Compartilhar

Chapter 6

Autor: KeithWrites
last update Data de publicação: 2026-10-28 12:09:31

“Isabelle Cruz?”

Muling binanggit ni Nicole ang pangalan na sinabi ni Selena. Sinikap niyang panatilihing kalmado ang kaniyang mukha, ngunit sa loob-loob niya ay unti-unti nang nabubuo ang isang palaisipang hindi niya kayang balewalain.

“Kilala mo ba siya, Nicole?” tanong ni Selena.

Mabilis na umiling si Nicole.

“Hindi eh, bakit, sino ba siya?”

“Hindi ko rin alam ang buong kuwento. May tumawag lang sa akin kahapon at sinabing may isang babaeng matagal nang naghahanap kay Christopher. Nang tanungin ko kung sino, binanggit niya ang pangalang Isabelle Cruz.”

“Baka naman dating kakilala lang niya,” maingat na sagot ni Nicole.

“Posible.”

Tahimik na pinagmasdan ni Selena ang kaibigan.

“Pero bakit ngayon pa siya magpaparamdam? Ilang taon na kaming kasal ni Christopher. Kung may kailangan siya, bakit hindi niya ito ginawa noon?”

Walang maisagot si Nicole.

Sa halip, ang naalala niya ay ang litrato sa kaniyang cellphone. Ang lalaking matagal na niyang lihim na minamahal ay nakatayo sa tabi ng isang babae. Hindi niya alam kung si Isabelle ba ang babaeng nasa litrato. Ngunit ngayong binabanggit ni Selena ang pangalan nito, hindi niya maiwasang maghinala.

“Ano ba sinabi sa'yo ng tumawag?” tanong niya.

“Wala naman masyado. Gusto lang niyang malaman kong may taong naghahanap kay Christopher.”

“Hindi mo ba tinanong kung bakit?”

“Tinanong ko, pero hindi na siya sumagot nang maayos.”

Natahimik si Selena.

“Nicole, sa tingin mo ba may dapat akong ikabahala?”

Napatingin sa kaniya ang kaibigan.

“Bakit naman? Si Christopher ang asawa mo. Kung may problema, dapat siya ang magpaliwanag sa iyo.”

Napangiti nang bahagya si Selena, ngunit hindi umabot ang ngiti sa kaniyang mga mata.

“Kaya nga kailangan ko na siya makausap.”

May kung anong kumirot sa dibdib ni Nicole. Sa loob ng maraming taon, pinangarap niyang magkaroon ng pagkakataong makausap si Christopher nang sila lamang dalawa. Ngunit ngayong mayroon siyang dahilan para mapalapit sa lalaki, ang tanging nakikita niya ay kung gaano ito kamahal ni Selena.

Dahil sa tuwing nakikita niya ang dalawa, paulit-ulit niyang naaalala na may isang bagay siyang hindi kailanman maaaring angkinin nang hindi nananakit ng ibang tao.

Ang pagmamahal ni Christopher.

“Selena,” mahina niyang tawag.

“Hmm?”

“Kung sakaling may malaman ka tungkol sa nakaraan ni Christopher na hindi mo nagustuhan, ano ang gagawin mo?”

Napaisip si Selena.

“Depende sa kung ano iyon.”

“Paano kung may bagay siyang itinago sa iyo?”

“Lahat naman tayo may nakaraan, Nicole. Hindi ko naman hinihinging ikuwento niya sa akin ang bawat detalye ng buhay niya bago kami magkakilala.” Sandaling huminto si Selena. “Pero kung may bagay na makaaapekto sa pagsasama namin ngayon, gusto kong manggaling sa kaniya ang katotohanan.”

Napayuko si Nicole.

“That's fair.”

“Bakit mo naman naitanong?”

“Wala lang. Na-curious lang ako.”

Hindi na nagtanong si Selena. Sa halip, tumayo siya at inayos ang kaniyang handbag.

“Magpapahinga muna ako. Bukas, kakausapin ko si Christopher tungkol sa tawag na iyon.”

