Share

Chapter 5

Author: rainheart
last update Huling Na-update: 2025-11-08 13:46:34

Sabay na napatingin sina Lilian at Dave sa pinanggalingan ng boses. Si Marco Santander. Napalingon din pati ang mangilan-ngilang tao na nasa loob ng cafe dahil sa dumagundong na boses ni Marco. Malalaki ang hakbang nitong papalapit sa kanila at magkasalubong ang kilay.

“Bakit mo itinulak si Winona?” Agad na akusa nito kay Lilian habang dinaluhan si Winona na nakasalampak pa rin sa sahig.

“Aba malay ko diyan? Hindi ko siya tinulak. Kaya siguro siya natumba kasi mahina na siya, ‘di ba? At malapit ng mamatay,” tugon ni Lilian na matapang na sinalubong ang mga galit na titig ni Marco.

“Sumusobra ka na, Lilian!” Muling singhal ni Marco na tuluyan nang naitayo si Winona.

“Marco, huwag ka ng magalit. Tama naman si Lilian, mahina na ako kaya siguro ako natumba kahit bahagyang hawak lang,” malumanay na sabad naman ni Winona.

“Humingi ka ng pasensiya.” Utos ni Marco kay Lilian. Pero hindi nawala ang kanyang pagtataka dahil sa pagbabago sa ikinikilos nito. Dati-rati ay agad-agad itong himihingi ng paumanhin sa lahat ng maling nagawa kesehodang luluhod pa ito na may kasamang pagmamakaawa, patawarin lamang niya.

“Hindi po ba mommy, ang sabi niyo humingi ng patawad kapag nakagawa ng mali? Iyon po ang turo mo sa akin.” Lumabas sa likuran ni Marco ang anak nilang si Justine na hindi agad niya napansing kasama pala ito ng lalaki.

Napangiti si Lilian. “Oo, iyan nga ang itinuro ko sa ‘yo pero. . .bakit ako hihingi ng patawad kung wala naman akong nagawang mali?” Kausap niya sa anak.

“Itinulak mo po si Tita Winona. Alam niyo pong may sakit po siya pero sinaktan niyo pa rin,” muling wika ni Justine.

Kitang-kita ni Lilian ang matinding pag-aalala sa mga mata ng kanyang anak. Kagaya nang minsan silang nagkasamang mamasyal sa park noon para ipasyal si Winona pero dahil sa mainit ang panahon, bumigay ang katawan nito at nawalan ng malay. Agad itong dinaluhan ng kanyang mag-ama at naitulak pa siya ni Marco dahil nakaharang siya kay Winona dahilan para magkaroon siya ng gasgas sa tuhod at siko. Ni hindi iyon napansin ng kanyang mag-ama. Nagtanong pa nga si Marco kung paano siyang nagkaroon ng mga sugat.

“I’m fine, Justine. Mabuway lang ang pagkakatayo ko kaya nabuwal ako. Walang kasalanan ang mommy mo.”

Mahinang boses na pumutol sa guni-guni ni Lilian.

“No! Nakita ko. Itinulak la niya.” Tugon ni Justine na masakit ang tingin sa sariling ina. “Mommy, ang sabi mo humingi ng patawad kung nagkamali. Itinuro mo sa akin ‘yan.”

Hindi makapaniwala si Lilian na masabi iyon ng anak sa kanya. Parang matanda itong magsalita. Tila ba hindi ito limang-taong gulang pa lamang.

Sabi nga ng nanay ni Marco, namana ng kanilang anak ang katalinuhan sa mga Santander pero bilang magulang ay kailangan niya ring maging mabuting halimbawa para sa anak.

Muli siyang tumingin sa anak na ngayon ay nasa tabi na nina Winona at Marco. Hawak nilang mag-ama ang babae na animo’y isang buong pamilya na sila. Kahit pa sinabi niyang hahayaan na niya ang kanyang mag-ama sa kung anong ikaliligaya nila, hindi pa rin maiwasang masaktan ni Lilian. Tila ba hindi na siya ang ina ng batang naging dahilan para tumigil siya sa kanyang trabaho para pagtuunan ang pag-aalaga dito.

“Tama ka, Justine. Mali ang hindi paghingi ng tawad pero hindi rin tama ang humingi ng tawad kung wala kang nagawang kasalanan,” wika niya sa anak.

“Pero itinulak mo nga si Tita Winona, kitang-kita ko,” giit ng bata.

“Oo, mali ang pananakit ng iba pero itinuro ko rin sa ‘yo noon na hindi mali ang patulan ang mga bully lalo na kung sumusobra na sila.”

Hindi nakasagot si Justine, bagkus natameme itong parang napaisip kung tama ba ang narinig o hindi.

“Justine, huwag mong kausapin ang nanay mo ng ganyan. Ina mo siya at dapat mong respetuhin,” wika ni Dave na hindi na natiis na hindi sumabad sa usapan ng mag-ina.

