LOGINHindi nagtagal matapos ibaba ni Clara ang telepono noong gabing iyon, isang pamilyar na tunog ng humaharurot na sasakyan ang bumasag sa katahimikan ng kalsada sa tapat ng maliit at lumang apartment.
Halos pasugod na pumasok si Vance sa silid, bakas sa kaniyang mukha ang matinding galit. Ngunit nang makita niya si Amora na nakaupo sa sofa, agad na napalitan ng pag-aalala ang kaniyang ekspresyon. "Amora..." mahinang tawag niya. Lumapit siya at lumuhod sa harapan nito, marahang hinawakan ang nanginginig nitong mga kamay. "What happened? Bakit hinayaan niyang mangyari ito sa iyo?" Yumuko si Amora, pilit na itinatago ang namumugto niyang mga mata. "Vance, please... huwag mo akong tingnan nang ganyan. You shouldn't be here." "F*ck that, Amora! I don't care about what anyone thinks," mariing sagot niya. "Sabihin no sa akin ang lahat." Lumipas ang ilang linggo mula nang gabing iyon. Sa kabila ng pagsisikap ni Clara na ilayo si Amora sa mga balitang may kaugnayan sa dating asawa, hindi pa rin niya naiwasang malaman ang mga nangyayari sa buhay ni Beau. Isang hapon, dinala siya ni Clara sa isang tahimik na café. Nasa harapan niya ang isang tasa ng espresso na halos hindi niya nagalaw. Hindi maganda ang pakiramdam niya nitong mga nakaraang araw, at kahit ang amoy ng kape ay nakakasuka na sa kaniya. Nasa mesa rin ang tablet na ginagamit niya kanina. Nang muli niya itong tingnan, agad na bumungad ang isang headline. Billionaire CEO Beau Lincoln Spotted with Heiress Chloe Saadvera. Hindi agad naalis ang tingin ni Amora sa litrato. Nandoon si Beau, maayos ang itsura gaya ng dati, habang nakahawak naman si Chloe sa braso nito. Pareho silang nakangiti sa harap ng mga camera. Ilang linggo pa lamang ang nakalipas mula nang palayasin siya ni Beau. Ilang linggo pa lamang mula nang pilitin siya nitong ipalaglag ang dinadala niya. Pero ngayon, para bang wala lang ang lahat ng nangyari sa kanila. Napapikit siya. Was Chloe already with him back then? Was she the reason he had been coming home late? "Huwag mo nang basahin 'yan, Amora." Marahang kinuha ni Clara ang tablet mula sa mesa. "You don't have to put yourself through this. Isipin mo muna ang sarili mo at ang baby." "Alam ko, Clara." Napabuntong-hininga siya. "Pero hindi ko pa rin maintindihan kung paano niya nagawang magpatuloy na parang walang nangyari." Naalala niya ang lahat ng ginawa niya para sa kanilang pagsasama. Tinalikuran niya ang pamilya niya, sinuway ang kagustuhan ng kaniyang ama, at piniling mamuhay nang simple para masuportahan si Beau habang binubuo nito ang negosyo. Hindi naging madali ang mga taon na iyon, pero tiniis niya dahil naniniwala siyang magkasama nilang maaabot ang mga pangarap nila. Hindi niya inakalang darating ang araw na siya mismo ang pagdududahan ng lalaking pinagkatiwalaan niya. Pagbalik ni Vance sa mesa, napansin niya ang lungkot sa mukha ni Amora. Nang makita ang headline sa tablet na hawak ni Clara, napahigpit ang hawak niya sa upuan. "Wala talaga siyang hiya," mariin niyang sabi. "Habang ikaw ang nagdurusa dahil sa mga paratang niya, he gets to walk around with another woman as if nothing happened." "Vance, please. Huwag na nating pag-usapan si Beau. Tapos na kami." "Hindi ibig sabihin no'n kailangan mong harapin ang lahat nang mag-isa." Umupo siya sa tabi nito. "Kung gusto mong lumayo rito at magsimula ulit, tutulungan kita. I can take care of you and the baby." Dahan-dahang umiling si Amora. "Salamat, Vance. Alam kong gusto mo lang akong tulungan, pero hindi ko kayang tanggapin ang alok mo. May kailangan akong ayusin." Saglit siyang natahimik bago ibinaba ang tingin sa kaniyang tiyan. "I'm pregnant, Vance." Natigilan ito. Ilang segundo siyang nakatitig kay Amora bago muling tumingin sa tiyan nito. "You're... pregnant?" Hindi agad nakapagsalita si Vance. Hindi niya alam kung ano ang unang itatanong o sasabihin. Ang alam lang niya, mas marami pa palang nangyari kay Amora kaysa sa inaakala niya. — Samantala, kahit madalas nang magkasama sina Beau at Chloe, napansin ng dalaga na hindi gaya