Se connecterHindi maalis sa isip ni Nicole ang huling mensaheng natanggap niya.
Hindi niya alam kung dapat ba niyang sundin ang babala o tuluyan nang balewalain ang mga mensaheng iyon. Ngunit may isang bagay na hindi niya kayang gawin—ang basta kalimutan ang pangalang Isabelle Cruz. Dahil sa tuwing naiisip niya ang babaeng iyon, hindi niya maiwasang magtanong kung gaano ito kahalaga sa buhay ni Christopher bago siya nakilala ni Selena. At kung may bahagi pa ba ng puso ni Christopher na nananatiling nakalaan para sa ibang babae. Napabuntong-hininga si Nicole at isinara ang cellphone. “Hindi ko na dapat pakialaman ito,” bulong niya sa sarili. Ngunit kahit ilang beses niya iyong sabihin, hindi mawala ang kaba sa kaniyang dibdib. Lalo na nang maalala niya ang huling mensahe ng sender. Para bang hindi lamang ang nakaraan ni Christopher ang alam ng taong iyon. Para bang may alam din ito tungkol sa kaniya. Kinabukasan, nadatnan ni Nicole si Selena sa kusina. Nakaupo ito sa harap ng isang tasa ng kape habang tahimik na nakatingin sa bintana. “Good morning, BFF.” Napalingon si Selena at pilit na ngumiti. “Good morning.” Umupo si Nicole sa katapat niya. Napansin niyang halos hindi nagalaw ang kape ng kaibigan. “Hindi ka ba nakatulog nang maayos?” Umiling si Selena. “Hindi masyado.” “Dahil pa rin ba kay Isabelle?” Saglit na natahimik si Selena bago tumango. “Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw sabihin ni Christopher ang buong katotohanan. Hindi ko naman hinihinging ikuwento niya sa akin ang lahat ng nangyari bago kami magkakilala. Gusto ko lang malaman kung bakit parang may bagay siyang pilit na itinatago.” “Baka kailangan lang niya ng panahon para maipaliwanag iyon.” “Pero paano kung may iba nang magsabi sa akin bago pa siya maging handa?” Napayuko si Nicole. Hindi niya masabi kay Selena na may ibang taong nagpapadala rin sa kaniya ng mga mensahe tungkol kay Isabelle. Hindi niya alam kung ano ang layunin ng sender, at natatakot siyang baka lalo lamang lumala ang sitwasyon kapag sinabi niya ang lahat. “BFF,” mahinang sabi ni Selena, “may itatanong ako sa iyo.” “Ano iyon?” “Kung ikaw ang nasa lugar ko, mag-aalala ka rin ba?” Hindi agad nakasagot si Nicole. Gusto niyang sabihin na wala siyang dapat ipag-alala. Gusto niyang paniwalain ang kaibigan na maaaring simpleng bahagi lamang ng nakaraan ni Christopher ang babaeng iyon. Pero hindi niya kayang magsinungaling nang ganoon kadali. “Siguro,” tapat niyang sagot. “Lalo na kung ayaw niyang ipaliwanag kung ano talaga ang nangyari.” Napangiti nang malungkot si Selena. “Salamat sa pagiging tapat sa akin.” Muling kumirot ang dibdib ni Nicole. Ang hirap palang makatanggap ng tiwala mula sa taong alam mong maaari mong saktan balang araw. At ang mas masakit, hindi niya pa rin kayang tuluyang talikuran ang damdaming matagal na niyang kinikimkim. Makalipas ang ilang minuto, bumaba si Christopher mula sa kaniyang silid. Maayos ang kaniyang suot at tila handa na siyang umalis para sa trabaho. Ngunit nang makita niya si Selena sa kusina, bahagya siyang natigilan. “Good morning,” bati niya. “Good morning,” sagot ni Selena. Lumapit si Christopher at hinalikan siya sa noo. “May meeting ako ngayong umaga. Baka hindi ako makauwi para sa tanghalian.” “Sige.” Napansin ng lalaki ang malamig