Share

CHAPTER 61

It upsets him.

At habang iniisip ang napag-usapan nila ni Eros ay bumabaliktad ang sikmura niya kahit pa nga kalalaki niyang tao. Hindi niya pa rin maisip na pinatay si Klarisse. Hindi niya matanggap.

Ang isipin pa lang na papatay ka ng isang tao, ng isang pasyente mo dahil lang sa pansarili mong kapakanan ay isa ng matinding sakit sa pag-iisip.

“Naturingan ka pa namang doktor na hayop ka!” Sumigaw ulit ng ubod lakas si Michael dahil sa bigat ng nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi niya na alam kung paano pa ang gagawin para lang maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman.

Mula sa pagkakahiga ay tumayo siya. Kailangan niyang magpahangin. Kailangan niyang makaalis sa bahay na ito. Kailangan niyang libangin ang sarili niya bago pa siya mabaliw dahil sa kaiisip.

Naglakad siya papunta sa kwarto ng ina at binuksan ang pinto ng kwarto nito. Naabutan niyang natutulog na ang ina kaya hindi niya na lang ito ginising upang magpaalam.

Nilapitan niya na lang ito upang ayusin ang kumot nit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status