Share

My Best Friend's Baby
My Best Friend's Baby
Author: sweetjelly

Kabanata 1

"Gwin, I really need your help. Please naman oh, pumayag ka na. Huli na talaga 'to, promise." 

Hindi kaagad ako sumagot sa pakiusap ng lalaking kaharap ko, na walang ka hiya-hiya na humarap sa akin na tuwalya lang ang suot. Sa bagay, bakit naman siya mahihiya? Bukod sa guwapong mukha at dimples na pamatay, katawan niya ay talagang makatulo laway at kahimas-himas. 

Siya si Fredrick Calderon—my best friend. Ang lalaking lubos na pinagpala. Nasa kanya na kasi ang lahat, pati ang pagiging tanga—tanga pagdating sa pag-ibig. Totoo nga yata ang sinasabi ng karamihan na ang matalino, bobo pagdating sa pag-ibig. 

"Gwin…" paawa niyang tawag sa pangalan ko, at hinawakan ang kamay ko. Walang ka kurap-kurap na tumitig sa akin na parang tuta na nagpapa-cute.

"Heto ang pera, make sure na 'yong pinakamagandang bulaklak ang bilhin mo ha."

Napanganga ako. Sira-ulo dinaan ako sa lambing at matamis na ngiti. Sinadya niya talanga na ilabas ng dimples niya na alam niya na siyang kahinaan ko. 

Pero hindi pa rin ako nagsalita. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mukha niya at sa pera na nilagay niya sa palad ko. 

Talagang walang kadala-dala 'tong best friend ko. Ilang beses na kasi siyang nasaktan at harap-harapang niloloko ng pinakamamahal niya, pero sige pa rin ang loko. Mahal nga raw kasi niya. Kung hindi ba naman siya bobo't tanga. Kahit anong untog ko sa ulo niya, talagang walang silbe. 

Pero ano nga ba ang laban at magagawa ko? Best friend niya lang ako. Kahit pagbaliktarin pa ang mundo, talagang hanggang do'n lang ang papel ko sa buhay niya. 

Ang totoo, nakaka-turn on din naman talaga ang pagiging tanga niya. Siya lang kasi ang kilala kong lalaki na ang tindi magmahal. Lahat kayang gawin para sa babaing mahal, kahit pa hindi naman siya mahal. 

" 'To naman si Gwin oh. Alam mo naman, sixth month anniversary namin ngayon. Nagkataon na finals natin, ang dami ko pang projects na dapat tapusin—"

"Paki' ko ba sa month anniversary n'yo?" mataray kong sabi pero pabulong. 

Saglit siyang natahimik at sumimangot. "Wala na kasi akong panahon na makapaghanda ng surprise for her. Kahit sa flower man lang ay mapasaya ko siya," paawa na naman niya, sabay ang paghawak sa kamay ko. Ang higpit. Kulang na nga lang ay halikan niya 'yon o 'di kaya lumuhod sa harap ko. 

"Oo na, tumigil ka na sa kangangawa mo, sakit na sa tainga." Hinablot ko ang kamay ko at humalukipkip. 

Sinamaan ko rin siya ng tingin. "Siguradahin mo lang na talagang huli na 'to dahil sa susunod, hindi na talaga kita pagbibigyan kahit lumuhod ka pa!" pagtataray ko.

Tumango siya ng paulit-ulit. Kumislap ang abuhin na mga mata na lalong nagpapatingkad ng kagwapuhan niya. Kita din ang perpekto at mapuputi nitong mga ngipin. 

"Thank you, Gwin! You really are my saviour." Pinisil niya ang pisngi ko at niyakap ako ng mahigpit. 

Sandali akong nanigas. Napakurap pa ako ng paulit-ulit. "Bitiwan mo nga ako—baka makalimutan kong mag-best friend tayo at mapatos kita," biro ko, pero tinulak naman siya kaagad at tumalikod. 

Naka-topless nga lang kasi siya, bagong ligo. Tumutulo pa nga ang tubig mula sa basa at kulot niyang buhok. Hindi man lang siya nangimi na yakapin ako. Sira din 'to talaga. 

Katatapos lang kasi ng practice nila. Ewan ko ba rito sa lalaking 'to at dito pa talaga ako pinapunta sa locker room. Hindi yata talaga babae ang tingin nito sa akin. Mabuti na lang at wala na ang ka team niya. Kun'di puro kantyaw na naman ang inabot ko. 

"Patos ka r'yan. Hindi nga tayo talo," bulong niya, sabay ang malokong tawa. Ang sarap din niyang sapakin pero hindi ko na magawang lumingon. Nakaramdam na naman kasi ako ng kakaiba ng kakaiba nang dumikit ang basa niyang balat sa katawan ko. 

Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. Dati naman kahit magdikit pa ang mga katawan at nguso namin. Kahit magtabi kami sa kama magdamag habang yakap ang isa't-isa. Talagang wala lang. Walang malisya. Pero ngayon, ewan. 

Maya maya ay napatingin ako sa hawak kong pera. Limang libong peso, para lang sa bulaklak na malalanta rin naman. Buti sana kung deserve ng babaing pagbibigyan pero hindi. Katangahan nga nitong best friend ko. 

Kung binili niya lang sana 'to ng pagkain, nabusog pa siya o 'di kaya ay binigay niya na lang sa akin. Dagdag ipon din 'to, sakaling palayasin ako sa pamamahay nila, may pera akong magagamit.

Hindi naman kasi ako mayaman. Anak lang ako ng katiwala nila sa bahay. Matagal nagserbesyo ang Nanay ko sa pamilya nila bago siya kinuha ng Diyos. Bilang pasasalamat sa magandang serbisyo ni Nanay, kinupkop nila ako at pinag-aral sa paaralan na pagmamay-ari nila. 

Nasa ikatlong taon na ako sa kolehiyo. BSEd ang kinuha ko na kurso. Noon pa kasi, gustong-gusto ko nang magturo. 

Si Fred ay graduating na sa kursong Business Management. Siya nga kasi ang tagapagmana ng business nila, kaya ngayon pa lang ay hinahasa na siya ng mga magulang niya sa pamamalakad ng kompanya nila. 

Itong paaralan na pinapasukan namin ay isa lang pagmamay-ari nila. May hotel pa sila.

Wala na kasing ibang ginagawa ang mga magulang niya kundi ang magpayaman ng magpayaman. Pero hindi naman nila napapabayaan si Fred. Saksi ako kung gaano nila ka mahal ang best friend ko. 

Pati nga ako ay naambunan ng kaunting pagmamahal galing sa kanila. Ang taray ko nga, parang anak mayaman din, utusan lang pala nitong si Fred. 

Pero hindi naman talaga niya ako tinuring na utasan. Nagpupumilit lang akong gawin ang trabaho ko, kahit ayaw niya. Kaya lang, itong utos niya na pagbili ng bulaklak para sa girlfriend niya ay hindi ko talaga gusto. 

Alam niya 'yon. Kaya nga todo ang pakiusap niya. Alam niya rin na hindi ko gusto ang girlfriend niya na mald¡ta na nga, maland¡ pa. 

"Sige na Gwin, lumakad kana." Lumingon ako nang magsalita siya. "Kita na lang tayo mamayang ala-sais sa library," sabi niya kasabay ang paatras na lakad palapit sa locker niya. 

Sinundan ko na lang siya ng tingin, at saka ay napabuntong-hininga kalaunan. Nang hindi na siya lumingon ay saka na ako nagsimulang humakbang palabas ng locker room. Dapat ay uuwi na ako ngayon, nautusan pa. Ano ba ang magagawa ko? Utusan naman talaga ako. 

"Gwin, uwi ka na?" nakangiting tanong ni Tonyo, driver ni Fred. Halos magka-edad lang din kami. Anak din naman kasi siya ng dating driver ng mga Calderon. Matanda na ang Tatay niya, kaya siya na ang pumalit. 

"Hindi pa Tonyo, may bibilhin pa ako. Itong mga gamit ko, gusto nang umuwi kaya hatid mo na lang sila," bungisngis ko. Dapat kasi, ihahatid niya muna ako sa mansyon, saka naman niya babalikan ang boss niya.

Nakakahiya na nga, pwede naman akong mag-commute, pero ayaw ng mga magulang ni Fred. Kailangan ko raw umuwi agad matapos ang pasok ko. Kung mag-commute pa ako, mababawasan pa ang allowance ko. 'Tsaka babae nga raw ako, delikado kung gabihin ako sa daan.

"Ikaw talaga puro ka kalokohan," umiling-iling na sabi ni Tonyo. "Ano ba ang bibilhin mo? Hatid na lang kita." 

'' 'Wag na, baka matagalan ako at hanapin ka ni Fred. May date pa naman 'yon mamaya. Baka nga, ipapasundo pa sa'yo 'yong girlfriend niya." Kasabay ng pagsasalita ko ay ang pabagsak na pagsara ko sa pinto ng kotse. 

Ewan, hindi ko talaga mapigil na hindi mainis sa tuwing maiisip ang babaing kinababaliwan ni Fred.

"Galit ka?" may himig panunuksong tanong ni Tonyo.

"Hindi, napakalas lang ang pagsara." Nag-iwas ako ng tingin pero bumakas pa rin ang irita sa boses ko. 

"Oo, napalakas nga, kasi galit!" Hinarap niya ako at nakakalokong ngumisi. 

Sarap din sapakin ng lalaking 'to. "Ewan ko sa'yo! Makaalis na nga." Irap ang iniwan ko kay Tonyo, mapang-asar.