na tugon ng asawa. “Selena, tungkol sa pinag-usapan natin kagabi—” “Hindi na muna natin kailangang pag-usapan.” “Pero gusto kong ipaliwanag sa iyo.” Tumingin si Selena sa kaniya. “Kung gusto mo talagang magpaliwanag, Christopher, hindi mo kailangang hintayin na ako pa ang magtanong.” Natahimik ang lalaki. Ilang segundo silang nagtitigan, ngunit walang sinuman ang unang nagsalita. Sa huli, napabuntong-hininga si Christopher. “Okay, let's talk about it later.” Bahagyang ngumiti si Selena, ngunit bakas pa rin sa mukha niya ang pagkadismaya. “Sige. Mag-iingat ka.” Kinuha ni Christopher ang susi ng kaniyang sasakyan at tuluyang umalis. Tahimik na pinanood ni Selena ang pagsara ng p***o. Lumapit si Nicole at hinawakan ang kaniyang balikat. “Baka may dahilan lang siyang hindi pa kayang sabihin.” “Umaasa akong ganoon nga.” Sandaling natahimik si Selena bago tumingin sa kaibigan. “Nicole, tungkol sa surrogacy natin…” Napatigil si Nicole. “Ano iyon?” “Sa tingin mo, dapat ba muna tayong magpahinga bago ang susunod na pagtatangka?” Hindi niya inaasahang iyon ang itatanong ng kaibigan. “Bakit?” “Pagod na ako, BFF. Tatlong beses na tayong nabigo. Ayokong pilitin ka kung hindi pa handa ang katawan mo, at ayoko ring patuloy tayong dumaan sa proseso nang hindi muna natin pinag-iisipan kung ano ang pinakamabuti para sa ating dalawa.” Naramdaman ni Nicole ang unti-unting pagbigat ng kaniyang dibdib. Kung magpapahinga sila, maaaring mas matagal bago sila magkaroon ng pagkakataong magpatuloy. At habang tumatagal, mas lalong nanganganib na mawala ang dahilan niya para manatili sa tabi ni Christopher. Gayunpaman, hindi niya maaaring ipakita ang kaniyang pag-aalala. “If that's what you want, fine with me,” sagot niya.“ Hinawakan ni Selena ang kaniyang kamay. “Salamat, BFF. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka.” Muli siyang niyakap ng kaibigan. At sa yakap na iyon, naalala ni Nicole kung bakit napakahirap para sa kaniya na talikuran ang lahat ng mayroon siya. Hindi lamang dahil kay Christopher. Kundi dahil si Selena ang taong nagtiwala sa kaniya nang walang pag-aalinlangan. Nang hapong iyon, habang nag-iisa si Nicole sa kaniyang silid, muli siyang nakatanggap ng mensahe mula sa hindi kilalang numero. [Unknown Number: Nagtanong ka na ba kay Christopher tungkol kay Isabelle?] Agad siyang nag-type ng sagot. [Nicole: Bakit ba interesado ka sa kanilang nakaraan?] Ilang segundo siyang naghintay bago lumitaw ang sagot. [Unknown Number: Dahil hindi lang si Isabelle ang may karapatang malaman ang katotohanan.] Napakunot ang noo ni Nicole. [Nicole: Kung may alam ka, bakit hindi mo na lang sabihin?] Matagal bago sumagot ang sender. [Unknown Number: Hindi lahat ng katotohanan ay kayang tanggapin ng taong nakaririnig nito.] Napahigpit ang hawak ni Nicole sa cellphone. [Nicole: Ano ang kinalaman ko rito?] Sa pagkakataong iyon, halos agad dumating ang tugon. [Unknown Number: Mas malaki ang kinalaman mo kaysa sa iniisip mo.] Nanlamig ang kaniyang mga daliri. Bago pa siya makapag-type ng isa pang tanong, may panibagong mensaheng pumasok. [Unknown Number: Mag-ingat ka, Nicole. Minsan, ang taong pinakamalapit sa iyo ang may pinakamalaking lihim.] Napatingin siya sa pintuan ng kaniyang silid. Hindi niya alam kung sino ang nagpapadala ng mga mensahe, ngunit