Share

My Billionaire EX-BOYFRIEND
My Billionaire EX-BOYFRIEND
Author: Aera RODORA

CHAPTER 1

"Bakit? Hindi ba ako sapat para sa iyo?!" namumula sa galit na bulyaw sa kanya ni Michael—ang kanyang kasintahan.

Napayuko s'ya dahil sa takot at sakit na nararamdaman n'ya sa mga oras na 'yon. Nasasaktan s'ya sa nakikita n'ya sa lalaking pinahalagahan s'ya.

"Sumagot ka naman, Klarisse. Ano ba ang problema?" Hinawakan s'ya nito sa balikat at akmang yayakapin nang bigla s'yang umilag.

"A-ayoko na. I-itigil na natin 'tong relasyon natin," nakayuko n'ya pa ring saad sa kasintahan. Pakiramdam n'ya ay papanawan s'ya ng ulirat anumang oras dahil sa pagpipigil sa sarili na maiyak.

"Ano? Bakit?!" Hinawakan s'ya nito sa baba pero umatras uli s'ya.

"Hindi na kita mahal." Pinilit n'yang hindi mautal sa binitawan n'yang salita.

Narinig n'ya ang pagtawa nang pagak ni Michael. "Ano ba naman 'to, Klarisse?" Lumapit ang lalaki sa kanya. Iiwas uli sana s'ya pero hinawakan agad nito ang kamay n'ya, yinakap s'ya nito nang mahigpit. "Pinilit ka na naman ba ng magulang mo na makipaghiwalay sa akin?"

Dahil sa narinig ay naikuyom n'ya ang mga kamay at kumawala sa pagkakayakap sa kanya ng kasintahan. Pinatigas n'ya ang kanyang mukha at pinatatag ang loob. "Hindi na kita mahal," pag-uulit n'ya sa sinabi n'ya kanina.

"Kung may problema, pag-usapan naman natin. 'Wag naman sana na umabot sa ganito. Alam mo naman kung gaano kita kamahal." Ramdam n'ya ang sakit sa boses ng binata habang nagsasalita ito. Hahawakan sana uli s'ya nito pero tinabig n'ya ang kamay nito. "Sige, sabihin mo sa akin na hindi mo na ako mahal. Sabihin mo sa akin habang nakatingin ka sa nga mata ko!" This time, may kalakip na hinanakit at galit na ang boses ng binata sa kanya.

Huminga s'ya nang malalim at kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang namumuong luha na gusto nang kumawala sa mga mata n'ya bago tumingin sa mga asul na mata nito. "Hindi na kita mahal o mas tamang sabihin na hindi kita minahal!" matigas na sabi n'ya rito at tiningnan n'ya ito mula ulo hanggang paa bago ngumisi nang nang-uuyam. "Look at yourself! Tell me, sino ang magkakagusto sa isang tulad mo? Well, you got the looks, pero naman, aminin na natin na 'yon lang ang mayroon ka! Hindi ka nakapag-aral! Kargador ka lang sa pier! Kung ikaw ang makakatuluyan ko, ano'ng buhay ang ibibigay mo sa akin? Puro hirap? Hindi ko nga alam kung marunong kang magbasa at magsulat!" She bit her lower lip again just to control her emotions, dahil ang totoo ay bibigay na s'ya dahil sa nakikitang lungkot sa mga mata ng binata. Pero kailangan n'yang ipagpatuloy ang kasinungalingan n'ya. "Alam mo kung ano'ng totoo? Ginamit lang kita! I used you just to hide my feelings towards Nathan! Si Nathan ang mahal ko, noon pa! Pero ngayong nagtapat na s'ya sa akin, hindi na kita kailangan!" Itinulak ni Klarisse ang binata.

Kita n'ya ang pagtiim-bagang nito subalit ang mas masakit sa kanya ang pagbalong ng luha sa mga mata ng binata. "Dahil ba mayaman si Nathan at anak lang ako ng isang prosti at 'di ko pa alam kung sino ang ama ko?" mahinahon nitong tanong sa kanya. Nakayuko ito at nakakuyom ang dalawang kamay.

Gusto n'yang sumigaw nang sumigaw at magwala! Gusto n'yang bawiin lahat ng sinabi n'ya at ayahin ang binata na magpakalayo-layo na lang pero hindi iyon ang dapat na mangyari. Mas nanaisin n'ya na lang na magalit ito sa kanya para madali itong makalimot. Dahil alam n'ya sa sarili n'ya na si Michael lang ang tanging mamahalin niya.

