Mag-iisang buwan na rin ang nakakaraan nang huli n'yang makita si Michael.
Hindi n'ya alam kung sinasadya ba nito na hindi maglandas ang daan nila o parehas lang talaga nilang iniiwasang magkita na dalawa. Kalat na rin sa buong unibersidad nila at buong baranggay ang relasyon n'ya sa nag-iisang tagapagmana ng mga del Prado. Hatid sundo s'ya ni Nathan sa unibersidad na pinapasukan n'ya. Nasasakal s'ya sa pagiging overprotective nito pero hindi n'ya magawang magreklamo. Papunta s'ya sa cafeteria nang tanghaling iyon nang may maulinigan s'yang nag-uusap sa cr ng mga babae. "Talaga? Ang swerte mo naman, girl!" "Oo naman, no? Napakagwapo kaya ni Michael at masarap pa!" malanding sagot naman ng pangalawang boses. Pamilyar sa kanya ang boses na 'yon. Si Charlotte! Ang pinsan ni Nathan. No way! Naninikip ang dibdib n'ya na umalis sa pwesto n'ya dahil hindi n'ya na gusto pang marinig ang susunod pang sasabihin ng dalawa. Nanghihina s'yang napaupo sa isang bench nang lapitan s'ya ng best friend n'ya. "Are you okay, Klara?" She didn't response because honestly, she's tired of lying. Hinayaan n'ya lang na tumulo ang luha n'ya. "Gusto ko nang mamatay," umiiyak niyang sagot sa kaibigan. "Don't say that!" matigas na saad nito sa kanya. "You know that everything happens for a reason. I know that it's really hard for you to move on but you have to help yourself to get up and please—pease keep fighting dahil parati lang akong nasa tabi mo," pagpapakalma nito sa kanya. "Gusto mo bang makapag-usap kayo ni Michael?" Umiling s'ya kay Greta. "'Wag na, best, baka madamay ka pa." Huli na para bawiin pa ang sinabi n'ya. "What? Anong madamay?" "Nothing," pagkakaila niya. Pinahid n'ya ang mga luha at humarap sa kaibigan. "It's for our own good." "Ohh, Klara!" nasabi na lang nito at yinakap s'ya. Naaawa na s'ya sa sarili n'ya pero wala na s'yang magagawa pa dahil ito ang kailangan niyang gawin. "MALAPIT na ang Graduation Day mo, Honey. Ano ang gusto mong regalo?" tanong sa kanya ni Nathan. Nasa bahay nila ito ngayon dahil dinadalaw siya. Kapag sabado at linggo ay bantay sarado talaga s'ya nito. Parati itong nasa bahay nila at hindi pa nagmintis kahit isang beses. "'Wag na. Masaya na ako na makakapagtapos ng pag-aaral. I owe this to your family," walang gana n'yang sagot dito. Lumapit ito sa kanya at yumakap. Isinubsob nito ang sariling mukha sa leeg n'ya. "Gusto mong regaluhan kita ng baby?" Kinilabutan s'ya sa narininig! Bastos! Gusto sana n'yang sampalin ito pero hindi n'ya magawa. Marahan n'ya itong itinulak at dumistansya s'ya. "Klarisse, naman! Dalawang buwan na tayong magkasintahan, hindi mo lang ba ako pagbibigyan?" At dalawang buwan na rin akong nagtitiis na pakisamahan ka! Gusto sana n'yang sabihin ito sa pagmumukha nito pero hindi pwede. "'Yon lang ba ang habol mo sa akin?" walang ganang tanong n'ya rito sabay tayo pero hinawakan s'ya nito sa kamay. "Magiging akin ka, naiintindihan mo? O baka naman—" "Pakasalanan mo muna ako!" walang kagatol-gatol na aniya. Dahil ito lang ang tanging paraan para matiyak ko ang kaligtasan nila nanay at tatay, pipi niyang dagdag sa huling mga salita.n Ngumisi ito sa kanya at walang pasabi na hinalikan s'ya nito but this time, hinayaan n'ya na lang ito. GRADUATION DAY! "CONGRATS, Honey!" malakas ang boses na saad ni Nathan sabay halik sa kanya. Ngumiti lang s'ya para ipakita sa mga taong masaya s'ya. Hanggang ngayon ay hindi n'ya pa rin natutunan na mahalin si Nathan. Kahit pagkagusto ay hindi n'ya man lang naramdaman sa binata. Nathan gave her everything. Promised her everything. Pero si Michael pa rin talaga ang nasa puso niya. "Maligayang pagtatapos, anak," sabay