LOGINIlang araw na ang lumipas mula nang umalis si Amora sa mansiyon. Pansamantala siyang nakikitira sa bahay ni Clara, ngunit hindi pa rin siya sanay na gumising nang wala si Beau sa tabi niya.
Maaga siyang nagising nang umagang iyon. Ilang sandali siyang nakahiga habang nakatitig sa kisame ng silid na pansamantala niyang tinutuluyan. Wala na ang pagbati ni Beau tuwing umaga. Wala na rin ang mga yabag nito habang naghahanda papasok sa opisina o ang halik sa kaniyang noo bago ito umalis. Everything felt unfamiliar. Dahan-dahan siyang bumangon at naupo sa gilid ng kama. Napahawak siya sa kaniyang tiyan nang maalala ang batang dinadala niya. She was no longer alone. Hindi man niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya, kailangan niyang matutong magpatuloy. May buhay siyang kailangang alagaan, at hindi niya maaaring hayaang lamunin siya ng nangyari sa kanila ni Beau. Tumayo siya at inayos ang buhok bago pumunta sa bintana. Hinawi niya ang mga kurtina at sinalubong ng sikat ng araw ang kaniyang mukha. Pero kahit maliwanag na sa labas, hindi pa rin gumagaan ang pakiramdam niya. Gusto niyang makalimutan ang lahat kahit sandali lang. Ngunit sa tuwing sinusubukan niyang isipin ang ibang bagay, bumabalik pa rin sa isip niya si Beau. Naalala niya ang mga panahong magkasama sila, ang mga pangakong binitawan nila, at ang buhay na akala niya ay tatagal habang-buhay. May mga sandaling gusto niyang umiyak sa galit. Gusto niyang sisihin si Beau sa lahat ng nangyari. Pero sa kabila ng sakit na nararamdaman niya, may bahagi pa rin sa kaniyang umaasang magbabago ang isip nito at babalikan siya. Isang mahinang katok ang narinig niya mula sa p***o. “Amora? Gising ka na ba?” Boses iyon ni Clara. “Come in,” sagot niya habang mabilis na pinupunasan ang kaniyang mga mata. Pumasok si Clara na may dalang tray ng pagkain. Inilapag niya iyon sa maliit na mesa bago nilapitan ang kaibigan. “Good morning. I brought you breakfast.” Napatingin si Amora sa pagkaing dala nito. “Thank you, Clara. You didn't have to.” “Of course, I did. Hindi ka pa nga halos kumakain mula nang dumating ka rito.” Umupo si Clara sa tabi niya. “Amora, please. Kahit kaunti lang. Nag-aalala na ako sa'yo.” Napangiti nang bahagya si Amora, pero hindi pa rin niya magawang hawakan ang pagkain. “I'm not hungry.” “Alam kong wala ka pang ganang kumain, pero kailangan mong subukan. Hindi puwedeng puro tubig lang ang laman ng tiyan mo.” Napayuko si Amora. Napahawak siya sa kaniyang tiyan bago tuluyang tumingin sa kaibigan. “I'll try.” Marahang hinawakan ni Clara ang kamay niya. “Have you thought about what you're going to do next?” Hindi agad nakasagot si Amora. Sa totoo lang, wala pa siyang maisip na susunod na hakbang. Hindi niya alam kung saan magsisimula o kung paano niya haharapin ang buhay na kailangan niyang buuin nang wala si Beau. But one thing was certain. She couldn't spend the rest of her life waiting for him to change his mind. Pagkatapos kumain, bumalik si Amora sa kama. Ilang sandali lamang ay nakatulog na rin siya. Madalas siyang antukin nitong mga nakaraang araw, at tila mas mabilis siyang mapagod kaysa dati. Nanatili muna si Clara sa tabi niya bago tahimik na lumabas ng silid. Pagkasara ng p***o, muli niyang naisip kung ano pa ang maaari niyang gawin para sa kaibigan. Ilang araw pa lamang si Amora sa bahay niya, pero alam niyang hindi pa rin ito maayos. Hindi man ito palaging umiiyak, halata sa mukha nito ang puyat at pagod. Gusto niyang tulungan si Amora, pero ayaw rin niyang pilitin itong magsalita o magkunwaring okay na ang lahat. Then she remembered Vance. Naalala niya kung paano ito noon makinig kay Amora. Kahit simpleng problema lang, hindi