“Okay ka na ba?” Ibinigay ni Michael ang tubig kay Dr. Selviana.Gamit ang naginginig na kamay ay tinanggap naman iyon ng babae. Subalit nang iinom na ito ay natatapon lang ang tubig sa baso kaya naman inalalayan niya na ang doktora.“Here, let me help you.” Hinawakan ulit ni Michael ang baso at siya na mismo ang nagpainom sa babae.Nasa bar silang dalawa. Wala kasi siyang mapagdalhan sa babae kaya naman dito niya na lang sa malapit dinala ang doktor.Nakaramdam siya ng awa sa babae, at galit sa mga lalaking nang-harass dito. Kung hindi lang siya nag-aalala sa babae kanina ay hinabol niya na ang mga nambastos dito.“T-thank you,” saad sa kaniya ng babae nang makainom ito.“I will not ask again of you're okay because the answer is visible in your action. Gusto mo bang ihatid na kita sa tinitirahan mo?” Hindi sumagot ang babae sa kaniya kaya alam niyang hindi pa nga ito maayos. “May sasakyan ka bang dala?” Wala pa rin siyang nakuhang sagot sa babae.Dahil tila nakikipag-usap siya sa han
“Nagmahal na ako.” Tumingin si Aubrey kay Michael. Sa boses pa lang ng babae ay alam niyang totoo ang sinasabi nito. “Baliw na baliw ako sa taong iyon though he had so many flaws. Hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan basta ang alam ko, mahal ko. I was blinded by the love.”Natawa pa si Audrey subalit halata ang lungkot sa boses nito, kumbaga, pagak ang tawa nito. Parehas ba sila ng sitwasyon? Katulad nito ay nagmahal na rin siya. Over the years ay nagmahal siya—sa parehong tao. At sa ikalawang pagkakataon ay bigo siya—sa pangalawang pagkakataon ay namatay na naman ang puso niya. But he did not want to tell Aubrey about it. Mukhang malaki ang problema nito sa kaniya. “Hindi ko alam na ganiyan pala magmahal ang isang Dr. Selviana. That was one of the luckiest person I never met.”“Maswerte ba? Bakit hindi man lang niya naramdaman iyon?”“Baka gago siya?” patanong na sagot niya. This kind of conversation calms him. Kahit paaano, sa tulong na rin ng mabining hangin na pumapasok
Nabitawan ni Michael ang cell phone na hawak kaya agad napatingin sa kaniya ang doktora na kausap.Agad na dumaloy ang luha sa mga mata ni Michael. Hindi agad nakakilos ang binata dahil sa balitang pinadala ng kapatid niya na kanina lang ay nawawala.What is going on? Gusto niya iyong itanong sa sarili subalit hindi siya makapag-isip nang tama.Nang may kamay na dumampi sa balikat niya ay nilingon niya ang may-ari ng kamay. Mga matang nag-aalala ang sumalubong sa kaniya.“What's wrong?” Kahit ang boses ng magandang doktora ay puno ng pag-aalala.“S-she's dead...”Nagsalubong ang kilay ng doktora, indikasyon na hindi siya nito naiintindihan. “Who? Oh my gosh! D-don’t tell m-me that it’s your sister.” Natakpan pa ni Dr. Audrey ang bibig gamit ang dalawang kamay.Umiling si Michael, at pagkatapos pahiran ang luha ay sumigaw siya nang malakas.“Klarisse!!!”Umalingawngaw ang boses ni Michael sa lugar na kinaroroonan nila. Maging ang panggabing kulisap at kuliglig ay nabulabog dahil sa gi
Ganoon kadali ang buhay.Ngayon, kasama mo ang taong mahalaga sa iyo; bukas o mamaya ay hindi na. Kung hindi ito aalis, ay mawawala ito nang tuluyan sa iyo.Katulad na lang kung paano nawala si Klarisse kay Michael.Ngayon ang araw ng libing ni Klarisse. Maulan nang mga oras na iyon at may kasama pang kulog at kidlat na para bang kahit ang langit ay nakikidalamhati sa nararamdaman niya.Narito siya sa lilim ng isang puno. Hindi siya makalapit para ihatid si Klarisse sa huling hantungan nito.Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Galit sa kaniya ang mga magulang ni Klarisse.Hindi siya ng mga ito kinakausap, kaya hindi niya nakita si Klarisse sa huling mga araw na ito.Nang gabing dumating sila sa hospital ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makita si Klarisse. The staff didn't allow him to go through where Klarisse was.Kahit si Audrey ay walang nagawa para lang magkaroon siya ng pagkakataon na makita si Klarisse. Iyon daw ang rule ng hospital. Kapag ang pamilya ng namatayan ay