“Ikaw? Bakit ka nandito?” Mulagat ang mga matang naitanong ni Marco, kay Dave.

“Bakit? Masama bang dito ako? This is a cafe and open for the public who wants to chill,” seryosong tugon ni Dave.

“Uncle Dave?”

Kumaway lamang si Dave sa bata bago muling sinalubong ang mga tingin ni Marco.

“Bakit kayo magkasama ni, Lilian?” Muling tanong ni Marco.

“Masama ba? If you’re open to see your ex-girlfriend, why is it wrong to see my childhood friend?” sarkastikong sagot ni Dave.

Una palang na pagkikita ng dalawang lalaki ay ayaw na agad ni Marco kay Dave. Mabigat ang loob niya dito kahit alam niyang kaibigan ito ni Lilian mula kabataan nila. Mula noong lagi itong nababanggit ni Lilian ay ipinagbawal na niya ang pakikipagkita niya dito o kahit tawag man lamang.

Ayon kay Lilian, ulila na ito bata pa lang. Pinalaki ito ng kanyang lolo at lola pero nasa high school sila nang bawian naman ng buhay ang mga matanda. Doon ito nakilala at natagpuan ng ina ni Lilian. Itinuring niya itong parang sariling anak pero dahil siguro sa mga dagok sa kanyang buhay ay bihira itong magsalita at hindi masyadong nakikihalu-bilo. Mga tatlong taon din ang nakalipas bago nakuha ni Lilian ang loob nito, at doon sila sabay na tinuruan ng ina ni Lilian na magtugtog ng violin.

Magkasunod na tinalikuran nina Lilian at Dave ang kanyang mag-ama kasama si Winona.

“Bumalik ka dito, Lilian.”

Napatigil sa paghakbang ang babae at bahagyang lumingon.

“Hindi maari. Kailangan pa naming kumain.”

Iyon lang at muli niyang ibinaling ang tingin kay Dave.

“Babalik ka o pagsisihan mo ang lahat pagkatapos.”

Kung noong panahon siguro, agad-agad ay susundin niya ang utos ni Marco dahil sa anak nila pero isinuko na niya ang lahat.

“No!”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 9

    Isa sa mga pribadong silid kung saan sina Lilian at Jane at napag-usapan nilang sulitin ang gabing iyon sa pagsasaya. Hinihikayat din ni Jane si Lilian para kumuha sila ng lalaking mag-e-entertain sa kanila pero tumanggi si Lilian. “Ayaw kong mahanapan ni Marco ng butas ang pakikipaghiwalay ko sa kanya. Hangga’t maari, ayaw ko siyang bigyan ng rason para ibalik sa akin ang lahat.” “Sabagay. May ugali pa naman ‘yang tatay ng anak mo. Ewan ko ba at minahal mo ‘yon,” sang-ayon naman ni Jane sa kaibigan. Saglit silang natahimik habang inumpisahan na nilang inumin ang alak na kanilang inorder at namili ng kakantahin sa videoke nang tumunog ang mobile phone ni Lilian. “Saglit lang Jane, sasagutin ko lang. Si Dave ang tumatawag. “Walang problema.” Lumabas si Lilian at naghanap ng tahimik na lugar para sagutin ang tawag ni Dave. “Hello, Kuya?” “Maka-kuya ka naman. May good news ako Lilian. Matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng sariling studio.” Masayang wika nito kay Lilian. “T

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 8

    Ipinagluto ng katulong si Justine ng simpleng pagkain para makapag-almusal na ito. Habang kumakain ito ay pinagmamasdan naman siya ni Marco sa kabilang bahagi ng mesa. Pag-angat ng kanyang tingin ay nakita ni Justine ang matiim ng ama sa kanya kaya muli itong yumuko at kumain nang kumain. Hindi na kayang salubungin ang mga tinging ipinukol ng ama. “Ang mommy mo ba ang nagturo sa ‘yo ng mga sinabi mo kahapon?” “Hindi po si mommy, dad. Narinig ko po doon sa—“Simula sa araw na ito, doon ka muna mamalagi sa lola mo sa malaking bahay,” agaw ni Marco. Ito ang paraang naisip niya para umuwi si Lilian. Alam niyang hindi kayang tiisin ng babae ang anak. Naalala pa niya, noong itinulak daw ng asawa si Winona sa pool ay pinarusahan niya ito sa pamamagitan ng pagpapadala kay Justine sa bahay ng mga magulang. Hindi nito natiis at nagmamakaawang papasukin doon nang malamang maysakit ang anak. Nagpakabasa ito sa ulan sa pagmamakaawa sa labas ng gate ng bahay ng kanyang mga magulang hanggang sa pi

