Share

Chapter 6

Author: rainheart
last update Huling Na-update: 2025-11-10 08:54:20

Nagngingit na sinundan na lamang na tiningnan si Lilian bago pa man tumalikod ang mga ito para umalis.

“Mom, ayaw mo talagang humingi ng sorry kay Tita Winona?” tawag ni Justine na tiyak ang katanungan.

Bahagyang napatigil si Lilian sa paghakbang perp nanatili lamang siyang ganoon ng ilang segundo bago tuluyang lumayo kasama si Dave. Ni hindi niya nilingon si Justine kahit durog na durog na ang kanyang puso dahil mahal na mahal niya ang kanyang anak.

Naiwan namang naguguluhan ang bata sa inasta ng ina sa kanya. Napaisip tuloy siyang may kakaiba rito.

Nang makita ni Winona na nakasunod ang tingin ng mag-ama kay Lilian ay agad nitong inagaw ang kanilang pansin.

“Aray!” Daing ni Winona, hawak ang kanyang binti.

Nagtagumpay naman siya sa ginawa dahil mabilis pa sa alas-kuwatrong dinaluhan siya ng mag-ama. Lihim siyang matagumpay na ngumiti.

“Justine, you stay here. Kailangan ko lamg lapatan ng pang-unang lunas si Tita Winona mo,” bilin ni Marco sa anak.

Pagkaalis nina Marco at Winona ay narinig ni Justine ang usapan ng mag-inang nasa kabilang mesa. Ang babae ay mga nasa late thirties ang edad, at ang batang lalaki ay mga nasa walong taong gulang.

“Tonton, nakita mo ‘yon? Mas matanda ka pa yata sa kanya pero marunong na siyang ipagtanggol ang kanyang nanay at pinaalis ang kabit.”

“Matuto ka sa kanya para sa pagkikita niyo ng kabit sa susunod. Maging matapang ka. Naintindihan mo?”

Tumango-tango naman ang batang tinawag na Tonton.

Pagkaraan ng ilang sandali, nakita nilang nakatingin si Justine kaya agad itong nilapitan ng batang si Tonton.

“Bata, ang galing mo don ah. Paano mo nagawa ‘yon?

“Ang alin po?” Balik-tanong ni Justine na nagtattaka sa sinabi ng batang si Tonton.

“Yung pagpaalis mo sa kabit at pagtanggol mo sa nanay mo,” tugon ni Tonton.

“Kabit?”

Magkasalubong ang kilay ni Justine dahil hindi niya naunawaan ang sinasabi sa kanya kaya ipinaliwanag ito pinaliwagan ni Tonton.

“Ang kabit, sila ‘yung sumisira sa isa pamilya. Sinisira nila ang relasyon ng mommy at daddy mo kaya nasasaktan ang mommy mo.”

“Masama ang mga kabit. Kailan lang may babaeng habol nang habol sa daddy ko kaso hindi ko alam kung paano siya ilayo kay Dad.” Patuloy pa ni Tonton sa nakikinig lamang na si Justine pero unti-unti siyang naguguluhan sa mga sinasabi ng kaharap.

“Pwede mo ba akong turuan? Kanina lang ang galing mong ipagtanggol at protektahan ang mommy mo. Napaalis mo agad ang kabit kaya naging okay ulit ang mommy at daddy mo.”

“Okay ulit sina mommy at daddy?”

Pero umalis si momny.

Nagtataka si Tonton sa naging sagot ni Justine.

“Hindi ba umalis na ang kabit? At ang daddy mo ay umalis para gamutin ang mommy mo?”

Napagkamalan ni Tonton na mommy ni Justine si Winona.

Gulong-gulo na ang isipan ni Justine pero siya namang paglapit ng ina ni Tonton.

“Hijo, ang galing mo kania sa pagprotekta sa pamilya niyo,” wika nito kay Justine na hinawakan pa sya sa braso na parang matagal na silang magkakilala. “Itong si Tonton, binigyan lang ng candy nong kabit, eh naging mabait na dw ito sa kanya.”

Napakamot naman sa ulo si Tonton at nagwika, “ayaw mo kasi akong kumain ng candy.”

“Ayaw ko lang masira ang mga ngipin mo. Paglaki mo, makakain mo na lahat ng candy na gusto mo. Para rin sa kabutihan mo kaya hindi kita pinapayagang kumain ng matatamis.”

Napayakap si Tonton sa kanyang ina. “Nauunawaan ko na ngayon kung bakit mo ako pinagbabawalang kumain ng matatamis, mom. Huwag ka na pong magalit.”

“Hindi ako galit. Pinagsasabihan lang kita kung anong makakabuti para sa ‘yo.”

Muling nagyakap ang mag-ina habang nakatanghod si Justine sa kanila na nagsisimula ng malito sa sitwasyon na sinabi ng batang si Tonton.

Samantala, asikasong-asikaso ni Marco si Winona habang nilalapatan ng paunang-lunas sa isang bahagi ng cafe kung saan nakalaan para sa mga emrrgency.

