Share

KABANATA 5

Author: Yenoh Smile
last update Last Updated: 2022-10-22 17:09:46

"Ano'ng sabi mo?" Nanliit ang mga mata ni Yvonne kay Alaric.

Saan ba nito kinukuha ang kakapalan ng mukha at ganito ito umasta sa kanya? Pagod na ba ito sa paghahanap ng mga babae?

Mapanganib itong ngumisi bago siya tinangay papasok sa mismong apartment niya. Ito pa ang nagbukas ng ilaw na para bang kabisado nito ang bahay.

"Since we're getting married—"

"Hindi ako pumayag na magpakasal sa'yo," madiing putol niya sa pag-a-assume nito.

Marahas niyang tinulak ang matipuno nitong braso palayo sa kanyang bewang. Nakahinga siya nang maluwag dahil doon. Humalukipkip siya at pinagkaluwang ang bukas ng pinto ng apartment niya.

"As far as I know, you don't like me since I am too innocent for you," mapait niyang ulit sa mga sinabi nito noon sa kanya.

Akala ba nito makakalimutan na lang niya basta iyon? Bumaba ang self-esteem niya at confidence noong tanggian siya nito. Kakabawi pa lang niya sa kakapalan ng mukha pero heto at nanggagambala na ito.

"But you're not innocent anymore," makahulugang bigkas nito.

Agad na umawang ang mga labi niya. Ano'ng hindi na siya inosente?!

"Aba't! Ano'ng gusto mong palabasin, aber?! Na hindi na ako v-irgin?" Namula ang mga pisngi niya sa huling tinanong.

Nahiya siya bigla lalo na noong mapangiti ito at tila naaliw sa natataranta niyang reaksyon. Namulsa ito sa suot nitong black pants at bahagyang kiniling ang ulo. Naglakbay ang mga mata nito mula ulo niya hanggang paa.

Malakas siyang tumikhim at umiwas ng tingin. Pasimple niya ring inayos ang suot niyang blouse. Nakakahiya kasi baka litaw na ang bilbil niya. Pero hindi siya makalma sa pagtitig nito.

"Tigilan mo nga iyan. Para kang t*nga," tukoy niya sa pagtitig nito sa kanya.

Dinig niyang mahina itong tumawa. Napasinghap siya noong maglakad ito palapit sa kanya.

"Are you seducing me by saying you're a vir—"

"Shut up, Alaric! Malay ko bang hindi iyon ang sinasabi mo." Umirap siya at tinapik ang pinto, "Umalis ka na. Hindi ka welcome dito."

"You're not innocent anymore. And not a teenager anymore. And I know you are ready to get married," paliwanag nito pero parang mas mukhang nagde-describe ito.

Napalunok siya. Nanuyo ang lalamunan niya noong bigyan siya nito ng malalim na tingin.

"I'm not ready to be a wife. Isa pa, twenty-three pa lang ako. Bata pa ako. Bumalik ka na lang sa ex mo—"

Natigilan siya noong isandal nito ang kamay sa amba ng pintuan. Naisiksik niya ang sarili sa mismong amba. Nanlalaki ang mga mata niya habang ito ay seryosong nakatitig sa kanya. Parang hinihigop muli nito ang kanyang kaluluwa.

"Akala ko ba crush mo ko noon?" seryosong tanong nito.

"Ah? Never kitang naging crush, Mr. Castellanos. Kaya pwede ba, umalis ka na at huwag ka ng bumalik pa. Wala kang mapapala sa akin. Hindi ako papayag sa gusto mo."

Ngunit hindi ito natinag sa katarayan niya. Siya pa nga ang mas kinakabahan sa pwede nitong gawin. Ang maskulado nitong katawan ay kayang-kaya siyang durugin.

"Fine. Sa akin pa rin naman ang bagsak mo. I will make sure of that," madiing banta nito.

Umusbong ang inis sa d*bdib niya. Akala ba nito hari ito? Akala ba nito natatakot siya?

Mapakla siyang tumawa, "Kailan ka pa nagsimulang maging g*go?" insulto niya.

Nanliit ang mga mata nito at nagliyab sa galit. Naitikom niya ang bibig at nagdasal ng ilang beses sa isip niya. Sana lang ay magpaka-gentleman pa ito at hindi siya basta warakin—este saktan.

"Gusto mo bang ipakita ko sa'yo kung gaano ako kag*go?" mas madiing tanong nito.

