Share

Chapter 7

Author: rainheart
last update Huling Na-update: 2025-11-13 15:18:04

Sa sasakyan papuntang ospital, nakaupo si Winona sa passenger seat katabo ni Marco na nagmamaneho. Kahit kasama nila noon si Lilian ay sa harapan pa rin siya nakaupo. Dahilan nito ay nahihilo siya kapag nasa likuran siya. Samantalang nasa likod naman si Justine na hawak ang strawberry cake na binili nila sa cafe bago sila umalis. Panay ang lingon sa kanya ni Winona para paalalahanan.

“Justine, dahan-dahan sa pagkain ha,” wika dito ni Winona.

Nakatingin si Justine sa cake, naalala nito ang sinabi ng ina ni Tonton kung bakit hindi niya pinapayagan si Tonton na kumain ng matamis.

“Tita Winona, kabit ka po ba?”

Parehong nagulat sina Marco at Winona sa biglaang tanong ni Justine. Hindi nakahuma si Winona at naisip na baka mali lamang siya ng pagkakarinig.

“Ano ulit ‘yon, Justine?”

“Kabit ka po ba?” Inosenting muling tanong ng bata.

Parang itinulos si Winona sa kinauupuan nang marinig ang tanong ni Justine. Hindi niya napaghandaan ang matanong siya ng bata tungkol sa bagay na ito. Alam niya kung gaano ikakasira ng pagkatao niya ang salitang iyon.

“Justine!” mataas at puno ng pagka-disgusto ang boses ni Marco na sinaway ang anak. “Nasaan ang galang mo? At saan mo natutunan ‘yan?”

Saka lamang bumalik sa huwisyo si Winona nang marinig ang boses ni Marco.

“Marco, hayaan mo na. Hindi alam ng bata ang kanyang sinabi,” pigil ni Winona kay Marco.

Saglit silang binalot ng katahimikan hanggang malungkot na muling nagsalita si Winona. “Sana kahit galit sa akin si Lilian, hindi niya tuturuan ang bata ng mga bagay na wala itong alam. Ang bata ay hindi dapat kasali lalo na at bata pa si Justine.”

Ang akala ni Winona ay tinuruan ni Lilian ang anak kaya sa kanya niya ito naisipang isisi.

Hindi man nagsalita si Marco pero hindi maikakaila na hindi nito nagustuhan ang nangyayari.

“Hindi po si mommy. Narinig ko sa. . .

Mabilis naman na pinutol ni Winona ang nais ipaliwanag ni Justine.

“Alam ko, Justine. Siguro narinig mo ito sa iba.”

Hindi naman naintindihan ng bata ang nais iparating ni Winona. Kanina lang ay isinisi nito kay Lilian ang kanyang naging katanungan. Ngayon, ay biglang kumambyo ang mga sinabi nito.

“Narinig ko po kanina sa isang nanay at bata sa cafe.”

“Sabi ko na eh.”

Matutuwa na sana si Justine nang mapatingin siya kay Winona sa passenger’s seat at biglang sumeryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.

“Tita Winona, magiging kabit ka po ba?”

Hindi na naman mapigilan ni Marco na magalit sa anak. Muli na naman itong napasimangot at akmang pagagalitan ang anak pero hinawakan ni Winona ang pulsuhan nito para pigilan siya sa gagawin.

“Justine, nakalimutan mo na ba? Six months na lamang ang natitira kong panahon dito sa mundo.”

Natameme naman ang bata nang napagtanto ang ginawa. Nakaramdam siya ng konsensya at pagsisisi dahil dito.

“I’m sorry, Tita!”

“It’s okay. Huwag na nating pag-usapan ang mga bagay na hindi maganda.” Lumingon ito sa backseat na nakangiti kay Justine. “Mag-isip ka kung ano ang gusto mong kainin. I-te-treat kita.”

Lalong sinalakay ng guilt ang bata kung paano niyang pagdudahan si Winona na naging mabait naman ito sa kanya.

“Tita Winona, I want to eat fried chicken.” Namimilog pa ang mata ni Justine nang sabihin ito kay Winona.

“Okay.”

“Winona, ang sabi ng doktor iwasan mo muna ang mga mamatikaing pagkain,” kontra ni Marco sa babae.

“Hay naku Marco, paminsan-minsan lang ‘to. Isa pa ito ang gusto ng anak mo. Besides, may taning na rin naman ang buhay ko kaya minsan pagbigyan din ang sarili,” mahabang wika ni Winona.