nito minamaliit ang nararamdaman ng kaibigan. Matagal na silang hindi nag-uusap ni Amora, pero alam ni Clara na naging mahalagang tao si Vance sa buhay nito. May mga dahilan kung bakit naputol ang komunikasyon nilang dalawa. Hindi rin siya sigurado kung magiging maayos ang pagtanggap ni Amora kapag nalaman nitong tinawagan niya ang lalaki. Pero mas nag-aalala siya sa kalagayan ng kaibigan kaysa sa posibleng maging reaksiyon nito. Kinuha niya ang telepono at hinanap ang pangalan ni Vance. Vance Villareal. Ilang segundo siyang nag-alinlangan bago tuluyang pinindot ang call button. Dalawang ring lamang ang lumipas bago may sumagot. “Clara?” “Vance, I need your help.” Sandaling natahimik ang lalaki sa kabilang linya. “What happened?” Napalingon si Clara sa saradong p***o ng silid ni Amora bago ibinaba ang boses. “It's about Amora. Alam kong matagal na kayong hindi nag-uusap, pero kailangan namin ang tulong mo.” Wala pa ring sagot mula sa kabilang linya. Ilang segundo ring walang nagsalita, kaya lalo siyang kinabahan. “Clara,” tawag ni Vance. Nagbago ang tono ng boses nito. “What happened to her?” “Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag lahat sa telepono. Please, Vance. Kailangan ka niyang makausap.” Muli itong natahimik. “Send me the address,” sagot niya sa wakas. “I'm going to see her.”Umalingawngaw ang malakas na tunog sa tahimik na hallway.Napatigil si Beau, bahagyang nakatagilid ang mukha sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya. Kumikirot ang kaliwang pisngi niya, mainit at namumula, habang unti-unting bumabalik sa kaniya ang nangyari. Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin kay Amora.Nakataas ang baba nito, diretso ang tayo, at nakatitig nang walang kakurap-kurap sa mga mata niya. Wala ang nangingilid na luha. Wala ang nanginginig na labi na dati niyang nakikita tuwing nagtatalo sila, ang mga pagkakataong mas pipiliin pa nitong humingi ng tawad kahit hindi nito kasalanan huwag lang masira ang gabi nila.“Did you just slap me?” bumaba ang boses ni Beau, halos pabulong pero matalim.Hindi umatras si Amora. Itinago niya sa likod ng laylayan ng kaniyang dress ang nanginginig na mga kamay at humugot ng malalim na hininga.“Yes. And I’d do it again if you ever talk about my child like that.”Nagsalubong ang mga kilay ni Beau. Humakbang siya palapit, pilit ginagamit ang t
The grand ballroom of Astoria Hotel was filled with business executives, prominent families, and familiar faces from the city. Abala ang mga bisita sa kani-kanilang usapan habang hinihintay ang anunsiyo ng Montgomery Group.Among them was Beau Yvan Lincoln, dressed in a black tuxedo. Nakatayo siya sa tabi ni Chloe Saadvera, who was wearing an emerald green gown. Ilang beses na siyang kinausap ni Chloe mula nang dumating sila, ngunit hindi gaanong nakikisali si Beau sa mga sinasabi nito.“Beau, your mother said the event is important for the company. We should at least stay until the program ends,” ani Chloe habang bahagyang inaayos ang pagkakahawak sa braso niya.Tumango lamang si Beau. Hindi naman talaga siya interesado sa ganitong mga pagtitipon, pero kailangan niyang dumalo bilang isa sa mga inimbitahang panauhin.Simula nang dumating sila, hindi mapakali ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung bakit, pero ilang beses na siyang napatingin sa orasan.“Ladies and gentlemen, may we
