Share

Kabanata 13

"Miss, mansanas mo," ngising sabi ni Opaw, pagharap ko sa kanya.

"Mansanas, mukha mo. Ano ba ang kailangan mo, at talagang sumugod ka pa rito sa oras ng pasada mo?" tanong ko, kasabay ang pagsara ng gate.

"Wala akong kailangan, 'yong kasama ko ang mayro'n," tugon nito.

"Oo nga pala, may kasama ka raw sabi ni Aling Taning. 'Asan na?" tanong ko. Nilingon ko pa ang tindahan ni Aling Taning, wala naman akong nakikitang ibang tao.

"Umalis na. Pinabibigay niya lang 'to."

"Talagang mansanas ko pala 'yan?" tanong ko. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mukha ni Opaw, at sa sando bag na inabot nito sa akin.

"Oo nga, tanggapin mo na. Pasalamat ka, mabait 'yong binangga mong lalaki. Talagang sinadya pa ako sa terminal kanina para ibigay lang 'to," nakangiting sabi ni Opaw.

"S-sinadya ka sa terminal?" utal kong tanong. Bigla na naman kasing nagtambol ang dibdib ko.

"Nakuha niya ang numero ng tricycle ko. Nagtanong-tanong daw siya. Hanggang sa may nakapagturo sa kanya na naka rota ang tricycle
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status