Samantala, naisip na naman ni Justine ang inang si Lilian na maraming ipinagbabawal na kanyang kainin. Habang ang Tita Winona niya ay pinapakain ng kung anu-ano.

Para sa kanya, kinokontrol lamang siya ng ina.

Kinabukasan, pagbaba ni Justine ay diretso agad sya sa kusina. Naabutan niyang nagbabasa ng newspaper si Marco.

“Dad. . .”

Mabilis na inilapag ni Marco ang newspaper na hawak at tiningnan ang pinanggalingan ng boses. Nagulat ito nang makita ang anak na nakatayo sa may pintuan. Kusot-kusot pa ni Justine ang mata dahil kakagising lang.

“Justine, bakit nandito ka pa? Hindi ba dapat nasa school ka na?”

“I woke up late, daddy. Wala pong gumising sa ‘kin,” tugon ni Justine. Dahan-dahan itong naglakad papalapit sa mesa kung saan nakaupo si Marco.

“Manang, bakkt hindi niyo ginising ang bata?” Natanong ni Marco ang katulong na kanina pa nakatayo sa gilid, naghihintay ng kanyang iuutos.

“Si Lilian po kasi ang gumigising kay Justine, Sir.”

Napasimangot si Marco sa tugon ng katulong. Magkasalubong ang kilay na hinarap niya ito.

“Si Lilian ang nagluluto. Si Lilian ang gimigising kay Jistine. So ikaw, ano na lang ang ginagawa mo dito?” Mataas ang boses na wika ni Marco sa katulong.

Nagulat ang katulong sa inasta ni Marco. Ngayon lamang niya nakitang nagalit ito kaya bahagya siyang napaatras.

“Uhm, Sir. Si Lilian kasi ang nagluluto dahil may mga espesyal siyang recipe para sa inyo ni Justine. Ang sabi niya kasi, mga sensitive ang tiyan niyo kaya may mga medicinal ingredients po ang niluluto niya at siya lang ang nakakaalam non.” Mahabang paliwanag ng katulomg.

“Ang ibang medicibal dishes ay nangangailangan ng dalawang oras na paglalaga at napakakomplikado itong gawin. Pinag-aralan niya talaga kung paano para sa inyong dalawa ni Justine.” Patuloy ng katulong

Napakurap-kurap naman ang mata ni Marco dahil sa narinig. Hindi niya inakalang ganoon ang ginawa ni Lilian. Doon niya napagtanto na kaya pala hindi na siya nakakaranas ng pag-atake ng kanyang karamdaman dahil ang mga kinakain niya at iniinom ay may mga medicinal benefits

“So, hindi mo alam kung paano ito gawin?”

“Hindi po, Sir! Ako lamang po ang namamalengke ng mga kakailanganin ni Lilian.” Magalang na sagot ng katulong. “Nag-aalala nga po ako, eh. Kasi baka po mag-text si Ma’am Winona ng recipe, hindi ko alam kung anong isasagot.”

“Ano naman ang kinalaman ni Winona dito?”

“Ay akala ko po ay alam niyo.” Gulat na muling sabi ng katulong. Napatakip pa ito ng bibig sa takot na baka magalit si Marco sa pagkadulas ng kanyang bibig. “Kung naalala niyo po kasi minsan niyong pinakain si Ma’am Winona ng padalang pagkain ni Lilian. Muntik na kasi siyang mawalan ng malay noon dahil sa gutom at pagbaba ng sugar nito. Pagkatapos po niyang kainin ‘yung pagkain na niluto ni Lilian ay naging mabuti po ang kanyang pakiramdam. May medicinal ingredients po kasi ‘yon. Mula noon, halos araw-araw na pong nagpapaluto si Ma’am Winona kay Lilian.”

Muli na namang nagulat si Marco sa naging rebelasyon ng katulong. Wala siyang kaalam-alam. Doon niya naisip na may extra nga palang pagkain lagi ang ipinapadala ni Lilian sa kanya at ibinibigay naman niya iyon kay Winona.

Bago muling magsalita si Marco ay tumunog ang mobile phone ng katulong.

“Si Ma’am Winona ang nag-text.” Napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha. “May menu siyang ipinadala para lulutuin ngayong araw pero paano ito, wala si Lilian?”

