Share

Chapter 5

Author: KeithWrites
last update publish date: 2026-10-22 16:51:15

Pagkatapos ng ikatlong kabiguan, nagpasya si Selena na magpahinga muna.

Hindi niya gustong tuluyang maubos ang kanyang lakas sa paulit-ulit na paghihintay. Sa kabila ng kanyang pagnanais na magkaroon ng anak, alam niyang kailangan din niyang alagaan ang sarili.

“Let's take a break,” sabi niya kay Nicole habang nag-aalmusal sila.

Napatingin ang kaibigan.

“Are you sure?”

Tumango si Selena.

“Hindi ko gustong madaliin ang lahat. Kailangan nating magpahinga at pag-usapan kung ano ang susunod na gagawin.”

“Okay.”

“Hindi ibig sabihin nito na sumusuko na ako.”

Ngumiti si Nicole.

“I know.”

Ngunit sa loob-loob niya, may halong takot ang naramdaman niya. Kung magpapahinga si Selena, baka dumating ang araw na maghanap ito ng ibang surrogate. At kapag nangyari iyon, mawawala ang dahilan niyang manatili sa tabi ni Christopher.

Hindi niya maaaring hayaang mangyari iyon. Kaya sa mga sumunod na araw, sinimulan niyang pag-isipan kung paano niya mapananatili ang kanyang puwesto sa buhay ng mag-asawa.

Hindi niya kailangang gumawa ng malaking hakbang. Kailangan lamang niyang maging mas malapit kay Christopher. Kailangan lamang niyang maging taong maaasahan nito. At sa paglipas ng panahon, baka maging higit pa sa kaibigan ang tingin nito sa kanya.

Isang hapon, abala si Selena sa isang meeting nang makatanggap siya ng tawag mula kay Nicole.

“Selena, sorry. May itatanong lang sana ako.”

“What's wrong?”

“Wala naman. Gusto ko lang malaman kung may balita na tungkol sa susunod nating appointment.”

“Wala pa. Tatawagan ko ang doktor bukas.”

“Okay.”

“Are you feeling alright?”

“Oo. Huwag kang mag-alala.”

Pagkababa ng tawag, bumalik si Selena sa kanyang meeting. Hindi niya alam na ang tawag na iyon ay hindi lamang tungkol sa kanilang susunod na appointment.

Gusto lamang ni Nicole na marinig ang boses ng kaibigan. Gusto niyang malaman kung hanggang saan ang tiwala nito sa kanya. At gusto niyang tiyaking hindi pa siya nawawalan ng lugar sa buhay ng mag-asawa.

Nang gabing iyon, dumating si Christopher sa guesthouse upang magdala ng ilang dokumentong kailangan ni Nicole para sa insurance at medical arrangements.

“Here,” sabi nito habang inilalapag ang folder sa mesa.

“Thank you.”

“May kailangan ka pa ba?”

Umiling si Nicole.

“Wala na.”

Ngunit hindi agad umalis si Christopher.

“Actually, I wanted to ask you something.”

Napatingin siya.

“Ano iyon?”

“Are you comfortable staying here? I know Selena wants you nearby, but if you prefer your own place, we can arrange transportation for your appointments.”

Napangiti si Nicole.

“I'm comfortable here.”

“Good.”

Sandaling natahimik ang dalawa.

Pagkatapos, nagtanong si Nicole, “Chris, may itatanong ako?”

“Sure.”

“Masaya ka ba sa buhay mo?”

Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki.

“Of course. Why?”

“Wala lang. Minsan kasi, kahit nasa atin na ang lahat, parang may mga bagay pa rin tayong hindi makuha.”

Napaisip si Christopher.

“That's true.”

“Hindi ka ba natatakot na isang araw, may magbago sa buhay mo?”

Tumingin ito sa kanya.

“Everyone is afraid of change, Nicole. But we can't control everything.”

Napayuko siya. Kung alam lamang nito kung gaano niya gustong baguhin ang isang bagay. Kung alam lamang nito na sa loob ng tatlong taon, may isang pangarap siyang hindi kailanman nawala. Ngunit hindi niya sinabi iyon. Sa halip, ngumiti siya.

“Thank you for checking on me.”

“Of course. You're important to Selena, so you're important to us.”

