Share

Chapter 8

Author: KeithWrites
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-29 12:19:55

Hindi nakatulog nang maayos si Nicole Sevilla matapos matanggap ang huling mensahe.

[Sa ngayon, sapat nang malaman mong may isang taong nagmamasid sa pamilyang Martinez.]

Paulit-ulit niyang binasa ang mga salitang iyon. Sa tuwing titingnan niya ang bintana, hindi niya maiwasang isipin na baka may taong nakatayo sa dilim, naghihintay lamang ng pagkakataong makita ang bawat kilos nila.

Ngunit higit sa takot, may isang bagay na hindi niya maintindihan.Bakit siya ang kinokontak ng taong iyon? Kung ang layunin nito ay sirain ang pagsasama nina Selena at Christopher, bakit hindi na lamang nito direktang kausapin si Selena? Bakit kailangan pa siyang idamay?

Napahawak si Nicole sa kaniyang noo.  

Marahil ay mas mabuting sabihin na niya kay Selena ang tungkol sa mga mensahe. Ngunit paano niya ipaliliwanag kung bakit hindi niya agad sinabi ang lahat? At paano kung magtanong ang kaibigan kung bakit tila interesado rin siya sa nakaraan ni Christopher?  

Hindi niya kayang sagutin ang mga tanong na iyon nang hindi inilalantad ang damdaming matagal na niyang itinatago. In her mind, lalo siya nagkaroon ng lakas ng loob sa kanyang pinaplano.  Nagkaroon siya ng pag-asa na mas mapalapit kay Christopher habang may sumisira sa relasyon ng magasawa. 

Sa halip na tumawag kay Selena, pinatay niya ang cellphone at pinilit matulog. Bukas na lamang niya iisipin ang lahat.

Ngunit hindi niya alam na ang mga problemang pilit niyang iniiwasan ay magsisimula nang makaapekto sa buhay na matagal na niyang pinanghahawakan.

Kinabukasan, nadatnan ni Nicole si Selena sa hardin ng mansiyon. May hawak itong isang tasa ng kape habang nakaupo sa tabi ng maliit na mesa. Sa harap nito ay nakalatag ang ilang dokumento mula sa klinika.

“BFF, nandito ka lang pala,” bati ni Nicole.

Napatingin si Selena at ngumiti nang bahagya.

“Gusto ko munang magpahangin. Sumasakit ang ulo ko sa dami kong iniisip.”

Umupo si Nicole sa tabi niya.

“May kinalaman pa rin ba kay Christopher?”

“Hindi lang kay Christopher.” Napabuntong-hininga si Selena. “Pati ang tungkol sa atin.”

Napatingin si Nicole sa mga dokumento.

“Ang surrogacy?”

Tumango si Selena.

“Kahapon, tinawagan ko ang klinika. Sinabi nilang maaari tayong bumalik para sa follow-up consultation bago magpasya kung kailan ang susunod na pagtatangka.”

“That’s great.  Right?”

“I don’t know.” Tumingin si Selena sa kaibigan. “Gusto ko pa ring magkaroon ng anak, Nicole. Pangarap ko iyon simula pa noong ikasal kami ni Christopher. Pero natatakot akong baka lalo lamang akong masaktan kapag nabigo na naman tayo.”

Hindi agad nakasagot si Nicole. Alam niyang hindi simpleng bagay para kay Selena ang bawat negatibong resulta. Nakita niya kung paano madepress at umiyak ang kaibigan sa tuwing nabibigo ang kanilang pagtatangka. Narinig niya ang paulit-ulit nitong paghingi ng tawad kay Christopher, na para bang kasalanan nitong hindi pa sila nagkakaroon ng anak.

Ngunit sa likod ng lahat ng iyon, may sarili rin siyang pangambang hindi niya kayang sabihin. Kung tuluyan nang susuko si Selena, ano na ang magiging papel niya sa buhay ng mga Martinez?

“I understand, if you still need to rest, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo ,” sabi ni Nicole. 

“But I still want and always excited to try it.”

Bahagyang kumirot ang dibdib ni Nicole.

“Kung ganoon, sasamahan kita.”

Hinawakan ni Selena ang kaniyang kamay.

“Alam mo, BFF, I’m so happy to have you as my best friend. Hindi lahat ng tao ay handang gawin ang ginagawa mo para sa akin.”

Napayuko si Nicole.

Kung alam lamang ni Selena na may mga pagkakataong naiisip niyang hindi na lamang maging kaibigan nito, marahil ay hindi na siya nito hahawakan nang ganoon katiwala.

“I will do everything to help you, Selena.” sagot niya.

At sa sandaling iyon, alam niyang totoo ang sinabi niya. Subalit sa likod ng kanyang pagtulong ay may kaakibat na masamang intention.

Nang araw ding iyon, bumalik si Christopher sa mansiyon bago magtanghali.