Kinuha naman ni Marco ang phone ng katulong at tiningnan ito at binasa ang text. Nasa group chat ito na silang tatlo lamang ang miyembro; si Winona, Lilian, at ang katulong. Bago pa man niya maibalik ang phone ay nakita niyang nag-left si Lilian sa group.

Wala pang ilang segundo ay tumunog ang mobile phone ni Marco. Si Winona ang tumatawag.

“Marco, galit nga yata si Lilian sa akin. Umalis siya sa group chat namin pagkatapos kong mag-send ng menu ng para kainin ko ngayong araw,” sumbong nito kay Marco.

“So, matagal ka ng nagpapaluto sa kanya? Hayaan mo at ihahanap kita ng bagong tagapagluto,” tugon ni Marco dito na hindi na nasorpresa pa sa ainabi ni Winona.

“Talaga? Pero baka nakakaabala na ako maayado.” Masayang sabi ni Winona sa pagitan ng paghikbi.

"Oo."

Ang hindi alam ni Marco ay niloloko lamang siya ni Winona. Sinasamantala ng babae na hindi pa nito alam ang kanyang tunay na intensyon.

"Ang hindi niyo alam, pinapahirapan ko lamang si Lilian. Hindi ko naman kinakain ang mga pagkaing niluluto niya."

Napangisi pa itong umusal mag-isa pagkatapos patayin ang tawag kay Marco.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 9

    Isa sa mga pribadong silid kung saan sina Lilian at Jane at napag-usapan nilang sulitin ang gabing iyon sa pagsasaya. Hinihikayat din ni Jane si Lilian para kumuha sila ng lalaking mag-e-entertain sa kanila pero tumanggi si Lilian. “Ayaw kong mahanapan ni Marco ng butas ang pakikipaghiwalay ko sa kanya. Hangga’t maari, ayaw ko siyang bigyan ng rason para ibalik sa akin ang lahat.” “Sabagay. May ugali pa naman ‘yang tatay ng anak mo. Ewan ko ba at minahal mo ‘yon,” sang-ayon naman ni Jane sa kaibigan. Saglit silang natahimik habang inumpisahan na nilang inumin ang alak na kanilang inorder at namili ng kakantahin sa videoke nang tumunog ang mobile phone ni Lilian. “Saglit lang Jane, sasagutin ko lang. Si Dave ang tumatawag. “Walang problema.” Lumabas si Lilian at naghanap ng tahimik na lugar para sagutin ang tawag ni Dave. “Hello, Kuya?” “Maka-kuya ka naman. May good news ako Lilian. Matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng sariling studio.” Masayang wika nito kay Lilian. “T

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 8

    Ipinagluto ng katulong si Justine ng simpleng pagkain para makapag-almusal na ito. Habang kumakain ito ay pinagmamasdan naman siya ni Marco sa kabilang bahagi ng mesa. Pag-angat ng kanyang tingin ay nakita ni Justine ang matiim ng ama sa kanya kaya muli itong yumuko at kumain nang kumain. Hindi na kayang salubungin ang mga tinging ipinukol ng ama. “Ang mommy mo ba ang nagturo sa ‘yo ng mga sinabi mo kahapon?” “Hindi po si mommy, dad. Narinig ko po doon sa—“Simula sa araw na ito, doon ka muna mamalagi sa lola mo sa malaking bahay,” agaw ni Marco. Ito ang paraang naisip niya para umuwi si Lilian. Alam niyang hindi kayang tiisin ng babae ang anak. Naalala pa niya, noong itinulak daw ng asawa si Winona sa pool ay pinarusahan niya ito sa pamamagitan ng pagpapadala kay Justine sa bahay ng mga magulang. Hindi nito natiis at nagmamakaawang papasukin doon nang malamang maysakit ang anak. Nagpakabasa ito sa ulan sa pagmamakaawa sa labas ng gate ng bahay ng kanyang mga magulang hanggang sa pi

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 7

    Sa sasakyan papuntang ospital, nakaupo si Winona sa passenger seat katabo ni Marco na nagmamaneho. Kahit kasama nila noon si Lilian ay sa harapan pa rin siya nakaupo. Dahilan nito ay nahihilo siya kapag nasa likuran siya. Samantalang nasa likod naman si Justine na hawak ang strawberry cake na binili nila sa cafe bago sila umalis. Panay ang lingon sa kanya ni Winona para paalalahanan. “Justine, dahan-dahan sa pagkain ha,” wika dito ni Winona. Nakatingin si Justine sa cake, naalala nito ang sinabi ng ina ni Tonton kung bakit hindi niya pinapayagan si Tonton na kumain ng matamis. “Tita Winona, kabit ka po ba?” Parehong nagulat sina Marco at Winona sa biglaang tanong ni Justine. Hindi nakahuma si Winona at naisip na baka mali lamang siya ng pagkakarinig. “Ano ulit ‘yon, Justine?” “Kabit ka po ba?” Inosenting muling tanong ng bata. Parang itinulos si Winona sa kinauupuan nang marinig ang tanong ni Justine. Hindi niya napaghandaan ang matanong siya ng bata tungkol sa bagay na it

