Share

KHENDRA 5: Cryptic Pregnancy

Author: Middle Child
last update publish date: 2026-06-06 21:53:00

MALAMIG ang hangin sa London, kakaiba sa nakatutunaw na init ng Pilipinas na nakasanayan ko. Limang buwan na ang nakalilipas mula nang iwan ko ang lahat. Dito, sa maliit ngunit modernong apartment ko malapit sa Thames, pilit kong binuo ang isang buhay na ako lang ang may-ari. Pumasok ako sa isang malaking design company, abala sa trabaho mula umaga hanggang gabi upang tuluyang ibaon sa limot ang nakaraan. Sa paningin ng iba, okay ako. Nakangiti, naglalakad nang may kumpiyansa, malaya.

Pero isang gabi, habang tinatapos ko ang isang proyekto sa aking sala, nakaramdam ako ng kakaibang bigat sa aking puson. Akala ko noong una ay dahil lamang ito sa pagod at pag-aadjust sa pabago-bagong panahon ng London. Ngunit bigla, isang matinding kirot ang gumuhit mula sa aking likod patungo sa aking tiyan.

Napaupo ako sa sahig. Ang kirot ay hindi katulad ng ordinaryong sakit ng tiyan. Mas pamilyar ito. Mas mabagsik. Parang may kung anong pumipiga sa aking buong pagkatao. Napakapit ako sa dulo ng sofa habang nanginginig ang buong katawan ko sa pawis.

"Stress lang ito, Khendra," pilit kong saway sa sarili ko. Ang tiyan ko ay patag pa rin, walang bakas ng kahit anong umbok. Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Nathaniel—noong duguan akong dinala sa ospital— nalaglag na ang baby ko.

Ngunit muling gumuhit ang pamilyar na sakit. At sa pagkakataong ito, may kasamang kakaibang pakiramdam na tila may pilit na bumababa mula sa loob ko. Kasabay niyon ang biglang pagdaloy ng  maraming malinaw na likido sa aking mga hita.

May tumulong tubig mula sa akin.

Sa tindi ng takot at taranta, nanginginig ang mga kamay ko habang tumatawag ng ambulansya. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Bakit parang nagli-labor ako sa sakit?

Ilang minuto lang ang lumipas, dinala ako sa pinakamalapit na ospital sa London. Ang puting silid na iyon ay napuno ng ingay ng mga aparato at ang nagmamadaling mga yapak ng mga doktor at nurse. Nakahiga ako sa delivery table, umiiyak sa takot at labis na kalituhan.

Isang matandang pinoy doktor na may  singkit na mga mata, si Dr. Len, ang mabilis na sumuri sa akin. Nang itutok niya ang ultrasound sa aking patag na tiyan habang ako ay humihiyaw sa sakit, sandali siyang natigilan.

"Khendra, makinig ka sa akin nang mabuti," seryosong sabi ni Dr.  Len habang hawak ang kamay ko. "You are in active labor. At hindi lang isa... kambal ang isisilang mo."

Parang gumuho ang kisame ng ospital sa ibabaw ko. Nalaglag ang aking panga sa gitna ng matinding sakit ng labor. "Doc, hindi... imposible! Nakunan ako limang buwan na ang nakalipas sa Pilipinas. Patay na ang baby ko!"

"Makinig ka," mabilis na paliwanag ng doktor habang inihahanda ang mga gagamitin. "Nakunan ka nga noon, pero tatlo silang nabuo sa sinapupunan mo. Ang kaso mo ay isang cryptic pregnancy. Ang posisyon ng iyong matris ay nakatagilid pabalik, kaya ang mga bata ay lumaki palapit sa iyong likuran at paitaas sa likod ng iyong mga ribcage, hindi pasulong. Kaya nanatiling patag ang tiyan mo."

Sumisikip ang hininga ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"Higit sa lahat," patuloy ni Dr. Len, "ang tatlong sanggol ay magkakahiwalay ng placenta at umbilical cord. Noong nahulog ka sa Pilipinas, isang placenta lang ang natanggal. Isang sanggol lang ang nawala. Ang dalawang ito... limang buwan silang nagtago sa loob mo nang hindi mo alam. At ngayon, oras na para lumabas sila."

Umiyak ako nang napakalakas. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ito iyak ng pait. Ito ang iyak ng isang inang binigyan ng pinakamalaking himala ng langit. Buhay sila. Hindi ako tuluyang iniwan ng mga anak ko.

"Khendra, push!" sigaw ng doktor.

