Share

KABANATA 56

Literal na nakatulog silang dalawa sa upperdeck ng yate. Kahit mahangin ay hindi siya nanlamig sa suot niyang longsleeve ni Alaric. Idagdag pa ang mainit nitong yakap at mga binting nakayapos sa kanya. Kun'di nga lang paulit-ulit na tumutunog ang cellphone nito ay hindi siya malilingat.

"Your phone," bulong niya rito ngunit humigpit lang ang yakap nito.

"Titigil din iyan katatawag," may inis na bigkas nito bago parang bata na siniksik ang ulo sa leeg niya.

Maliit siyang napanguso. Naiisip niya kasi na baka ang Ate Margarita niya ang tumatawag rito. Kaya nga pagsikat ng araw at noong maghanda ito ng almusal ay mas pinagtuonan niya ng pansin ang cellphone nito na nasa lapag lang. Lakas-loob niya iyong binuksan para lang tumambad sa kanya ang maraming missed calls ng Lolo Frederick nito.

Humigpit ang hawak niya sa cellphone lalo na noong mapindot niya ang message button nito at mabasa roon ang maraming mensahe ng Lolo nito.

"Do you really think I wouldn't know that you hid your girl? Are
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status