Share

Chapter 5

AMBER KHELLY

Kinabukasan ay maaga ngang gumising si Caitlin. Hindi ko alam kung maaga siyang gumising dahil kailangan o sadyang maaga lang talaga siyang gumigising sa umaga. Pagmulat ko kasi ng mga mata ko ay hindi ko na siya naabutan sa tabi ko. Pupungas pungas akong bumangon at tinungo ang banyo. Basa ang floor ng shower. She must be done taking a shower at naghihintay na sa akin sa sala. I took a quick shower. Paglabas ko ng kwarto ay kumalam ang sikmura ko sa bango ng aroma ng pagkaing nagmumula sa kusina. Napahawak tuloy ako sa nag aalburuto nang tiyan ko. Nakatalikod siya sa gawi ko kung kaya malaya kong napapanuod kung paano siya ingat na ingat sa bawat galaw niya sa kusina. Pinasadahan ko siya ng tingin. She's wearing my clothes. A fitted skinny jeans and a plain white polo. Wala sa sariling napangiti ako. Para akong tangang nakangiti habang tinititigan ang likod ni Caitlin. Pinagmasdan ko siyang abala sa harap ng kalan. Ano pa bang hahanapin ko?She's a wife material and she love me. Ramdam kong tila tumalon ang puso ko sa tumatakbo sa isip ko. Iiling iling akong humakbang palapit sa kanya at marahan siyang niyakap mula sa likuran. Tila hindi na siya nagulat sa pagpulupot ng mga braso ko sa maliit nitong bewang. Mabilis lumipad sa akin ang mga mata niyang kay sarap pagmasdan. Ang lapad ng ngiti niya. She turned off the stove and faced me. Hawak hawak ang sense ay hinarap niya ako at pinatakan ng marahan na halik ang aking labi. Nanatili ang mga braso ko sa maliit nitong bewang habang ang mga mata niya sa akin na nakatuon.

"good morning beautiful" she greeted. I giggled and peck her again on the lips. I don't know why but i felt happy seeing her now wearing my clothes. In my eyes, it's really suits her well.

"good morning too gorgeous" i greeted back. Dumapo ang mga mata niya sa suot kong jersey. Kapagdakay napakagat labi at gumuhit ang malawak na ngiti. Namula rin ang kanyang mga tainga at pisngi. She leaned her face to my ear and whispered.

"you look so hot babe" i bit my lower lip. I could feel my cheeks heated. Sa tuwing lumalapit siya sa akin ng ganito kalapit ay sumasagi at kusa na lamang lumilitaw sa balintataw ko ang init na pinagsaluhan namin sa loob ng shower room ng gym. Bahagya ko siyang kinurot sa tagiliran dahilan nang marahan nitong pagtawa. Ohh god her laugh sounds like a music in my ear. Biting my lips, i turned my back on her and pulled a chair. I settled my self next to her. She sniffed on my hair. Naramdaman ko ang bahagya nitong pag amoy sa buhok ko. Tumama pa ang mainit nitong hininga sa batok ko dahilan nang pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan.

"Ang bango" she mumbled. Umiling iling na lamang ako. Humakbang siya at kinuha ang prinito nitong hotdog at ham. Nilagyan niya ang plato ko ng toasted bread, ham, hotdog at itlog. Nagpasalamat ako at tinusok ang hotdog at sumubo. Kapagdakay muling dumukwang sa akin.

"do you want coffee" i didn't look at her and just nod my head at her. Lilingonin ko sana kasu masiyado siyang malapit sa akin. Hindi ko alam sa babaeng ito kung talaga bang clingy lang siya o sadyang sinasadya niyang dumikit dikit sa akin upang akitin ako...Ohh my god nagiging assumera na yata ako masiyado damn. Tila nag init na yata ang pisngi ko sa naiisip.

Hindi nga nagtagal ay may inilapag na siyang mug sa harapan namin. Kumunot ang noo ko. Iisang mug lang ang lumapag sa lamesa. Hinatak niya ang upuan sa tabi ko at umupo. Kumuha siya ng bread at ham at mabilis na sinubo.