“Okay na ako, Marco. Bumaba lang ang sugar ko kaya mabuway kanina ang tayo ko na ikinatumba ko,” wika ni Winona sa nag-aalalang lalaki. Ipinipilit kasi nito na dalahin siya sa ospital.

“Huwag matigas ang ulo. Napapadalas na ang pagkahilo mo ah.”

“I’m okay. Pangako, bukas magpapaospital na ako.” Itinaas pa ni Winona ang kanang kamay tanda ng kanyang pangako. “Balikan na muna natin si Justine dahil hindi pa kumakain ‘yung bata.”

Naabutan nilang nakaupo si Justine sa lugar kung saan nila ito iniwan. Nakapangalumbaba ito na nakaharap sa bintana at nakatanaw sa labas. Puno ng pagkalito ang ekspresyon nito. Hindi ito napansin ni Marco at nilapitan ang anak at kinausap.

“Justine, dadalhin ko muna si Tita Winona mo sa ospital fie check up saka tayo kumain.” May giit na sabi ni Marco sa anak.

Walang reaksyon ang bata na dahan-dahang tumayo. Sumagi sa isip nito ang ina; si Lilian. Sa mga panahong lumalabas sila, pinapakain muna siya nito ng light snack bago sila umalis para raw sa mga sitwasyong hindi agad sila makakain. Madalas kapag may plano silang lumabas ng susunod na araw, inihahanda na nito ang ipapabaon sa kanya sa gabi bago ito matulog. Ayon dito, kailangan niyang mag-ingat sa pagkain dahil sa mahina ang tiyan nito lalo na sa mga matatamis. Sa katagalan, napagod ang bata sa mga pagkaing halos pare-pareho na inihahanda ni Lilian lalo na’t sa labas ay mas maraming masasarap na pagkain at natutukso siyang kumain.

Napansin ni Winona ang katamlayan ng bata kaya lumapit siya dito.

“Justine, are you okay? Gutom ka na ba?” Tanong niya sa bata na pinakiramdamam pa ito gamit ang palad na idinaiti sa noo nito. “Gusto mong kumain muna tayo?”

“Winona, your health is more important. Justine’s hunger can wait. Besides, it’s still early,” pigil ni Marco sa babae na sinilip pa ang oras sa relo.

“Justine, let’s go. Ibibili na lang kita ng strawberry cake para may kakainin ka habang nagbabiyahe tayo,” muling sabu ni Winona at hinawakan ang kamay ni Justine para akayin ito s apaglalakad.

“Okay!”

Madalas nagtatalon sa tuwa si Justine kapag marinig na bibili sila ng strawberry cake dahil paborito niya ito. Sa pagkakataong ito ay maikli lamang ang kanyang naging tugon na labis namang ipinagtataka ni Winona pero ipinagsawalang-bahala na lamang niya ito.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 9

    Isa sa mga pribadong silid kung saan sina Lilian at Jane at napag-usapan nilang sulitin ang gabing iyon sa pagsasaya. Hinihikayat din ni Jane si Lilian para kumuha sila ng lalaking mag-e-entertain sa kanila pero tumanggi si Lilian. “Ayaw kong mahanapan ni Marco ng butas ang pakikipaghiwalay ko sa kanya. Hangga’t maari, ayaw ko siyang bigyan ng rason para ibalik sa akin ang lahat.” “Sabagay. May ugali pa naman ‘yang tatay ng anak mo. Ewan ko ba at minahal mo ‘yon,” sang-ayon naman ni Jane sa kaibigan. Saglit silang natahimik habang inumpisahan na nilang inumin ang alak na kanilang inorder at namili ng kakantahin sa videoke nang tumunog ang mobile phone ni Lilian. “Saglit lang Jane, sasagutin ko lang. Si Dave ang tumatawag. “Walang problema.” Lumabas si Lilian at naghanap ng tahimik na lugar para sagutin ang tawag ni Dave. “Hello, Kuya?” “Maka-kuya ka naman. May good news ako Lilian. Matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng sariling studio.” Masayang wika nito kay Lilian. “T

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 8

    Ipinagluto ng katulong si Justine ng simpleng pagkain para makapag-almusal na ito. Habang kumakain ito ay pinagmamasdan naman siya ni Marco sa kabilang bahagi ng mesa. Pag-angat ng kanyang tingin ay nakita ni Justine ang matiim ng ama sa kanya kaya muli itong yumuko at kumain nang kumain. Hindi na kayang salubungin ang mga tinging ipinukol ng ama. “Ang mommy mo ba ang nagturo sa ‘yo ng mga sinabi mo kahapon?” “Hindi po si mommy, dad. Narinig ko po doon sa—“Simula sa araw na ito, doon ka muna mamalagi sa lola mo sa malaking bahay,” agaw ni Marco. Ito ang paraang naisip niya para umuwi si Lilian. Alam niyang hindi kayang tiisin ng babae ang anak. Naalala pa niya, noong itinulak daw ng asawa si Winona sa pool ay pinarusahan niya ito sa pamamagitan ng pagpapadala kay Justine sa bahay ng mga magulang. Hindi nito natiis at nagmamakaawang papasukin doon nang malamang maysakit ang anak. Nagpakabasa ito sa ulan sa pagmamakaawa sa labas ng gate ng bahay ng kanyang mga magulang hanggang sa pi

