Masuk[ Neighbor.]Walang reply.[Kumain ka na?]Wala pa rin.[Busy ka?]Wala pa ring galaw.[Baka gutom ka na? Baka gusto mo ng kasamang kumain?]Ilang segundo ang lumipas. Deadma pa rin. Napakunot ang noo ko. “Ang sungit talaga nito kahit kailan.”Ilang minuto pa ang pinalipas ko habang nag-aayos ng mesa nang biglang mag-vibrate ang phone ko.Drevin: Bakit?Napangiti ako nang mabilis.[ Wala lang.]Drevin: Then?Napangiti ako nang mas malapad. At least nagre-reply![Kumain ka na ba talaga?]Drevin: Hindi pa.Napatingin ako sa niluluto kong ulam, tapos sa phone, tapos sa ulam ulit.[Bakit hindi pa?]Drevin: Dahil hindi pa ako gutom.[Sinungaling.]Drevin: Paano mo nasabi?[Feeling ko lang. Lakas ng kutob ko, eh.]Matagal bago siya muling nag-reply.Drevin: Weird mo.[Gusto mo ng lunch?]Tahimik. Walang reply nang halos isang minuto. Maya-maya—Drevin: May pagkain ka?[Meron. Masarap 'to.]Drevin: Ano?[Secret.]Drevin: E bakit mo tinatanong kung gusto ko kung ayaw mo namang sabihin?[Para
Kinabukasan, alas-diyes pa lang ng umaga ay gising na gising na ako.Hindi dahil marami akong kailangang tapusin. Hindi rin dahil may mahalaga akong tipanan na pupuntahan. Kundi dahil mula sa pagkakadilat ng aking mga mata, iisang pangalan agad ang pumasok sa isip ko.Neighbor.Napangiti ako habang nakahiga at nakatitig sa kisame. Literal na nasa kabilang pinto lang siya. Isang pinto. Ilang hakbang. At kung gugustuhin ko, puwede akong kumatok anumang oras na mapag-tripan ko.Hindi ko alam kung bakit parang ang saya-saya ko sa simpleng bagay na iyon. Siguro dahil ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganitong pananabik. O baka naman dahil may bago akong pinagkakaabalahan—at ang pangalan ng bago kong 'hobby' ay walang iba kundi si Drevin.Tumayo ako at mabilis na nagbihis. Pagkatapos maligo, nagtimpla ako ng mainit na kape, pero habang nakatayo sa tapat ng kalan ay agad kong napansin na may kulang sa aking mga rekado.“Sibuyas.”Binuksan ko ang refrigerator. Walang sibuyas. Binuksan ko ang
"Hoy! Kiran, tumigil ka diyan!" banta ni Drevin ngunit masyado nang huli ang lahat.Sumayaw-sayaw pa si Kirsi sa tuwa. "Tita Belle! Crush mo pala si Daddy Drevin! Kaya pala lagi mo siyang ginugulo!""Secret dapat 'yon, e! Bakit niyo pinagsasabi?!" sigaw ko habang namumula ang aking mga pisngi."Ikaw ang nagpahalata, Tita!" hiyaw ni Kiran.Humagalpak sa kakatawa sina Khendra at Nathaniel sa gilid. "Ako na ang nahihiya para sa inyong dalawa!" pang-aasar ni Khendra.Dahil wala nang magagawa at huling-huli na rin naman, pinalakas ko ang loob ko, humarap ako nang diretso kay Drevin, at tinitigan siya sa mata. "Okay! Fine! Oo na! Crush kita! Happy ka na?"Tahimik ang buong sala. Nakatitig lang si Drevin sa akin, nanlalaki ang mga mata at hindi makapaniwalang inamin ko iyon sa harap ng buong pamilya. Bahagya siyang umiwas ng tingin habang unti-unting namumula ang dulo ng kanyang mga tainga."Eew," mahinang usal niya, ngunit wala na 'yung dating matapang niyang tono.Tumawa ako nang malakas.
