Share

Kabanata 2

Author: sweetjelly
last update publish date: 2023-04-06 17:04:54

Awtomatikong nahinto ang paghakbang ko at kaagad nilingon ang sira-ulong si Brenton na ngayon ay dahan-dahan nang naglakad paatras.

"Gwindelyn..." Taas ang dalawang kamay niya, pero mapang-asar pa rin ang ngiti. "Joke lang ’yon, ’di ka naman mabiro—"

"’Di mabiro? Sira-ulo ka!" Hindi ko na hinayaang matapos ang pagsasalita niya. Kaagad ko na siyang sinugod ng sapak. Tumama ang suntok ko sa ilong niya na nagpadaing at nagpayuko sa kanya.

"Gwin…" nasambit niya habang hawak na ang dumudugong ilong. Kaagad lumapit sa kanya ang mga kaibigan, pero nasa akin lahat ang tingin.

"Buwisit ka! Matagal na akong nagtitimpi sa ugali mo," duro ko sa kanya. "Sinagad mo ang pagtitimpi ko!" Akmang susugurin ko na naman siya.

Pero hinarang ako ni Fred, sabay sabing "Tama na nga, Gwin. Nakakahiya!" Hawak na niya ako sa braso. Nilibot pa nito ang paningin sa paligid habang pinipilit akong ilayo mula kay Brent na ngayon ay hindi na makapagsalita. Suntok lang pala ang kailangan para matahimik ang bibig niyang laging bumubula. Sayang nga at sa ilong niya tumama ang suntok ko.

"Samahan n’yo muna si Brent sa clinic. Sunod na lang ako mamaya," sabi niya sa mga kaibigan na natameme na rin lahat. Hindi maipagkakaila ang labis na pagkagulat.

Akala yata ni Brenton, katulad ako ng mga babaeng pinagtitripan nila na ngingiti lang kahit anong sabihin niya. Wala akong pakialam kahit mayaman at sikat pa sila sa buong school.

"Halika ka nga rito, Gwin!" sikmat ni Fred. Hila-hila na niya ako. Halos buhatin na nga niya ako. Malayo lang kami sa mga kamag-aral na animo'y mga bubuyog na nagbubulungan.

"Warfreak!" Narinig ko mula sa grupo ng mga babae sa hallway na nakasaksi sa ginawa ko.

"Ganyan talaga kapag mga walang breeding!" tugon naman ng kasama nila. Sinamaan ko sila ng tingin.

Mapanghusgang tingin naman ang ganti nila na may kasamang panunudyo. Alam nga nilang lahat na utusan lang ako nitong si Fred.

Napangisi ako. Kahit ano pa ang sabihin nila, wala akong pakialam. Kahit pa mayaman sila, hindi ko sila aatrasan. Ako ang napagtripan. Ako ang inasar, kaya karapatan kong magalit. Pero sa kasamaang-palad ay nasa kay Brenton ang simpatya nila.

"Ngayon, sino ang napahiya sa ginawa mo, hindi ba ikaw lang din?" pabulong ngunit may diin na tanong ni Fred. Narinig nga rin niya ang usapan sa paligid. Puro pa rin bulungan at mahinang tawa ang aming naririnig.

"Ano ba kasi ang pumasok sa utak mo at nanapak ka na lang bigla?" Bakas ang inis sa boses niya. Siyempre, inis siya dahil kaibigan niya ang sinapak ko.

"Tinatanong mo pa talaga, Fred? Narinig mo naman ang sinabi niya, hindi ba? ’Tsaka, alam mo naman, noon pa ako nagtitimpi sa ugali ng kaibigan mong ’yon!"

"Nagbibiro nga lang ’yong tao, Gwin. Para ka namang hindi pa sanay—"

"Kaya nga nasisiyahan dahil hinahayaan ko. At ikaw, wala kang pakialam kahit asarin niya ako nang todo! Ngayon nga lang, imbes na ako ang kampihan mo, ang gagong ’yon pa ang concern mo!"

