Share

Kabanata 3

Author: Innomexx
last update Huling Na-update: 2024-10-01 13:12:08

“Tulala ka na naman ate,” ani Serenity, kapatid ko.

Umahon ako sa pagkakasandal sa sofa at saka siya binalingan. Nanliliit ang mata niya at nanantya.

“Don't mind me.”

I dreaded Monday. Pero ang kasamaang palad ay lunes na bukas. Hindi ko alam kung ano ang nangyari noong gabing medyo nalasing ako. I know I was still in the right mind… Or maybe not.

Hindi kasi kapanipaniwala ang mga naaalala ko. Did my eyes play tricks on me? Did my hearing malfunction that day?

Umiling ako at tumawa ng wala sa sarili. Imposibleng naging mabait sa akin ang lalaking 'yon. Hindi talaga ‘yon magiging mabait. He is Alaric Satanas after all! Lasing lang ako kaya hindi naging maganda ang judgment ko.

“Baliw na yata,” rinig kong bulong ni Serenity.

Hindi naman ako baguhan sa trabaho pero I feel unease now that I'm walking inside the office. Hindi ko alam kung bakit hindi mawalawala sa isip ko ang nangyari sa bar. Pero nang dumating ako sa office namin, I noticed na normal naman ang lahat.

“Good morning, Seraphina!” bati ni Sara sa akin ng makita ako. Agad din siyang bumalik sa ginagawa.

Huminga ako ng maluwag at saka ngumiti. Stupid of me to feel uneasy. Sabi ng lasing lang ako e! Kung ano-ano pa ang iniisip ko noong weekends.

The first thing I did was to print the revised plan I made. Mapait akong ngumiwi ng makitang plastic clipboard ulit ang pinaglagyan ko. Dali-dali kong pinalitan ng file folder yon para kung ibabato niya ulit sa akin ay hindi na masakit.

Pero nang makikipagsapalaran na ulit ako para ipasa ang gawa ko, sinabi ni Sara na wala daw sa opisina ang boss ko. Dati ay maiinis pa ako dahil masyado ng delay ang project na to pero ngayon, masaya na ako na wala siya.

“How's the project?” tanong ng supervisor ko. Bigla siyang bumisita at itinanong sa akin nasaan ba daw ang boss ko. Medyo nawala nga lang ang ngiti niya ng sinabi kong hindi ko alam.

Mukha ba akong may paki doon?

“I hope you are making progress kasi four months lang ang allocated time para matapos mo yon,” pagpapaalam niya ng hindi niya mahagilap ang boss ko.

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko yon. Wala siyang sinabi na deadline noong una. The initial plan was to just be successful in doing the project, na hindi daw siya nakakapressured kasi baguhan din ako na hahawak.

Goodness! Four months? At wala pa akong nagagawa!

Hindi ako mapakali sa paghihintay sa boss ko. Hindi niya ako nirereplayan sa email pero s-in-endan ko parin siya ng copy. Alam ko namang hindi niya ako nirereplyan pero nag-antay parin ako na baka magreply siya, na hindi rin naman nangyari. It was around 2 in the afternoon when my boss arrived. Nag-antay ako ng twenty minutes bago ako naglakas loob na pumasok sa opisina niya.

I swallowed hard when I'm walking near his table. Madilim ang mata niya at nakatitig sa akin. Wala sa ayos ang necktie niya. Magulo ang buhok at wala na ang suit na kanina ay suot niya ng dumating siya. Nakatupi hanggang siko ang suot niyang black long sleeve.

“Ito na po sir yong revision na ginawa ko,” kabado kong sinabi. Hindi siya nagsalita at seryoso niyang kinuha ang folder.

Kagaya ng dati, agad niyang binuklat ang gawa ko. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba o talagang magaling siya at agad niyang nakikita ang mali. Kaya ng makita kong hinilot niya ang sentido niya hinanda ko ang sarili ko.

“You said you'll do it again… Hanggang kailan mo to gagawin ng tama?” iritado niyang sinabi at padarang na isinara ang folder.

Natuptup ko ang labi ko. Lasing nga ako noon. Hinding hindi magiging mabait ang lalaking 'to!

“You are wasting my time!”

Sumandal siya sa kanyang swivel chair at dismayadong tumingin sa akin. Tinuro niya sa akin ang sandamakmak na folder na nakapatong ngayon sa table niya.

“I didn't know they hired stupid people nowadays,” he said mockingly.

Naikuyom ko ang kamay ko at pilit na kinalma ang sarili. I know to myself that I'm not stupid. Pero nakaramdam pa rin ako ng panliliit sa sarili.

“Review these folders and send them back at 5 PM!”