Nang makalabas si Selena sa silid, saka lamang inilabas ni Nicole ang kaniyang cellphone. Binuksan niya ang litrato at muling pinagmasdan ang babaeng katabi ni Christopher.

“Isabelle Cruz,” bulong niya.

Kung ikaw nga ang babaeng ito, ano ang tunay mong koneksiyon sa lalaking minamahal ko? At bakit ngayon ka lamang bumabalik?

Kinabukasan, maagang umuwi si Christopher mula sa opisina. Nasa silid-aklatan si Selena, tahimik na nagbabasa ng mga dokumentong matagal na niyang hindi pinapansin. Nang marinig niya ang pagbukas ng p***o, agad siyang tumingala.

“Love, you're early today.”

Lumapit si Christopher at hinalikan siya sa noo.

“Natapos nang maaga ang meeting. Have you eaten?”

“Not yet. By the way, I have something to ask.”

Napansin ng lalaki ang pagbabago sa kaniyang mukha. Umupo ito sa tapat niya at ibinaba ang hawak na cellphone.

“What about it?”

Huminga nang malalim si Selena.

“Do you know Isabelle Cruz?”

Biglang tumahimik si Christopher. Hindi nagtagal ang kaniyang reaksiyon, ngunit sapat iyon upang mapansin ni Selena. Ang lalaking karaniwang mabilis sumagot sa mga tanong nito ay tila nag-iisip kung ano ang dapat sabihin.

“Bakit mo natanong?” tanong niya.

“May tumawag sa akin kahapon. Sinabi niyang may isang babaeng naghahanap sa iyo.”

“Who called?”

“Hindi ko kilala. Hindi niya sinabi ang pangalan niya.”

“Anong sinabi niya tungkol kay Isabelle?”

Napakunot ang noo ni Selena.

“Christopher, bakit parang mas interesado kang malaman kung sino ang tumawag kaysa ipaliwanag kung sino si Isabelle?”

Napahinga nang malalim ang lalaki.

“She's someone I knew before.”

“Before we got married?”

“Yes.”

“Were you in a relationship?”

Hindi agad sumagot si Christopher. Lalong nakaramdam ng kaba si Selena. Hindi niya gustong mag-isip ng kung anu-anong bagay, ngunit ang pananahimik nito ay nagbigay sa kaniya ng dahilan upang magtanong pa.

“Chris, hindi kita inaakusahan ng kahit ano. Gusto ko lang malaman kung bakit may taong naghahanap sa iyo at bakit tila ayaw mong pag-usapan ang tungkol sa kaniya.”

Hinawakan ni Christopher ang kaniyang kamay.

“Selena, may mga bagay sa nakaraan ko na hindi ko na gustong balikan. Pero wala akong planong sirain ang pagsasama natin dahil sa mga nangyari noon.”

“Hindi iyon ang tinatanong ko.”

“I know.”

“Kung wala ka nang kinalaman sa kaniya, bakit hindi mo na lang sabihin sa akin ang totoo?”

Sandaling napatingin si Christopher sa kanilang magkahawak na kamay bago muling tumingin sa asawa.

“May mga bagay na mas mabuting manatili sa nakaraan.”

Nasaktan si Selena sa sagot nito. Hindi dahil umaasa siyang walang ibang babae sa buhay ni Christopher bago sila nagpakasal, kundi dahil gusto niyang maramdaman na kaya nitong maging tapat sa kaniya kahit hindi komportable ang pag-uusap.

“Okay,” mahinang sabi niya.

Tumayo si Christopher at lumapit sa kaniya.

“Love, please. I don't want you to worry about this.”

Ngunit hindi niya nagawang ngumiti.

“Kung ayaw mong mag-alala ako, sana huwag mong iparamdam na may kailangan akong katakutan.”

Natigilan ang lalaki.

Ilang segundo silang nagtitigan bago muling hinawakan ni Christopher ang kaniyang kamay.

“I love you, Selena. Never forget that.”

Nais sanang sabihin ni Selena na hindi sapat ang mga salitang iyon upang sagutin ang tanong niya. Ngunit pinili niyang manahimik. Sa halip, hinayaan niyang umalis ang asawa mula sa silid-aklatan.