"Alangan namang ikaw? Ikaw nga ’yong nanapak. Ikaw ang nakasakit. Paano na lang kung makarating ito sa kanila, Mommy at Daddy? Hindi ka nag-iisip, Gwin!" sermon niya. Hila niya pa rin ako.

Huminto ako at hinablot ko ang kamay ko. "Bakit ka ba galit? Ako naman ang pagagalitan nila, hindi ikaw. ’Tsaka, masama bang ipagtanggol ko naman ang sarili ko sa sira-ulong ’yon? Higit sa lahat, hindi ko kasalanan kung naubos ang pasensya ko!"

"Puwede mo naman sanang kausapin lang o hindi kaya gumanti ka ng asar. Sinapak mo kaagad! Para ka talagang hindi babae," umiiling niyang sabi.

Nadukot ko ang tainga sa narinig. Lihim na lamang akong natawa. Hindi nga pala talaga babae ang tingin niya sa akin.

"Oo na, hindi na nga ako babae kumilos. Kaya ko nga sinapak ’yon at hindi sinabunutan!" pabalang kong sabi.

"’Yang utak mo talaga..." Natiim niya ang bibig at hindi na tinuloy ang sasabihin. "Hindi ko naman sinabi na hindi ka babae. Pero sana kumilos ka naman na parang babae," giit niya.

"Umalis ka na nga. Puntahan mo na ang girlfriend mo," putol ko sa bangayan namin.

"’Yan ka, ayaw mong mapagsabihan. Eh, ’di sana kumilos ka nang tama para iwas sermon!"

"Alam mo naman pala. Kaya tumahimik ka na!" Tinulak ko na siya. Ayoko nang pakinggan ang sermon niya.

"Hindi pa tayo tapos!"

"Tapos na!" sikmat ko at kaagad na tumakbo papunta sa parking.

"Gwin, anong nangyari?" takang tanong ni Tonyo. Hawak ko kasi ang kamay kong nabali yata dahil sa pagsapak ko kay Brent.

Hindi ako tumugon. Nanatili lang akong nakatingin sa kamay kong kumikirot. First time ko kaya manapak ng taong sira-ulo. Ang sakit pala sa kamay.

"Sino ba kasi ang sinapak mo at namaga ’yang kamay mo?" tanong niya. Hawak na nito ang kamay ko at hinaplos-haplos.

"Hindi kasi nag-iisip. Akala yata bakal ang kamay niya," biglang singit ni Fred, sabay hablot sa kamay kong hawak ni Tonyo. "Padalos-dalos kasi, ito ang napala mo," dagdag pa nito.

Pareho kaming hindi nakaimik ni Tonyo. Nagkatinginan pa nga kami sandali, saka napatingin naman ako sa kamay kong hawak pa rin ni Fred.

"Tonyo, ihatid mo na si Gwin sa bahay. Tatawag na lang ako kapag magpapasundo ako," utos nito sa driver.

"Opo, Sir," tugon ni Tonyo at pumasok na sa kotse.

"Sige na, Fred, lumakad ka na. Baka ma-late ka pa sa date mo," may diin kong sabi. Hinablot ko na rin ang kamay ko at kaagad na ngang pumasok sa kotse.

"Tara na, Tonyo," matamlay kong sabi matapos kong ikabit ang safety belt.

Kita ko pa rin si Fred mula sa side mirror. Hawak na nito ang cellphone. Mukhang kausap na niya si Mitch, ang beloved girlfriend niya.

"Hindi mo pa sinagot ang tanong ko, Gwin. Sino ba ang sinapak mo?" tanong ni Tonyo habang nagmamaneobra ng kotse. Napatingin ako sa kanya sandali.

"Si Brent," tugon ko, sabay ang muling paglingon sa gawi ni Fred. Pero wala na siya sa kinatatayuan niya. Malamang pumunta na ’yon sa usapan nilang lugar ni Mitch.

"Bakit mo kasi pinatulan? Alam mo naman kung gaano kakulit ang lalaking ’yon. Sakit sa kamay tuloy ang napala mo."

"Mas nasaktan naman siya! Dugo ang ilong niya," maangas kong sabi.