Samantala, lumapit naman si Nathaniel kay Drevin habang bitbit ang isa pang hiwalay na regalo. "At para sa 'yo. Alam kong ayaw mo ng mga palamuti o kung ano-anong arte, kaya ito ang pili namin para sa 'yo."Inabot ni Nathaniel ang isang elegante at itim na leather casing. Binuksan iyon ni Drevin at lumantad ang isang mamahalin at customized na bag, at siguradong daang libo ang halaga.Napatingin si Drevin sa regalo. Bahagyang kumalma ang kanyang mukha. "Thanks, Nathaniel.""Mabuti naman kung ganun. Saludo ako sa 'yo sa pagtitiis sa bahay na 'to nang ilang linggo," biro ni Nathaniel habang tinataptap ang balikat nito.Mabilis akong sumingit sa tabi ni Drevin habang nakatingin sa kanyang keychain. "Ay, may regalo rin siya! Pag-iingatan mo 'yan, ah?"Tiningnan ako ni Drevin mula ulo hanggang paa. "Belle, normal na regalo lang ito.""Special kasi galing sa mga kaibigan mo.""Oo, kaya gagamitin ko sa opisina.""Ibig sabihin, maiisip mo kami araw-araw?"Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi
Pagdating namin sa bahay mula sa pamamasyal sa Fantasy World, akala ko ay doon na magtatapos ang aming munting kuwento. Pero mali pala ako. Dahil kinabukasan ng hapon, dumating na ang totoong mga may-ari ng bahay.Nakahinga na nang maluwag sina Khendra at Nathaniel mula sa kanilang mahaba at masayang honeymoon sa ibang bansa. At dahil nakabalik na ang mag-asawa, nangangahulugan din ito na maaari nang umuwi si Drevin sa sarili niyang condo unit."Home sweet home! Finally!" masayang hiyaw ni Khendra habang inilalapag ang dalawang malaking maleta sa gitna ng sala.Kasunod niya si Nathaniel na may hawak na napakaraming paper bag, bitbit ang ilang kahon ng pagkain, at isa pang maliit na maleta. Bagamat halatang napagod sa biyahe, kitang-kita sa mga mukha ng bagong kasal ang liwanag at saya ng kanilang mga ngiti."Mommy! Daddy!" nag-uunahang tumakbo ang kambal patungo sa kanila. Agad na lumuhod si Nathaniel para saluhin at yakapin nang mahigpit sina Kiran at Kirsi, habang pinapaulanan nama
"Next family, please!" hiyaw ng photographer mula sa paanan ng maliit na stage.Lumapit kaming apat sa malaking backdrop na may nakaguhit na kastilyo at napakalawak na hardin ng mga rosas.Napakamot sa ulo si Drevin habang nakatayo sa gilid. Tumingin siya sa pinto ng exit—mukhang nagnanais na talagang tumakas at maglaho na parang bula. Pero dahil hawak ng kambal ang magkabila niyang kamay, wala siyang nagawa kundi ang magpaubaya.Nang tumayo na siya sa gitna ng spotlight, biglang nagbago ang buong aura niya.Tumingala siya, umunat ang likod, naging kalma ang mukha, at naging matikas ang tindig. Sa mga sandaling hindi siya nagsasalita at hindi nag-iinarte, mukha talaga siyang matipuno, respetado, at lalaking-lalaki. 'Yung tipong laking-mayaman na CEO sa mga nobela.Bihira man aminin, pero kahit ang photographer ay napansin ang kakaiba niyang tindig."Sir," tawag ng photographer habang nakatitig sa viewfinder."Yes?" matipid at pormal na sagot ni Drevin."Ang pogi niyo po. Sobrang bagay
Hindi ko na nilingon si Nathaniel kahit anong lakas ng sigaw niya sa likod ko.Wala nang espasyo sa dibdib ko para sa mga paliwanag niya—masyadong masikip, masyadong masakit. Para akong unti-unting nilalamon ng pait habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tagpong iyon.Ang babaeng halos yaka
POV: KhendraIlang taon na ang nakalipas simula nung malaman kong may PCOS ako. Dahil doon, nasanay na akong hindi regular ang dalaw ko. Minsan buwan ang binibilang bago ako muling duguin. Kaya nung mapansin kong tatlong buwan na akong walang dalaw, hindi ako natakot. Sanay na ako.Ngunit sa pagkak
"Nais kong makausap ang boss ninyo." Malamig, matigas, at walang pakialam ang boses ni Nathaniel habang nakatayo sa tapat ng front desk ng aming kumpanya. "Dati ko siyang biyenan kaya alam kong may karapatan akong humarap sa kanya. Kailangan naming mag-usap tungkol sa negosyo. Kung ayaw niyang biti
"Lolo! The airplane was so big, and Kirsi slept the whole time!" masayang kwento ni Kiran habang iwinawagayway ang kanyang kutsara."No, I didn't! I was just resting my eyes!" mabilis na pagtatanggol naman ng kapatid niyang si Kirsi, na nagpatawa sa aming lahat.Ngunit sa kabila ng tawanan, may kun







