Kabanata 15 “‘Yung bola ko po!” Rinig ni Thaddeus ang pagsigaw ng isang bata sa hindi kalayuan. Naroon siya sa isang gilid ng puno’t nakaupo habang nagbabasa ng paborito niyang libro. It was about business, kung paano pa palaguin at i-handle ang kompan’yang hinahawakan niya. Napatingin siya sa bolang gumulong sa kan’yang gilid. Kinuha niya ito saka tinitigan. Binasa niya ang nakaukit doon. “Kian,” sambit niya saka kumunot ang noo. "Sir, bola ko po iyan!" magalang na wika ng batang nasa harap niya. Sa patingin niya sa bata ay biglang tumibok ang kan'yang puso. Kita niya ang kulay berdeng mga mata nito katulad sa kan'ya. Nakasuot ang bata ng isang simpleng kupas na t-shirt na may imprintang Batman. Nakasuot din ito ng sapatos na alam niyang pinaglumaan na. Napangiti siya sa bata ng bumilog ang mga mata nito kaya kitang-kita niya ang nagniningnang kulay berdeng mata nito sa liwanag. Para siyang nahihipnotismo at ayaw niyang mawala sa paningin niya ang batang ito. "Sa iyo ba ito? Ki
Kabanata 16 “Alam mo bang tanong ng tanong si Kian kung sino raw ang Tatay niya sa akin? Kulit ng kulit kung nasaan ang ama niya, hindi ko naman masagot dahil ayaw kitang pangunahan,” sabi ni Hilda na ngayon ay nakapamewang sa harap ni Keanna. Kakauwi lang nila galing sa pamamasyal, ngayon ay natutulog na si Kian bagay na ikinahinga niya ng maluwag. “A-Alam ko…” “Hay nako, Keanna, hindi ko alam kung ano ang plano mo, ngayong panay tanong na ni Kian sa atin kung nasaan ang ama niya, ano ang sasabihin natin sa kan’ya?” nammroblemang saad ni Hilda habang pabalik-balik na lumalakad sa harap niya. Hilong-hilo siya dahil doon kaya mabilis niyang hinawakan ang kaibigan. “Teka nga lang, nahihilo na ako sa kapabalik-balik mo, maupo ka nga muna,” sabi niya saka hinila si Hilda sa tabi niya. “Ikaw naman kasi, ako ang nai-stress sa’yo, nagkita ang mag-ama at wala ka man lang reaksyon? Kanina ka pa tahimik!” Umikot ang kan’yang mga mata dahil sa sinabi ng babae. “Hindi naman makakatulo
Kabanata 17 Kanina pa siya kinakabahan habang binabagtas ang daan papunta sa Cebu. Titig na titig siya sa address kung saan ang bahay ng kan’yang tiyahin. Hindi niya alam kung dapat ba talaga siyang pumunta roon dahil ayaw niya pa ring makita si Sunshine kasama ang ex-boyfriend niyang si Russo. Hanggang ngayon ay may kirot pa rin sa puso niya dahil sa masaklap na nangyari sa kan’ya noon. Huminga siya ng malalim nang makita niyang malamit na siya sa bahay ng kan’yang Tiya Lolita. Narito na siya kaya wala ng atrasan pa. Nagulantang ang kan’yang diwa nang makita ang malaking bahay sa harap niya. Mansion na nga ito kung tutuusin, alam niyang mayaman ang kanong napangasawa ng kan’yang tiya pero hindi kagaya ng naiisip niya. Sobra-sobra pa lang mayaman ito. Napaka-swerte ng kan’yang tiyahin, pero mas maswerte ang kanong napangasawa ni Tiya Lolita dahil maalaga at mapagmahal iyang tiya niya. “Magandang umaga ho, sino ho sila?” tanong ng isang guard na nasa harapan ng gate ng mansion.