ng dati ang kilos ng lalaki. Madalas itong tahimik at tila laging may iniisip. Minsan, kahit kinakausap niya, ilang sandali pa bago ito sumagot. "Beau, I brought you some coffee," nakangiting sabi ni Chloe habang inilalapag ang tasa sa mesa. "Thanks." "Have you eaten? You've been working since this morning." "Not yet. I'll eat later." Umupo si Chloe sa sofa at pinagmasdan siya. Hindi niya gusto ang pagiging malamig nito nitong mga nakaraang araw, pero ayaw rin niyang magmukhang nagrereklamo. "You should take a break. We can have dinner together tonight. I'll let your mother know we're coming." "Sure. Whatever you want." Bahagyang nawala ang ngiti ni Chloe. Hindi iyon ang sagot na gusto niyang marinig, pero pinili niyang huwag nang magtanong. Kinuha na lamang niya ang telepono at nagkunwaring may tinitingnan. Muling bumalik si Beau sa mga dokumentong nasa harapan niya. Marami pa siyang kailangang tapusin sa trabaho, kaya sinubukan niyang ituon doon ang pansin. Pero kahit anong pilit niya, may mga pagkakataong sumasagi pa rin sa isip niya ang dating asawa. Lalo na kapag umuuwi siya sa mansiyon. Wala nang naghihintay sa kaniya sa hapag-kainan. Wala nang nagtatanong kung kumain na ba siya o kung kumusta ang araw niya. Tahimik na ang bahay, at kahit hindi niya gustong aminin, napapansin niya ang pagbabagong iyon. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa at pilit na binalewala ang naiisip. Wala na si Amora. Siya mismo ang nagdesisyong tapusin ang lahat. Wala na siyang dapat pang isipin. Sa kabilang bahagi ng silid, tahimik na pinagmamasdan siya ni Chloe. Hindi niya gusto ang pagbabago sa kilos ni Beau, lalo na't alam niyang hindi pa tuluyang nawawala sa isip nito ang dating asawa. Pero hindi niya hahayaang maging dahilan iyon para mawala sa kaniya ang pagkakataong matagal na niyang hinihintay. Matagal na niyang gustong maging asawa ni Beau. Noon pa man, naniniwala siyang siya ang mas bagay sa tabi nito. At ngayong wala na si Amora, hindi niya hahayaang magkaroon pa ito ng pagkakataong bumalik.Umalingawngaw ang malakas na tunog sa tahimik na hallway.Napatigil si Beau, bahagyang nakatagilid ang mukha sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya. Kumikirot ang kaliwang pisngi niya, mainit at namumula, habang unti-unting bumabalik sa kaniya ang nangyari. Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin kay Amora.Nakataas ang baba nito, diretso ang tayo, at nakatitig nang walang kakurap-kurap sa mga mata niya. Wala ang nangingilid na luha. Wala ang nanginginig na labi na dati niyang nakikita tuwing nagtatalo sila, ang mga pagkakataong mas pipiliin pa nitong humingi ng tawad kahit hindi nito kasalanan huwag lang masira ang gabi nila.“Did you just slap me?” bumaba ang boses ni Beau, halos pabulong pero matalim.Hindi umatras si Amora. Itinago niya sa likod ng laylayan ng kaniyang dress ang nanginginig na mga kamay at humugot ng malalim na hininga.“Yes. And I’d do it again if you ever talk about my child like that.”Nagsalubong ang mga kilay ni Beau. Humakbang siya palapit, pilit ginagamit ang t
The grand ballroom of Astoria Hotel was filled with business executives, prominent families, and familiar faces from the city. Abala ang mga bisita sa kani-kanilang usapan habang hinihintay ang anunsiyo ng Montgomery Group.Among them was Beau Yvan Lincoln, dressed in a black tuxedo. Nakatayo siya sa tabi ni Chloe Saadvera, who was wearing an emerald green gown. Ilang beses na siyang kinausap ni Chloe mula nang dumating sila, ngunit hindi gaanong nakikisali si Beau sa mga sinasabi nito.“Beau, your mother said the event is important for the company. We should at least stay until the program ends,” ani Chloe habang bahagyang inaayos ang pagkakahawak sa braso niya.Tumango lamang si Beau. Hindi naman talaga siya interesado sa ganitong mga pagtitipon, pero kailangan niyang dumalo bilang isa sa mga inimbitahang panauhin.Simula nang dumating sila, hindi mapakali ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung bakit, pero ilang beses na siyang napatingin sa orasan.“Ladies and gentlemen, may we
