Share

Chapter 50

AMBER KHELLY

Kinabukasan pagmulat ko ng mga mata ko ay si Caitlin agad ang hinanap ng paningin ko. Ngunit gayun na lamang ang pagkadismaya ko nang mapansin ang malinis at walang kagusot gusot na bed sheet sa aking tabi kung saan ang puwesto ni Caitlin.

Mabigat akong napabuntong hininga at tamad na tamad na bumangon. Parang ang bigat bigat ng katawan ko isama mo pa ang puso kong nagririgudon ng ganito kaaga. Ang bilis bilis ng bawat tibok na animoy nakikipagkarerahan sa loob ko.

Mabigat akong napabuntong hininga at bagsak balikat na pumasok ng banyo at naligo. Masarap sa pakiramdam ang paghaplos ng tubig sa aking balat ngunit sa kabila nito ay hindi kayang burahin ang takot na lumulukob sa buong pagkatao ko.

Pakiramdam na madalas ko nang maramdaman simula nung malaman kong ang babaeng pinakamamahal ko ay buwis buhay kung magtrabaho.

Na madalas hindi ko na nakakasabay sa hapunan at agahan. At ang pangakong oras ng pag uwi ay madalas napapako.

She promised me to go home before i wake
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status