Matigas ang pagtanggi ni Amora sa alok ni Vance. Nagpapasalamat siya rito, pero alam niyang hindi solusyon ang tumakas sa ibang bansa. Ayaw na niyang umasa sa yaman ng iba. Noong pinili niya si Beau, tinalikuran niya ang pamilya at iniwan ang lahat para maging asawa nito. Sa huli, siya rin ang naiwan nang walang-wala. Wala na siyang matakbuhan."Salamat, Vance, pero hindi ko kayang gawin 'yan," mahinang sabi ni Amora habang pinupunasan ang luha sa kaniyang pisngi. "I've spent years trying to fit into Beau's world. Ngayong wala na siya sa buhay ko, it's time I go back to my own."Napatingin si Clara sa kaniya, halatang nagulat. "Amora... ibig mong sabihin?""Oo, Clara. I'm going back to the Montgomerys," sagot niya.The Montgomerys were among the most influential families in the country. Mariing tinutulan ni Robert ang pagpapakasal ni Amora kay Beau, na noon ay pilit na ibinabangon ang Lincoln Group. Ngunit pinili pa rin ni Amora si Beau. Iniwan niya ang mansiyon at ilang taon silang h
Hindi nagtagal matapos ibaba ni Clara ang telepono noong gabing iyon, isang pamilyar na tunog ng humaharurot na sasakyan ang bumasag sa katahimikan ng kalsada sa tapat ng maliit at lumang apartment.Halos pasugod na pumasok si Vance sa silid, bakas sa kaniyang mukha ang matinding galit. Ngunit nang makita niya si Amora na nakaupo sa sofa, agad na napalitan ng pag-aalala ang kaniyang ekspresyon."Amora..." mahinang tawag niya.Lumapit siya at lumuhod sa harapan nito, marahang hinawakan ang nanginginig nitong mga kamay."What happened? Bakit hinayaan niyang mangyari ito sa iyo?"Yumuko si Amora, pilit na itinatago ang namumugto niyang mga mata. "Vance, please... huwag mo akong tingnan nang ganyan. You shouldn't be here.""F*ck that, Amora! I don't care about what anyone thinks," mariing sagot niya. "Sabihin no sa akin ang lahat."Lumipas ang ilang linggo mula nang gabing iyon. Sa kabila ng pagsisikap ni Clara na ilayo si Amora sa mga balitang may kaugnayan sa dating asawa, hindi pa rin
Ilang araw na ang lumipas mula nang umalis si Amora sa mansiyon. Pansamantala siyang nakikitira sa bahay ni Clara, ngunit hindi pa rin siya sanay na gumising nang wala si Beau sa tabi niya.Maaga siyang nagising nang umagang iyon. Ilang sandali siyang nakahiga habang nakatitig sa kisame ng silid na pansamantala niyang tinutuluyan.Wala na ang pagbati ni Beau tuwing umaga. Wala na rin ang mga yabag nito habang naghahanda papasok sa opisina o ang halik sa kaniyang noo bago ito umalis.Everything felt unfamiliar.Dahan-dahan siyang bumangon at naupo sa gilid ng kama. Napahawak siya sa kaniyang tiyan nang maalala ang batang dinadala niya.She was no longer alone.Hindi man niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya, kailangan niyang matutong magpatuloy. May buhay siyang kailangang alagaan, at hindi niya maaaring hayaang lamunin siya ng nangyari sa kanila ni Beau.Tumayo siya at inayos ang buhok bago pumunta sa bintana. Hinawi niya ang mga kurtina at sinalubong ng sikat ng araw ang kaniy
Hindi agad nakasagot si Amora. Para bang nakalimutan niya ang lahat ng nais niyang sabihin at nanatili na lamang siyang nakaluhod sa harap ng asawa, nakatungo sa sahig habang pilit na inuunawa ang mga salitang binitawan ni Beau.This couldn't be happening.Hindi ganito ang pamilyang pinangarap niya. Hindi ganito ang lalaking minahal niya.“Pag-usapan natin nang maayos. I can explain everything. Just give me a chance.”But Beau only let out a humorless laugh.“There's nothing left to discuss, Amora. I want you out of my life.”Dahan-dahang umiling ang babae. Kusang dumaloy ang mga luha sa kaniyang pisngi habang nakatitig sa lalaking minsang nangakong poprotektahan siya habambuhay.Beau turned around and started walking towards the door. Napatingin si Amora sa kaniyang likuran, pilit na hinahanap ang mga salitang maaari pang pumigil dito.“Beau...” mahina niyang tawag.Ngunit hindi ito lumingon.Nang tuluyang sumara ang pinto, doon lamang niya naramdaman ang bigat ng mga salitang binita