na bati sa kanya ng mga magulang niya. Yinakap n'ya itong pareho. "Para sa inyo itong lahat, 'Nay, 'Tay." "How about me, Hon?" Lihim s'yang napaismid nang sumingit si Nathan. "Let's celebrate. Nagpa-reserve na ako ng restaurant. Baka nandoon na rin sila Charlotte. Let's go?" Sa isang sikat na restaurant sila dinala ni Nathan. Nandoon na ang ibang kapamilya ng katipan maliban kay Charlotte. "Where's Charlotte?" "I'm here!" Mula sa kung saan ay umalingawngaw ang maarteng boses ng babaeng kinaiinisan n'ya. "Oh? Is that your boyfriend, hija?" Narinig n'yang tanong ng ama ng dalaga kaya biglaan ang pagtahip ng dibdib ni Klarisse. "Yep. Guys, meet my boyfriend, Michael. You know him, Klarisse, right?" Tiningnan n'ya ng may pagkauyam ang dalaga matapos ay sinulyapan ang lalaking rason kung bakit s'ya nakakaranas ng depresyon. Tumikhim muna s'ya bago sinagot ang nanadyang dalaga. "O-of course!" "Take a seat, hijo." Pakiramdam ng dalaga ay ang bagal ng takbo ng orasan. Naiinip. Nababagot. Nasasaktan. Nalulungkot. Para s'yang isang dekorasyon lang habang kasama ang mga taong nagpagulo ng tahimik n'yang buhay. "When will you going to get married, hijo?" "As soon as possible, 'Lo. Tutal naman ay tapos na si Klarisse ng kolehiyo. Actually, 'yon na lang ang hinihintay ko," nakangiting saad ni Nathan at kinuha ang kamay n'ya na nasa ilalim ng mesa. Palihim n'yang sinulyapan si Michael subalit tila wala lang dito ang presensya n'ya. "Oh hija? What do you think?" "Si Nathan na po ang bahala, Mr. del Prado," mahina n'yang sagot sa butihing señor. "Gold digger..." "Charlotte!" saway rito ng lolo nila pero parang wala lang din ito sa dalaga. "Anyway, hija, just call me lolo since na ikaw naman ang handang pakasalan nitong apo ko. Honestly, I'm happy that Nathan is getting back to his senses. This young man here is love to fool around. I'm glad na napatino mo s'ya, hija. That is why I am looking forward to your wedding day." Matapos nilang kumain ay inaya sila ng pamilya n'ya ng abuelo ng katipan kaya pinaunlakan nila ito. Hindi n'ya inaasahan na sa araw ding iyon ay magkakasundo ang pamilya n'ya at pamilya ng katipan sa pag-iisang dibdib nila ni Nathan. She can't say no to them dahil alam n'ya ang magiging kapalit. She was trapped! At dahil mapera sila Nathan ay napagpasyahan tatlong buwan mula ngayon na ang kasal nila. "Sige, ho, uuwi na po kami." Naririnig n'ya ang pagpapaalam ng bawat isa pero tila nakalutang lang s'ya sa hangin, hindi dahil sa saya kundi dahil hindi n'ya matanggap ang kinahinatnan ng buhay n'ya. "Okay ka lang ba, anak?" untag sa kanya ng ama n'ya. Nasa bahay na nila sila ng mga oras na iyon. Nasa may balkon sila na kawayan kanugnug ng maliit nilang kubo. Nagpakawala s'ya ng malalim na buntong hininga. "Isipin na lang ho natin na magiging maayos ang buhay natin dahil sa desisyon ko." "Hindi ka masaya." Wala ang tanong sa pamamaraan ng pagkakasabi ng kanyang ama kaya yumakap s'ya rito. Hinaplos nito ang buhok n'ya. "Magiging masaya po ako, 'Tay, kapag nakita ko nang maayos ang buhay n'yo ni nanay. Iyon ang pangarap ko sa inyong dalawa ni nanay, 'Tay. Kayo ang mas mahalaga sa akin kaysa sa kung sino pa man." "Pero paano ka?" malumanay na tanong sa kanya ng ama. "Matututunan ko naman po yata na magustuhan si Nathan. 