Hindi niya alam na paglabas ni Christopher, agad nitong kinuha ang cellphone at tumawag sa isang numero. Ilang sandali lamang ang lumipas bago may sumagot.

“Isabelle,” mariin niyang sabi, “Why did you call Selena?”

Natahimik ang kabilang linya. Pagkatapos ay narinig niya ang tinig ng isang babaeng matagal na niyang sinikap kalimutan.

“Hindi ako ang unang naghanap sa kaniya, Christopher. May tumawag sa asawa mo dahil may mga bagay na dapat na niyang malaman.”

“Don't drag Selena into this.”

“Kung ganoon, dapat ikaw mismo ang magsabi sa kaniya ng katotohanan.”

“Isabelle—”

Ngunit naputol ang tawag. Napatitig si Christopher sa screen. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon, bumalik ang takot na akala niya ay tuluyan nang nawala.

Dahil alam niyang kung magsisimulang magsalita si Isabelle, maaaring hindi na niya makontrol ang mga susunod na mangyayari.

Samantala, hindi mapakali si Nicole sa guesthouse. Ilang beses niyang binuksan ang litrato at sinuri ang bawat detalye. Hindi niya alam kung kailan ito kinunan o kung sino ang nagpadala. Ngunit ngayong narinig niyang kilala ni Christopher si Isabelle, lalo siyang nag-alinlangan.

Kinuha niya ang cellphone at binuksan ang mensahe mula sa hindi kilalang numero. Matagal siyang nag-isip bago tuluyang nag-type.

[Nicole: Sino ka? Bakit mo ipinadala sa akin ang litrato ni Christopher at Isabelle?]

Ilang minuto siyang naghintay. Walang sagot. Akala niya ay hindi na muling magpaparamdam ang estranghero, ngunit nang ilapag na niya ang cellphone, tumunog ito.

[Unknown: Gusto mo bang malaman kung bakit hindi sila nagkatuluyan?]

Mabilis siyang sumagot.

[Nicole: Oo. Ano ang nangyari sa kanila?]

Makalipas ang ilang segundo.

[Unknown: May pangakong binitiwan si Christopher noon. Pero hindi lahat ng pangako ay natutupad.]

Napakagat-labi si Nicole.

[Nicole: Ano ang kinalaman ko rito?]

Matagal bago dumating ang kasunod na mensahe.

[Unknown: Dahil ikaw ang babaeng pinili ni Selena upang magdala ng anak ng lalaking minamahal mo.]

Nanlamig ang kaniyang mga kamay. Hindi niya alam kung paano nalaman ng estranghero ang tunay niyang nararamdaman. Hindi niya kailanman ipinagtapat kay Selena na mahal niya si Christopher. Hindi rin niya ito sinabi sa kaniyang pamilya. Kaya bakit tila alam ng taong iyon ang lahat?

Muli siyang nag-type.

[Nicole: Sino ka ba talaga?]

Sa pagkakataong ito, mabilis ang naging sagot.

[Unknown: Isang taong ayaw nang maulit ang nangyari noon.]

Napatayo si Nicole. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng mensahe. Ngunit bago pa siya makapag-isip, may isa pang larawan na dumating. Hindi iyon larawan nina Christopher at Isabelle.

Isa itong kuha mula sa labas ng mansiyon ng mga Martinez. Makikita sa larawan si Selena na nakatayo sa tabi ni Christopher, habang nakahawak ang lalaki sa balikat ng asawa nito. Sa likod nila ay may bahagyang nakikitang anino ng isang taong tila palihim na kumukuha ng litrato.

Nanginginig na pinalaki ni Nicole ang larawan. Sa gilid nito ay may petsa.

Kahapon. Hindi ito lumang litrato. May isang taong sumusubaybay sa kanila ngayon. At bago pa niya maipadala ang susunod niyang tanong, dumating ang huling mensahe.

[Unknown: Kung gusto mong malaman ang buong katotohanan tungkol kay Isabelle Cruz, huwag kang magtanong kay Christopher. Hanapin mo ang babaeng nasa litrato bago pa niya tuluyang mawala.]