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 7

    Sa sasakyan papuntang ospital, nakaupo si Winona sa passenger seat katabo ni Marco na nagmamaneho. Kahit kasama nila noon si Lilian ay sa harapan pa rin siya nakaupo. Dahilan nito ay nahihilo siya kapag nasa likuran siya. Samantalang nasa likod naman si Justine na hawak ang strawberry cake na binili nila sa cafe bago sila umalis. Panay ang lingon sa kanya ni Winona para paalalahanan. “Justine, dahan-dahan sa pagkain ha,” wika dito ni Winona. Nakatingin si Justine sa cake, naalala nito ang sinabi ng ina ni Tonton kung bakit hindi niya pinapayagan si Tonton na kumain ng matamis. “Tita Winona, kabit ka po ba?” Parehong nagulat sina Marco at Winona sa biglaang tanong ni Justine. Hindi nakahuma si Winona at naisip na baka mali lamang siya ng pagkakarinig. “Ano ulit ‘yon, Justine?” “Kabit ka po ba?” Inosenting muling tanong ng bata. Parang itinulos si Winona sa kinauupuan nang marinig ang tanong ni Justine. Hindi niya napaghandaan ang matanong siya ng bata tungkol sa bagay na it

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 6

    Nagngingit na sinundan na lamang na tiningnan si Lilian bago pa man tumalikod ang mga ito para umalis. “Mom, ayaw mo talagang humingi ng sorry kay Tita Winona?” tawag ni Justine na tiyak ang katanungan. Bahagyang napatigil si Lilian sa paghakbang perp nanatili lamang siyang ganoon ng ilang segundo bago tuluyang lumayo kasama si Dave. Ni hindi niya nilingon si Justine kahit durog na durog na ang kanyang puso dahil mahal na mahal niya ang kanyang anak. Naiwan namang naguguluhan ang bata sa inasta ng ina sa kanya. Napaisip tuloy siyang may kakaiba rito. Nang makita ni Winona na nakasunod ang tingin ng mag-ama kay Lilian ay agad nitong inagaw ang kanilang pansin. “Aray!” Daing ni Winona, hawak ang kanyang binti. Nagtagumpay naman siya sa ginawa dahil mabilis pa sa alas-kuwatrong dinaluhan siya ng mag-ama. Lihim siyang matagumpay na ngumiti. “Justine, you stay here. Kailangan ko lamg lapatan ng pang-unang lunas si Tita Winona mo,” bilin ni Marco sa anak. Pagkaalis nina Marco at Win

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 5

    Sabay na napatingin sina Lilian at Dave sa pinanggalingan ng boses. Si Marco Santander. Napalingon din pati ang mangilan-ngilang tao na nasa loob ng cafe dahil sa dumagundong na boses ni Marco. Malalaki ang hakbang nitong papalapit sa kanila at magkasalubong ang kilay. “Bakit mo itinulak si Winona?” Agad na akusa nito kay Lilian habang dinaluhan si Winona na nakasalampak pa rin sa sahig. “Aba malay ko diyan? Hindi ko siya tinulak. Kaya siguro siya natumba kasi mahina na siya, ‘di ba? At malapit ng mamatay,” tugon ni Lilian na matapang na sinalubong ang mga galit na titig ni Marco. “Sumusobra ka na, Lilian!” Muling singhal ni Marco na tuluyan nang naitayo si Winona. “Marco, huwag ka ng magalit. Tama naman si Lilian, mahina na ako kaya siguro ako natumba kahit bahagyang hawak lang,” malumanay na sabad naman ni Winona. “Humingi ka ng pasensiya.” Utos ni Marco kay Lilian. Pero hindi nawala ang kanyang pagtataka dahil sa pagbabago sa ikinikilos nito. Dati-rati ay agad-agad itong himih

  • My Billionaire Husband Doted his First Love   Chapter 4

    Wow, bes. Hindi ko akalaing may tapang kang harapin at sabihin lahat ng‘yon kay Marco kanina. Imagine sa limang taon puro pagtitiis ang ginawa mo,” wika ni Jane habang binabaybay nila ang daan pauwi sakay ng sasakyan ng huli. “Siguro sobrang nainsulto lang ako na pati ang mga naiwan ni nanay ay interesado ang babaeng ‘yon,” tugon niya sa kaibigan na kinuha ang kuwintas na binaklas mula sa leeg ni Winona. “Sabagay, deserve ng gagang ‘yon. Masyado niyang manipulate si Marco dahil sa sakit niya. At ang tangang Marco, naturingang matalino at magaling sa negosyo naniwala naman sa kapritso ng babaeng ‘yon. Bagay nga sila.” Napabuntonghininga na lamang si Lilian pero hindi rin nawala na mag-allaa siya para sa anak. Kinagabihan, umuwi si Marco at sumalubong sa kanya ang katahimikan sa buong bahay na nagdulot sa kanya ng labis na pagtataka. Napakunot ang noong tinungo niya ang dining area, at dumiretso ng kusina pero wala itong katao-tao. Wala ring pagkaing nakahanda na sadyang nakapagtat

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status