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 6

    Nagngingit na sinundan na lamang na tiningnan si Lilian bago pa man tumalikod ang mga ito para umalis. “Mom, ayaw mo talagang humingi ng sorry kay Tita Winona?” tawag ni Justine na tiyak ang katanungan. Bahagyang napatigil si Lilian sa paghakbang perp nanatili lamang siyang ganoon ng ilang segundo bago tuluyang lumayo kasama si Dave. Ni hindi niya nilingon si Justine kahit durog na durog na ang kanyang puso dahil mahal na mahal niya ang kanyang anak. Naiwan namang naguguluhan ang bata sa inasta ng ina sa kanya. Napaisip tuloy siyang may kakaiba rito. Nang makita ni Winona na nakasunod ang tingin ng mag-ama kay Lilian ay agad nitong inagaw ang kanilang pansin. “Aray!” Daing ni Winona, hawak ang kanyang binti. Nagtagumpay naman siya sa ginawa dahil mabilis pa sa alas-kuwatrong dinaluhan siya ng mag-ama. Lihim siyang matagumpay na ngumiti. “Justine, you stay here. Kailangan ko lamg lapatan ng pang-unang lunas si Tita Winona mo,” bilin ni Marco sa anak. Pagkaalis nina Marco at Win

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 5

    Sabay na napatingin sina Lilian at Dave sa pinanggalingan ng boses. Si Marco Santander. Napalingon din pati ang mangilan-ngilang tao na nasa loob ng cafe dahil sa dumagundong na boses ni Marco. Malalaki ang hakbang nitong papalapit sa kanila at magkasalubong ang kilay. “Bakit mo itinulak si Winona?” Agad na akusa nito kay Lilian habang dinaluhan si Winona na nakasalampak pa rin sa sahig. “Aba malay ko diyan? Hindi ko siya tinulak. Kaya siguro siya natumba kasi mahina na siya, ‘di ba? At malapit ng mamatay,” tugon ni Lilian na matapang na sinalubong ang mga galit na titig ni Marco. “Sumusobra ka na, Lilian!” Muling singhal ni Marco na tuluyan nang naitayo si Winona. “Marco, huwag ka ng magalit. Tama naman si Lilian, mahina na ako kaya siguro ako natumba kahit bahagyang hawak lang,” malumanay na sabad naman ni Winona. “Humingi ka ng pasensiya.” Utos ni Marco kay Lilian. Pero hindi nawala ang kanyang pagtataka dahil sa pagbabago sa ikinikilos nito. Dati-rati ay agad-agad itong himih

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 4

    Wow, bes. Hindi ko akalaing may tapang kang harapin at sabihin lahat ng‘yon kay Marco kanina. Imagine sa limang taon puro pagtitiis ang ginawa mo,” wika ni Jane habang binabaybay nila ang daan pauwi sakay ng sasakyan ng huli. “Siguro sobrang nainsulto lang ako na pati ang mga naiwan ni nanay ay interesado ang babaeng ‘yon,” tugon niya sa kaibigan na kinuha ang kuwintas na binaklas mula sa leeg ni Winona. “Sabagay, deserve ng gagang ‘yon. Masyado niyang manipulate si Marco dahil sa sakit niya. At ang tangang Marco, naturingang matalino at magaling sa negosyo naniwala naman sa kapritso ng babaeng ‘yon. Bagay nga sila.” Napabuntonghininga na lamang si Lilian pero hindi rin nawala na mag-allaa siya para sa anak. Kinagabihan, umuwi si Marco at sumalubong sa kanya ang katahimikan sa buong bahay na nagdulot sa kanya ng labis na pagtataka. Napakunot ang noong tinungo niya ang dining area, at dumiretso ng kusina pero wala itong katao-tao. Wala ring pagkaing nakahanda na sadyang nakapagtat

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status