lalo siyang nakadama ng pangamba. May alam ba ang taong iyon tungkol sa kaniyang nararamdaman para kay Christopher? O may iba pang bagay na hindi pa niya natutuklasan tungkol sa pamilyang Martinez? Mabilis niyang binura ang notification mula sa screen, ngunit hindi niya magawang burahin ang mga salitang nabasa niya. Pagsapit ng gabi, umuwi si Christopher nang mas maaga kaysa sa inaasahan ni Selena. Nadatnan niya ang kaniyang asawa sa sala, tahimik na nagbabasa ng isang libto. “Love, can we talk?” Ibinaba ni Selena ang hawak niya. “Is it about Isabelle?” Umupo si Christopher sa tapat niya. “Si Isabelle ay isang taong naging mahalaga sa akin bago tayo nagkakilala.” Naramdaman ni Selena ang paninikip ng dibdib. “Minahal mo ba siya?” Hindi agad sumagot si Christopher. At sa ilang segundong katahimikan, tila may kung anong nabasag sa loob ni Selena. “Hindi mo kailangang sagutin kung hindi mo kaya,” sabi niya, pilit na pinananatiling matatag ang kaniyang tinig. “Pero gusto kong malaman kung bakit siya bumalik at kung bakit may nagpapadala sa akin ng mga bagay tungkol sa nakaraan ninyo.” Agad na napatingin si Christopher sa kaniya. “May ipinadala sa iyo?” Tumango si Selena at kinuha ang litrato mula sa mesa. Ito ang litrato ng babaeng kasama ni Christopher na ipinadala sa kaniya nang walang pangalan ng nagpadala. Pagkakita ni Christopher sa larawan, nagbago ang kaniyang ekspresyon. “May iba pa bang nagpadala nito?” “Wala. Bakit? May dapat ba akong malaman?” Matagal na tinitigan ni Christopher ang litrato bago ito ibinalik sa mesa. “Hindi ko alam kung sino ang nagpapadala niyan, pero aalamin ko.” “Christopher, hindi iyon ang tinatanong ko.” Tumingin siya sa asawa. “Gusto ko lang malaman kung may dahilan ba akong mag-alala.” Lumapit si Christopher at hinawakan ang kamay niya. “Selena, ikaw ang asawa ko. Ikaw ang pinili kong makasama.” Ngunit hindi nawala ang pag-aalinlangan sa mukha ni Selena. “Kung ganoon, sana huwag mo akong hayaang magtanong sa ibang tao tungkol sa sarili kong asawa.” Hindi nakasagot si Christopher. Sa halip, tumayo siya at tumingin sa litrato sa mesa. May mga bagay siyang matagal nang pilit iniiwan sa nakaraan. At ngayon, tila may isang taong determinado na muling buksan ang lahat ng iyon. Nang gabing iyon, tahimik na nakaupo si Nicole sa kaniyang kama nang muling magliwanag ang screen ng kaniyang cellphone. Isang mensahe. [Unknown Number: May gusto akong ipakita sa iyo.] Kasunod nito ay isang litrato. Hindi ito ang lumang larawan ni Christopher at Isabelle. Ito ay larawan ni Selena, kuha mula sa labas ng mansiyon, habang mag-isang nakatayo sa balkonahe. Nanlaki ang mga mata ni Nicole. May kumuha ng litrato kay Selena nang hindi nito nalalaman. At tila hindi lamang ang nakaraan ni Christopher ang sinusubaybayan ng taong iyon. Mabilis siyang nag-type. [Nicole: Bakit mo kinukuhanan ng litrato si Selena?] Ilang sandali siyang naghintay bago dumating ang sagot. [Unknown Number: Dahil may mga bagay siyang dapat malaman bago maging huli ang lahat.] Napahigpit ang hawak ni Nicole sa cellphone. [Nicole: Ano ang ibig mong sabihin?] Matagal bago lumitaw ang huling mensahe. [Unknown Number: Sa ngayon, sapat nang malaman mong may isang taong nagmamasid sa pamilyang Martinez.] Napatingin si Nicole sa bintana ng kaniyang