Heto muna kasi hindi ko pa nasusulat ang epilogue. Nakuu
“Palitan niyo ng juice,” sabi ni Tita nang may lumapit para kunin ang gatas sa unahan ko. Nagulat siya na marinig na buntis ako pero she was also delighted. I tried to stop crying nang nay kumuha na ng gatas ko. “Pakitanggal narin ‘tong wine. Juice nalang ang inumin niyo Anton,” dagdag pa ni Tita. “What?” rinig kong angal ni Anton. Nang tumingin ako sa kanila ay kita kong wala nang wine sa table. Naiwan ang mga baso nila. Si Matteo nalang ang umiinom sa kanila, nakangisi sa dalawang kasama. Hindi rin nagtagal ay dumating ang isang petchel ng juice. Iyon ang nilagay sa center table kung saan ang wine kanina. Seeing them miserable a bit satisfied me kaya tuluyan akong tumigil sa pag-iyak. I watched Tita fill their glass with Juice kasi wala pang gustong maglagay ng baso nila. At wala na silang nagawa. Iyon na ang ininom nila. I smiled at them. “Tita, minsan na nga lang kaming bumisita, Juice pa?” biro ni Leo. “Do you have a problem with the juice?” iritadong tanong ni Lucian.
Hindi ko alam kung bakit kahit anong pagpapaintindi ang gawin ni Lucian ay hindi ko pinapakinggan. Hindi ko tinatanggap. Kanina pa siya nawawalan ng pasensya sa akin dahil hindi ko siya iniintindi!Itinapon ko sa kanya ang unan namin. “Ang boring dito! We just got married and now you’re being like this? Sana hindi na lang tayo nagpakasal!” umiiyak at iritado kong sinasabi. Ang sama ng loob ko sa kanya. He sighed heavily, namumula na sa iritasyon pero wala siyang magawa. Napahilot nalang siya ng kanyang sentido. “Baby, listen. We can’t have our honeymoon. Masilan pa ang pagbubuntis mo. I can’t risk going out of the country in your state,” pang-aalu niya. “Liar! You just don’t love me!” Sabay-sabay na nahuhulog ang mga luha ko habang nakatitig sa kanya na problemado. “Come on! Stop crying. You’re hurting our baby,” pang-aalo niya pero halata sa boses niyang stress na siya. “Because you’re hurting me!” I snapped. Lumapit siya sa kama. Nasa mansion nila parin kami at bored na bored
Tumikhim ang judge sa amin. Inayos niya ang suot niyang roba bago nagsalita. "We are gathered here today to witness and celebrate the union of two people who stand before us—open-hearted, sincere, and ready to begin a new chapter of their lives together."I smiled at Lucian when he sighed. I don't know if he's being impatient or he's being emotional. I can't tell. Maybe both!"Marriage is more than a legal bond. It is a promise—a commitment to love, support, and grow with each other, no matter what life may bring,” dagdag pa ng judge. Marami pa siyang sinabi patungkol sa pag-aasawa. Nakikinig ako pero nawawala rin ang focus ko dahil sa paligid. At the back audience, I could hear Serenity shushing Ryka. Tunog iritado na siya. Kasalanan niya kasi kung ano-ano nalang ang pinagsasabi sa anak niya. Kung pwede lang sigurong mag-object si Ryka, gagawin niya para matigil ang kasal. I smiled my thoughts. Pero agad ding nagseryoso nang natuun sa akin ang attention ng judge. Kinuha ni Lucian
“Titaa… you can’t marry him!” umiiyak na sabi ni Ryka sa akin. “Mommy told me that you will stop spending time with me if you marry him!”Napabuga ako ng malalim na hininga. “Ryka, you're old already. Soon, you’ll prefer to spend time with your friends than me.” “I’m not old, I'm six! And I want to spend time with you, Tita. That's why can't marry him, okay?” pangungumbinsi niya kahit nakikita naman niyang inaayusan na ako. Ano na naman ang pinagsasabi ni Serenity dito? “Ryka, go and wear your beautiful dress. You should be very pretty like me, okay?” “You'll not marry then?” Ngumuso ako. Kinuha ko ang cellphone ko at kunwaring may ginagawa. Anong I'll not marry? Hindi pwede! Ayaw kong malaki na ang tiyan ko saka pa ako ikakasal! Kung ano-ano pa ang pangungumbinsi sa akin ni Ryka at kunwari nalang akong nakikinig. Nang dumating si Serenity ay saka pa ako nalubayan ni Ryka. Doon pa nakapag-concentrate ang mga stylists sa pag-aayos sa akin. I am a bit nervous. I'll be married, an
“Scarlet, wake up,” marahan gising sa akin ni Lucian. Naalimpungatan ako dahil sa paghawak niya sa balikat ko. Agad akong inis na bumaling sa kanya. “What is it?” garagal kong boses dahil sa kagigising lang. It's our second day here. Nasa kwarto niya kami sa mansion. Nakatulog pala ako matapos kong mag-ayos dahil ang tagal niyang naliligo! He chuckled. “It's time to go.”Ngumiwi ako, tinatamad nang bumangon. Pumikit pa ako pero hindi na niya ako pinayagan. He made me sit on the bed. “We'll be late on our appointment. You can sleep after the checkup,” aniya. “Ang tagal mo kasing maligo kaya nakatulog ako!” He let out a low chuckle. “Alright. I'm sorry. Do you want me to carry you down?” “Of course not!” inis kong sagot. Tumayo na ako bago pa niya maisip na buhatin ako. Hindi ko alam kung bakit biglang parang lumpo ako kung itrato niya bigla! Nalaman lang na buntis ako, wala na akong magawa. I glared at him when I stood up but then he kissed me so my glare turned to smile. Ang
Kanina pa tapos si Lucian magbihis. Naka-black t-shirt at maong pants. Sinabi kong pwede na siyang mauna sa baba dahil matagal pa akong matatapos pero hindi siya bumaba. Hinihintay niya ako. “Vince, pwede ka namang mauna!” reklamo ko dahil nape-pressure ako sa kanya. Tinatawag siya ng papa niya pero ayaw niyang bumaba dahil hinihintay niya ako. Parang kasalanan ko pa kung bakit ang tagal niya!“Vince!” baling ko sa kanya nang wala siyang kibo.Nakangiti lang siya at nakasandal sa headboard ng kama. Pinapatuyo ko pa ang buhok ko kaya alam kong matatagalan ako. “Take your time,” sagot niya. Umirap ako. “How can I? Pinapatawag ka ng papa mo!” He chuckled. “Forget about papa. He can’t force me to go down if I don’t want to.”I grimaced, annoyed. Binilisan ko ang ginagawa ko para makababa na kami. Nakakahiya naman sa papa niya. Nakadalawang balik ang isang kasambahay nila para pababain siya pero ayaw niyang bumaba! I wore a floral dress and put on some makeup. “Let’s go?” tanong ko n