Dahil sa wala naman akong makitang pinakamagandang bulaklak. Bouquet of red roses na lang ang binili ko. Maganda naman kasi lahat sa paningin ko. 'Tsaka, kahit sino naman sigurong babae ang makatanggap ng one hundred pieces of red roses ay siguradong matutuwa. Maliban na lang sa akin. Mas gusto ko pera.

Para sa babaing salat sa buhay na tulad ko. Importante sa akin ang pera. Kaya nga ako nagsusumikap. Pinagsabay ko ang pagiging utusan at pag-aaral. Para balang araw, maahon ko rin ang sarili sa hirap at hindi lang aasa sa mga taong tumulong at kumupkop sa akin. Hindi habangbuhay, magiging utusan ako. 

Agad na akong bumalik sa campus matapos bumili ng bulaklak. Hindi na kasi ako lumayo, may florist naman na malapit dito sa campus, 'tsaka malapit na rin mag-ala sais. 

Papunta na ako sa library, bitbit ang malaking bouquet ng bulaklak. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Pinagtitinginan kasi ako ng mga kamag-aral ko. Ang kaninang mabilis kong paghakbang ngayon ay unti-unting bumagal.

"Gwin, ang laki naman niyan. Sino ba ang liligawan mo at talagang sumugod ka pa rito?" nakangising tanong ni Brenton. Kaibigan ni Fred. Kasama niya rin ang iba pa niyang mga kaklse na puro ngisi lang ang ginagawa. Ito lang naman kasing si Brenton ang may lakas ng loob na asarin ako. 

Napakamot ako ng ulo at tipid na ngumiti. "Sino pa nga ba, e 'di ang best friend ko." Kahit nahihiya ay nagawa ko pa rin na tumugon, sinabayan ko pa ng ngiting aso. 

"Asa ka pa do'n, alam mo namang baliw 'yon sa girlfriend niya." Diniinan talaga niya ang kada bigkas ng salita. 

Isa din 'tong bwisit na 'to, nagbibiro nga lang ako. Sinampal ba naman ako ng katotohanan. 

"Ako na lang kasi ang ligawan mo, kahit walang bulaklak, tayo na agad," bungisngis niya at may pakindat pa. 

Hindi ko naawat ang pagsalubong ng mga kilay. "Tigilan mo nga ako sa mga hirit mo'ng 'yan, Brent. Mahal ko ang buhay ko. Kapag ikaw pinatulan ko, sandamakmak na konsumisyon ang aabutin ko. Ayokong mapa-aga ang pagkikita namin ni San Pedro." Tinutok ko sa kanya ang hawak na bulaklak.

Sumabay naman ang tawanan at kantyaw ng mga kaibigan niya sa sinabi ko. Ang landi kasi ng Brenton na 'to. Lahat sila sa team nila ay puro malalandi. Si Fred lang talaga ang naiiba. Siya lang kasi ang tanga. Mga basketbolista kasi ang mga 'to, kaya pati mga babae, gusto nilang e-shoot sa bulsa. 

"Gwin," tawag sa akin ng best friend ko na kalalabas lang ng library. Ang lapad ng ngiti. Ang sarap tuloy ihampas nitong bulaklak sa mukha niya. Lalo akong nairita dahil ang saya n'ya.

"Ayan na ang bulaklak mo!" Diniin ko ang bulaklak sa dibdib niya at kaagad umalis. Tawanan naman ang kasunod kong narinig. Nakagat ko na lang ang labi ko sa inis. 

"Hoy, Gwin, hintayin mo nga ako. Bakit ka ba galit?" pasigaw niyang tanong. 

Hindi na ako lumingon pero alam kong nakasunod na rin sila sa akin. Rinig ko nga kasi ang walang tigil na tawanan nila at usapang walang kwenta. 

"Ano na naman ba ang ginawa mo, Brent?" tanong ni Fred sa mga kaibigan niyang maland¡.

"Wala akong ginawa," may himig pang-aasar na tugon nito. Hindi pa matigil ang pagbungisngis niya. Mas nakaka-asar lalo. 

"Wala, tapos biglang nagsungit? Wala ka rin talaga sa ayos, Brenton." 

" 'Wag nga ako ang sisihin mo, Fred. 'Yang sarili mo ang dapat mong sisihin, kasi ikaw ang wala sa ayos!" 

"Pinagsasabi mo?" nalilitong tanong ni Fred. 

Gusto ko nang sumabat sa usapan nila at supalpalin ang nguso ni Brent. Nagpipigil lang talaga ako. 

Mapang-asar siyang tumawa. "Kaya galit 'yan si Gwin, ayaw mo raw kasi siyang ligawan!"

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Nenita Buayaban
nakakalito?!!....
goodnovel comment avatar
Genelyn Beker
Ang ganda nang story
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Thank you...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status