silid. Sa dilim sa labas, wala siyang nakitang kakaiba. Ngunit hindi na niya maalis sa isip ang litrato ni Selena at ang babala ng hindi kilalang sender. May isang taong nagmamasid sa pamilya Martinez. May isang taong gustong mabunyag ang nakaraan ni Christopher. At sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, siya ang patuloy nitong kinokontak. Ngunit ang hindi alam ni Nicole, habang pilit niyang inaalam kung sino ang nasa likod ng mga mensahe, may isang lihim na unti-unti nang naglalapit sa kaniya sa lalaking matagal na niyang minamahal—at maaaring iyon din ang maging dahilan ng tuluyan niyang pagkasira.Maagang nagising si Christopher nang tumunog ang kanyang telepono. Nang makita niya ang pangalan ni Selena sa screen, agad niya itong sinagot.“Hi, honey!”Masiglang bati ni Selena mula sa kabilang linya.“Good morning,” sagot ni Christopher.“Good morning! Are you busy?”“Hindi naman. I'm just having breakfast.”“Are you with Nicole?”“Yeahh. She's here.”“Can you put me on speaker? Gusto ko rin siyang makausap.”Saglit na napatingin si Christopher kay Nicole. Nasa kabilang bahagi ito ng mesa at tahimik na umiinom ng kape.“Sure.”Inilagay niya sa speaker ang telepono.“Hi, Selena!” bati ni Nicole.“Hi! How are you feeling today?”“I'm good. Ikaw, kumusta ka diyan?”“Okay naman. Actually, excited na akong makauwi. Miss ko na kayo.”“Miss ka na rin namin,” sagot ni Nicole.“By the way, may balita na ba mula sa clinic? Kanina pa ako naghihintay na may mag-update sa akin.”Biglang natahimik si Christopher.Napatingin si Nicole sa kanya. Alam niyang hindi pa nila nasasabi kay Selena ang
“May good news ba kayo?”Nakangiting tanong ni Selena mula sa video call. Kitang-kita sa mukha nito ang pananabik habang naghihintay ng sagot mula kina Nicole at Christopher.Nagkatinginan ang dalawa.Hindi alam ni Nicole kung paano magsisimula. Gusto niyang sabihin ang totoo, ngunit nang makita niya ang masayang mukha ng kanyang matalik na kaibigan, hindi niya magawang biguin ito.“Wala pa kaming final update,” sagot ni Christopher. “May mga bagay pa kaming kailangang kumpirmahin sa klinika.”Bahagyang nawala ang ngiti ni Selena.“Wala pa rin ba?”“Don't worry. We'll figure things out,” dagdag ni Christopher.“It's okay. Alam kong ginagawa ninyo ang lahat.” Ngumiti muli si Selena. “Nicole, kumusta ang pakiramdam mo?”“Okay naman ako. Nagpapahinga lang gaya ng bilin ng doktor.”“Good. Please take care of yourself. Ayokong mapagod ka dahil sa akin.”“Don't say that. Ginagawa ko ito dahil gusto kong matulungan ka.”“Alam ko. Kaya nga sobrang thankful ako sa'yo.”Napayuko si Nicole. Lalo
Maagang nagpunta sa klinika sina Nicole at Christopher upang kunin ang resulta ng kanilang pagtatangka. Sa buong biyahe, halos walang nagsalita. Paminsan-minsan ay sumisilip si Christopher sa kanya, ngunit nakatingin lamang si Nicole sa bintana, pilit na pinapakalma ang sarili.Ilang araw niyang inalagaan ang pag-asang ito. Sinunod niya ang mga bilin ng doktor, nagpahinga, at iniwasan ang mga gawaing maaaring makapagpagod sa kanya. Sa bawat araw na lumipas, iniisip niyang baka sa pagkakataong ito ay matutupad na ang pangarap ni Selena.Pagdating nila sa klinika, agad silang tinawag ng doktor.“May resulta na po ba?” tanong ni Christopher.Tumango ang doktor at inilapag ang folder sa mesa. Sandaling sinuri nito ang mga papel bago tumingin sa kanilang dalawa.“I’m sorry. Negative pa rin ang resulta.”Hindi agad nakapagsalita si Nicole. Para siyang nawalan ng lakas. Napayuko siya, at mahigpit na pinisil ang mga kamay sa kanyang kandungan.“May iba pa po ba kaming puwedeng subukan?” tanon
