Share

Chapter Six

Author: purplepink
last update Last Updated: 2025-07-25 08:00:35

Matapos banggitin ni Kael ang tungkol sa contract ay wala akong nagawa kun’di sumunod sa kaniya. After all, siya pa rin ang funder ng scholarship ko.

“Bakit mo ako sinundan sa coffee shop, Calla?” tanong niya habang minamaneho ang kotse.

Nasa passenger's seat ako dahil ayaw niyang sa likod ako sumakay, magmumukha raw siyang driver.

“Assuming mo naman. Nagkataon lang na napunta kami ro’n ng bestfriend ko, tapos nakita ko kayo,” sabi ko, pero nanlaki ang mga mata nang ma-realize na may tinutukoy pa ako na isa sa coffee shop.

“I mean, ikaw,” pahabol kong sabi at tumikhim.

Bigla akong pinagpawisan kahit na nakabukas naman ang air-con.

Palihim kong tiningnan si Kael sa mirror kung anong reaction niya, pero napaiwas din ng tingin ng tumingin din siya sa salamin.

Nahuli niya ako!

Sure na mag-a-assume na naman siya.

“Alam kong gwapo ako, hindi mo na kailangang tingnan.”

Tinaasan ko siya ng kilay pero wala manlang siyang reaction. Sobra naman sa pagiging nonchalant ‘tong si Mr. Funder.

“Excuse me, Mr. Cojuangco, I didn't say anything.”

“I know that you're gonna deny it.”

“Ide-deny ko talaga dahil hindi naman totoo.”

Bigla siyang pumreno kaya napasubsob ako sa compartment. Nakalimutan ko pala maglagay ng seatbelt at sinadya ni Mr. Funder na magpreno para ma-out of balance ako.

“Ano ba?! Sinasadya mo ba?!” inis kong sabi, habang inaayos ang sarili na makaupo, pagkatapos ay sinamaan siya ng tingin, ‘yong tipong galit na galit ako.

"May pusa. Hindi ka nag-seatbelt. Kasalanan ko pa ngayon?” medyo naiinis niyang sabi kaya kumalma ako.

Hindi ko dapat ma-offend ang lalaking ‘to dahil sa kaniya nakasalalay ang tuition ko.

Kung puwede ko lang siyang balibagin ay kanina ko pa ginawa. Sobrang nakakainis siya.

“Eh di sorry, Mr. COJUANGCO,” sabi ko at naglagay ng seatbelt.

Pagkatapos ay tumingin na lang sa bintana para hindi siya makita o makausap.

Kung dati ay natatawa ako sa kaniya sa nangyari sa rooftop, ngayon ay sobrang naiinis ako. Halata namang sinadya niya iyon para tumahimik ako.

Gusto niya pala ng inosenteng galawan ah, ‘di ko siya uurungan.

“Alam ba ng family mo na nag-apply ka sa Alera?” bigla niyang tanong, pero hindi ko pa rin siya tinitingnan.

“Why do you ask?”

“Because your family should know about this?”

“I don't have a family,” walang emosyong sabi ko.

He mentioned my family, scratch that, my so-called family. Akala niya siguro ay okay kami ng family ni dad. Kung alam lang niya ang pinagdaanan ko sa bahay na ‘yon.

“Why?”

“Mr. Kael, let me remind you na labas sa contract na ‘to ang tungkol sa personal information ng isa't isa,” paalala ko sa kanya, kaya hindi na ulit siya nagtanong tungkol sa family ko.

Ilang minuto kaming naging tahimik. Pero mas okay na rin ‘yon dahil hindi ko feel na makausap siya.

“We’re here,” sabi niya, sabay tanggal ng seatbelt, kaya tinanggal ko rin ‘yong akin.

Lumabas din ako kaagad ng kotse at nalula sa nakita. Nasa harap kami ng higanteng skyscraper. Ni hindi ko pa ito nakita sa tanang buhay ko.

“Wow,” tanging sabi ko dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

“You look amazed,” sabi ni Kael at nag-smirk.

Tinaasan ko na lang siya ng kilay dahil ayaw ko pa siyang makausap. Mas worth it na pagmasdan ko na lang ang skyscraper.

“Let’s go.”

Sumunod lang ako sa kanya, at bawat nadadaanan namin ay nagba-bow sa kaniya, panay ngiti at wave naman ako sa kanila dahil hindi ko alam kung anong gagawin. Pero sigurado akong boss nila si Kael.

“Good evening, Mr. Kael!” bati ng isang staff.

Bumaling ito sa'kin at ngumiti, saka ako binati, “ Good evening, Miss?”

“Calla Navarro,” sabi ko at nginitian ito, pero may pumasok na kalokohan sa isipan ko, “hindi ‘yong sabon ha. Hindi ako bumubula sa tubig.”

Pinigilan ng staff na ‘wag tumawa dahil nasa harap niya si Kael, sure na pagagalitan ito ng boss nila.

