“Talaga?” gulat na sabi ni Saffie habang nanlalaki ang mga mata, mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko, “Hoy, anong ginawa niyo kagabi?!”
Pinandilatan ko siya ng mga mata dahil ang lakas ng boses niya, maririnig kami ng ibang students. Kaagad niya namang tinakpan ang bibig niya at nag-peace sign.
Minsan talaga gusto kong mapag-isa, masyado kasing maingay si Saffie, madali siya makakuha ng atensyon. Ayoko pa naman ng maraming atensyon dahil wala silang ibang ginawa kun’di mag-comment, mag-react, at mag-bash.
Gaya no’ng away namin ni Solenn, naging trending ‘yon sa buong Valerio, may video pang kumakalat sa group page na nilublob ako ni Solenn sa timba na pinaghugasan ng mop.
Kapag naaalala ko ang mga nangyayari, nanggigigil ako kay Solenn. Hindi pa ako nakakaganti sa kaniya dahil hindi ko pa siya nakikita sa school. Ano na kayang nangyari sa babaeng ‘yon?
“Calla ha, anong ginawa ninyo sa mentoring session niyo?” tanong ni Saffie at kinindatan ako, parang nanunukso pa siya sa’kin.
Napangiwi ako, parang nangasim ang mukha ko sa narinig. Anong mentoring session? Eh, magdamag kaming nagtitigan.
Sabi ni Mr. Funder, ‘pag nanalo ako sa staring contest, dadagdagan niya ang allowance ko kaya hindi ako umatras. Pero ang nangyari, hinagisan niya ako ng pekeng ahas kaya nataranta ako at natalo.
Ang lalaking ‘yon, gagawin niya talaga ang lahat para matalo ako. Sa inis ko sa kaniya kagabi, iniwan ko siya sa penthouse niya at umuwi. Hinarangan pa niya ako bago makalabas pero tinapon ko sa kaniya ang wine na iniinom niya, kaya naligo siya ng alak.
Napangiti ako saglit nang maalala ang expression ng mukha niya, priceless.
“Miss Navarro, are you even listening?”
Nagulat ako ng may daliring nag-snap sa harap ko. Natauhan ako at tumingin sa paligid. Lahat ng classmates ko ay nakatingin na sa’kin, maging si Saffie ay tawang-tawa.
Teka, hindi ko manlang napansin na nakaupo na ako sa table ko at pumasok ang instructor…
“Nice to meet you again, Miss Navarro. Baka puwede mong i-share ‘yang nginingitian mo sa isip mo?”
Anong ginagawa ni Miss Rodrigo dito? Hindi ba’t sa educ department siya naka-assign?
“Sorry, Miss Navarro, nagulat ka yata. Iniisip mo ba ang mystery boy mo?” tanong niya kumunot ang noo ko.
Anong gusto niyang palabasin? Halatang may gusto siyang iparating sa’kin.
“Wala po, ma’am, pasensya na,” sabi ko na lang dahil baka awayin ako at ipa-guidance ako bigla.
Afterall, kailangan ko pa rin siyang irespeto dahil teacher siya, student lang ako.
Nginitian ko na lang siya nang pilit at yumuko. Ayokong lumaki pa ang tensyon sa pagitan namin. Kahit hindi niya sabihin kung anong gusto niyang iparating, alam na alam ko ang tinutukoy niya. At hindi malabong gamitin niya iyon sa’kin ‘pag ginantihan ko siya.
“Okay, Miss Navarro, since I’m your new instructor at hindi ko pa kayo kilala,” sabi niya at nilingon ang iba kong classmates, “please introduce yourselves para maging pamilyar ako sa inyo.”
Muli niya akong tiningnan at tumaas ng kaunti ang isa niyang kilay. B*tch… Hinahamon niya ba ako? Mukhang macha-challenge ang pasensya ko sa teacher na ‘to.
“Let’s start from the back.”
Tumalikod na siya sa’kin at bumalik sa puwesto niya, umupo siya, pagkatapos ay diretsong tumingin sa’kin.
I can feel the fire in her eyes. Parang nagtitimpi lang siya kanina, pero ngayon ay alam ko nang mainit ang dugo niya sa’kin.
Sana hindi na lang ako nag-apply sa Alera! Pinagsisihan ko tuloy na ginrab ‘yon, may dragon pa lang nag-aabang sa’kin.
Matapos mag-introduce ng classmate ko ay ako na ang sunod. Pero the whole time ay nakatingin lang sa’kin si Miss Rodrigo, kahit na nag-c-comment siya sa mga classmate ko ay nasa akin ang mga mata niya.
Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako natige.
“Good day, Miss Rodrigo, I’m Calla Ezeline Navarro, 21, only child in my mother side—”
“So, you have a stepfamily, right Calla?” bigla niyang tanong kaya natigilan ako, ilang minuto nakabuka ang bibig ko, parang na-stuck ang utak ko.
