Share

KABANATA 6

Author: Yenoh Smile
last update Last Updated: 2022-10-23 19:46:29

Nagtiim bagang si Yvonne. Mahigpit ding kumuyom ang mga kamao niya. Gusto niyang sumigaw sa sobrang inis kay Alaric. Gigil na gigil siya sa pangba-blackmail nito. Bakit ba hindi na lang siya nito lubayan?!

"Hm, is that a no deal? Fine. I will call someone to turn your business—"

"Don't!" malakas niyang pigil noong tinaas nito ang sariling cellphone.

Tumikwas ang kilay ni Alaric. Tila naghihintay sa desisyon niya at handang tawagan ang kung sino kapag hindi nito nagustuhan ang sagot niya. Hiningal yata siya sa inis. Ano bang laban niya rito? Marami itong koneksyon at kayang totohanin ang banta nito.

"Fine. Payag na ako," mahina at labag sa loob na pagpayag niya.

"Huh? Are you saying something? Wala yata akong narinig," kunwaring inosenteng pang-aasar nito bago nagtipa sa cellphone.

Napapikit siya nang mariin upang pigilan ang inis niya sa lalaki. Agad din siyang nagmulat at mabilis na inagaw ang cellphone nito noong akmang ilalagay nito iyon sa kanyang tainga. Nanlaki ang mga mata niya matapos makita sa screen na may tinatawagan nga itong numero. Nataranta siya at agad na pinatay ang tawag.

"I think I missed something you said." Ngumisi ito pero seryoso namang nakatitig sa kanya.

Napalunok siya. Para sa negosyo niya, lulunukin niya ang sariling pride. Sana ay kasal sa papel lang ang hiling nito at wala ng iba dahil hindi siya handa. Hindi pa siya nagkaroon ng boyfriend noon at wala pa siyang experience sa ano mang kababalaghan. May nabasa pero hindi actual na nagawa.

"Payag na akong pakasalan ka basta huwag mo lang idamay ang coffee shop ko," mabilis niyang bigkas.

"Did I hear it right? Pakakasalan mo na ako—"

"Oo na! Huwag mo ng ulit ulitin. Masakit sa tainga! Ka-imbiyerna ka!" 

Sinuknok niya sa d*bdib nito ang cellphone nito bago mabilis na tumalikod. Napasimangot siya at masama ang loob na hinanap niya ang susi upang buksan ang roll-up. Nagngitngit siya. Hindi ba nito ramdam na ayaw niya talagang magpakasal? Napakawalang puso nito! 

Pinanatili niya ang nakapirming mga labi kahit pa tinulungan siya nitong magbukas ng roll-up. Kaya lang ay napalingon siya rito noong pigilan nito ang siko niya.

"Where do you think you're going?" mariing tanong nito.

Naguluhan siya. Naituro niya ang looban ng shop.

"Sa loob. Saan pa ba?"

Sinulyapan nito ang loob ngunit hindi siya binitiwan. Napasigaw pa siya noong marahan siya nitong hinila paalis doon.

"Teka lang! Sandali lang naman! Saan mo ba ako dadalhin?!" ngawa niya.

"Magpapakasal na tayo ngayon," walang ligoy na sagot nito.

Nanlaki ang mga mata niya. Maging puso niya ay sumikdo sa kaba.

"As in ngayon na? Ano 'to? Shotgun marriage?!" naibulalas niya.

Hindi siya kinibo ni Alaric. Nagpumiglas siya at ilang beses na nagreklamo sa lalaki pero mukhang wala itong pakialam. Mas nainis siya lalo rito. Sapilitan na nga ang pagpapakasal niya, hindi ba siya bibigyan ng maayos na kasal. Ano bang role niya rito? Rebound? Tagasagip at tigasalo ng problema? Unfair naman yata iyon sa kagandahan niya!

Naalarma siya matapos natanaw ang nakapara nitong pick-up car. Papalapit sila doon at mukhang seryoso nga itong ngayon sila magpapakasal.