"Iba ka talaga. Ang tapang," natatawang sabi ni Tonyo. "Pero tingnan lang natin kung uubra ba iyang tapang mo kapag kaharap mo na ang mga amo natin," ngising sabi nito.

Natigil ang usapan namin ni Tonyo nang tumunog ang cellphone ko. Matamlay ko iyong dinukot sa bag.

"Lagyan mo ng yelo ang kamay mo pagdating sa bahay." Mensahe galing kay Fred ang natanggap ko.

"Okay," tugon ko sa mensahe niya.

Kaagad akong nagbihis pagdating namin sa mansyon. Kailangan ko munang gawin ang trabaho ko bilang katulong sa mansyon bago ko naman aasikasuhin ang mga takdang-aralin ko.

"Gwin, pinatatawag ka ng mga amo natin," salubong sa akin ni Nana Puring, katiwala ng pamilya Calderon. "Puntahan mo na lamang sila sa study," dagdag ni Nana Puring.

Natiim ko sandali ang mga mata ko. Ito na ’yon. Ang kinatatakutan ni Fred na umabot sa mga magulang niya ang ginawa ko.

"Okay po, Nana Puring," matamlay kong tugon.

Usad-pagong ang lakad ko papunta sa study. Hindi rin matigil ang pagkamot ko sa ulo. Alam ko nga kasi na malalang sermon ang maririnig ko mula sa mga magulang ng best friend ko.

"Magandang gabi po," yuko-ulo kong bati sa mga magulang ni Fred. Pinagsiklop ko ang mga palad sa harap ko. Ang bait ko nga tingnan. Parang hindi nakasapak ng ungas.

"Ano ang ikinaganda ng gabi?" Si Ma'am Leanne ang nagsalita. Mommy ni Fred. "Ang bait mo naman ngayon, pero no’ng sinugod mo si Brent, para kang lumaki sa kanto!"

Natiim ko ang bibig. Ito na nga ang sinasabi ni Fred. Siguradong kaagad makararating sa mga magulang niya ang ginawa ko kanina. Kahit pa man hindi sila madalas nagpupunta sa school. Lahat ng mga kaganapan tungkol sa amin ng anak nila ay naka-monitor.

"Sorry po," pabulong kong paghingi ng paumanhin. Nanatili pa ring yuko ang ulo ko. Ayoko kasing makita ang matalim na mga mata ni Ma'am. Nakakatakot.

"Ano ba ang pumasok sa utak mo, Gwin, at ginawa mo ’yon? Kababae mong tao, siga kung kumilos!" Si Sir Franco naman ang nagsalita, daddy ni Fred. Ang bigat ng boses nito na parang pumupukpok sa ulo ko.

"Naubos po ang pasensya," halos pabulong ko pa ring tugon. "Sorry, po."

"Naubos ang pasensya? Paano kaya kung ang pasensya namin ang maubos, Gwin? Hindi ka nag-iisip. Ano ang silbi ng pagpapaaral namin sa ’yo? Wala ka namang natutunan. Maski ang kumilos nang tama, hindi mo pa magawa," talak ni Ma'am Leanne.

Pero kahit anong talak ang gawin nila, hindi ko naman magawang magdamdam. Karapatan nila na pagsabihan ako dahil sila nga ang nagpapasweldo at nagpapaaral sa akin. Gulo ko, gulo rin nila kasi nasa poder nila ako. Sila ang tumatayong guardian ko.

Carry ko pa naman ang sermon nila. Hindi pa kasi sila umabot sa maximum level. Hindi kasi nila nabanggit si Nanay.

"Ayusin mo ang ginawa mong gulo, Gwin. ’Tsaka ’wag ka sa amin humingi ng sorry. Doon ka humingi ng sorry sa taong sinapak mo! Ilong pa talaga ang pinuntirya mo!" sikmat na naman ni Ma'am Leanne.

"Opo, pasensya na po ulit," yuko-ulo ko pa ring sabi.

"Magtrabaho ka na," sikmat nito. Buti na lamang at hindi na masyadong nagsalita si Sir Franco. Tutok na tutok kasi sa harap ng laptop.