Umiwas siya ng tingin. Nanginginig na ang mga tuhod niya sa kaba. Parang gusto na niyang tumakbo paalis. Pero nakahinga siya muli nang maluwag noong lumayo na ito sa kanya at humakbang palabas sa bahay niya.

"Ipapakita ko sa'yo pagkatapos ng kasal, Missy. Maghanda ka na," pilyong sagot nito bago tumalikod.

Ano'ng pagkatapos ng kasal? Hindi nga siya payag!

Para siyang ni-high blood sa sinabi nito. Agad niyang kinuha ang tsinelas sa paa niya at binato sa lalaki ngunit hindi naman natamaan. Humalakhak pa ito sa kapalpakan niya.

"Lumayas ka na nga! Hindi ako magpapakasal sa'yo!" malakas niyang sigaw bago malakas na sinara ang pinto ng apartment niya. Wala siyang pakialam kahit magising pa ang mga kapitbahay niya.

Nahahapo siyang dumausdos sa pinto. Sinandal ang ulo roon at pumikit nang mariin. Bakit ba kasi lumitaw pa ito sa buhay niya?!

Napalabi siya matapos maalala ang sinabi ni Nina na baka hahanap ng fresh na taong si Alaric. Siya ba ang fresh na nahanap nito? Susmariyosep! Hindi pa siya ready!

Gigil siyang napapadyak. Hindi siya pinatulog ng problemang iyon. Hindi rin siya nakakain noong gabi. Paggising niya, para siyang zombie sa itim ng eyebags niya. Gusto niyang huwag munang pumasok sa coffee shop pero natatakot siyang baka balikan naman siya sa apartment ni Alaric. Mukhang alam pa naman nito lahat.

Para siyang hinahangin habang naglalakad patungo sa kanyang coffee shop. Pilit niyang inisip kung bakit ba talaga bigla na lang sumulpot si Alaric at niyaya siyang magpakasal gayong malapit na itong ikasal kay Margarita Montenegro?

Namilog ang mga mata niya. Don't tell me nabuntis nito ang modelo at tinatakasan ang responsibilidad? G*go nga ito kung ganoon.

Natigil siya sa mga iniisip noong tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong kinuha at sinagot matapos makita ang pangalan ng imbestigador niyang si Jeffrey.

"Jeffrey, ano na? Wala pa ring lead?"

"Ma'am Yvonne, kung dinadagdagan mo ang sweldo ko, edi sana mabilis akong magtrabaho—"

"Tumawag ka na lang ulit kapag may lead na sa pamilya ko. Wala na akong oras," sabat niya sa litanya nito.

Agad niyang pinatay ang tawag at binilisan ang lakad patungo sa coffee shop niya. Hindi pa iyon bukas at mukhang wala pa rin si Nina. Kaya lang, kusang tumigil ang mga paa niya matapos makitang prenteng nakasandal sa roll-up si Alaric. Iba na ang suot nito mula kagabi kaya malamang na natulog lang ito sa malapit. Walang duda naman na bagay nito ang baby blue longsleeve na tinupi ang mga manggas sa siko nito. Napatitig pa siya sa suot nitong mamahaling belt. Bakit ba ang kisig talaga nito? Ang swabe pang tingnan ng balbas nito.

Pinilig niya ang ulo sa mga naisip. Hindi niya dapat ito pinupuri. Hindi siya mahuhulog sa lalaking hindi marunong makuntento sa isa. Kunwaring hindi niya ito nakita. Diretso siya sa roll-up at walang pakialam kung nakasandal ito roon. Pero noong akmang kukunin niya ang susi sa bag niya, bigla na lang siya nitong hinawakan sa kanyang siko.

Natigilan siya at nahigit ang hininga sa pagdidikit muli ng balat nila. Para siyang napapaso sa init ng palad nito. Gusto niya iyong iwaksi pero hindi niya magawa. Huminga siya nang malalim bago ito hinarap. Mukhang wala talaga itong balak na sumuko.

Nagtitimpi niya itong nilingon, "Mr. Castellanos, ano bang malabo sa hindi ko gustong magpakasal sa'yo? Alam kong mataas ang pinag-aralan mo kaya sana naman ay marunong kang umintindi," pagdidiin niya bago binawi ang siko niya.

Tumikwas ang kilay nito bago sinuksok ang mga kamay sa bulsa ng pants nito. Tiningala pa nito ang bubong ng coffee shop niya.

"Yvonne café," bigkas nito bago ngumisi nang nakakaloko.

