Share

KABANATA 48

Halos matulala roon si Yvonne at parang tangang nakatitig sa sanitary napkin. Ang lakas ng kabog ng d*bdib niya. Para na iyong mawawasak sa pinaghalong takot at kaba.

Possible bang buntis siya?

Nakagat niya ang labi. Hindi pa siya handa!

"Yvonne, namumutla ka," biglang puna sa kanya ni Nina.

Mas lalo siyang nanlamig. Namuo ang pawis sa noo niya.

"May lagnat ka ba?" nag-aalalang tanong pa nito.

Noong akmang hahawakan nito ang noo niya ay agad siyang umiwas. Huminga siya nang malalim at pilit na ngumiti.

"Ayos lang ako pero bukas okay lang ba na mag-absent ako? May aasikasuhin lang," pagpapaalam niya.

Kailangan niyang magpatingin kahit mag-pregnancy test kit lang. Hindi pa pwedeng mamuhay ang alagad ni Alaric sa sinapupunan niya. Ayaw pa niyang madagdagan ang kampon ng kah*rutan.

Mabuti na lang at tumango si Nina pero siya, nanlalamig pa rin. Ni hindi siya nakapagtrabaho ng maayos. Minsan natutulala. Hindi na nga niya kilala ang sarili sa oras na iyon. Para siyang binusalan sa bibig at
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status