Ginamit ko ang lahat ng natitirang lakas ng aking katawan. Nilunok ko ang lahat ng trauma, ang lahat ng pait ng pagtataksil ni Nathaniel, at ang galit na matagal nang nakabaon sa dibdib ko. Inire ko ang lahat ng sakit para sa dalawang buhay na hindi sumuko sa loob ko.

Isang malakas na iyak ng sanggol ang umalingawngaw sa silid.

"It's a boy," mabilis na sabi ng nurse.

Hindi pa ako nakakahinga nang maluwag nang muling sumunod ang isa pang matinding contracton. Muli akong umire, kasabay ng pagbuhos ng aking mga luha. At pagkatapos ng ilang segundong pakikipagbuno sa kamatayan, isa pang iyak ang pumuno sa buong kwarto.

"And a girl. Healthy twins, Khendra."

Nang ilapag ng mga nurse ang dalawang maliliit, maiinit, at umiiyak na sanggol sa aking dibdib, tuluyan nang nawala ang lamig ng London. Niyakap ko sila nang mahigpit habang nanginginig ang aking buong katawan. Limang buwan silang nakipaglaban nang mag-isa sa loob ng tiyan ko, nagtago mula sa stress at sakit na pinagdaanan ko, para lang makarating sa araw na ito.

“Nandito na si Mommy…” umiiyak kong bulong sa kanila. “Sorry kung hindi ko kayo naramdaman agad... pero hinding-hindi ko na kayo bibitiwan.”

Naisip ko bigla si Nathaniel. Naisip ko kung gaano niya pinrotektahan si Allheyn dahil akala niya ay tapos na ang lahat, akala niya ay wala nang natira sa aming dalawa. Kung alam lang niya na sa mga sandaling iniwan ko siya, dala-dala ko ang dalawang buhay na bunga ng aming nakaraan.

Pero agad kong iginalaw ang aking ulo upang burahin ang mukha niya. Walang karapatan si Nathaniel sa mga batang ito. Pinagpalit niya kami sa kaligtasan ng kanyang kabit. Para sa akin, patay na siya. Ang kambal na ito ay akin lang. Ako lang ang magulang nila.

Ilang araw matapos akong makapanganak, tinawagan ko sina Mommy at Daddy sa Pilipinas. Noong una ay hindi sila makapaniwala, ngunit agad na lumipad si Mommy patungong London upang tulungan akong mag-alaga.

*****************

PAGKALIPAS NG PITONG TAON....

"Mommy!" niyakap ko ang mommy ko, ng makarating kami sa bahay.

Ang mansiyon namin, ay katulad pa rin ng dati.. Bagong pintura lang.

"Anak! hindi mo man lang sinabing ngayon ang uwi mo!" niyakap niya ako ng mahigpit.

Khendra!!" masiglang bati ni Daddy sa akin, habang bumababa ng hagdanan.

"Dad!" pinalaki ko ang aking mga braso upang yakapin siya, subalit bigla niya akong nilagpasan.

"Kiran! Kirsi! aaah!! ang pinakamamahal kong mga apo.. Miss na miss na kayo ni Lolo!"

"We miss you too, Lolo.."

"Pasensiya na kayo, hindi na kayo kayang buhatin ni Lolo.. Masakit na ang aking tuhod.." hinawakan ng matanda ang tig isang kamay ng mga bata.

"Dad!!!" nakasimangot kong tawag sa kanya.

"Ay, oo nga pala.. ang paborito kong anak!" nilapitan ako ng tatay ko.

Ngunit ako na lang ang yumakap sa kanya, dahil ayaw niyang bitiwan ang mga bata.

"Ako lang naman ang anak niyo," nakasimangot kong sagot.

"Nagtampo pa nga.." ngumiti siya sa akin, "tara na sa veranda, doon ko ipapaayos ang pagkain.

"Mom.. parang ang payat ni Daddy," humawak ako sa braso ng mommy ko, saka kami sumunod sa mga bata.