Muling narinig ni Nicole ang mga salitang ayaw niyang marinig. Sa amin. Hindi sa akin. At sa kabila ng sakit, ngumiti pa rin siya.

Makalipas ang ilang araw, nagpasya si Selena na isama si Nicole sa isang family gathering ng mga Martinez.

“Gusto kong makilala ka nang mas mabuti ng pamilya ni Chris,” sabi niya. “At gusto kong maramdaman mong hindi ka nag-iisa sa prosesong ito.”

Nag-alinlangan si Nicole.

Hindi siya komportable sa pamilya Martinez. Lalo na kay Doña Aurora, ang ina ni Christopher, na kilala sa pagiging matapobre at mapanghusga. Ngunit hindi niya maaaring tanggihan ang alok ni Selena. Kaya sumama siya. Pagdating nila sa mansyon, agad silang sinalubong ni Doña Aurora.

“Selena.”

“Good afternoon, Ma.”

Pagkatapos, bumaling ang matanda kay Nicole.

“Ikaw pala ang surrogate.”

Napayuko si Nicole.

“Opo.”

“Gaano na katagal ang inyong arrangement?”

“Hindi pa po kami nagtatagumpay sa pagbubuntis.”

Tumango ang matanda.

“Then I hope you understand how important this is to our family.”

Napatingin si Selena sa biyenan.

“Mama, napag-usapan na po namin na hindi dapat madaliin ang lahat.”

“Of course. But the Martinez family has waited long enough for an heir.”

Natahimik si Selena. Hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagsasalita ng biyenan, ngunit pinili niyang huwag nang makipagtalo.

Samantala, si Nicole ay tahimik na nakikinig.

Sa unang pagkakataon, naramdaman niyang hindi lamang ang pera ang nakataya sa kasunduan. May inaasahan ang pamilya Martinez. May mga taong naghihintay sa magiging anak. At kung sakaling mabuntis siya, hindi lamang sina Selena at Christopher ang maaaring magkaroon ng interes sa bata.

Sa kalagitnaan ng hapunan, dumating ang isang lalaking hindi kilala ni Nicole. Matangkad ito, nakasuot ng mamahaling suit, at may dalang isang maliit na kahon. Lumapit ito kay Doña Aurora at may ibinulong. Biglang nagbago ang ekspresyon ng matanda.

“Are you sure?”

Tumango ang lalaki.

Pagkatapos, tumingin si Doña Aurora kay Christopher.

“Chris, may kailangan tayong pag-usapan.”

Napatingin ang lalaki.

“Not now, Mother.”

“It's important.”

“Let’s discuss it later.”

Hindi natuwa ang matanda. Ngunit wala na itong nagawa kundi umalis kasama ang lalaki. Napansin ni Selena ang tensiyon.

“What's going on?”

Umiling si Christopher.

“Nothing you need to worry about.”

Hindi kumbinsido si Selena. Ngunit bago pa siya makapagtanong muli, may tumawag kay Christopher mula sa kanyang opisina. Tumayo ito at lumabas ng silid. Naiwan sina Selena at Nicole sa mesa.

“Nicole,” mahinang sabi ni Selena, “may gusto akong itanong.”

“Ano iyon?”

“Masaya ka ba sa arrangement natin?”

Ito ay ang arrangement nila na magstay si Nicole sa mansyon para mas lalong maalagaan pa siya at mabantayan.

Napatingin si Nicole.

“Of course.”

“Hindi mo ba nararamdaman na masyado kitang inaasahan?”

Umiling siya.

“Selena, ikaw ang kaibigan ko. Gusto kong makatulong.”

Ngumiti si Selena.

“Thank you. Hindi mo alam kung gaano ito kahalaga sa akin.”

Muli, nakaramdam ng hiya si Nicole. Ngunit bago pa siya makapagsalita, bumalik si Christopher.

“Selena, kailangan kong umalis sandali. May urgent meeting.”

Tumango ang asawa.

“Okay. We'll talk when you get home.”

Bago umalis, tumingin si Christopher kay Nicole.

“Take care.”

Isang simpleng paalala lamang. Ngunit habang pinagmamasdan ni Nicole ang pag-alis nito, alam niyang unti-unti na siyang nagiging saksi sa mga bagay na hindi niya dapat pinakikialaman. At sa kabila ng lahat ng babala ng kanyang konsensiya, mas lalo niyang gustong manatili.