"I assume you don't want your café to disappear, right?"

Nakuha nito ang buong atensyon niya. Bigla ay umusbong ang kaba sa d*bdib niya sa hindi malamang dahilan. Ang café na ang buhay niya kaya't hindi siya papayag na idamay nito iyon sa sarili nitong kalokohan. Mahal niya ang negosyo niya higit pa sa buhay niya.

"Pagbabantaan mo ba akong buburahin mo ang café ko kapag hindi ako pumayag na magpakasal sa'yo?" malamig niyang tanong dahil iyon ang nakikita niya sa ekspresyon nito.

"Exactly, Missy. Hindi kita tinatakot pero kaya kong burahin ang negosyo mo sa isang iglap kapag hindi ka pumayag sa gusto ko." Nangisi ito lalo at makahulugan siyang sinulyapan.

Nanggalaiti ang mga ngipin niya. Naikuyom niya ang mga kamao niya. Matalim niya itong tiningnan ngunit hindi iyon pinansin ni Alaric. Mukhang wala itong pakialam makuha lang ang gusto nito.

May ngisi sa labi na lumapit ito at tinapatan ang mukha niya.

"I'm very easy to please, Ms. Yvonne Buenavista. Pakasalan mo ko kapalit ng katahimikan ng café mo. Deal or no deal?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Beautiful Stranger   WAKAS

    "Alec Yvo Castellanos! Don't run, Buddy!" hinihingal na sigaw ni Alaric sa anak niyang two years old.Kanina pa ito takbo nang takbo sa sementeryo. Ubos na yata ang energy niya mahabol lang ito."Yvo! Come here to Mommy!" malambing na sigaw ni Yvonne.Nagsalubong ang mga kilay niya noong agad na lumapit ang anak kay Yvonne. Dinig niyang mahinang tumawa ang asawa niya at agad na binuhat si Yvo. Nginisihan pa siya nito bago tinalikuran."F*ck! Ako dapat ang kakampi mo, Yvo," bulong-bulong niya sa hangin."That's alright, Daddy. I am here," si Chelsea na humawak sa kamay niya.Kahit pagod ay binuhat niya ito."Daddy, I'm too old! Put me down! I'm already seven years old!" reklamo nito pero hindi siya nakinig."You're still my princess, hm."Ayaw na nga niya itong tumanda o maging dalaga. Ngayong tatay na siya, kinakabahan na siya na baka mapahamak ang mga anak niya.Lumapit sila kay Yvonne. Nakaupo na ito sa harap ng puntod at sinindihan ang kandila. Umupo siya sa tabi nito at binaba rin

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 100

    "I'm excited! Ano na, Yvonne?" Kinikilig na bigkas ni Mayu mula sa labas ng banyo.Tuwang-tuwa ito habang siya ay kinakabahan. Pinagamit kasi siya nito ng pregnancy test kit kaninang nagduwal siya. Ngayon ay hinihintay niya na lang ang resulta.Kagat-kagat niya ang hinlalaking daliri habang naka-abang ngunit kusa siyang natigilan at namilog ang mga mata matapos makita ang pagpula ng dalawang linya."Oh my God," hindi niya mapigilang bulalas."Uy, ano na? Baka himatayin na sa sala si Alaric kakahintay," pang-aasar pa ni Mayu.Huminga siya nang malalim ngunit nanginginig pa ang kamay noong kuhanin ang kit. Ilang beses siyang lumunok upang pigilan ang pagbagsak ng luha niya. Agad din siyang lumabas, agad na napatayo ng tuwid si Mayu."Ano? I'm sure it's positive." Ngumiti ito at hinawakan ang balikat niya.Kinagat niya ang ibabang labi at marahang tumango. Namilog ang mga mata nito at gusto yatang sumigaw sa tuwa pero ito mismo ang nagtakip sa sariling bibig."Uhm, nasaan si Alaric?"Bin