'Wag na po nating isipin iyon." Kumalas s'ya ng pagkakayakap sa ama at tumayo. "Maglalakad-lakad lang ako. Uuwi rin po kaagad ako." Naglakad lang s'ya nang naglakad. Walang kapaguran hanggang sa dalhin s'ya ng mga paa sa direksyon kung saan sila nagkikita parati ni Michael. Ilang dipa na lang ang layo n'ya sa kubo nang may maulinigan s'yang boses ng baba kaya dahan-dahan ang naging pagkilos n'ya palapit sa kubo. "Don't tell me, virgin ka pa?" Kilala n'ya ang boses na iyon! Si Charlotte! Ano'ng ginaga—! Naputol ang pag-iisip n'ya nang kung anu-ano nang biglang may sumiksik sa isipan n'ya na nakapagpasikip ng dibdib n'ya. Nanginginig ang mga tuhod ni Klarisse na naglakad palapit sa kubo. Doon s'ya pumwesto sa may siwang malapit sa bintana. Nag-uunanahan ang mga luha n'ya nang makita ang eksena sa loob ng kubo! Walang saplot sa katawan si Charlotte habang nakaupo sa kandungan ni Michael na wala na ring suot bukod sa brief nito! Tinakpan n'ya ang bibig gamit ang dalawang kamay upang hindi makawala ang impit na hikbi na nagmumula sa bibig n'ya. Nakita n'ya na hinawakan ni Charlotte ang dalawang kamay ni Michael at iginiya mismo ni Charlotte ang mga kamay nito sa malulusog na dibdib ng dalaga. Narinig n'ya ang mahinang ungol ni Charlotte habang minamasahe ang magkabilaang dibdib nito. Hindi n'ya na natagalan ang eksena kaya nagmamadali s'yang tumayo para sana tumakbo pero nasagi n'ya ang nakatayong maliit na yero kaya lumikha ito ng ingay. Dali-dali s'yang tumakbo upang makalayo lang sa lugar kung saan nawasak ang puso n'ya. Mahal pa rin kita, Gang! bulong n'ya sa hangin habang umiiyak na papalayo sa lugar.Habang inihahatid ng tingin ni Michael si Audrey ay hindi niya maiwasan ang mapailing. He knows there is something she is hiding. At aalamin niya iyon kahit na ano ang mangyari. If he's being paranoid and being judgemental, ngayon pa lang ay magso-sorry na siya. Pero malakas talaga ang kutob niya. He trusts his human instincts. May nagsasabi sa likod ng isip niya na tama ang kutob niya. He feels it within his bones. Nang hindi niya na makita si Audrey ay saka niya tiningnan ang gawi ng taong nakita niya kanina. Wala na ang tao, pero ang kotse na kinatatayuan nito kanina ay naroon at naka-park pa rin. Napailing siya nang kumabog ang puso niya. Ang kabog na alam niyang hindi siya tatantanan hanggang hindi niya nalalaman ang totoo.Naglakad si Michael papunta sa kotse na kinatatayuan ng estrangherong hindi niya man lang nakita ang mukha.Nang makarating sa tapat ng kotse ay saka niya kinatok ang bintana ng kotse. Nagbabakasali siyang may tao sa loob at pagbubuksan siya ng bintana. But w
Audrey was begging. Begging for his love. He wanted to ask why? But does it matter?Hindi niya alam ang sasabihin sa babae. Pero gusto niya itong hawakan at kabigin papunta sa kaniya para lang yakapin, pero hindi niya iyon ginawa. Ayaw niyang umasa ang babae. Ayaw niyang magpadalos-dalos sa mga ginagawa niya.Paano kung naguguluhan lang din siya? Paano kung naghahanap lang siya ng pagbabalingan ng atensiyon niya para lang makalimutan si Klarisse?At kung gawin niya na kabigin ito, paano kung mag-assume ito na gusto niya rin ito? Mas magkakaroon siya ng malaking problema lalo pa at kilala na niya ang ugali ng babae na para bang what Audrey wants, what Audrey gets.Tumingin ulit si Audrey sa kaniya. Mas malamlam ang mga mata nito, mas malungkot. Nakikiusap ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.Heto, isang babae, isang matagumpay na babae ang kusang lumalapit sa kaniya para mahalin niya. Pero siya? Pilit niyang iniiwasan ang babae dahil sa maraming dahilan. Isa na roon si Klarisse.“W