Kinagabihan, habang nasa guesthouse, nakatanggap si Nicole ng panibagong mensahe mula sa hindi kilalang numero.

[Unknown: Huwag kang magtiwala sa pamilya Martinez.]

Napakunot ang noo niya.

[Sino ka? Bakit mo ako kinokontak]

Ilang segundo ang lumipas bago sumagot ang kausap.

[Unknown: Dahil may mga bagay kang hindi alam tungkol sa lalaking minamahal mo.]

Nanlamig ang mga kamay niya. Hindi niya alam kung paano nalaman ng taong iyon ang kanyang lihim. Hindi niya kailanman sinabi kaninuman na mahal niya si Christopher.

Hindi niya iyon ipinagtapat kay Selena. Hindi rin niya iyon sinabi sa pamilya niya. Kaya bakit tila alam ng estranghero ang lahat?

Muli siyang nag-type.

[Anong ibig mong sabihin?]

Ngunit wala nang sagot. Sa halip, may dumating na larawan.

Isang lumang litrato ni Christopher na nakatayo sa tabi ng isang babaeng hindi niya kilala. Pareho silang nakangiti. At sa likod ng litrato ay may sulat-kamay.

You promised you would marry me.

Napatayo si Nicole. Hindi niya alam kung sino ang babae. Hindi niya alam kung kailan kinunan ang litrato. Ngunit may isang bagay siyang alam. May bahagi ng nakaraan ni Christopher na hindi niya kilala. At kung tama ang hinala niya, maaaring may kinalaman iyon sa dahilan kung bakit patuloy na may mga taong nagbabala sa kanya.

Bago siya makapag-isip nang maayos, may kumatok sa p***o. Pagbukas niya, nakita niya si Selena.

“Nicole, may gusto akong sabihin sa iyo.”

Mabilis na itinago ni Nicole ang cellphone.

“Ano iyon?”

Tahimik na pumasok si Selena sa silid.

“May tumawag sa akin kanina. May nagsabing may isang babaeng matagal nang naghahanap kay Christopher.”

Nanlamig ang katawan ni Nicole.

“Anong babae?”

Hindi agad sumagot si Selena.

Pagkatapos, tumingin ito sa kanya.

“Isabelle Cruz.”

At sa unang pagkakataon, naramdaman ni Nicole na ang kasunduan nilang dalawa ay maaaring hindi lamang tungkol sa isang batang hindi pa ipinapanganak.

May mga lihim na nagsisimula nang lumabas. At may mga taong maaaring gumawa ng lahat upang manatiling nakatago ang mga iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 5

    Pagkatapos ng ikatlong kabiguan, nagpasya si Selena na magpahinga muna.Hindi niya gustong tuluyang maubos ang kanyang lakas sa paulit-ulit na paghihintay. Sa kabila ng kanyang pagnanais na magkaroon ng anak, alam niyang kailangan din niyang alagaan ang sarili.“Let's take a break,” sabi niya kay Nicole habang nag-aalmusal sila.Napatingin ang kaibigan.“Are you sure?”Tumango si Selena.“Hindi ko gustong madaliin ang lahat. Kailangan nating magpahinga at pag-usapan kung ano ang susunod na gagawin.”“Okay.”“Hindi ibig sabihin nito na sumusuko na ako.”Ngumiti si Nicole.“I know.”Ngunit sa loob-loob niya, may halong takot ang naramdaman niya. Kung magpapahinga si Selena, baka dumating ang araw na maghanap ito ng ibang surrogate. At kapag nangyari iyon, mawawala ang dahilan niyang manatili sa tabi ni Christopher.Hindi niya maaaring hayaang mangyari iyon. Kaya sa mga sumunod na araw, sinimulan niyang pag-isipan kung paano niya mapananatili ang kanyang puwesto sa buhay ng mag-asawa.Hi

