LOGIN“Lilian, sino itong sinasabi mong mamamatay? Si Winona ba ang tinutukoy mo? Ganyan na lang ba ang galit mo sa kanya para hilingin mong mamatay na siya?” Halos lumuwa ang mga mata ni Marco sa galit at dumagundong ang boses sa loob ng washroom dahil sa narinig kay Lilian. “Ikaw pa ang may ganang magsabi niya eh, ikaw nga dito ‘yung may asawang tao pero nandito para magpakasaya imbis alagaan ang anak.” Nanggagalaiti namang sabi ni Jason na nakasunod sa kapatid. Lumapit naman agad si Winona kay Marco at kumapit sa braso nito. “Hayaan niyo na siya. May hindi lang kami pagkakaintindihan na dalawa,” malumanay nito wika sa dalawang lalaki. Napaismid naman na nilingon sila ni Lilian sabay taas ng kilay nang magtagpo ang tingin nila ni Marco. Alam niyang pinaplastik lamang sila ni Lilian pero hindi niya alam kung bakit naging tanga si Marco na hindi nahalatang puro pagkukunwari lamang ang pinapakita ni Lilian. O baka sadyang magaling lang si Lilian kaya siya lamang na kapwa babae nito ang
Isa sa mga pribadong silid kung saan sina Lilian at Jane at napag-usapan nilang sulitin ang gabing iyon sa pagsasaya. Hinihikayat din ni Jane si Lilian para kumuha sila ng lalaking mag-e-entertain sa kanila pero tumanggi si Lilian. “Ayaw kong mahanapan ni Marco ng butas ang pakikipaghiwalay ko sa kanya. Hangga’t maari, ayaw ko siyang bigyan ng rason para ibalik sa akin ang lahat.” “Sabagay. May ugali pa naman ‘yang tatay ng anak mo. Ewan ko ba at minahal mo ‘yon,” sang-ayon naman ni Jane sa kaibigan. Saglit silang natahimik habang inumpisahan na nilang inumin ang alak na kanilang inorder at namili ng kakantahin sa videoke nang tumunog ang mobile phone ni Lilian. “Saglit lang Jane, sasagutin ko lang. Si Dave ang tumatawag. “Walang problema.” Lumabas si Lilian at naghanap ng tahimik na lugar para sagutin ang tawag ni Dave. “Hello, Kuya?” “Maka-kuya ka naman. May good news ako Lilian. Matutupad na ang pangarap kong magkaroon ng sariling studio.” Masayang wika nito kay Lilian. “T
Ipinagluto ng katulong si Justine ng simpleng pagkain para makapag-almusal na ito. Habang kumakain ito ay pinagmamasdan naman siya ni Marco sa kabilang bahagi ng mesa. Pag-angat ng kanyang tingin ay nakita ni Justine ang matiim ng ama sa kanya kaya muli itong yumuko at kumain nang kumain. Hindi na kayang salubungin ang mga tinging ipinukol ng ama. “Ang mommy mo ba ang nagturo sa ‘yo ng mga sinabi mo kahapon?” “Hindi po si mommy, dad. Narinig ko po doon sa—“Simula sa araw na ito, doon ka muna mamalagi sa lola mo sa malaking bahay,” agaw ni Marco. Ito ang paraang naisip niya para umuwi si Lilian. Alam niyang hindi kayang tiisin ng babae ang anak. Naalala pa niya, noong itinulak daw ng asawa si Winona sa pool ay pinarusahan niya ito sa pamamagitan ng pagpapadala kay Justine sa bahay ng mga magulang. Hindi nito natiis at nagmamakaawang papasukin doon nang malamang maysakit ang anak. Nagpakabasa ito sa ulan sa pagmamakaawa sa labas ng gate ng bahay ng kanyang mga magulang hanggang sa pi
Sa sasakyan papuntang ospital, nakaupo si Winona sa passenger seat katabo ni Marco na nagmamaneho. Kahit kasama nila noon si Lilian ay sa harapan pa rin siya nakaupo. Dahilan nito ay nahihilo siya kapag nasa likuran siya. Samantalang nasa likod naman si Justine na hawak ang strawberry cake na binili nila sa cafe bago sila umalis. Panay ang lingon sa kanya ni Winona para paalalahanan. “Justine, dahan-dahan sa pagkain ha,” wika dito ni Winona. Nakatingin si Justine sa cake, naalala nito ang sinabi ng ina ni Tonton kung bakit hindi niya pinapayagan si Tonton na kumain ng matamis. “Tita Winona, kabit ka po ba?” Parehong nagulat sina Marco at Winona sa biglaang tanong ni Justine. Hindi nakahuma si Winona at naisip na baka mali lamang siya ng pagkakarinig. “Ano ulit ‘yon, Justine?” “Kabit ka po ba?” Inosenting muling tanong ng bata. Parang itinulos si Winona sa kinauupuan nang marinig ang tanong ni Justine. Hindi niya napaghandaan ang matanong siya ng bata tungkol sa bagay na it
Nagngingit na sinundan na lamang na tiningnan si Lilian bago pa man tumalikod ang mga ito para umalis. “Mom, ayaw mo talagang humingi ng sorry kay Tita Winona?” tawag ni Justine na tiyak ang katanungan. Bahagyang napatigil si Lilian sa paghakbang perp nanatili lamang siyang ganoon ng ilang segundo bago tuluyang lumayo kasama si Dave. Ni hindi niya nilingon si Justine kahit durog na durog na ang kanyang puso dahil mahal na mahal niya ang kanyang anak. Naiwan namang naguguluhan ang bata sa inasta ng ina sa kanya. Napaisip tuloy siyang may kakaiba rito. Nang makita ni Winona na nakasunod ang tingin ng mag-ama kay Lilian ay agad nitong inagaw ang kanilang pansin. “Aray!” Daing ni Winona, hawak ang kanyang binti. Nagtagumpay naman siya sa ginawa dahil mabilis pa sa alas-kuwatrong dinaluhan siya ng mag-ama. Lihim siyang matagumpay na ngumiti. “Justine, you stay here. Kailangan ko lamg lapatan ng pang-unang lunas si Tita Winona mo,” bilin ni Marco sa anak. Pagkaalis nina Marco at Win
Sabay na napatingin sina Lilian at Dave sa pinanggalingan ng boses. Si Marco Santander. Napalingon din pati ang mangilan-ngilang tao na nasa loob ng cafe dahil sa dumagundong na boses ni Marco. Malalaki ang hakbang nitong papalapit sa kanila at magkasalubong ang kilay. “Bakit mo itinulak si Winona?” Agad na akusa nito kay Lilian habang dinaluhan si Winona na nakasalampak pa rin sa sahig. “Aba malay ko diyan? Hindi ko siya tinulak. Kaya siguro siya natumba kasi mahina na siya, ‘di ba? At malapit ng mamatay,” tugon ni Lilian na matapang na sinalubong ang mga galit na titig ni Marco. “Sumusobra ka na, Lilian!” Muling singhal ni Marco na tuluyan nang naitayo si Winona. “Marco, huwag ka ng magalit. Tama naman si Lilian, mahina na ako kaya siguro ako natumba kahit bahagyang hawak lang,” malumanay na sabad naman ni Winona. “Humingi ka ng pasensiya.” Utos ni Marco kay Lilian. Pero hindi nawala ang kanyang pagtataka dahil sa pagbabago sa ikinikilos nito. Dati-rati ay agad-agad itong himih







