Goodnight, Apo."

Tinapos namin ang pagkain at pagkatapos ay nagpaalam ako sa kanya.

"I'll  just go to Grandpa, can you wait for me here? I want to show you something."

"Sige."

"Nay, pakiligpit nalang po ito ahh." baling ko kay Nanay Nelly.

"Sige anak, walang problema. Lily, anak wag kang mahiya sakin at tawagin mo lang ako pag may kailangan ka ha?"

"Sige po nay, salamat." nakangiti niyang sagot. Ni minsan ay hindi ko nakitang hindi siya nakangiti sa tuwing sasagot ito sa kausap niya. Palagi itong may laang ngiti para sa mga taong nakapaligid sa kanya bagay na hinangaan ko sa maikling panahon na nakilala ko siya.

Agad akong pumunta kay Grandpa. Something is bothering me.

"Grandpa, I have something to tell you. I have talked to our doctor about her brother's  condition and he said it might be a serious case. They're running some test and I'm  waiting for the results. Can I bring a team from Canada here?" Paalam ko sa kanya.

"Do everything that you think is necessary. Take good care of everything. You have my support." Sagot niya.

"Thank you, Grandpa." Sabi ko. "Anyway, wala ka bang sasabihin sakin o itatanong tungkol kay Lily? tanong ko. Ngumiti siya at napailing.

"Aren't  you wondering why I didn't do anything after knowing the truth?" Tanong niya sakin. I was taken aback. I also wonder, but I chose not to mind it.

Ngumiti siya. "I know her even before you know her." Dagdag pa niya. It shocked me.

"What do you mean?"

"She doesn't remember because she was in a hurry that time and I was not able to ask her name. She saved my life, Henry. I owe her my life." Paliwanag niya.

Napatanga ako. " I was looking for her after that incident, but it's really hard to find someone without any hint of her. I don't even know her name, I only remember her face." Dagdag niya.

"Is it why you're  not against this contractual  relationship?"

"Yes, I would have let you marry her before if I happen to find her first. Maybe it was fate who brought you two together without even me trying." He said. "Can you promise me one thing?"

"What is it?"

"When the time comes, can you marry her again?" Napangiti ako.

"I promise." Sagot ko. Agad ako nagpaalam at umalis. Ang gaan ng pakiramdam  ko. Hindi ko inaasahan 'yon. My wife is my Grandpa's saviour. What a coincidence.

Pinuntahan ko agad si Lily na naghihintay sakin sa baba.

"Sorry to keep you waiting, let's go? I'll show you something." sabi ko. Marahan ko siyang hinila sa kanyang kamay. Dinala ko siya sa isang kwarto kung saan nakapaloob ang ibat-ibang uri ng instrumento.

"Wow. This is all yours?" mangha niyang tanong. Iginala niya ang kanyang paningin sa kabuuhan ng kwarto. Ang paghanga ay makikita sa kanyang mga mata.

"Yeah, lahat ng gusto kung matutunang tugtugin ay nandyan." sagot ko.

"Do you want me to play you a song?" suhesyon ko sa kanya. Nilingon niya ako at agad na tumango.

Another day passes by, I'm dreamin' of you,

And though I know it might be just a dream, dreams come true,

Somewhere, somehow, I'll find you even though it takes all of

My life {all of my life}

And when I finally do {and when I finally do}

I know inside my heart { I know inside my heart}

That there could be no doubt, I knew it from the start

you are the one

That I've been searching for my whole life through,

{ You are the one} you are the one that I've been looking for

And now that I have found you,

I'll never let you go

I'll hold you in my arms

You are the one

I know from the day I saw her, it's her who I've  been dreaming of.  And from the day I bowed with her, I told myself not to let her go. I don't have a plan to let her go now, even if this is just a contract.

Matapos kung kantahin ay ang malakas na palakpak niya ang narinig ko.

"Wow! You're amazing." manghang sabi niya.

"Thank you." Sagot ko. Nilapitan naman niya ang set ng drums na pinakiusap ko pang ipabili kay Grand Alster sa ibang bansa.

"Kahit kailan hindi ako matututo sa mga ito. Hindi ko alam at kung bakit ipinanganak akong walang talento. " sabi niya at binitawan ang stick.

"May talento ka naman sa pagluluto. Wag mong maliitin ang iyon sarili dahil hindi lahat marunong magluto at iyon ang meron ka na dapat mong ipagmalaki." sabi ko ngunit sumimangot lamang siya.

"Hindi naman iyon talento, sadyang natuto lamang ako dahil walang gumagawa para sa amin ng mga iyon. Natuto kaming mamuhay ng kami lang ng kapatid ko kaya sa murang edad ay natuto ako sa mga bagay-bagay." sabi niya. Muli niya pang hinampas iyon tsaka niya binitawan.