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 4

    May mga kasalanang nagsisimula sa isang simpleng kasinungalingan. Isang bagay na itinatago dahil sa takot at isang desisyong ginagawa dahil sa pag-asa.Para kay Nicole, nagsimula ang lahat nang itago niya ang kanyang contraceptive pills sa drawer ng guesthouse.Hindi niya itinapon ang mga ito. Hindi pa niya kayang gawin iyon dahil may bahagi sa kanyang sarili na nagsasabing maaari pa siyang umatras, maaari pa niyang itama ang kanyang mga desisyon bago pa tuluyang masira ang lahat.Ngunit sa tuwing nakikita niya si Christopher, nawawala ang kanyang determinasyong maging tapat.Matagal na din niyang minamahal ang lalaki. Ilang taon na rin niyang pinagmamasdan ang kaligayahan ng kaibigan sa piling nito. At sa loob ng tatlong taon, paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili na sapat nang maging kaibigan siya ni Selena.Ngunit hindi na sapat iyon.Hindi matapos niyang makita kung gaano kadaling mapalapit kay Christopher kapag may dahilan siyang manatili sa kanilang bahay. Hindi matapos niyang m

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 3

    Isang hapon, habang nasa sala si Nicole ng mga Martinez, dumating si Christopher mula sa opisina.“Hi, Nicole. Where's Selena?”“May meeting siya. Pabalik na din daw siya in a bit.”Tumango ang lalaki.“Have you eaten?”“Not yet.”“Let's get something to eat. May pagkain sa kusina, sabay na tayo kumain.”Hindi niya alam kung bakit napangiti siya.“Sure.”Habang kumakain sila, madami na sila napagusapan, ang trabaho, ang mga plano ni Selena, at ang mga bagay na gusto nitong gawin kapag nagkaroon na sila ng anak.“She's been looking forward to this for a long time,” sabi ni Christopher.“I know.”“Sometimes sobrang naguiguilty ako.”Napatingin si Nicole.“Why?”“Because I know how much she blames herself. Lagi ko sinasabi sa kanya na Wala siyang kasalanan at okay lang sa akin kung hindi kami magkaanak.”Napayuko si Nicole.“Ang swerte talaga ng kaibigan ko sa'yo, Chris.”Ngumiti nang bahagya si Christopher.“And I'm also lucky to have her.”Parang may kumurot sa puso ni Nicole. Muli na

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 2

    Sa Mansyon.Nasa silid-aklatan si Christopher nang dumating si Selena. Nakasuot ito ng puting polo at itim na pantalon, habang abala sa pagbabasa ng ilang dokumento tungkol sa kanilang negosyo.“Love?”Agad itong tumingin sa kanya.“Hey. How was your day, Love?”Umupo si Selena sa tabi nito.“We need to talk.”Ibinaba ni Christopher ang mga dokumento.“I'm listening.”Huminga siya nang malalim.“I talked to Nicole about surrogacy.”Hindi agad sumagot ang lalaki. Alam nitong ilang buwan nang pinag-iisipan ni Selena ang posibilidad na iyon, ngunit alam din niyang hindi madali para sa asawa ang desisyon.“So ano, pumayag ba siya?”“Hindi pa final ang lahat. Kailangan pa naming dumaan sa medical evaluations at legal consultations. Pero pinag-iisipan niya.”“Bakit naman siya ang napili mo?”“Because I trust her.”Tahimik na pinagmasdan ni Christopher ang asawa.“Selena, gusto kong malaman mo na hindi mo kailangang gawin ito para lang mapasaya ako. Tanggap ko na ang lahat. Okay lang ako ka

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 1

    “Mrs. Martinez, kinalulungkot ko po, based on your results, mababa po ang posibilidad na mabuntis kayo.”Tahimik na nakatingin si Selena sa doktor.“Wala na po bang ibang paraan para mabuntis ako?” mangiyak ngiyak na tanong niya.“Mayroon mga fertility treatment na pwedeng subukan pero based sa lab results mo maliit talaga ang chances. Pero may ibang paraan naman kung gusto niyo talaga maagkaanak. If you are aware about Surrogacy”Napayuko si Serena.“Surrogacy, Dra.?”Nadidinig niya na ang tungkol dito at may kilala din siya na gumagawa nun, subalit ayaw sana niya na ibang babae ang magdadala ng anak na pinapangarap niya.Ngunit tatlong taon na silang kasal ni Christopher at tatlong taon na rin silang naghihintay.Sa unang taon pa lang nilang pagsasama, nag-iisip na sila ng magiging pangalan ng kanilang magiging anak. Sa ikalawang taon naman nagsimula silang bumili ng maliliit na gamit para sa magiging nursery Hanggang sa tumigil na sila sa pagbili ng mga iyon.Sa mga bawat negati

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status