"Pwede ba, bitiwan mo ko! Gusto ko ng magarbong kasal."

Binitiwan nga siya nito pero agad namang binuksan ang pinto sa passenger seat. Ayaw niya pang pumasok pero sa lakas nito ay halos maitulak siya sa loob. Hindi naman siya nasaktan pero hindi niya maiwasang magreklamo.

"Ang payat mo pa rin," komento pa nito na lalong nagpakulo sa kanyang dugo.

Nakakainsulto ang matawag ng ganoon kahit pa ang totoo ay chubby siya. Akmang magrereklamo siya ngunit agad nitong sinara ang pinto at umikot sa driver seat. Inis siyang sumigaw. Mukhang talagang mangangayayat na siya dahil kay Alaric.

"Saan mo ba ako dadalhin? Sa munisipyo? Sana man lang pinag-dress mo ko," sarkastikong bigkas niya.

"No. I just need you to sign the marriage contract," balewalang sagot nito bago may inabot na dokumento sa backseat.

Napatanga siya at hindi makapaniwalang wala man lang attorney na magkakasal sa kanila. Kaya pala hindi nito pinaandar ang sasakyan.

"Seriously, Alaric?"

Bigla, napangisi ito, "Alaric? Sounds good to me, Missy. Masanay ka ng tawagin ako ng ganyan. Or you can call me hubby if you want," asar pa nito bago inabot sa kanya ang ballpen at ang sinasabi nitong marriage contract.

Napairap siya pero napatitig rin sa marriage contract. Nandoon ang pangalan niya. Pirmado na rin iyon ni Alaric at tanging pirma na lang yata niya ang kulang.

Kinagat niya ang labi sa sama ng loob. Ganoon ba kawalang kwenta ang role niya sa mundo? Pinangarap din naman niyang ikasal sa harap ng altar pero heto at sa loob lang ng sasakyan siya ikakasal. Nanginig ang kamay niya matapos may bumikig sa lalamunan niya. Gusto niyang maiyak. Hindi sa tuwa kun'di sa kaalamang panakip butas lang siya. Matatapos ang pagiging dalaga niya at ni hindi nakaranas ng panliligaw.

"You can't back out now, Missy," banta nito.

Malamang dahil sisirain nito ang shop niya. Kahit na nahihirapang huminga dahil sa sama ng loob ay pikit-mata niyang pinirmahan ang marriage contract. Marahas niya iyong nilagay sa dashboard at hiniling na mapunit ngunit hindi naman nangyari.

"Shouldn't we go straight to our honeymoon?" seryosong tanong nito.

"Tss. Honeymoon your face. S*x with yourself!" singhal niya bago nagmamadaling bumaba sa sasakyan nito.

Walang lingon likod siyang tumakbo pabalik sa shop niya. Nangingilid ang luha niya pero agad niya iyong pinunasan matapos makita si Nina na papasok sa shop.

"Huh? Akala ko pa naman nasa loob ka," gulat na bigkas nito.

Umiwas siya ng tingin noong sinipat nito ang mukha niya. Pumikit siya at agad na sinapo ang kanyang noo, umaktong masakit ang ulo niya. Wala siyang ganang makipag-usap ngayon o kahit na magtrabaho.

"Ang sama ng pakiramdam ko, Nina. Okay lang ba na ikaw muna sa shop? Gusto kong magpahinga," namamaos niyang pakiusap.

Totoo namang masama ang pakiramdam niya. Hindi kasi siya makapaniwala na naikasal siya ng ganoon lang.

"O-kay? Daanan na lang kita mamaya. Dalhan kita ng sopas," may pa-aalalang sagot nito.

Tumango siya at kinaway na lamang ang kanyang kamay. Agad siyang naglakad patungo sa apartment niya. Gusto niyang magmukmok, umiyak, at damdamin na hindi na siya single. Kinasal siya sa lalaking umayaw sa kanya noon at iyon ang hindi niya matanggap!