"Sasabihin niya sayo ang dahilan. At kung bakit ka niya pinauwi ng Pilipinas.."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 7: Reto

    Bago tuluyang umuwi sa bahay, nagkasundo kaming dumaan muna sa malapit na mall upang kumain ng hapunan at makapag-bonding nang kaunti. Halos magreklamo na rin kasi ang tiyan nina Kiran at Kirsi pagkatapos ng mahabang araw sa eskwelahan.Hawak-hawak ni Drevin ang maliliit na kamay ng kambal habang naglalakad kami sa malawak na hallway ng mall patungo sa isang fast food na gusto ng mga bata. Naka-polo shirt siya na medyo nakatupi ang mga braso at maayos ang tindig—isang ayos na talagang nakakatawag ng pansin sa mga taong nakakasalubong namin.Nang makalapit na kami sa may entrance ng kainan, biglang may sumigaw na mga pamilyar na boses mula sa hindi kalayuan."Kiran! Kirsi! Teacher Belle!"Lumingon kami at nakita ang tatlo sa mga kaklase ng kambal sa Grade 2 na kasama ang kani-kanilang mga pamilya. Tuwang-tuwa silang tumakbo palapit sa amin habang kumakaway."Hello sa inyo!" nakangiti kong bati habang lumuluhod nang bahagya para makipag-apir sa kanila.Subalit tulad ng nangyari kanina

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 6: Hindi pa sinasagot

    Kinabukasan, maagang nagising ang lahat para sa pagpasok ng kambal sa paaralan. Dahil nasa Japan pa sina Ate Khendra at Kuya Nathaniel para sa kanilang honeymoon, kaming dalawa pa rin ni Drevin ang nakatoka sa pag-aasikaso kina Kiran at Kirsi.Habang nag-aayos ako ng aking gagamitin sa pagtuturo, nakita ko si Drevin sa kusina na maingat na inihahanda ang mga lunch box ng kambal. Nakasuot siya ng isang napakagandang pormal na attire—isang fitted na polo na nakatupi nang kaunti sa braso, maayos ang pagkaka-style ng buhok, at tuwid na nakatindig. Kahit kailan talaga, kapag tiningnan mo siya mula sa malayo, napakakisig at napakapogi niyang tingnan."O, nakahanda na ba ang lahat?" tanong niya nang mapansin akong nakatitig sa kanya."Nakahanda na," nakangiti kong sagot. "Salamat sa paghatid sa amin, ah.""Duh! Alangan namang mag-commute kayo habang dala 'yang mabibigat na bag ng kambal? Baka masira pa ang posture nitong dalawa, 'no!" maarte niyang hirit sabay kuha sa mga bag ng bata.Pumun

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 5: Happy Family

    Pinalo niya ako ng malakas sa braso."Aray naman!" tawa kong reklamo habang pilit na dinedepensahan ang sarili matapos niyang hawakan ang hinampas niyang parte ng aking braso."Napakalandi mo talaga, girl! Nakakadiri ka!" maarte niyang sigaw sabay irap sa akin, pero halatang-halata ang matamis na ngiti na pilit niyang itinatago. Mabilis niyang inayos ang neckline ng kanyang polo at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Diyan ka na nga muna! Makikipagsayaw na lang ako sa totoong paborito ko—inaagaw mo na ang spotlight ko ngayong gabi, nakakaloka ka!"Tumayo si Drevin at kumendeng-kendeng na naglakad patungo sa gitna ng bulwagan. Mula sa aking kinalalagyan, pinagmasdan ko kung paano siya kumaway kina Ate Khendra at Kuya Nathaniel, bago buong-siglang nakipagsayaw at nakipaglaro sa kambal na sina Kiran at Kirsi. Tawang-tawa ang mag-asawa habang ang kambal naman ay patalon-talon na kumakapit sa dalawang kamay ni Drevin.Napakasaya ng gabing iyon. Puno ng tawanan, musika, masasarap na pagkai

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 4: Kiss sa lips

    Nakatayo si Drevin sa gitna ng entablado habang aandap-andap at tila ba pinaglalabanan ang buong mundo. Inililipat-lipat niya ang kanyang timbang mula sa kanang paa patungo sa kaliwa, habang ang mga mata ay nanlilisik sa akin ngunit halatang pilit na pinipigilan ang sariling mapangiti. kitang-kita sa kanyang mga kilos na gustong-gusto na niyang tumakbo pabalik sa kanyang upuan, ngunit dahil sa lakas ng kantiyawan ng lahat at ayaw din naman niyang maging killjoy o KJ sa pinakamasayang gabi ng kanyang matalik na kaibigan, pilit niyang pinagbigyan ang sigawan ng buong reception hall.Mabilis akong lumapit at naupo sa upuang inihanda sa gitna ng stage. Upang mas lalong maging masaya at buhay ang kapaligiran, itinataas ko ang aking gown—nang napakataas na halos nagpapakita na ng kalahating hita ko!Agad na nagtawanan ang lahat ng mga bisita! Paano ba naman, bago pa magsimula ang laro ay naipagkalat ko na sa bawat mesa na gustong-gusto ko ang baklang ito. Ang buong hall ay napuno ng tawanan