Dahil nahihiya na ako, tinikom ko ang bibig ko at napakagat na lang. Mukhang iha-hotseat niya pa ako. Ang galing niya mag-timing.
“Oh, sorry to mention that,” patay malisya niyang sabi, pero ngumiti rin, napakuyom ako ng mga kamay.
Ipapahiya niya talaga ako sa harap ng mga classmate ko. Wala naman akong ginawang kasalanan sa kaniya.
“It’s fine. Miss Rodrigo. And yes, I have a stepfamily. Nag-asawa ulit si daddy dahil wala na ang mom ko–”
“So, lumaki ka na walang nanay sa tabi? That’s so sad,” komento niya, kunwari nalungkot siya, pero kitang-kita ko sa expression ng mukha niya na peke lang ang pinapakita niyang awa, “Ang hirap pa naman ng walang nanay. Tapos magiging outsider ka sa new family ng tatay mo, and then magiging miserable ang buhay mo. To the point na nag-apply ka ng scholarship para matustusan ang pag-aaral mo, right Calla?”
Sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya. I even gritted my teeth. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili.
“Miss Rodrigo, labas na po sa banga ang topic, baka puwedeng iba na ang magpakilala,” sabi ni Saffie, alam niyang hindi na maganda ang pakiramdaman ko sa nangyayari.
Alam na ng bestfiend kong galit ako.
“Miss Delgado, ikaw ba ang pinapasalita ko? Kung hindi, keep quiet and wait for your turn.”
“But Miss Rodrigo, you’ve crossed the line, teacher ka ba talaga?” giit ni Saffie, kaya kahit papaano ay kumalma ako, pero maraming natawa at humagikhik sa ginawa ni Saffie. Kahit ako ay natawa sa isip ko. Ang tapang naman ng bestfriend ko, sinagot niya ang teacher.
“Delgado, Navarro, lahat kayo, detention now!” galit na sabi ni Miss Rodrigo kaya maraming nag-react at nagreklamo.
Tama naman kasi sila kasi nanahimik lang sila sa upuan nila pagkatapos ay mapupunta pa ng detention.
Anong trip nitong ex ni Kael na obsessed? Hindi na tama ang ginagawa niya.
“Ma’am, hindi naman tama na ma-detention kaming lahat, kasalanan ‘yon nina Calla at Saffie!”
“Oo nga. Anong kinalaman namin dyan?”
“Dahil classmate niyo si Calla kaya pati kayo kasama sa detention.”
“Calla, saan ka galing? Kanina ka pa hinahanap ni Miss Rodrigo. Lumabas lang siya ng room dahil may kukunin,” sabi sa'kin ni Sandy, ang seatmate ko.Mabilis kong sinabit ang bag ko sa upuan at umupo. Kakagising ko lang dahil nakatulog ako kanina sa Solaria. At ngayon late ako sa subject ni Veronique. Baka i-detention na naman niya ako.“Bakit niya ako hinahanap?” bulong ko kay Sandy na abala sa papel. May sinusulat siya na kung ano. Wala naman akong maalala na may assignment kay Veronique.“Hindi ko alam. Pero parang nambabanta siya kanina.”Imbes na matakot ako ay natawa na lang ako kay Sandy. Obvious naman kung saan nanggagaling ang inis sa'kin ni Veronique. Let's see kung anong gagawin niya sa’kin.“As I was saying…”Dumako ang tingin ni Veronique sa’kin at tinaasan ako ng kilay, pero nginitian ko lang para lalo siyang mainis. Inirapan niya naman ako kaya napayuko ako para tumawa nang mahina.“I will be giving you a project. Remember that that will be your final output in your fina
Nakayuko akong pumasok ng gate dahil iba ang ini-expect kong haharapin pagdating ng school. Nagsuot din ako ng eye glass at naglagay ng fake bangs para hindi nila ako makilala o mapansin. I’m not a popular student sa Valerio pero dahil sa nangyari tiyak kong mag-iiba ang takbo ng buhay ko lalo na sa school.“Grabe ‘yong Calla na kapatid ni Yvonne, pinahiya ba naman ang pamilya sa harap ng mga tao.”“Hindi naman natin masisi si Calla, matapos ng pinagdaanan niya sa mga Navarro, tatahimik na lang ba siya sa tabi? Isa pa, nadawit ‘yong mama niya.”“Pero nakaka-shock na siya pala ang girlfriend ni Mr. Kael.”“‘Di kaya fake dating lang? I mean, nag-apply siya dati sa Alera diba?”“Pero hindi naman daw siya napili.”“Baka habang iniinterview ni Mr. Kael si Calla ay na-fall ito.”Hindi ko na narinig pa ang pinag-uusapan nila dahil nakita kong papalapit si Yvonne, kaya naman ay dali-dali akong nagtago sa likod ng puno. Dapat ko siyang iwasan ngayon para hindi lalong lumaki ang away namin. Nak