“Joker pala ‘tong fiancée mo, Mr. Kael.”

Nanlaki ang mga ko sa narinig, kaya hinarap ko si Kael at pinandilatan ng mga mata.

Anong kahihiyan ang sinabi niya sa mga staff niya?

“She's funny, right? That's why I love her.”

Halos mapasigaw ako sa gigil. Gustong-gusto ko siyang i-trashtalk pero nasa harapan kami ng tauhan niya.

Ganito pala kalala ‘tong si Kael. Masyadong ginagampanan ang papel sa fake dating na pinlano niya rin. Parang gusto kong masuka sa pinagsasabi niya.

“Right, love?” baling niya sa'kin kaya ngumiti na lang ako ng pilit.

This is so embarrassing kahit hindi nila alam ang totoo. Parang dumaloy sa batok ko ang lamig ng yelo.

“If you'll excuse us, my fiancée is so tired. She needs to rest,” dagdag pa niya.

Lalo akong nanggigil sa kaniya. Ni hindi manlang siya nag-signal na kailangan na naming magpanggap sa harap ng iba.

---

“Alam kong gino-good time mo ako, Mr. Cojuangco,” sabi ko pagkarating namin ng penthouse niya.

Kahit nakatalikod ako ay ramdam ko ang mapanuksong tingin niya sa’kin.

Gusto ko siyang sampalin ng tapioca pearls!

“Seems like you forgot your role, Calla.”

“Alam ko ‘yon. Pero puwede ba, signalan mo naman ako kung kailan magpapanggap?” sabi ko at humarap sa kaniya.

Pero nagulantang ako nang makita siyang topless.

My innocent eyes! Nilalason niya ako ng katawan niya!

“Ano ba, magdamit ka nga!” inis kong sabi.

“Do you like the view?” sabi niya, pero may bahid ng pang-aakit ang tono niya kaya nagsitayuan ang balahibo ko.

Hindi ito ang pagkakakilala ko kay Mr. Kael! At mas lalong hindi ito ang pinirmahan kong kontrata!

“Bakit scenery ka ba?”

“No,” sabi niya at naglakad papunta sa harap ko.

Umiwas naman ako ng tingin dahil ayokong magtagpo ang mga mata namin.

Kalma, Calla!

Ang sabi sa kontrata bawal ka ma-attached sa kaniya at mas bawal kang ma-fall sa kaniya!

Remember, broken ka pa rin? No strings attached?

“But I can be that scenery you're gonna love.”

Sa sinabi ni Kael ay halos hindi ako makahinga. Pinagpapawisan ako at nakakaramdam ng chills sa buong katawan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 24

    Hindi ko alam kung paano kakausapin sina dad; kinakabahan ako at nag-aalala. Oo nga’t ang sama ni Evone sa akin, pero hindi ko gugustuhin na malagay sa panganib ang buhay niya. Kapatid ko pa rin siya, nananalaytay sa ugat namin ang dugo ni dad. Kaya kahit sobrang sama ng kapatid ko, may parte sa akin na nasasaktan ako.Hindi ko sinasadya na mapahamak siya. Hindi ko ginusto na mahulog siya sa hagdan. Kung maibabalik ko lang ang oras ay hindi na sana ako lumabas ng classroom; sana hindi na lang ako nanlaban at hinayaan siya sa pang-aaway sa akin, wala sana siya ngayon sa emergency room. Hindi biro ang sinapit niya; nabagok ang ulo niya, at dahil iyon sa pagkakahulog niya sa hagdan.Dad will kill me. Baka this time, itatakwil na niya ako bilang anak niya. Oo, masakit dahil mas pinapaboran niya ang pangalawang pamilya niya, pero mas masakit kapag pinutol na niya ang relasyon namin bilang mag-ama. Siya na lang ang mayroon ako magmula nang mawala si mama. Kapag itinakwil ako ng sarili kong

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 23

    ‘Good morning, Aunt Sparkle!’Napangiti ako sa natanggap na message. Umagang-umaga pero ito agad ang bumungad sa akin. Pinanindigan na talaga ng batang iyon na aunt sparkle ang itawag sa akin. Tinanong ko siya kung bakit iyon ang tinawag niya sa akin. Ang sagot niya lang ay simple, dahil kumikinang daw ako sa paningin niya. Nakakatuwa ang batang ‘yon at ang cute pa niya. Alam na niya kung paano mambola. Siguro tinuturuan ‘yon ng tatay niya kaya gano’n.Matapos ko siyang tulungan kahapon, nag-usap pa kami saglit. Panay siya tanong sa akin na kinagigiliwan ko namang sagutin. Base sa nalaman ko, apo siya ng mayamang negosyante, pero hindi niya nabanggit kung sino. Ang tanging nasabi niya lang ay ang tawag niya sa lolo niya. Nalaman ko rin ang pangalan niya, Inigo. Bago siya umalis ay hiningi niya ang number ko at Facebook account. Kaya ngayon, name-message na niya ako. “Grabe ‘tong si Inigo, adult ang galawan. Six years old pa lang ‘yan siya ha, pero kung makaasta parang gurang,” bulong