Nagulat si Selena nang makita ang asawa sa sala.

“Akala ko, nasa opisina ka.”

“Natapos nang mas maaga ang meeting.”

Inilapag ni Christopher ang kaniyang briefcase sa tabi ng sofa. Pagkatapos ay lumapit siya sa asawa at hinalikan ito sa noo.

“How are you?”

“I’m good.”

Tiningnan siya ni Christopher na para bang alam niyang hindi iyon ang buong katotohanan.

“Selena, about last night…”

“Christopher, ayoko na munang pag-usapan si Isabelle.”

“But we have to.”

“Kung ganoon, tell me everything.”

Natahimik ang lalaki. Hindi na nakapagtimpi si Selena.

“Hindi ko maintindihan kung bakit napakahirap para sa iyo na sabihin kung ano ang naging relasyon ninyo. Hindi ko hinihinging baguhin mo ang nakaraan mo. Gusto ko lang malaman kung may dahilan ba para mag-alala ako.”

“I told you, there’s nothing to worry about.”

“Kung ganoon, bakit hindi mo ako masagot nang diretso?”

Napahinga nang malalim si Christopher.

“Dahil may mga bagay akong kailangang ayusin bago ko maipaliwanag sa iyo ang lahat.”

“Paano kung ayaw kong maghintay?”

Saglit na natigilan ang lalaki. Marahil ay hindi niya inaasahang maririnig ang ganoong tanong mula sa asawa.  Lumapit si Christopher at hinawakan ang magkabilang kamay ni Selena.

“Ayokong mawala ka, mahal na mahal kita.”

Napatingin si Selena sa kaniya.

“Kung ganoon, huwag mong iparamdam sa akin na ako ang huling taong makaaalam ng mga nangyayari sa buhay mo.”

Walang naisagot si Christopher. Sa halip, niyakap niya ang asawa. Hindi agad gumanti ng yakap si Selena. Ngunit makalipas ang ilang segundo, marahan din niyang ipinatong ang mga kamay sa likod ng lalaki.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 29

    Maagang nagpunta sa klinika sina Nicole at Christopher upang kunin ang resulta ng kanilang pagtatangka. Sa buong biyahe, halos walang nagsalita. Paminsan-minsan ay sumisilip si Christopher sa kanya, ngunit nakatingin lamang si Nicole sa bintana, pilit na pinapakalma ang sarili.Ilang araw niyang inalagaan ang pag-asang ito. Sinunod niya ang mga bilin ng doktor, nagpahinga, at iniwasan ang mga gawaing maaaring makapagpagod sa kanya. Sa bawat araw na lumipas, iniisip niyang baka sa pagkakataong ito ay matutupad na ang pangarap ni Selena.Pagdating nila sa klinika, agad silang tinawag ng doktor.“May resulta na po ba?” tanong ni Christopher.Tumango ang doktor at inilapag ang folder sa mesa. Sandaling sinuri nito ang mga papel bago tumingin sa kanilang dalawa.“I’m sorry. Negative pa rin ang resulta.”Hindi agad nakapagsalita si Nicole. Para siyang nawalan ng lakas. Napayuko siya, at mahigpit na pinisil ang mga kamay sa kanyang kandungan.“May iba pa po ba kaming puwedeng subukan?” tanon

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 28

    Pagsapit ng Martes, maagang nagpunta sa klinika sina Nicole at Christopher. Tahimik si Nicole habang nasa biyahe, mahigpit ang hawak sa kanyang bag. Kahit ilang araw na silang naghahanda, hindi pa rin niya mapigilan ang kaba.“Are you okay?” tanong ni Christopher.Tumango siya. “I just feel nervous. Sana maging maayos na sa pagkakataong ito.”“Anuman ang maging resulta, don't worry about it.”Napatingin si Nicole sa kanya. May kung anong kapanatagan sa boses nito na unti-unting nagpawala sa kanyang kaba.“Salamat,” mahina niyang sabi.Pagdating nila sa klinika, sinalubong sila ng staff at inihatid sa silid kung saan gagawin ang proseso. Muli nilang sinuri ang mga dokumento at ipinaliwanag ng doktor ang mga susunod na hakbang.Bago pumasok si Nicole, huminto siya sa may pintuan.“Christopher?”Lumingon ito. “Bakit?”“Samahan mo ako please.”Hindi nag-atubili si Christopher. “Of course, I will.”Hinawakan niya ang kamay ni Nicole at marahang pinisil iyon. “Kaya mo ’to.”Ngumiti si Nicol