"hindi ka magkakape?" i asked. She fast looked at me. Muli siyang tumayo at binuksan ang ref sa likod ko. Ang mga mata ko ay nakasunod sa bawat galaw nito. Nilabas niya ang pitsel at kumuha ng isang baso. Kumunot muli ang noo ko sa iisang baso na namang kinuha nito. She sat back on her chair next to me.

"magkakape.,share tayo para sweet babe" she answered and then winked. Literal na umawang ang labi ko at kusang umarko sa nagbabadyang ngiting nais nang kumawala sa mga labi ko sa klase ng takbo ng isip ng girlfriend ko. Puro talaga siya kalokohan kahit kailan. But honestly, i love her even more because of that. She's just being clingy to me and i find it sweet.

"ang dami mong alam" iiling iling kong sagot. But deep within me i won't deny that her gestures tickles me. Ang ngiti sa mga labi ko ay hindi na mabura bura. Ang sweet naman kasi ehh.. Naman kasi. Nakakalilig. Lalo tuloy akong nahuhulog.

"sus kilig yarn" she poked me on my side dahilan upang mapaigtad ako sa gulat. Mabuti na lamang at wala nang laman ang bibig ko dahil baka naibuga ko na ito sa biglaan niyang pangingiliti sa akin. Napatayo ako at napahiyaw. Kasabay ng pagtayo ko ay ang mga kamay niyang sinusubukan parin akong abutin. Ito na yata ang pinakamasayang umaga ko. Ang kasama ang babaeng una at huling mamahalin ko.

"babe no., malilate na tayo" tatawa tawang sambit ko. She stopped at muling bumalik sa kinauupuan. Dumapo sa akin ang mga mata niya at marahang pinunasan ang gilid ng aking labi gamit ang kanyang hinlalaki. Ang malawak na ngiti sa mga labi niya ay biglang nabura at ang ngumingiting mga mata niya ay biglang napalitan ng kaseryosohan at hindi ko mapangalanang emosyon.

"please promise me babe that no matter what destiny's throws at us, you won't t leave me." kumabog ang dibdib ko sa nakikitang kaseryosohan sa mga mata ni Caitlin. Ang kaninang malawak na ngiti niya ay bigla na lamang napalitan ng kaseryosohan at takot sa mga mata niya. Kumunot ang noo ko. Kapagdakay tumango.

"say it" she seriously said. Pinakatitigan ko siya. Inangat ko ang kanang braso ko at marahang hinaplos ang kanyang pisngi. She closed her eyes as she seems to be feeling the warmth of my hand. I could feel that something is bothering her.

"may problema ba babe?" nagmulat siya ng mata. Sa pagmulat niya ay wala na akong makitang kahit anong emosyon sa kanyang mga mata. Though nakangiti siya, blanko naman ang kanyang mga matang nakatunghay sa akin. Nanatili sa kanya ang mga mata ko. Tila kumaripas ng takbo ang mga daga sa mga dibdib ko sa pag angat ng kanyang kamay at marahang hinaplos ang aking pisngi. Nangungusap ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. Napalunok ako at nagrigudon ang dibdib ko.

"just say it please.,I wanna hear it" lumapat ng mariin ang mga labi ko. Tumango ako. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at saka ako pinatakan ng magaan na halik sa labi. Inayos niya ang pinagkainan namin at dinala sa lababo.

"babe ako na jan" agaw ko sa platong hawak niya. Malawak na ngiti lamang ang sinagot niya sa akin at muling tinuloy ang ginagawa. Ramdam ko ang tila may bumabagabag sa kanya ngunit ayaw niya lamang itong sabihin sa akin. Bumuntong hininga ako at bagsak ang balikat na bumalik ng kwarto at nag-toothbrush. Pagbalik ko ng kusina ay kasalukuyan na siyang naglilinis ng kanyang ngipin. Nang matapos ay isinilid niya ito sa isang pouch. Nagpunas ng kamay at humarap sa akin.