Gusto kong magprotesta. Bakit niya ako bibigyan ng gawain? His only role here is to approve my plan at pwede na akong magpatuloy. Hindi ako utusan dito!

Nakita niya sigurong gusto kong magsalita kaya inunahan niya ako.

“Just do what I say nang may pakinabang ka!”

Natuptup ko lang labi ko at hindi na nakapagsalita.

Ginawa ko ang utos niya. He instructed me how I was going to review the files. Doon ko inubos ang oras ko na dapat ay iginugul ko sa proyekto ko.

Binigyan niya ako ng fifteen files at nang mag alas singko ay anim lang ang natapos ko.

“Hindi ka pa mag-o-out?” tanong ni Sara ng makita niyang binabasa ko pa ang isang file.

Binalingan ko siya at nakita kong nakaayos na siya. Doon ko din napansin na halos nagsiuwian na ang kasamahan namin. Madali kong tinignan ang oras at nanlaki ang mata ko ng makitang alas singko na. Natataranta kong kinuha ang natapos kong anim na folder at nagmadaling pumunta sa opisina ng boss ko.

Pumasok ako ng marinig kong pinapapasok niya ako. Nadatnan ko siyang nakatitig sa monitor sa harap niya at seryosong may binabasa. His hair is messy but that didn't make him look haggard or even ugly.

I bit my lower lip when he looked at me intently.

“Sir, pasensya na pero ito lang ang natapos ko sa pinapagawa mo,” pagpapaumanhin ko kahit hindi dapat. Hindi ko nagawa ang dapat kong gawin dahil inatupag ko 'to. I put effort pero sadyang marami siyang ipinapa-review.

He clicked his tongue and frowned at me. “Damn! You can't even do a simple task?” he asked, pissed off.

Biglang nagpintig ang tenga ko sa narinig. Hindi ko na napigilan at matalim ko siyang tinignan. Hindi ako nakapag-lunch noong lunchtime dahil hinahanp siya ng supervisor sa akin! Na-pressure ako ng sabihin niyang four months lang ang allocated time kaya ni-review ko ang ginawa kong revision. Tapos maririnig ko ngayon ay pang-iinsulto?

Padarang kong binagsak ang anim na folder sa table niya dahil sa galit. Nasaksihan ko kung paano nasagi ng folder ang ink na nakalagay malapit sa isang tingin ko ay importanteng papeles. Nasabuyan ng ink 'yon at may tumilapon pa sa kanyang damit.

Biglang naglaho ang galit ko at agad napalitan ng kaba.

“F*ck!”

Madali niyang kinuha ang papeles pero huli na ang lahat. Kita ko kung paano nag-igting ang panga niya ng makita niyang basa na ito ng ink.

“Do you know what folder is this, Ms. Salazar? This is a f*cking contract!” he growled angrily.

Agad na kumalat ang kaba sa katawan ko. He looked at me with his murderous eyes.

….

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
bunchf05
ang tanga naman ni FL, masyadong paapi. no ba yan author?
goodnovel comment avatar
Monaliza Caroro Quindala
Next please
goodnovel comment avatar
Alona Tingal
super nice
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • My Billionaire Enemy Is My Lover   Kabanata 406

    “Mama, ako na ang magdadala niyan,” sabi ko kay Mama nang makita kong dala niya ang isang tray ng pagkain.“Ako na, Serena. Nakabihis ka na. Baka mamantahan pa ang damit mo.”Pero hindi ko siya pinakinggan. Kagabi nagreklamo siya na masakit ang balakang niya dahil sa pagkakadulas niya. Nagpahilot na siya pero nagrereklamo pa rin na masakit. She's getting old. Alam kong hindi maganda sa mga may edad ang nadudulas.Kinuha ko sa kanya ang tray at saka lumabas ng kusina para ihain ang almusal ng mga Jimenez. Pagpasok ko sa dining room, naroon na sina Tita Clara, Tito Ronan, Lorenzo at si Aurora. Mabilis kong nilagay sa table nila ang pagkain.“Bakit ikaw ang naghain, hija? Nasaan ang mama mo?” tanong ni Tita.“Ako na, Tita. Medyo masama ang pakiramdam ni Mama. Hindi naman ito mahirap.”“Serena, pakidalhan din ako ng juice,” utos ni Aurora.Tumango ako at mabilis na umalis. I sighed heavily as I entered the kitchen again.“May utos ba sila?” agad na tanong ni Mama.I shook my head. “Wala n