Matigas ang pagtanggi ni Amora sa alok ni Vance. Nagpapasalamat siya rito, pero alam niyang hindi solusyon ang tumakas sa ibang bansa. Ayaw na niyang umasa sa yaman ng iba. Noong pinili niya si Beau, tinalikuran niya ang pamilya at iniwan ang lahat para maging asawa nito. Sa huli, siya rin ang naiwan nang walang-wala. Wala na siyang matakbuhan."Salamat, Vance, pero hindi ko kayang gawin 'yan," mahinang sabi ni Amora habang pinupunasan ang luha sa kaniyang pisngi. "I've spent years trying to fit into Beau's world. Ngayong wala na siya sa buhay ko, it's time I go back to my own."Napatingin si Clara sa kaniya, halatang nagulat. "Amora... ibig mong sabihin?""Oo, Clara. I'm going back to the Montgomerys," sagot niya.The Montgomerys were among the most influential families in the country. Mariing tinutulan ni Robert ang pagpapakasal ni Amora kay Beau, na noon ay pilit na ibinabangon ang Lincoln Group. Ngunit pinili pa rin ni Amora si Beau. Iniwan niya ang mansiyon at ilang taon silang h
Hindi nagtagal matapos ibaba ni Clara ang telepono noong gabing iyon, isang pamilyar na tunog ng humaharurot na sasakyan ang bumasag sa katahimikan ng kalsada sa tapat ng maliit at lumang apartment.Halos pasugod na pumasok si Vance sa silid, bakas sa kaniyang mukha ang matinding galit. Ngunit nang makita niya si Amora na nakaupo sa sofa, agad na napalitan ng pag-aalala ang kaniyang ekspresyon."Amora..." mahinang tawag niya.Lumapit siya at lumuhod sa harapan nito, marahang hinawakan ang nanginginig nitong mga kamay."What happened? Bakit hinayaan niyang mangyari ito sa iyo?"Yumuko si Amora, pilit na itinatago ang namumugto niyang mga mata. "Vance, please... huwag mo akong tingnan nang ganyan. You shouldn't be here.""F*ck that, Amora! I don't care about what anyone thinks," mariing sagot niya. "Sabihin no sa akin ang lahat."Lumipas ang ilang linggo mula nang gabing iyon. Sa kabila ng pagsisikap ni Clara na ilayo si Amora sa mga balitang may kaugnayan sa dating asawa, hindi pa rin
Ilang araw na ang lumipas mula nang umalis si Amora sa mansiyon. Pansamantala siyang nakikitira sa bahay ni Clara, ngunit hindi pa rin siya sanay na gumising nang wala si Beau sa tabi niya.Maaga siyang nagising nang umagang iyon. Ilang sandali siyang nakahiga habang nakatitig sa kisame ng silid na pansamantala niyang tinutuluyan.Wala na ang pagbati ni Beau tuwing umaga. Wala na rin ang mga yabag nito habang naghahanda papasok sa opisina o ang halik sa kaniyang noo bago ito umalis.Everything felt unfamiliar.Dahan-dahan siyang bumangon at naupo sa gilid ng kama. Napahawak siya sa kaniyang tiyan nang maalala ang batang dinadala niya.She was no longer alone.Hindi man niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya, kailangan niyang matutong magpatuloy. May buhay siyang kailangang alagaan, at hindi niya maaaring hayaang lamunin siya ng nangyari sa kanila ni Beau.Tumayo siya at inayos ang buhok bago pumunta sa bintana. Hinawi niya ang mga kurtina at sinalubong ng sikat ng araw ang kaniy
Hindi agad nakasagot si Amora. Para bang nakalimutan niya ang lahat ng nais niyang sabihin at nanatili na lamang siyang nakaluhod sa harap ng asawa, nakatungo sa sahig habang pilit na inuunawa ang mga salitang binitawan ni Beau.This couldn't be happening.Hindi ganito ang pamilyang pinangarap niya. Hindi ganito ang lalaking minahal niya.“Pag-usapan natin nang maayos. I can explain everything. Just give me a chance.”But Beau only let out a humorless laugh.“There's nothing left to discuss, Amora. I want you out of my life.”Dahan-dahang umiling ang babae. Kusang dumaloy ang mga luha sa kaniyang pisngi habang nakatitig sa lalaking minsang nangakong poprotektahan siya habambuhay.Beau turned around and started walking towards the door. Napatingin si Amora sa kaniyang likuran, pilit na hinahanap ang mga salitang maaari pang pumigil dito.“Beau...” mahina niyang tawag.Ngunit hindi ito lumingon.Nang tuluyang sumara ang pinto, doon lamang niya naramdaman ang bigat ng mga salitang binita







