Share

KABANATA 31

Literal na napalunok ng laway si Yvonne sa lamig ng boses ni Margarita at sa talim ng mga mata nito. Parang diniderekta nito sa kanya na hindi na siya aabutin ng bukang liwayway o sisikatan ng araw pa. Aba naman! Biktima lang din siya no! Si Alaric dapat ang sumalo sa lahat ng galit nito.

"Tingin mo, meron bang third party, Miss Yvonne?" Ngumisi ito bago sumimsim sa tasa nito.

Agad siyang napaiwas ng tingin. Nag-lock yata ang panga niya at hindi makasagot. Kailangan pa niyang tumikhim nang malakas para lang bumalik ang boses niya.

"U-hm, b-aka wala naman. H-indi naman mukhang magloloko si Sir Alaric—"

"Babaero siya, Dear. Hindi ko nga mabilang sa daliri ko kung ilan ng babae ang lumapit sa akin para lang sabihin na nabuntis sila ni Alaric. Lahat iyon naikama niya," naiiling na kwento nito.

Napakurap siya't napaatras. Ganoon ba kagrabe si Alaric sa mga babae?

"B-akit naman sa'yo sinasabi? Bakit hindi sa kanya?" naguguluhang usisa niya.

Binaba nito ang tasa at tinaas ang kilay, "Simple
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status