Kabanata 18 Nakaupo ang lahat ng pamilya Gomez sa isang mahabang mesa na gawa sa Naga-ng kahoy. Manghang-mangha pa rin siya sa bahay ng kan’yang tiyahin kaya pagala-gala ang tingin niya. Nasa tabi siya ng kan’yang tiyahin sa bandang unahan ng mesa habang ang mga tiya, tiyo at pinsan niya ang nasa gilid. Nasa harapan niya si Sunshine kasama na si Russo, ang ex-boyfriend niya. Sa katunayan, ilang na ilang siya kapag tinitingnan ang lalaki, habang ang lalaki naman ay walang pakialam sa kan’ya na para bang hindi siya nito kilala. Sobrang maasikaso ito kay Sunshine bagay na naalala niya noong sila pa ng lalaki. Maasikaso talaga si Russo, napaka-gentleman nito at sobrang bait, kaya nga nagustuhan niya ito, una pa lang. “Kumusta na ang buhay Keanna? Ilang taon din tayong hindi nagkita,” biglang sabi ng kan’yang tiyahin na si Karen. “Mabuti naman po…” Hindi siya gaanong palasalita roon dahil hindi siya sanay sa mga gathering katulad nito, matagal niyang iniiwasan ang mga mapang-matang k
Kabanata 19"Pasensya na hija sa nangyari kanina, gano'n talaga ang tiyahin mo, hindi marunong makaunawa't pera lamang ang mahalaga," wika sa kan'ya ni Tiya Lolita habang nakaupo sa kama. Nagpapahinga na ito at siya naman ay nakaupo sa gilid nito. Bigla kasing nahilo ang matanda dahil sa nangyari kanina. Sinasabi na nga bang sasama ang pakiramdam ni Tiya niya, hindi siya nagkamali. "Okay lang po iyon, Tiya. Sanay na ako sa kanila noon pa man. Kaya nga nagpakalayo-layo ako noon dahil sa pangmamata nila sa akin." Naalala niya kung gaano siya ipinagtabuyan ng kan'yang Tiya Karen noon. Mga panahong buntis pa siya at kailangan niya ng kaunting pera para sana makapagsimula. Balak niya sanang humiram ng kunting puhunan sa Tiya subalit kutya at pangmamaliit lamang ang nakuha niya rito. Pinahiya pa siya noon sa office nito. Wala siyang nagawa kung 'di ang lumuhod at magmakaawa subalit tinawanan lang siya nito. Pagkatapos noon ay binigyan siya nito ng isang libong piso. Sobrang sakit dahil
Humahangos na pumunta si Keanna sa St. Luke Medical Hospital para puntahan ang kan’yang nobyo. Nakatanggap siya ng tawag na ang kan’yang kasintahan ay nasa kritikal na kondisyon at kailangan itong maoperahan sa lalong madaling panahon.Ang nobyo niya na si Russo Marquez ay naaksidente on the way papunta sa kaniyang tahanan para sana mag-celebrate ng kanilang 5th year anniversary bilang magkasintahan. Naghintay siya ng ilang oras sa lalaki ngunit masamang balita ang dumating sa kan’ya.“A-Anong nangyari? Kumusta si-siya, T-Tita?” tanong niya sa ina ni Russo, umiiyak ang matanda habang yakap-yakap siya ng asawa.“He’s in a state of coma, malaki ang pinsalang natamo niya sa aksidente, kailangan niyang maoperahan agad ngunit hindi sapat ang kan’yang dugo upang ma-operahan siya. Kailangan din niyang magpa-blood marrow, kung hindi ay tuluyan na siyang mawawala. Wala kaming maisip na paraan, Keanna. Paano na ang anak namin? Diyos ko po!” Niyakap niya ang mag-asawang Marquez upang i-comfort
Nagising si Keanna na sobrang sakit ng ulo at katawan. Agad siyang napabalikwas nang maalala ang nangyari. Narinig niya ang pag-ungol ng kan’yang kasama kaya napalingon siya. Narito pa rin siya sa club at alam niyang mag-uumaga na. Nanlalaki ang kan’yang mga mata nang makitang hubo’t-hubad ang lalaki pati na rin siya, alam niyang may nangyari sa kanila’t ito ang nakauna sa kan’ya. Hindi siya nag-aksaya ng oras pa’t mabilis na nagbihis at umalis ng silid na iyon. Sa sobrang taranta ay hindi na niya nakuha pa ang plano niya. Nanginginig siyang nagpara ng jeep at kahit na paika-ika siyang maglakad at sobrang sakit ng kan’yang paanan ay tiniis niya. “Sis, anong nangyari?” bungad na tanong ni Sunshine sa kan’ya nang makapasok siya sa kanilang bahay. Bumuhos ang kan’yang luha dahil sa sobrang frustration. Hindi niya alam kung paano ba ipapaliwanag ang nangyari kagabi sa kapatid niya ngunit isa lang ang bumabagabag sa kalooban niya. “M-May nilagay ka ba sa inumin ko? Bakit gano’n na lam
“Mr. Pacheco, halos apat na taon na nating hinahanap ang babaeng iyon ngunit hindi pa rin natin siya mahanap-hanap. Oras na siguro upang ihinto natin ang paghahanap sa kan’ya---” Biglang naputol ang sinabi ng private investigator, napatikom ang bibig nito, rinig niya ang paghampas ng palad ni Thaddeus sa mesa hudyat na galit ito. “NONSENSE!” “P-Paumanhin, Mr. Pacheco,” kinakabahang wika ng private investigator at napayuko na lang ng ulo. “Alam mo bang milyon na ang nagastos ko sa’yo ngunit hindi mo pa rin mahanap-hanap ang babaeng iyon? Isang pagkakataon na lamang Mr. Vidal, kapag hindi mo pa nahahanap ang babaeng iyon, YOU ARE FIRED!” Dumagungdong ang salitang iyon sa loob ng office ni Thaddeus kaya labis ang takot at kaba ng lalaking nasa harapan n’ya. “Now, kung wala kang magandang balita sa akin ay umalis ka na sa office ko. I have a lot of things to do, you are wasting my time!” Mabilis na umalis ang private investigator na ini-hire ni Thaddeus, ilang taon na niyang hinahan