Pagsapit ng Martes, maagang nagpunta sa klinika sina Nicole at Christopher. Tahimik si Nicole habang nasa biyahe, mahigpit ang hawak sa kanyang bag. Kahit ilang araw na silang naghahanda, hindi pa rin niya mapigilan ang kaba.“Are you okay?” tanong ni Christopher.Tumango siya. “I just feel nervous. Sana maging maayos na sa pagkakataong ito.”“Anuman ang maging resulta, don't worry about it.”Napatingin si Nicole sa kanya. May kung anong kapanatagan sa boses nito na unti-unting nagpawala sa kanyang kaba.“Salamat,” mahina niyang sabi.Pagdating nila sa klinika, sinalubong sila ng staff at inihatid sa silid kung saan gagawin ang proseso. Muli nilang sinuri ang mga dokumento at ipinaliwanag ng doktor ang mga susunod na hakbang.Bago pumasok si Nicole, huminto siya sa may pintuan.“Christopher?”Lumingon ito. “Bakit?”“Samahan mo ako please.”Hindi nag-atubili si Christopher. “Of course, I will.”Hinawakan niya ang kamay ni Nicole at marahang pinisil iyon. “Kaya mo ’to.”Ngumiti si Nicol
Habang nasa ibang bansa pa si Selena, gthindi iyon naging hadlang para patuloy siyang makausap nina Nicole at Christopher. Halos araw-araw ay tumatawag siya upang kumustahin ang paghahanda nila para sa susunod na pagtatangka. Sa bahay, abala naman sina Nicole at Christopher sa pag-aayos ng mga kailangang dalhin sa klinika. Nakatakda ang kanilang appointment sa Martes, at pareho nilang gustong maging maayos ang lahat. “May listahan ka na ba ng mga kailangan?” tanong ni Christopher habang inilalapag sa mesa ang isang folder. “Oo,” sagot ni Nicole. “Mga dokumento, resulta ng mga pagsusuri, at mga instructions ng doktor.” “May nakalimutan ka.” Napatingin siya rito. “Ano?” “Water.” Itinaas ni Christopher ang isang bote. “Lagi mong nakakalimutan ’yan kapag abala ka.” Napangiti si Nicole. “Hindi ko naman laging nakakalimutan.” “Talaga? Ilang beses na kitang nakitang naghahanap ng tubig pagkatapos mong sabihing hindi ka nauuhaw.” “Napapansin mo pala ’yon?” Saglit na natigil
Hindi maalis ni Isabelle ang tingin sa mensaheng natanggap niya.Kung itutuloy nila ang schedule sa susunod na linggo, maaaring wala nang pagkakataong pigilan ang plano.Muli niyang binasa ang mga salita. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng mensahe, ngunit alam niyang hindi ito basta babala lamang. Dahan-dahan niyang pinatay ang screen ng telepono.Hindi pa niya maaaring sabihin kay Selena ang tungkol sa kasunduan. Hindi pa ngayon. Ngunit kung magpapatuloy sina Nicole at Christopher sa susunod na linggo, maaaring tuluyan nang magbago ang lahat.Kinabukasan, maagang nagising si Nicole. Hindi siya mapakali habang naghahanda para sa araw na iyon. Kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na ginagawa niya ito para kay Selena, hindi niya maalis ang bigat ng lihim na dala niya.Nang dumating siya sa klinika, naroon na si Christopher. Naghihintay ito sa may reception.“Are you okay, Nicole?” bati at tanong nito.“Hindi ako masyado nakatulog,” sagot ni Nicole.“Dahil sa schedule?”Bah