Buong araw siyang nakatulala sa harap ng T.V. Mabilis niya ring pinupunasan ang bawat bumabagsak na luha sa pisngi niya. Bigla, na-miss niya ang Lolo Isko niya. Gusto niyang magsumbong.

Bakit kasi hindi man lang siya dinala sa munisipyo ni Alaric?! Wala ba itong sweet bones? Kahit sana pampalubag loob man lang na ikasal siya sa huwes ay hindi nito ginawa. Pakiramdam niya tuloy hindi siya worth it na babae. Hindi siya worth it mahalin. Dahil ba chubby siya? Ulila? Mahirap?

Napasimangot siya sa mga naisip. Hindi yata tumalab ang charm ng berde niyang mga mata at ni hindi nabigyan ng hustisya ang kasal niya.

Napabuntong hininga siya sa mga naiisip. Pero nabitin din iyon matapos makarinig ng katok sa pinto. Tamad siyang tumayo. Malamang na si Nina iyon. Kaya lang, pagbukas niya sa pinto ay natigilan siya matapos makita ang seryosong mukha ni Alaric. Walang ngiti sa labi at nagsasalubong ang mga kilay. Napansin pa niya ang bitbit nitong paperbag.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Umuwi ka na nga," walang lakas na taboy niya sa  lalaki.

Imbis na umatras ay walang sabi nitong nilapat ang palad sa noo at leeg niya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Para siyang napapasong lumayo.

"I thought you were sick. Sabi ng kaibigan mo ay hindi maganda ang pakiramdam mo," litanya nito.

Umismid siya at humalukipkip.

"Hindi nga. Hindi mo ba alam kung bakit?"

Tinaas niya ang kilay upang ipakita nag disgusto rito. Bumuntong hininga naman ito at nilahad sa kanya ang dala nitong paperbag.

"A-no iyan?"

"A soup and some early dinner food."

Bigla, kumalam ang sikmura niya lalo na noong masilip na pagkain nga ang mga iyon. Kanina pa naman din siya gutom. Hindi siya makakain nang maayos sa dami ng iniisip.

"Para sa akin?" alinlangan niya.

Lumingon ito sa paligid na tila naghahanap pa ng ibang tao, "Is there anyone here aside from you?"

Napaismid siya at agad na kinuha ang paperbag. Hindi na niya ito pinansin at basta na lang dinala sa maliit niyang kusina ang paperbag. Saktong nilalabas niya ang mga pagkain sa paperbag noong maramdaman ang presensya ni Alaric sa likod niya. Hindi siya lumingon pero mahina siyang napasinghap noong makita ang mga braso nito na nakahawak sa lababo. Kinukulong ang kanyang katawan roon.

"W-hat do you think you're doing?" may kabang tanong niya. Hindi na rin niya maikilos ang mga kamay.

Dinig niya ang malalim nitong paghinga pero nanigas siya sa kinatatayuan matapos dumako ang mainit nitong palad sa kanyang bewang. Kumalabog ang d*bdib niya noong lumapat ang kanyang likod sa malapad nitong d*bdib.

"I was so damn worried," bulong nito.

Nahigit niya ang hininga matapos maramdaman ang matangos nitong ilong na inamoy ang kanyang leeg.

Hindi siya makapagsalita o maitaboy ito. Para siyang estatwa na naninigas sa mga bisig nito.

"Mrs. Castellanos," bulong nito muli bago sinuot ang palad nito sa kanyang tiyan.

"S-top it, Alaric," sa wakas ay nahanap niya ang boses pero hindi pa rin siya makagalaw. Kinabahan pero kinikiliti rin ang kanyang tiyan. Mas lalo na noong pumasok na rin sa loob ng shirt niya ang isa nitong palad.

"I have been longing to call you Misis Castellanos." 

Nagkawatak ang paghinga niya matapos nitong paulanan ng senswal na halik ang kanyang leeg. Hindi rin nakatulong ang kamay nitong unti-unting umaakyat patungo sa kanyang d*bdib. Napasinghap siya at pinigilan ang kamay nito. Kaya lang, hindi niya napaghandaan ang pagsakop ng tuluyan ng mainit nitong palad sa kanyang kaliwang d*bdib. Napaawang ang mga labi niya noong dumiin doon ang palad nito.