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 7

    Sa sasakyan papuntang ospital, nakaupo si Winona sa passenger seat katabo ni Marco na nagmamaneho. Kahit kasama nila noon si Lilian ay sa harapan pa rin siya nakaupo. Dahilan nito ay nahihilo siya kapag nasa likuran siya. Samantalang nasa likod naman si Justine na hawak ang strawberry cake na binili nila sa cafe bago sila umalis. Panay ang lingon sa kanya ni Winona para paalalahanan. “Justine, dahan-dahan sa pagkain ha,” wika dito ni Winona. Nakatingin si Justine sa cake, naalala nito ang sinabi ng ina ni Tonton kung bakit hindi niya pinapayagan si Tonton na kumain ng matamis. “Tita Winona, kabit ka po ba?” Parehong nagulat sina Marco at Winona sa biglaang tanong ni Justine. Hindi nakahuma si Winona at naisip na baka mali lamang siya ng pagkakarinig. “Ano ulit ‘yon, Justine?” “Kabit ka po ba?” Inosenting muling tanong ng bata. Parang itinulos si Winona sa kinauupuan nang marinig ang tanong ni Justine. Hindi niya napaghandaan ang matanong siya ng bata tungkol sa bagay na it

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 6

    Nagngingit na sinundan na lamang na tiningnan si Lilian bago pa man tumalikod ang mga ito para umalis. “Mom, ayaw mo talagang humingi ng sorry kay Tita Winona?” tawag ni Justine na tiyak ang katanungan. Bahagyang napatigil si Lilian sa paghakbang perp nanatili lamang siyang ganoon ng ilang segundo bago tuluyang lumayo kasama si Dave. Ni hindi niya nilingon si Justine kahit durog na durog na ang kanyang puso dahil mahal na mahal niya ang kanyang anak. Naiwan namang naguguluhan ang bata sa inasta ng ina sa kanya. Napaisip tuloy siyang may kakaiba rito. Nang makita ni Winona na nakasunod ang tingin ng mag-ama kay Lilian ay agad nitong inagaw ang kanilang pansin. “Aray!” Daing ni Winona, hawak ang kanyang binti. Nagtagumpay naman siya sa ginawa dahil mabilis pa sa alas-kuwatrong dinaluhan siya ng mag-ama. Lihim siyang matagumpay na ngumiti. “Justine, you stay here. Kailangan ko lamg lapatan ng pang-unang lunas si Tita Winona mo,” bilin ni Marco sa anak. Pagkaalis nina Marco at Win

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 5

    Sabay na napatingin sina Lilian at Dave sa pinanggalingan ng boses. Si Marco Santander. Napalingon din pati ang mangilan-ngilang tao na nasa loob ng cafe dahil sa dumagundong na boses ni Marco. Malalaki ang hakbang nitong papalapit sa kanila at magkasalubong ang kilay. “Bakit mo itinulak si Winona?” Agad na akusa nito kay Lilian habang dinaluhan si Winona na nakasalampak pa rin sa sahig. “Aba malay ko diyan? Hindi ko siya tinulak. Kaya siguro siya natumba kasi mahina na siya, ‘di ba? At malapit ng mamatay,” tugon ni Lilian na matapang na sinalubong ang mga galit na titig ni Marco. “Sumusobra ka na, Lilian!” Muling singhal ni Marco na tuluyan nang naitayo si Winona. “Marco, huwag ka ng magalit. Tama naman si Lilian, mahina na ako kaya siguro ako natumba kahit bahagyang hawak lang,” malumanay na sabad naman ni Winona. “Humingi ka ng pasensiya.” Utos ni Marco kay Lilian. Pero hindi nawala ang kanyang pagtataka dahil sa pagbabago sa ikinikilos nito. Dati-rati ay agad-agad itong himih

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 4

    Wow, bes. Hindi ko akalaing may tapang kang harapin at sabihin lahat ng‘yon kay Marco kanina. Imagine sa limang taon puro pagtitiis ang ginawa mo,” wika ni Jane habang binabaybay nila ang daan pauwi sakay ng sasakyan ng huli. “Siguro sobrang nainsulto lang ako na pati ang mga naiwan ni nanay ay interesado ang babaeng ‘yon,” tugon niya sa kaibigan na kinuha ang kuwintas na binaklas mula sa leeg ni Winona. “Sabagay, deserve ng gagang ‘yon. Masyado niyang manipulate si Marco dahil sa sakit niya. At ang tangang Marco, naturingang matalino at magaling sa negosyo naniwala naman sa kapritso ng babaeng ‘yon. Bagay nga sila.” Napabuntonghininga na lamang si Lilian pero hindi rin nawala na mag-allaa siya para sa anak. Kinagabihan, umuwi si Marco at sumalubong sa kanya ang katahimikan sa buong bahay na nagdulot sa kanya ng labis na pagtataka. Napakunot ang noong tinungo niya ang dining area, at dumiretso ng kusina pero wala itong katao-tao. Wala ring pagkaing nakahanda na sadyang nakapagtat

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status