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 27

    Habang nasa ibang bansa pa si Selena, gthindi iyon naging hadlang para patuloy siyang makausap nina Nicole at Christopher. Halos araw-araw ay tumatawag siya upang kumustahin ang paghahanda nila para sa susunod na pagtatangka. Sa bahay, abala naman sina Nicole at Christopher sa pag-aayos ng mga kailangang dalhin sa klinika. Nakatakda ang kanilang appointment sa Martes, at pareho nilang gustong maging maayos ang lahat. “May listahan ka na ba ng mga kailangan?” tanong ni Christopher habang inilalapag sa mesa ang isang folder. “Oo,” sagot ni Nicole. “Mga dokumento, resulta ng mga pagsusuri, at mga instructions ng doktor.” “May nakalimutan ka.” Napatingin siya rito. “Ano?” “Water.” Itinaas ni Christopher ang isang bote. “Lagi mong nakakalimutan ’yan kapag abala ka.” Napangiti si Nicole. “Hindi ko naman laging nakakalimutan.” “Talaga? Ilang beses na kitang nakitang naghahanap ng tubig pagkatapos mong sabihing hindi ka nauuhaw.” “Napapansin mo pala ’yon?” Saglit na natigil

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal    Chapter 26

    Hindi maalis ni Isabelle ang tingin sa mensaheng natanggap niya.Kung itutuloy nila ang schedule sa susunod na linggo, maaaring wala nang pagkakataong pigilan ang plano.Muli niyang binasa ang mga salita. Hindi niya alam kung sino ang nagpadala ng mensahe, ngunit alam niyang hindi ito basta babala lamang. Dahan-dahan niyang pinatay ang screen ng telepono.Hindi pa niya maaaring sabihin kay Selena ang tungkol sa kasunduan. Hindi pa ngayon. Ngunit kung magpapatuloy sina Nicole at Christopher sa susunod na linggo, maaaring tuluyan nang magbago ang lahat.Kinabukasan, maagang nagising si Nicole. Hindi siya mapakali habang naghahanda para sa araw na iyon. Kahit ilang beses niyang sabihin sa sarili na ginagawa niya ito para kay Selena, hindi niya maalis ang bigat ng lihim na dala niya.Nang dumating siya sa klinika, naroon na si Christopher. Naghihintay ito sa may reception.“Are you okay, Nicole?” bati at tanong nito.“Hindi ako masyado nakatulog,” sagot ni Nicole.“Dahil sa schedule?”Bah

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 25

    Matagal na nanatiling tahimik si Christopher matapos marinig ang lahat ng sinabi ni Nicole.Nasa pagitan nila ang kopya ng kasunduan—isang papel na dapat sana’y matagal nang nakalimutan, ngunit ngayo’y nagbabantang guluhin ang buhay nilang lahat.“Hindi puwedeng malaman ni Selena ang tungkol dito,” sabi ni Christopher.Napatingin si Nicole sa kanya. “Alam kong ayaw mong masaktan siya. Pero hindi ba mas lalo siyang masasaktan kapag nalaman niyang may itinago tayo?”“Alam ko.” Napahawak si Christopher sa noo. “Pero kung sasabihin natin sa kanya ngayon, baka isipin niyang may dahilan pa rin para matuloy ang kasunduan. Baka isipin niyang may bahagi ng buhay natin na hindi pa niya alam.”“Wala naman na tayong dapat ituloy,” mabilis na sagot ni Nicole. “Matagal nang wala nang saysay ang kasunduang iyon.”“Para sa atin, oo. Pero hindi natin alam kung ano ang magiging epekto nito sa kanya at kung ano ang iisipin niya kapag nalaman niya ito.”Napayuko si Nicole. Alam niyang may punto si Christ

  • My Best Friend, My Surrogate, My Betrayal   Chapter 24

    Hindi agad naalis sa isip ni Nicole ang mensaheng natanggap niya.Ang taong pumirma sa kasunduan kasama ng ama mo.Paulit-ulit niyang binasa ang mga salitang iyon habang hawak ang kopya ng orihinal na kasunduang nakita nila. Sa unang pagkakataon, hindi na lamang siya nagtataka kung bakit may kasunduang ginawa ang dalawang pamilya. Gusto na niyang malaman kung ano talaga ang ipinangako ng kanyang ama—at kung bakit tila matagal nang may lihim na gustong ilibing ang pamilya ni Christopher.Kinabukasan, maaga siyang nagtungo sa bahay ng kanyang ama.“Nicole?” nagulat si Severino nang makita siya sa may pintuan. “Bakit napakaaga mo?”Hindi na siya nag-aksaya ng oras. Inilapag niya sa mesa ang kopya ng kasunduan.“Pa, kailangan kong malaman ang buong katotohanan.”Nawala ang kulay sa mukha ni Severino nang makita ang papel.“Kung saan mo man nakuha iyan—”“Kay Doña Aurora.” Matigas ang tinig ni Nicole. “At sinabi niyang may kinalaman ka rito. Ikaw ang pumirma kasama niya.”Tahimik na naupo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status