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 3: Ikaw ang pangarap ko

    Nang makalinya na ang limang contestant sa stage, inihayag ng emcee ang mechanics ng laro. "Ang laro natin ngayong gabi ay isang patalasan ng isip at wittiness! Ang tanong para sa limang makisig nating kalahok: Kung magiging ulam ka ngayong gabi, anong ulam ka at bakit? Sa palakpakan at hihiyawan ng ating audience magmumula ang ating kampeon!"Nagsimula ang unang kalahok—si Denver, ang isa sa mga single na executive mula sa kumpanya."Ako po ay Sinigang," kumpiyansang sagot ni Denver sa mikropono. "Sapagkat kahit gaano ka-asim ang mga pagsubok sa buhay, nagbibigay pa rin ako ng init at sarap na babalik-balikan mo sa tuwing nalalamigan ka." Nagpalakpakan ang ilang bisita sa kanyang sagot.Sumunod ang ikalawang kalahok—ang pinsan ni Kuya Nathaniel na si Marco."Ako naman po ay Kare-Kare," ngumiti si Marco. "Kasi hindi ako kumpleto kapag wala ang bagoong. Tulad ng pagmamahal, kailangan ng tamang kapares para lumabas ang tunay na sarap at tamis." Naghihiyawan ang mga dalaga sa gilid.Ang

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   Belle 2: Sumali sa palaro

    "Tingnan mo sila oh," bulong ko habang nakatitig sa gitna kung saan dahan-dahang umiikot sina Ate Khendra at Kuya Nathaniel sa ilalim ng mga kumikislap na ilaw. "Matapos ang pitong taon ng paghihiwalay, ang akala nilang katapusan na, naging bagong simula pa pala. Kasi kapag nakatadhana ang dalawang tao, kahit gaano kalayo o kahit gaano kagulo, babalik at babalik sila sa isa't isa."Tahimik na napatingin din si Drevin sa gitna. Sa kauna-unahang pagkakataon ngayong gabi, nawala ang kaartehan sa kanyang mukha. Lumambot ang kanyang mga mata habang nakatitig sa kanyang matalik na kaibigan na masayang-masaya sa piling ng asawa nito at ng kanilang kambal."Oo nga," marahang bulong ni Drevin, ang boses ay puno ng tunay na emosyon. "Deserve na deserve iyon ni Khendra matapos ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya."Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang gilid ng kanyang mukha. Napakagwapo niya talaga kapag seryoso. Dahan-dahan kong inabot ang aking kamay at inisod ang aking upuan nang mas mala

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   KHENDRA 7: Patawad, Khendra

    "Nais kong makausap ang boss ninyo." Malamig, matigas, at walang pakialam ang boses ni Nathaniel habang nakatayo sa tapat ng front desk ng aming kumpanya. "Dati ko siyang biyenan kaya alam kong may karapatan akong humarap sa kanya. Kailangan naming mag-usap tungkol sa negosyo. Kung ayaw niyang biti

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   KHENDRA 6: May sakit si Dad

    "Lolo! The airplane was so big, and Kirsi slept the whole time!" masayang kwento ni Kiran habang iwinawagayway ang kanyang kutsara."No, I didn't! I was just resting my eyes!" mabilis na pagtatanggol naman ng kapatid niyang si Kirsi, na nagpatawa sa aming lahat.Ngunit sa kabila ng tawanan, may kun

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   KHENDRA 2: Pagtakas

    Hindi ko na nilingon si Nathaniel kahit anong lakas ng sigaw niya sa likod ko.Wala nang espasyo sa dibdib ko para sa mga paliwanag niya—masyadong masikip, masyadong masakit. Para akong unti-unting nilalamon ng pait habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tagpong iyon.Ang babaeng halos yaka

  • My Billionaire Daddy Wants Mommy Back (SPG)   KHENDRA 1: Pagtataksil

    POV: KhendraIlang taon na ang nakalipas simula nung malaman kong may PCOS ako. Dahil doon, nasanay na akong hindi regular ang dalaw ko. Minsan buwan ang binibilang bago ako muling duguin. Kaya nung mapansin kong tatlong buwan na akong walang dalaw, hindi ako natakot. Sanay na ako.Ngunit sa pagkak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status