"Oo," walang kagatol-gatol n'yang sagot dito. "May laman naman pala ang utak mo kahit papano! Sorry, pero kahit ano'ng gawin ko, hindi talaga kita matutunang mahalin. Nahihiya nga ako sa t'wing magkasama tayo," dagdag na kasinungalingan n'ya pero nagulat s'ya sa ginawa nito. Lumuhod ito sa harapan n'ya. Hinawakan ang kamay n'ya at hinalik-halikan ang mga ito.

"Mag-aaral ako sa sunod na pasukan. Nakapag-ipon na kasi ako. 'Di ba, sabi ko sa iyo na may surpresa ako para sa iyo? Ito 'yon. Mag-aaral uli ako para naman maipagmalaki mo ako sa mga tao. Gagawin ko ang lahat, 'Gang, 'wag mo lang akong iiwan. 'Gang, ikaw na lang at si mama ang mayroon ako. Mahal na mahal kasi kita, 'Gang." Para itong batang inagawan ng laruan dahil umiiyak ito habang nagsasalita. Nadudurog ang puso n'ya at bumibigay na ang tuhod n'ya sa panghihina na nadarama.

Hindi n'ya inaasahan na ito pala ang surpresa na sinasabi nito sa kanya. Mag-aaral ito para sa kanya. Masaya s'ya para dito pero ayaw n'yang ipakita ang tunay n'yang emosyon sa binata.

"May nangyari na sa amin ni Nathan!" Tumingin ito sa kanya matapos n'yang sabihin ang kasinungalingan na 'yon.

Umiling ito. "Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa iyo, 'Gang! At kung may nangyari man sa inyong dalawa, tanggap kita dahil mahal kita!" Gang ang tawag nito sa kanya, dahil mahaba daw ang Pinangga. Kung sa ibang pagkakataon sana, matutuwa s'ya sa sinabi nito.

"Ano ba ang pagkakakilala mo sa akin? Santa? Dahil ba hindi natin ginagawa ang bagay na 'yon?" Hinila n'ya ang kamay nito at pilit itong pinatayo. "Halika, tumayo ka!" Agad naman itong tumalima sa sinabi n'ya.

Nanginginig ang kamay n'ya habang papunta sa harapan ng short ng kasintahan. Wala na s'yang pakialam sa gagawin n'ya. Panatag din naman ang loob n'ya dahil alam n'yang wala ng makakakita sa kanila dahil bukod sa gabi na ay malabong may makarating pa sa lugar na iyon ng bukid. Kailangan n'yang umisip ng dahilan upang maging disgustado ito sa kanya.

Pinigilan nito ang kamay n'ya sa tangkang gagawin n'ya pero lumapit s'ya rito at sinibasib ng halik ang binata.

It's her first kiss!

Gusto n'ya din na si Michael ang una n'yang mahalikan. Hindi s'ya marunong humalik pero ginawa n'ya ang lahat ng nakikita n'ya sa napapanood n'ya.

Hindi man lang natinag ang binata sa ginagawa niya. Hindi ito gumaganti ng halik sa kanya kaya hinawakan n'ya ang batok nito samantalang ang isang kamay ay hinayaan n'yang gumapang pababa sa katawan ng binata. Ramdam n'ya sa palad n'ya ang matitigas na masel nito sa katawan. Mga masel na natural gawa ng pagbabanat nito ng buto.

Nasa may bandang pusod na s'ya nang lalaki nang pigilan nito ang kamay n'ya at mahina s'yang itinulak.

Mababanaag sa mga mata nito ang galit at pagkasuklam habang nakatingin sa kanya. Umiiling ito habang nakatingin sa kanya.

"Tama ka! Hindi nga ikaw ang Klarisse na minahal ko! Dahil sa simula sa mga oras na 'to, patay na ang Klarisse na kaya kong pag-alayan ng buong buhay ko. "Umuwi ka na, dahil baka mapahamak ka pa. Ako pa ang masisi!" sabi nito at tuluyan na s'ya nitong tinalikuran.

Halos magkandapa-dapa s'ya sa pag-uwi dahil sa mga luhang mas pinapadilim pa ang gabi n'ya. Mga luhang alam n'yang hanggang kamatayan n'ya na kasama dahil sa kabaliwang ginawa n'ya. Ngunit kabaliwan ba talagang maituturing na ito ang piliin n'ya? Ang piliin na masaktan s'ya kaysa sa mga taong mahal n'ya!

Tanging mga bituin at maiingay na kuliglig ng gabi ang saksi kung paano nawasak ang puso n'ya! At tanging hangin lang ang nakakarinig sa bawat hikbi at hinanakit ng puso n'ya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status