“Are you okay?” tanong ni Kael nang huminto ang kotse niya sa tapat ng bahay nina Saffie.Matapos ang eskandalong nangyari kanina ay nilayo ako ni Kael para gumaan ang pakiramdam ko. Hindi kaagad kami umuwi, dinala niya ako sa lugar na kita ang buong city. Kahit papaano ay nakalimutan ko saglit ang mga nangyari. Pagkatapos no'n ay inuwi niya rin ako dahil nagsabi ako na inaantok na ako.“I think so,” walang ganang sabi ko.Bukod sa wala na akong energy, ay inaantok na talaga ako.“Umakyat ka na, matulog ka na.”“Thank you, Kael,” sabi ko at ngumiti sa kaniya.“You did great, Calla. Paniwalang-paniwala ang family ko na girlfriend kita. At dahil diyan, ibibigay ko na kaagad ang allowance mo.”Kumislap naman bigla ang mga mata ko sa narinig at umayos ng upo. Bakit ang bait niya ngayon sa’kin?“Easy, easy, you look excited,” sabi niya na natatawa ng kaunti.Eh, kasi naman, malapit ko na maubos ‘yong laman ng alkansya ko. ‘Di ko rin naman ma-withdraw ‘yong savings ko dahil pina-freeze ni d
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Lahat ng tao ay nakatingin na sa’kin, maraming nakatutok na phone sa akin dahil kinukunan nila ako ng litrato at video. Ginawa kong harang sa mukha ko ang kamay ko para hindi nila makunan ng picture ang mukha ko.“Ate Calla, hindi ko sinasadya, tinulak mo rin ako. ‘Wag kang magalit sa’kin,” naiiyak na sabi ni Yvonne, narinig ko namang naaawa ang iba sa kaniya, kaya nginisian niya ako ng patago.Napakuyom ako ng mga kamay dahil sa inis kay Yvonne. Siya na nga ang tumulak sa’kin para mapahiya ako, siya pa ngayon ang lumalabas na kawawa.“What the hell, Yvonne? Ikaw kaya ang tumulak sa’kin. Kung tinulak kita dapat hindi ka na nakatayo diyan.”“‘Wag ka nang magsinungaling, Ate Calla, please, aminin mo na.”“Ikaw ang umamin, hindi ako dahil wala naman akong aaminin.”“You’re a liar, Ate Calla.”“What’s goin' on here?” tanong ng lalaking nasa mid 50s na.Maamo ang mukha niya at kung titingnan ay siya ang tipo na hindi agad manghuhusga ng tao, lalo na
Nanatiling kay Kael ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. Na-shocked ang sistema ko.Bakit niya ako hinintay? Alam kong for the clout lang ang mayroon kami. Bakit pakiramdam ko he meant it na hinintay niya talaga ako?His cold eyes turned into a circle of fire, not too hot, just warm, making me feel unsure of what was going on. Bakit ba ‘pag nagpapanggap ganito dapat? Yes, we must take care of our contract, but it doesn’t mean that we should be concerned with each other. Labas na do’n kung ano ang mararamdaman namin.He crossed the line a bit.“Pumunta naman ako, Mr. Kael, na-late lang ako dahil nahirapan ako makasakay ng taxi,” pagsisinungaling ko. Pero may part naman do’n na totoo, muntik naman talaga ako ma-l
Alas siyete y medya nasa taxi pa ako, nahirapan ako kanina makasakay do’n sa parlor kasi palaging puno ‘yong dumadaan. Ayoko namang sumakay ng bus o van dahil masisira ang ayos ko.“Kuya, puwede po pakibilisan? Male-late na kasi ako,” pakiusap ko sa driver, ngumiti lang ito at bumilis nang kaunti ang takbo ng sasakyan.Pabalik-balik ang tingin ko sa phone dahil nag-chat sa'kin si Saffie at hinahanap na niya ako. Pahamak naman kasi ‘tong si Kael, kung hindi niya ako dinala sa parlor na ‘yon, baka nasa school na rin ako ngayon kasama si Saffie.“Lagot sa'kin ‘yang Kael ‘pag na-late ako.”After 20 minutes, narating na namin ang main gate ng Valerio, maraming students ang galing pa sa labas kaya siguradong hindi pa nagsisimula ang event.“Thank you po, kuya. Keep the change na lang po. Ingat!” sabi ko na nagmamadaling lumabas ng taxi.Bago ako pumasok, inayos ko muna ang sarili ko, chineck kung may pawis na ako at kung haggard na ako. Napangiti naman ako nang makita ang sarili sa camera n