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 22

    “So, pinuntahan ka lang ni Mr. Kael para asarin ka? Iba rin tama no’n ah, inaasar ka na,” wika ni Saffie matapos kung ikuwento sa kaniya ang nangyari kanina sa labas ng gate nila. Tinatawanan nga niya ako habang kinukuwento ko sa kaniya iyon. Napapatingin sa gawi namin ang ibang estudyante na nakakasalubong namin dahil sa tawa niya na malutong at may halong gigil.Gusto kong takpan ang bibig niya pero lumalayo siya sa akin, kaya hinahayaan ko na lang si Saffie na pagtawanan ako. Mabilis na narating namin ang classroom at kaagad na umupo sa mga upuan. Kakaunti pa lang kami rito kasi maaga pa. May kaniya-kaniyang mundo ang mga classmate namin kaya hindi na namin sila pinansin pa. “Ay best, kailan tayo pupunta sa Zobellian Cooperatives? Next week na ‘yong pasahan no’n, ‘di ba?” pag-iiba ni Saffie ng topic. At muntik ko na ngang makalimutan na may term paper nga pala kaming requirements sa subject ni Veronique.Nilibot ko ng tingin ang classroom at nakita ang mga members ko maliban kay Du

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 21

    Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang payapang paligid; mga halamang sumasayaw sa malamig na ihip ng hangin na parang mga kaluluwang naghahanap ng sariling himig, samantalang ang mga puno’y nakatindig na wari’y mga matandang tagapagbantay ng panahon, at ang mga bulaklak ay marahang nagbubukas na tila mga ngiti sa umaga. Sa katamtamang sikat ng araw, ang lahat ay nagiging isang awit ng kalikasan–isang paalala na kahit sa katahimikan, may musika ang buhay.Hindi ko alam kung paano ako napunta sa magandang lugar na ito. Pero alam kong panaginip lang lahat. Himala yata at matino ang panaginip ko ngayon. Hindi tulad ng nakasanayan ko na pagmumukha nina Inez ang nagpapainis sa akin at palaging humahantong sa pagpapahirap sa akin. Dahil na rin siguro sa environment ko, na ngayon ay peaceful na at tahimik kaya hindi na sila sumasagi sa panaginip ko.Ibinuka ko ang aking mga braso habang dinadama ang sariwang hangin at ang bango ng paligid. Walang polusyon na malalanghap kaya

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 20

    Nanatili kami sa ganoong posisyon na parang mga estatwang nakalimutang igalaw ng panahon. Walang salita ang lumalabas sa aming mga labi, at ang tanging musika sa pagitan namin ay ang mabibigat na hininga na nagtatagpo’t nagbabanggaan sa hangin. It’s giving me a chill feeling. Para kaming dalawang ilog na magkalapit ngunit hindi naman magtatagpo, nagdadala ng sariling agos na pilit na pinipigil ang pag-ulan ng damdamin.Hindi ako nangangamba na may makakita sa amin ni Kael. They already know the score between us. Kaya hindi na sa kanila magiging big deal iyon na makita kaming dalawa na magkasama. Mas lalong hindi ako natatakot kay Veronique kapag nakarating sa kaniya ang nangyari. Ang inaalala ko lang ay ang tibok ng dibdib ko na sa sobrang lakas nito ay para itong tambol sa gitna ng katahimikan. Baka marinig niya, baka mabunyag ang lihim na kaba na pilit kong ikinukubli.Sabihin na nating wala akong pagtingin kay Kael, ngunit iba pa rin ang pakiramdam kapag naroon siya. Para bang ang

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 19

    Matapos naming mag-usap ni Troy ay pinabalik ko na siya kaagad sa party at baka sumabog na naman ang tangke ‘pag hindi pa siya nakakabalik doon. Nag-iisa na lang ako ngayon dito sa lagoon. Hindi ko na inisip pa si Kael. I don’t care kung magalit siya ‘pag hindi niya ako naabutan sa meeting place namin. May kasalanan din siya kung bakit ako umiyak ngayon. Dapat inalam niya muna kung walang event sa lugar na ‘yon. Tapos wala pa siya. Siya ang nagyaya pero siya ang wala. Nagpapatawa ba siya?“Hey, nandito ka lang pala.” Great. Dumating din ang late comer. Bakit pa siya dumating? Ayoko ng kausap ngayon.Hindi ko siya sinagot at nanatiling tahimik. Tinuon ko ang atensyon ko sa lagoon na maliwanag ngayon kahit gabi. Mayroon kasi itong light kaya kitang-kita ang mga isdang nagsisilanguyan. Nakakawili silang panoorin. Sana ganito na lang ang life, chill lang.“What happened?” tanong niya kaya nagpanting ang tenga ko. Seriously? Gusto niyang malaman?“Ay dapat nandito ka kanina para nakita mo.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status