"let's go captain" natawa ako sa tinawag nito sa akin. Ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa title kong yan sa school. Humakbang siya palapit sa akin at hinuli ang kamay ko. Pinagsalikop niya ang mga daliri namin. Sa pagdaiti ng mga kamay namin ay ibang saya ang hatid nun sa akin. Siya na ang nagsarado ng condo ko. Tinahak namin ang elevator nang hawak parin niya ang kamay ko. Hindi ko mapigilang titigan siya sa repleksyon niya sa loob ng elevator. Ang ganda ng girlfriend ko. Nakakaproud. Huminto ang lift at bumukas. May dalawang magagandang babae ang pumasok. Their eyes seems to have something as they were looking to Caitlin. Hindi man ako sigurado pero naramdaman kong tila biglang naging tensyonado ang katabi ko. Panaka naka ang tingin nung isang babae kay Caitlin. Tila kinikilala. Malinaw kong nakita ang sunod sunod na paglunok ni Caitlin sa repleksyon niya sa elevator. "hey Caitlin.,sabi ko na eh ikaw yan" bati nung isang babae kay Caitlin. Ang lawak ng ngiti nung babae sa girlfriend ko. Bumaba ang mga mata ng babae sa magkahugpong naming mga kamay. Caitlin cleared her throat at kapagdakay tipid na ngumiti sa babaeng ngayon ay mapanuri na ang mga matang nakatunghay sa akin.

"bago mo?" iba ang dating sa akin sa tanong na iyon ng babae. Ang tono niya ay tila may ibig sabihin para sa akin. Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Caitlin. lumipad pansumandali ang mga mata niya sa akin at kapagdakay muling bumalik sa dalawang babae na may malapad na ngisi sa labi.

Umangat ang isang braso niya sa bewang ko at pumirmi.

"yes, she's my girlfriend and soon to be wife" natigilan ako sa binatong salita ni Caitlin. Napatingala ako sa kanya at ang malawak at matamis niyang ngiti ang sumalubong sa akin. Bakas ang kaseryosohan sa pagbigkas niya ng bawat salita. Bumaba ang mukha niya at pinatakan ng marahan na halik ang ibabaw ng noo ko.

"ohh really? well good luck to the both of you then" tila nagpanting ang tainga ko sa sinagot ng babae. Hindi ko nagustohan kung paano niya dineliver ang salitang iyon sa amin. Bumuka ang bibig ko at akma na sanang magsasalita nang siya namang bukas ng lift. Walang lingon lingong lumabas ang dalawa. Bumuntong hininga na lamang ako at nagpatianod nang tinungo ang kinaroroonan ng kotse ko. Naramdaman marahil ng katabi ko ang pananahimik ko.

"babe are you okey?" she asked. I fast looked at her and smiled weakly. Tumango ako at marahan na nagpakawala ng buntong hininga. Nakatuon sa harap ng sasakyan ang mga mata ko ngunit ang utak ko ay kung saan saan na nakakarating. Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay nito sa hita ko at marahang pumisil.

"babe if it is about earlier huwag mo nang isipin pa ang babaeng iyon hmm. Ang mahalaga tayo. Okey tayo. At iyong sinabi ko kanina, i mean it." pinakatitigan ko siya at malinaw kong nakita ang sensiridad sa mga mata niya. Hindi ko na napigilan ang pagguhit ng isang malawak na ngiti sa mga labi ko. Ramdam ko ang pagrigudon ng puso ko na siyang tanging si Caitlin lang ang may kakayahang iparamdam sa akin ang bagay na ito. Nakatuon man sa daan ang mga mata ko ay ramdam ko ang atensyon na pinupukol niya sa akin. Mabilisan ko siyang muling nilingon at nginitian ng malawak. Inabot niya ang kamay kong nakahawak sa clutch ng sasakyan at pinatakan ng marahan na halik ang likod ng palad ko.

"i love you so much Amber. Always put that in mind hmm" ramdam ko ang tila may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko. Nananaba na yata ang puso ko sa kasweetan ng girlfriend ko. Now i can't help my self but asked god, what good have I done in my past life that have been given the perfect girlfriend like Caitlin? Diyosa na malambing pa..How lucky i am right?

Bakit ko pa nga ba iisipin pa ang mga taong wala namang magagawa upang masira ang relasyon namin ng babaeng mahal ko. And she was right, ang mahalaga masaya kami at mahal namin ang isat isa and just like her, i am very much sure of her too. Siya na ang gusto kong makasama sa pagtanda ko. I love her at hindi na mahalaga kung kakaumpisa pa lamang namin. Basta ang alam ko, i am madly inlove with her at iyon ang sigurado ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status