"This our first night, our honeymoon, and I don't intend to just rest, Misis Yvonne Castellanos," mapanganib nitong bulong.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Beautiful Stranger   WAKAS

    "Alec Yvo Castellanos! Don't run, Buddy!" hinihingal na sigaw ni Alaric sa anak niyang two years old.Kanina pa ito takbo nang takbo sa sementeryo. Ubos na yata ang energy niya mahabol lang ito."Yvo! Come here to Mommy!" malambing na sigaw ni Yvonne.Nagsalubong ang mga kilay niya noong agad na lumapit ang anak kay Yvonne. Dinig niyang mahinang tumawa ang asawa niya at agad na binuhat si Yvo. Nginisihan pa siya nito bago tinalikuran."F*ck! Ako dapat ang kakampi mo, Yvo," bulong-bulong niya sa hangin."That's alright, Daddy. I am here," si Chelsea na humawak sa kamay niya.Kahit pagod ay binuhat niya ito."Daddy, I'm too old! Put me down! I'm already seven years old!" reklamo nito pero hindi siya nakinig."You're still my princess, hm."Ayaw na nga niya itong tumanda o maging dalaga. Ngayong tatay na siya, kinakabahan na siya na baka mapahamak ang mga anak niya.Lumapit sila kay Yvonne. Nakaupo na ito sa harap ng puntod at sinindihan ang kandila. Umupo siya sa tabi nito at binaba rin

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 100

    "I'm excited! Ano na, Yvonne?" Kinikilig na bigkas ni Mayu mula sa labas ng banyo.Tuwang-tuwa ito habang siya ay kinakabahan. Pinagamit kasi siya nito ng pregnancy test kit kaninang nagduwal siya. Ngayon ay hinihintay niya na lang ang resulta.Kagat-kagat niya ang hinlalaking daliri habang naka-abang ngunit kusa siyang natigilan at namilog ang mga mata matapos makita ang pagpula ng dalawang linya."Oh my God," hindi niya mapigilang bulalas."Uy, ano na? Baka himatayin na sa sala si Alaric kakahintay," pang-aasar pa ni Mayu.Huminga siya nang malalim ngunit nanginginig pa ang kamay noong kuhanin ang kit. Ilang beses siyang lumunok upang pigilan ang pagbagsak ng luha niya. Agad din siyang lumabas, agad na napatayo ng tuwid si Mayu."Ano? I'm sure it's positive." Ngumiti ito at hinawakan ang balikat niya.Kinagat niya ang ibabang labi at marahang tumango. Namilog ang mga mata nito at gusto yatang sumigaw sa tuwa pero ito mismo ang nagtakip sa sariling bibig."Uhm, nasaan si Alaric?"Bin

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 99

    "Shh, maririnig ka nila," mahinang bulong niya kay Alaric.Ngumisi ito at mahinang dum*ing habang patuloy sa paggalaw sa ibabaw niya.Umawang ang mga labi niya at kumapit sa braso nito."Pasaway ka talaga, gabi-gabi ka na lang nandito," paos niyang sermon.Walang mintis kasi itong nagpupunta sa kwarto niya simula noong umuwi sila sa mansyon. Buong isang buwan itong laging umaakyat sa bintana. Saktong papadilim pa lang yata ay naroon na ito tapos aalis na bago pa man sumikat ang araw. Siya nga ang kinakabahan at baka mahuli sila ng Daddy niya.Diniin niya ang hawak sa braso nito noong bumilis ang galaw nito. Sabay silang napaungol pagkatapos. Binagsak nito ang ulo sa leeg niya. Dinig niya ang mahinang hingal nito kasabay ng sa kanya."Umuwi ka na. Maliwanag na sa labas," mahinang utos niya."Tss. Mamaya na, I still want to cuddle you." Nag-iwan ito ng mumunting h*lik sa leeg niya.Mabigat siyang huminga at pumikit."Susunduin ko na kayo mamaya."Napamulat siya roon, "Naayos mo na ang k