Mabagal kong tinungo ang pinto palabas ng study matapos magpaalam.

"Mabuti naman at hindi ka natagalan sa loob," kaagad na sabi ni Nana Puring pagpasok ko sa kusina.

"Short session lang po kasi ang ginawa namin ngayon, Nana Puring," ngisi kong tugon.

"Sige na, tumulong ka na sa paghiwa ng mga gulay nang matapos ka na kaagad at makapag-aral ka pa." Inabot niya sa akin ang mga gulay na hihiwain ko.

Tahimik kong ginawa ang trabaho. Umalis na rin kasi si Nana Puring matapos magbigay ng utos sa mga kasama ko. ’Yon lang naman kasi ang trabaho niya. Ang masiguro na maayos ang trabaho namin at nasusunod ang gusto ng mga amo.

Nang matapos ako sa ginagawa, kaagad na rin akong kumain at pumasok na kaagad sa kuwarto. Finals nga namin. Ang dami ko pang projects na gagawin at marami pang rerebyuhin.

Hindi naman kasi ako gaya ni Fred na matalino. Pero kahit paano, wala naman akong bagsak. Kailangan ko lang talagang mag-aral nang maigi para kahit paano hindi ako ikakahiya ng mga amo ko.

Napangiti ako habang tinitipa ang huling salita sa laptop ko. Tapos na rin sa wakas ang project ko. Saktong maghatinggabi na. ’Di bale kung puyat, natapos ko naman lahat.

Nag-unat pa ako sandali bago humiga. Pero siya namang pagtunog ng cellphone ko. Napabuga ako ng hangin nang mabasa ang pangalan ng caller. Si Fred.

"Hello, Fred..." matamlay kong sabi. Antok na nga kasi ako.

"Hoy, Fred, ano ba?" tanong ko. Hindi kasi ito nagsasalita. "Kung wala ka naman palang sasabihin, hindi ka na sana tumawag," pagtataray ko.

"Kainis ka naman, eh!" Nakamot ko na ang ulo ko. 

"Alam mo ba kung anong oras—" 

Natigil ang pagtalak ko nang marinig ang impit na iyak.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
salamat po(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡
goodnovel comment avatar
Genelyn Beker
Wow ganda nang story gusto balik balikan
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Best Friend's Baby   Special Chapter

    "Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun

  • My Best Friend's Baby   Wakas

    Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 119

    Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 118

    Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 117

    Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 116

    "Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 107

    Hindi ko kaagad nasagot ang tanong ni Patrick. Nagulat kasi ako sa narinig ko. Iba ang in-expect kong marinig na sasabihin niya, at hindi ang misfortune na nangyari kay Mitch. Galit ako sa babae na 'yon pero kahit gan'on, hindi ko naman hinangad na mangyari sa kanya ang ganoong bagay. Hindi deserve

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 106

    “How come, na nawala si Mitch? Nakatakas ba? Nakapagpyansa ba?"Imbes na sumagot si Patrick. Umalis siya sa harap ko. Nagpunta siya sa fridge at kumuha ng tubig doon at uminum. At ako parang tanga na nakatingin sa kanya at naghihintay kung kilan siya sasagot. "Ano ba, Patrick? Nananadya ka ba, ha? Pi

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 105

    "Bunganga mo naman, Fred—" sikmat ni Patrick. Takip na ang mga palad niya sa tainga ni Widmark. Pero alam kong huli na ang pagtakip niya sa tainga ng anak ko. Narinig na nito ang sinabi ko. Ang lakas kaya ng pagsasalita ko. Patunay ang pagsalubong ng mga kilay ni Widmark na narinig nga niya ang sin

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 104

    “Mahal na mahal kita, Gwin.” Mabilis na halik sa labi ko ang tugon niya. May kasama pang matamis na ngiti. Nahawa na nga rin ako sa ngiti niya. Sumabay din kasi ang paglapat ng daliri niya sa dimples ko. Pero medyo nagtataka na ako. Hindi pa rin kasi siya nagsasalita. Kanina pa kami tapos at nagkapa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status