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 99

    "Shh, maririnig ka nila," mahinang bulong niya kay Alaric.Ngumisi ito at mahinang dum*ing habang patuloy sa paggalaw sa ibabaw niya.Umawang ang mga labi niya at kumapit sa braso nito."Pasaway ka talaga, gabi-gabi ka na lang nandito," paos niyang sermon.Walang mintis kasi itong nagpupunta sa kwarto niya simula noong umuwi sila sa mansyon. Buong isang buwan itong laging umaakyat sa bintana. Saktong papadilim pa lang yata ay naroon na ito tapos aalis na bago pa man sumikat ang araw. Siya nga ang kinakabahan at baka mahuli sila ng Daddy niya.Diniin niya ang hawak sa braso nito noong bumilis ang galaw nito. Sabay silang napaungol pagkatapos. Binagsak nito ang ulo sa leeg niya. Dinig niya ang mahinang hingal nito kasabay ng sa kanya."Umuwi ka na. Maliwanag na sa labas," mahinang utos niya."Tss. Mamaya na, I still want to cuddle you." Nag-iwan ito ng mumunting h*lik sa leeg niya.Mabigat siyang huminga at pumikit."Susunduin ko na kayo mamaya."Napamulat siya roon, "Naayos mo na ang k

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 98

    Wala yatang gustong magsalita sa mga naroon. Maging ang ama niya ay umiwas ng tingin. Napalunok tuloy siya."Don't be rude to my wife, Lo."Napalingon siya kay Alaric na mula sa kusina. Buhat-buhat nito si Chelsea."Your wife? Kasal pa kayong dalawa?" malamig na turan ng matanda.Siya na mismo ang napakapit kay Alaric. Umikot naman agad ang braso nito sa bewang niya."Carry Chelsea first," bulong nito kaya't kinuha niya si Chelsea."Just put me down, Mommy. I'm heavy, the baby might not breathe."Narinig niya ang mga singhapan dahil doon."Buntis ka, Yvonne?" si Margarita na namilog ang mga mata."Ah? H-indi—""She will, but soon. This is the reason why I invited all of you here—""Hindi mo pa ako sinasagot, Alaric. Huwag kang magmadali," putol ng Lolo nito.Kita niyang umigting ang panga ni Alaric bago huminga nang malalim at nilingon ang Lolo niya."Give her back to her father.""Lo, we're still married—""Wala akong pakialam kahit kasal kayo. Bakit? Sinabi mo na ba sa kanilang ikaw

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 97

    "G*go ka ba? Bakit mo sinabi iyon kay Connor?!" naiinis niyang singhal kay Alaric.Tumiim-bagang lang ito at binalik ang cellphone niya kay Fufu. Ngumisi pa si Fufu."Bagay lang iyon sa kanya. Pero di nga, kasal pa kayong dalawa?" Tinaasan pa sila ng kilay ni Fufu.Naningkit ang mga mata niya at hindi sumagot."I'll ask for extra securities. I'll be back here later," pagpapaalam ni Alaric.Akmang paalis na 'to pero hinila ni Chelsea ang longsleeve nito."Thank you, Uncle Gwapo," mahinang bigkas nito.Bumuntong hininga si Alaric at humarap muli sa kanilang dalawa. Sumilay ang ngiti nito at marahang ginulo ang buhok ni Chelsea."Shh, call me Daddy, Princess, and you're always welcome, hm."Nagulat siya noong humikbi si Chelsea, "I have a daddy now? You love me even if you told me before that Mommy doesn't love me?"Namilog ang mga mata niya sa narinig habang si Alaric ay natigilan. Naningkit ang mga mata niya rito at mahinang kinurot sa tagiliran."Ikaw pala ang salarin kung bakit nagta

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 96

    Nanlabo ang paningin niya dahil sa luha. Nabitiwan niya si Yaya Melly at halos matumba siya sa panghihina pero naramdaman niya ang matipunong katawan ni Alaric na sumalo sa kanya."Don't cry. I will help you find her," bulong nito.Napasinghap siya at tuluyang napaiyak, "Kasalanan mo 'to. Kapag may nangyaring masama kay Chelsea, hindi kita mapapatawad, Alaric," mahina ngunit madiin niyang banta.Hindi naman ito kumibo. May tinawagan lang ito at hindi niya maintindihan kung sino.Nasapo niya ang mukha at napahagulhol. Wala na siyang pakialam kahit na niyakap pa siya ni Alaric. Sobrang sikip ng d*bdib niya."Tumawag ka na ba ng pulis, Miss Melly?" dinig niyang tanong ni Alaric."Opo, Sir. Kaso wala pa raw pong 24 hours na nawawala kaya baka hindi pa nila hinahanap.""F*ck. Fine. Ako na ang maghahanap. Paki bantayan po si Yvonne."Hinatid pa siya nito papasok sa loob ng condo niya at iniwan kay Yaya Melly. Hindi niya nga alam na umalis na ito kung hindi pa siya inabutan ng baso ng tubig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status