"Lahat naman ng talento ay natutunan, Lily. Lahat ng bagay ay pinag-aaralan upang maging bihasa ka. Kaya alinmang bagay na magaling ka ay matatawag iyong talento."

"Ngunit may talento na tinatawag na in born, Henry. Hindi na iyon kailangan pang pag-aralan at sa halip ay papalaguin lamang dahil taglay mo na ang talentong iyon. Dumadaloy iyon sa iyong dugo kaya ang pagpapalago ay hindi na kailan man mahirap para sa kanila." pagpapaliwanag niya.

"Gusto mo bang matuto kung paano gamitin ang mga iyan?" kapagkuwa'y tanong ko. Nilingon niya ako at ngumiti.

"Oo naman. Pangarap ko yatang matutong mag piano at mag gitara.  Sa school kasi namin noon, may banda. May mga club ding sasalihan sa mga estudyanteng gustong matuto ng ibat-ibang instrumento. Gusto ko sanang sumali ngunit hindi ako pwede. Kailangan kasi kaming magkaroon ng kahit isang instrumento bago makapasok doon, kasamaang palad wala kaming pambili kaya nakuntento na lamang ako sa ibang club kung saan talino ang puhunan." natatawa niyang kwento.

"I'll teach you then." sabi ko. Gusto kong tuparin 'yong pangarap niya. Ano ba naman at turuan ko ang aking asawa, hindi iyon impossible.

"Talaga?" nakangiti niyang tanong nang balingan niya ako. Nakakatuwa ang kislap ng kanyang mga mata na animo'y nasasabik sa isiping iyon. Tila isa siyang bata na hindi makapaghintay na turuan ng kanyang magulang kung paano gamitin ang isang laruan.

"Hmm, why not?" nakangiti kong sabi.

"Yays, finally!" excited nitong sabi na mas lalong nagpapangiti sakin.

"I'll show you to our library."

"Sige." Sagot niya kaya agad ko siyang dinala doon.

"Napakalaki ng library na ito. Para naman itong bookstore, mas malaki pa yata ito sa bookstore." manghang sabi niya bago tuluyang lumapit sa mga librong maayos na nakahanay sa malaking bookshelf. Ipinasadya ko ang kwartong ito para lamang sa mga libro. Ang lalagyan ay sinadyang idikit sa dingding habang nakapalibot sa buong kwarto. May mga estante ring nakahanay sa gitnang bahagi kung saan mga malilit na libro ang nakalagay doon at sa gitna naman ay may lamesa at upuan para sa gustong tumambay doon at magbasa.

"I love books. Lahat ng mga gusto kung basahin at lahat ng librong naaagaw ang atensyon ko ay agad kong binibili." kwento ko. Iba kasi pag nagbabasa ka, hindi ka lang binibigyan ng bagong kaalaman binibigyan ka rin ng kalayaan makapaklakbay.

"

Nabasa mo na 'to lahat?"

"Hindi, ang iba nito kay Grandpa, ang iba ay regalo ng mga kaibigan ko. Hindi ko pa tapos basahin lahat." sagot ko. Lumapit siya sa isa pang hanay na mas lalong ikinamangha niya.

"Novels?!" sigaw niya.

"Hmmm, collection ko 'yan galing sa mga favourite authors ko. From jonaxx, Cecelib, Maxinejiji, Blue_maiden, Mariellecious, Owwwsic at tsaka kay KIB. Marami pa dyan, you can read it if you want." nakangiti kong sabi. Hindi siya nagsalita dahil manghang-mangha parin siya sa nakikita.

"I'll show you to our exercising room." sabi ko ng sa tingin ko'y tapos na niyang pagmasdan lahat.

"Okay." nakangiti niyang sagot ng lumingon sakin. Dinala ko siya sa exercising room ng bahay.

"This is amazing." sabi niya. "Ikaw lang ang gumagamit nito?" tanong niya kapagkuwan.

"Of course not, kung pupunta ang mga kaibigan ko dito ay dito kami nag bobonding." sagot ko.

"Ahh." sagot niya.

"Now I will show you my favourite place." sabi ko at nginitian siya. Dinala ko siya sa rooftop. May malaking swimming pool doon at may mini bar. May area rin doon na pwedeng mag star gazing at kitang-kita ang mga naggagandahang ilaw na nanggagaling sa mga kabahayan.

"This place is beautiful, Henry."

"That's why this is my favourite place in this house. It's very relaxing, isn't it?" nakangiti ko ring sagot. Lumapit siya sa railings at tumingala.

"It is." mahina niyang sabi. "And so naturally breathtaking." nakangiti niyang sabi.

"Alam mo bang hiniling kong mapabilang sa isa sa mga bituin?" Her eyes are shining like there is a diamond above. It's glimmering and twinkling in my eyes.

"Why?" tanong ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status