“Hello, handsome!” malakas ang boses na bati sa kaniya ni Aubrey.Kasalukuyan na inaayos nu Michael ang mga nakatambak na papel sa desk niya. Sa loob ng tatlong buwan na bakasyon ay wala siyang ginawa kundi magpakalango sa alak, gumala, at higit sa lahat, ay gawin ang lahat para kahit papaano ay maibsan ang pangungulila niya kay Klarisse.It’s been a year since Klarisse left.Noong mga unang buwan ay hinayaan niya ang sarili niya magpakalunod sa lungkot. Hindi siya nag-inom, wala siyang kinausap maliban na lang kung sa kompanya. Inayos niya ang gulo na nangyari sa kompanya niya hanggang sa makabangon sila.Ang kapatid niyang si Honey ay hinayaan niya na muna na magbakasyon kasama si Eros. Hindi niya na muna ito hinayaan na magtrabaho lalo pa at nagkaroon ito ng trauma sa nangyari.Nang matapos niyang maayos ang gusot at makabangon ang kompanya nila ay saka siya nagpaalam ng para hanapin ang sarili niya.But it didn't happen.Mukhang hindi niya na mabubuo pa ang sarili niya dahil ang t
Nang bumaba si Michael ng sasakyan ay napatingin agad siya sa paligid. May nagbago sa lugar nila. Nasa probinsiya siya ngayon. Dadalawin niya ang mga magulang ni Klarisse. Kukumustahin niya ang mga ito dahil simula nang mamatay si Klarisse ay wala na siyang balita sa mga ito. Ilang beses siyang nagtangka na lapitan ang pamilya ni Klarisse pero hindi siya ng mga ito pinagbigyan. Galit ang mga ito sa kaniya sa hindi niya malaman na dahilan. He tried asking them what was wrong pero hindi siya ng mga sinagot hanggang sa bumalik na lang ang mga ito sa probinsiya nila. “Aba’y, Michael.” Lumingon ang binata sa pinanggalingan ng boses. “Ikaw man gud diay.”Napangiti si Michael nang makita ang pagkamangha sa mata ng matandang babae. Agad itong lumapit sa kaniya at kinilatis siya. “Kadumdom ka pa sa akoa?” tanong nito. Ngumiti siya. That was the sincerest smile he ever wore after Klarisse death. “Opo. Puwede ko po ba kayong kalimutan? Kahit kailan po au hindi ko kayo makakalimutan dahil
Ilang pagpindot pa ng doorbell ang ginawa ni Michael ngunit wala talagang nagbubukas ng pinto sa kaniya. Nilingon niya ulit ang batang nakatunghay lang din sa malaking bahay. “Sus, kuya, ganiyan na iyan sila simula nang yumaman. Nagbago na.”“Ano ang ibig mong sabihin?” Napalingon ulit siya sa malaking bahay dahil nagbabakasali siyang may lumabas man lang para lang pagbuksan sila ng pinto.“Hindi na nalabas ng bahay ang mga iyan. Hindi na rin napansin sa mga tao. Malaki na pinagbago ng pamilya nila. Mabuti pa noong buhay pa si Ate Klarisse ay hindi sila ganiyan. Basta, laki ng pinagbago.”“Kailan pa?” “Ang alin po?”“Kailan pa sila nagbago? Tapos kailan pa sila nagkaroon ng magandang bahay?”“Hindi ba po at namatay si Ate Klarisse? Matapos yata ilubong si Ate Klarisse ay umuwi sila ritong mag-asawa. Sabi nga nila Nanay, eh, parang wala lang daw sa kanila na namatay ang anak nila. Parang masaya pa nga raw sila. Naging tsismisan sila rito. Tapos ayon, wala pa yatang isang—”“Daniel,
Hindi man siya kumbinsido na umupo subalit sumunod na lang siya sa sinasabi ng ina ni Klarisse. Hindi niya naman puwede na akyatin bigla ang ikalawang palapag ng bahay dahil nakakabastos kapag sakaling ginawa iyon sa kaniya.Dahan-dahan siyang lumayo sa tapat ng hagdan at naglakad papunta sa marangyang sofa ng mag-anak. He knew that their sofa is expensive lalo pa at iyon ang gustong pangalan ng kompanya na gusto ng ina niya.He wanted to ask about it, but he decided to keep quiet. Ayaw niya naman na ma-offend ang mag-asawa.Pero hindi ba at nakakapagtaka iyon, lalo pa at sabi ng bata ay nagsimula ang pagrangya ng buhay nila nang mawala si Klarisse.“Maribeth, kumuha ka nga ng pagkain para sa bisita natin!” sigaw ni Tata Martin, ang ama ni Klarisse.May kasama sila?Sino si Maribeth?Ito kaya ang nagmamay-ari ng pabango na naamoy niya kanina?Kaano-ano ng mag-anak ang Maribeth na tinawag nito?Baka katulong?Para na siyang baliw.Mula kasi nang tumapak siya sa lugar na ito ay nagkaroo