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 98

    Wala yatang gustong magsalita sa mga naroon. Maging ang ama niya ay umiwas ng tingin. Napalunok tuloy siya."Don't be rude to my wife, Lo."Napalingon siya kay Alaric na mula sa kusina. Buhat-buhat nito si Chelsea."Your wife? Kasal pa kayong dalawa?" malamig na turan ng matanda.Siya na mismo ang napakapit kay Alaric. Umikot naman agad ang braso nito sa bewang niya."Carry Chelsea first," bulong nito kaya't kinuha niya si Chelsea."Just put me down, Mommy. I'm heavy, the baby might not breathe."Narinig niya ang mga singhapan dahil doon."Buntis ka, Yvonne?" si Margarita na namilog ang mga mata."Ah? H-indi—""She will, but soon. This is the reason why I invited all of you here—""Hindi mo pa ako sinasagot, Alaric. Huwag kang magmadali," putol ng Lolo nito.Kita niyang umigting ang panga ni Alaric bago huminga nang malalim at nilingon ang Lolo niya."Give her back to her father.""Lo, we're still married—""Wala akong pakialam kahit kasal kayo. Bakit? Sinabi mo na ba sa kanilang ikaw

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 97

    "G*go ka ba? Bakit mo sinabi iyon kay Connor?!" naiinis niyang singhal kay Alaric.Tumiim-bagang lang ito at binalik ang cellphone niya kay Fufu. Ngumisi pa si Fufu."Bagay lang iyon sa kanya. Pero di nga, kasal pa kayong dalawa?" Tinaasan pa sila ng kilay ni Fufu.Naningkit ang mga mata niya at hindi sumagot."I'll ask for extra securities. I'll be back here later," pagpapaalam ni Alaric.Akmang paalis na 'to pero hinila ni Chelsea ang longsleeve nito."Thank you, Uncle Gwapo," mahinang bigkas nito.Bumuntong hininga si Alaric at humarap muli sa kanilang dalawa. Sumilay ang ngiti nito at marahang ginulo ang buhok ni Chelsea."Shh, call me Daddy, Princess, and you're always welcome, hm."Nagulat siya noong humikbi si Chelsea, "I have a daddy now? You love me even if you told me before that Mommy doesn't love me?"Namilog ang mga mata niya sa narinig habang si Alaric ay natigilan. Naningkit ang mga mata niya rito at mahinang kinurot sa tagiliran."Ikaw pala ang salarin kung bakit nagta

  • My Beautiful Stranger   KABANATA 96

    Nanlabo ang paningin niya dahil sa luha. Nabitiwan niya si Yaya Melly at halos matumba siya sa panghihina pero naramdaman niya ang matipunong katawan ni Alaric na sumalo sa kanya."Don't cry. I will help you find her," bulong nito.Napasinghap siya at tuluyang napaiyak, "Kasalanan mo 'to. Kapag may nangyaring masama kay Chelsea, hindi kita mapapatawad, Alaric," mahina ngunit madiin niyang banta.Hindi naman ito kumibo. May tinawagan lang ito at hindi niya maintindihan kung sino.Nasapo niya ang mukha at napahagulhol. Wala na siyang pakialam kahit na niyakap pa siya ni Alaric. Sobrang sikip ng d*bdib niya."Tumawag ka na ba ng pulis, Miss Melly?" dinig niyang tanong ni Alaric."Opo, Sir. Kaso wala pa raw pong 24 hours na nawawala kaya baka hindi pa nila hinahanap.""F*ck. Fine. Ako na ang maghahanap. Paki bantayan po si Yvonne."Hinatid pa siya nito papasok sa loob ng condo niya at iniwan kay Yaya Melly. Hindi niya nga alam na umalis na ito kung hindi pa siya inabutan ng baso ng tubig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status