Napaupo si Nicole sa gilid ng kama. Hindi niya alam kung sino ang dapat niyang paniwalaan. Hindi niya alam kung bakit may taong gustong idamay siya sa nakaraan ni Christopher.

Ngunit isang bagay ang malinaw sa kaniya. Hindi na simpleng kasunduan tungkol sa isang sanggol ang pinasok niya. At kung magpapatuloy siyang manatili sa tabi ni Christopher, maaaring madamay siya sa isang lihim na mas matagal nang umiiral kaysa sa pagmamahal niyang pilit itinatago.

Dahil sa pagkakataong ito, hindi lamang ang kaniyang puso ang maaaring masira—maaaring siya mismo ang maging susunod na taong gustong patahimikin ng isang nakaraan na ayaw nang ibaon ni Christopher.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 31

    Maagang nagising si Christopher nang tumunog ang kanyang telepono. Nang makita niya ang pangalan ni Selena sa screen, agad niya itong sinagot.“Hi, honey!”Masiglang bati ni Selena mula sa kabilang linya.“Good morning,” sagot ni Christopher.“Good morning! Are you busy?”“Hindi naman. I'm just having breakfast.”“Are you with Nicole?”“Yeahh. She's here.”“Can you put me on speaker? Gusto ko rin siyang makausap.”Saglit na napatingin si Christopher kay Nicole. Nasa kabilang bahagi ito ng mesa at tahimik na umiinom ng kape.“Sure.”Inilagay niya sa speaker ang telepono.“Hi, Selena!” bati ni Nicole.“Hi! How are you feeling today?”“I'm good. Ikaw, kumusta ka diyan?”“Okay naman. Actually, excited na akong makauwi. Miss ko na kayo.”“Miss ka na rin namin,” sagot ni Nicole.“By the way, may balita na ba mula sa clinic? Kanina pa ako naghihintay na may mag-update sa akin.”Biglang natahimik si Christopher.Napatingin si Nicole sa kanya. Alam niyang hindi pa nila nasasabi kay Selena ang

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 30

    “May good news ba kayo?”Nakangiting tanong ni Selena mula sa video call. Kitang-kita sa mukha nito ang pananabik habang naghihintay ng sagot mula kina Nicole at Christopher.Nagkatinginan ang dalawa.Hindi alam ni Nicole kung paano magsisimula. Gusto niyang sabihin ang totoo, ngunit nang makita niya ang masayang mukha ng kanyang matalik na kaibigan, hindi niya magawang biguin ito.“Wala pa kaming final update,” sagot ni Christopher. “May mga bagay pa kaming kailangang kumpirmahin sa klinika.”Bahagyang nawala ang ngiti ni Selena.“Wala pa rin ba?”“Don't worry. We'll figure things out,” dagdag ni Christopher.“It's okay. Alam kong ginagawa ninyo ang lahat.” Ngumiti muli si Selena. “Nicole, kumusta ang pakiramdam mo?”“Okay naman ako. Nagpapahinga lang gaya ng bilin ng doktor.”“Good. Please take care of yourself. Ayokong mapagod ka dahil sa akin.”“Don't say that. Ginagawa ko ito dahil gusto kong matulungan ka.”“Alam ko. Kaya nga sobrang thankful ako sa'yo.”Napayuko si Nicole. Lalo

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 29

    Maagang nagpunta sa klinika sina Nicole at Christopher upang kunin ang resulta ng kanilang pagtatangka. Sa buong biyahe, halos walang nagsalita. Paminsan-minsan ay sumisilip si Christopher sa kanya, ngunit nakatingin lamang si Nicole sa bintana, pilit na pinapakalma ang sarili.Ilang araw niyang inalagaan ang pag-asang ito. Sinunod niya ang mga bilin ng doktor, nagpahinga, at iniwasan ang mga gawaing maaaring makapagpagod sa kanya. Sa bawat araw na lumipas, iniisip niyang baka sa pagkakataong ito ay matutupad na ang pangarap ni Selena.Pagdating nila sa klinika, agad silang tinawag ng doktor.“May resulta na po ba?” tanong ni Christopher.Tumango ang doktor at inilapag ang folder sa mesa. Sandaling sinuri nito ang mga papel bago tumingin sa kanilang dalawa.“I’m sorry. Negative pa rin ang resulta.”Hindi agad nakapagsalita si Nicole. Para siyang nawalan ng lakas. Napayuko siya, at mahigpit na pinisil ang mga kamay sa kanyang kandungan.“May iba pa po ba kaming puwedeng subukan?” tanon