  • My Billionaire Enemy Is My Lover   Kabanata 405 --- Serena Alcazar

    Serena AlcazarPuno ng tawanan ang paligid. Nakapalibot sa akin ang mga mayayamang angkan. Kanina pa ako manghang-mangha sa nakikita ko. First time kong makapasok sa mansion ng mga Ferrer at hindi ako na-disappoint. The chandelier is enough evidence na loaded ang mga Ferrer.“Serena, asan na ‘yong champagne na inutos ko?” tanong sa akin ni Aurora.Ngumiti ako sa kanya at saka binigay ang hawak kong champagne.“Thank you,” she said before she turned her back on me.Ibinalik ko ang tingin ko sa kanina ko pa pinagmamasdan sa malayo. Sa dami ng tao sa paligid, hindi ko maalis-alis ang mata ko sa isang lalaki.Levi Ferrer.He is surrounded by other powerful men. Mga pinsan niya na galing din sa mayamang angkan. Sa crowd niya, naroon si Soren at ang kapatid niyang si Luca at Nico… together with other people I’m not familiar with. All were domineering.Not far from them was another crowd of powerful men. Ang magkapatid na Caius Vergara, Knox Vergara, at mga pinsan nilang ibang Vergara din.B

  • My Billionaire Enemy Is My Lover   Note

    Hello everyone. Since may nababasa parin ako na naghahanap sa story ni Andrea at Anton, meron na po. 'The Powerful Vergaras: Hunted by Vengeance' ang title. Doon ilalagay ang stories ng mga Vergara. Regarding naman sa second generation ng mga Salazar, hindi ko sure kung dito ko ipagpapatuloy o another book ulit. So ayon nga. Thank you again for supporting my books.

  • My Billionaire Enemy Is My Lover   Kabanata 404

    “I tried once but I didn’t commit to it,” sagot ni Ryker. “I’m more into extreme sports like racing.” I licked my lips. I suddenly remembered Scarlet’s hobbies for racing too. We were talking about mixed martial arts. I asked if he had tried doing it. Nasa Maldives kami. They said it was not their first time coming here as a family, but it was my first time… with them. Napabaling kami kay Alaric na lumalapit sa amin. “I do mixed martial arts. I don’t like having bodyguards with me, so I had to learn,” sabi ko. Naabutan ako ni Alaric nang sinabi ko ’yon kaya nasa akin agad ang atensyon niya. “You did military training, right?” tanong niya. I smirked. I guess Scarlet talked about me to her sisters, huh? “I did. One of my Titos decided I needed to.” Tumawa si Ryker, parang may alam. Bago pa ako makapagsalita, napabaling kami sa sumisigaw sa tuwa na lumalapit sa amin. Ryka Saldivar. Yumakap siya kay Ryker sa paa, pero sa akin siya nakatingala. “Tito Vince, sa inyo ako sasama pa

  • My Billionaire Enemy Is My Lover   Kabanata 403

    Hindi ako makausap sa labas. May sinasabi sa akin si Papa, pero halos hindi ko maintindihan. Hindi ko na naririnig ang sigaw ni Scarlet. But I’d rather hear her scream than not. At least alam kong buhay pa siya kapag naririnig ko siya. Halos isang oras akong wala sa sarili. Hindi pa lumalabas sina Mama. Habang lumilipas ang oras na walang lumalabas sa kanila, mas lalo akong nawawala pa sa sarili.It was fucking mental torture!Two hours later, I saw Mama come out. Malaki ang ngiti niya. A sudden heavy weight on my shoulder disappeared.“She delivered normally. Safe ang baby at si Scarlet,” sabi sa akin ni Mama. She hugged me tightly so I could calm down.I hugged her and sighed heavily.Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ako pinayagan na pumasok ulit. Pinagbawalan lang ako ni Mama na manigaw sa loob.Nang makapasok ako, agad akong lumapit kay Scarlet. She looked fine and not in pain.I crouched to her bed and kissed her long on the lips.“I love you, baby. Next time please don’t s

  • My Billionaire Enemy Is My Lover   Kabanata 402

    Lucian Vince VergaraScarlet’s pregnancy went smoothly. She was—and still is—as spoiled as ever, and my patience has reached a point where I actually feel like I’ve improved my anger issues. It now takes a lot for me to get mad over small things.Sinigurado kong palagi akong nasa tabi niya, kahit sa bahay man 'yan o sa labas. I witnessed all her struggles and dedication during this pregnancy, and I felt for her even more. Sinasamahan ko siya sa likod ng bahay kapag naglalakad siya. It will help in labor, as the OB-GYN said.I remembered after our gender reveal, inasikaso niya naman ang kwarto para sa baby namin. And I was so mad at her because she didn't listen to me.“I told you to rest for at least a week,” iritado kong sinabi. Hinilot ko ang sentido ko.Sinamaan niya ako ng tingin at saka umirap.“What’s wrong with it? Gagawin din naman natin ’to. It’s just a matter of time,” inis niya ring sinabi.Galing akong Capitol. Tulog pa 'noong iwan ko siya. Ngayon na dumating ako, nasa isa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status