“So, we meet again.”Napatingin si Michael sa babaeng nagsalita. Si Audrey. Simple lang ang suot nito. Nakapantalon at T-shirt na kulay black. Plain lang iyon kaya mas lumabas ang angking kaputian ng babae.Limang buwan niya rin itong hindi nakita nang personal, dahil parati naman itong lumalabas sa T.V dahil sa dami ng achievements nito sa pagiging doktor.“What is it this time, Audrey?” Malumanay lang na tanong niya kahit pa ang totoo ay napapagod na siya dahil lang sa pakikipag-usap dito. Nagpakawalawa pa siya nang mahabang buntonghininga.Natawa naman si Audrey na para bang may sinabi siyang nakakatawa.“Grabe ka sa akin, Mr. Ratcliffe, ah. Wala pa nga akong ginagawa, naiirita ka na. Wala bang nakapagsabi sa iyo na kapag naiirita ka sa isang tao, ay dahil gusto mo ito?”“What?” Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ng dalaga.“Do you really like me that much, huh?”Naglakad siya palapit sa kotse niya , at iniwan ang babae. But what's weird is, he's expecting her to follow him. Kay
Pagdating sa bahay nila Sebastian ay namangha siya sa marangyang pamumuhay ng lalaki. Yes, he's wealthy now, but it doesn't change the fact that he still came from the slumber. At kung hindi pa yata sa ama niyang may pera ay hindi siya makakaahon sa buhay kahit pa magtrabaho siya habang buhay.Naniniwala siya sa swerte, pero hindi nakakabit sa kaniya ang salitang iyon, hanggang sa dumating si Honey sa buhay niya. Ang kapatid niyang nagsisilbing anghel niya.The thing is, this question is always running on his mind.Paano kung nagkataon na hindi si Honey ang kapatid niya? Paano kung nagkataon na gahaman ang kapatid niya at hindi siya nito hinanap?Baka hanggang ngayon ay nagbubuhat pa rin siya sa pier at napag-iwanan na ng buhay.But God made a plan only for him and that plan made him a better person now.“Are you all right?” A sudden voice appeared kaya naman halos mapatalon pa siya sa gulat.“Did I startle you?” Nakangisi pa ang nagmamy-ari ng boses nang tingnan niya. “Mukhang malali
“K-Klarisse...” anas niya ulit. “W-why are you d-doing this to me, Gang?” tanong niya kahit pa ang totoo ay hindi naman talaga siya sigurado kung ang kinakausap niya ay ang babaeng tinutukoy niya. Dinaig niya pa ang batang bago pa lang nagsisimula na maglakad. Nangangapa pa siya. At hindi niya alam kung ano ba ang dapat na gawin. “I-is that y-you, Gang?” tanong niya na nanginginig ang boses niya. Napangiti siya. Isang ngiti na dinaig pa ang namatayan dahil sa hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman niya. Para siyang tanga na umaasa sa wala. This moment, it’s like he's waiting for rain in a dry desert. Hahakbang pa sana siya palapit sa bulto ng tao ngunit binalot ng kadiliman ang buong parking lot. A sudden brownout enveloped the parking lot. “Damn it!” mura niya sabay takbo papunta sa bulto. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para lang makalapit agad sa taong hindi niya naman sigurado kung iyon nga ang hinahanap niya. Nang mahawakan niya ang braso ng taong kausap niya
“K-Klarisse?” nanginginig ang boses na turan ni Michael.Maging si Honey at Eros ay biglang napatingin sa kaniya. May balak pa sanang agawin ni Honey ang cell phone sa kaniya subalit inilayo niya sa kapatid ang cell phone na hawak.Iminuwestra din ni Michael ang kamay para pigilan ang kapatid sa paglilikot kaya naman tumango ito bilang pagsunod sa sinabi niya rito.“K-Klar—” Umiling si Michael. Imposible na si Klarisse ang kausap niya. Bigla siyang natauhan sa kagaguhan. “Sino ito?” seryoso niyang tanong.“Psh! Oh, kumusta ka na?”Napakunot ang noo ni Michael nang mapagsino ang nasa kabilang linya. “Charlotte?”“Yes, that's my name. I’m glad na kilala mo pa ako.”Bumuntonghininga si Michael. Nakaramdam siya ng pagkairita pero hindi niya na lang iyon ipinakita sa kausap lalo pa at ang balita niya ay buntis ito.“Niloloko mo na lang ako parati.” Pumalatak siya bago tumingin sa mag-asawa at umiling. Dinukot niya na rin ang susi na nasa bulsa niya at ipinakita sa mag-asawa. “Alis na muna