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 28

    Pagsapit ng Martes, maagang nagpunta sa klinika sina Nicole at Christopher. Tahimik si Nicole habang nasa biyahe, mahigpit ang hawak sa kanyang bag. Kahit ilang araw na silang naghahanda, hindi pa rin niya mapigilan ang kaba.“Are you okay?” tanong ni Christopher.Tumango siya. “I just feel nervous. Sana maging maayos na sa pagkakataong ito.”“Anuman ang maging resulta, don't worry about it.”Napatingin si Nicole sa kanya. May kung anong kapanatagan sa boses nito na unti-unting nagpawala sa kanyang kaba.“Salamat,” mahina niyang sabi.Pagdating nila sa klinika, sinalubong sila ng staff at inihatid sa silid kung saan gagawin ang proseso. Muli nilang sinuri ang mga dokumento at ipinaliwanag ng doktor ang mga susunod na hakbang.Bago pumasok si Nicole, huminto siya sa may pintuan.“Christopher?”Lumingon ito. “Bakit?”“Samahan mo ako please.”Hindi nag-atubili si Christopher. “Of course, I will.”Hinawakan niya ang kamay ni Nicole at marahang pinisil iyon. “Kaya mo ’to.”Ngumiti si Nicol

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 27

    Habang nasa ibang bansa pa si Selena, gthindi iyon naging hadlang para patuloy siyang makausap nina Nicole at Christopher. Halos araw-araw ay tumatawag siya upang kumustahin ang paghahanda nila para sa susunod na pagtatangka. Sa bahay, abala naman sina Nicole at Christopher sa pag-aayos ng mga kailangang dalhin sa klinika. Nakatakda ang kanilang appointment sa Martes, at pareho nilang gustong maging maayos ang lahat. “May listahan ka na ba ng mga kailangan?” tanong ni Christopher habang inilalapag sa mesa ang isang folder. “Oo,” sagot ni Nicole. “Mga dokumento, resulta ng mga pagsusuri, at mga instructions ng doktor.” “May nakalimutan ka.” Napatingin siya rito. “Ano?” “Water.” Itinaas ni Christopher ang isang bote. “Lagi mong nakakalimutan ’yan kapag abala ka.” Napangiti si Nicole. “Hindi ko naman laging nakakalimutan.” “Talaga? Ilang beses na kitang nakitang naghahanap ng tubig pagkatapos mong sabihing hindi ka nauuhaw.” “Napapansin mo pala ’yon?” Saglit na natigil

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal    Chapter 26

    Hindi maalis ni Isabelle ang tingin sa mensaheng natanggap niya.Kung itutuloy nila ang schedule sa susunod na linggo, maaaring wala nang pagkakataong pigilan ang plano.Muli niyang binasa ang mga salita. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng mensahe, ngunit alam niyang hindi ito basta babala lamang. Dahan-dahan niyang pinatay ang screen ng telepono.Hindi pa niya maaaring sabihin kay Selena ang tungkol sa kasunduan. Hindi pa ngayon. Ngunit kung magpapatuloy sina Nicole at Christopher sa susunod na linggo, maaaring tuluyan nang magbago ang lahat.Kinabukasan, maagang nagising si Nicole. Hindi siya mapakali habang naghahanda para sa araw na iyon. Kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na ginagawa niya ito para kay Selena, hindi niya maalis ang bigat ng lihim na dala niya.Nang dumating siya sa klinika, naroon na si Christopher. Naghihintay ito sa may reception.“Are you okay, Nicole?” bati at tanong nito.“Hindi ako masyado nakatulog,” sagot ni Nicole.“Dahil sa schedule?”Bah

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status