Share

Kabanata 2

Author: Elara Night
last update publish date: 2026-10-15 22:43:36

CELESTINA’S POV

Ibinaba ko ang food tray sa lamesa saka ako naupo. Ramdam ko naman ang titig ni Gavin sa akin kaya tiningnan ko siya.

“Are you okay?” Seryoso nitong tanong. Pinilit ko namang ngumiti saka tumango sa kaniya.

“Of course, I am. Ano nga palang ginagawa mo rito? Hindi pa kasi umuuwi si Kyle.”

“Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Kumusta ka naman dito?” Seryoso niyang sambit. Tipid akong ngumiti sa kaniya.

Ampon na anak ni Don Donato si Gavin. Isa rin siyang Valderama kaya magpinsan silang dalawa ni Kyle kahit na magkaibang dugo ang dumadaloy sa katawan nila.

“I’m fine,” tipid kong sagot sa kaniya saka ako kumain ng inihain kong meryenda para sa aming dalawa. Mariin pa rin ang titig niya sa akin. Alam niyang hindi ako nagsasabi ng totoo dahil alam naman ng lahat na ako lang ang may gusto sa kasal namin ni Kyle.

“Hindi ka pa rin ba niya tinatrato ng tama? Sinasaktan ka ba niya physically?” Tanong niya. Naalala ko naman ang nangyari sa kusina noong nakaraang gabi. Hindi niya man lang ako tinanong kung okay lang ba ako o kung nasaktan ba ako.

“No, hindi yun gagawin ni Kyle sa akin.” Sagot ko sa kaniya. Kinuha ko ang juice saka ko iyun ininom.

“Masaya ka ba talaga sa buhay na mayroon ka ngayon? Ikaw ang prinsesa ng mga Dizon Family. Hahayaan mo na lang ba masaktan ng paulit-ulit ng dahil lang kay Kyle? Celestina, marami pang mga lalaki diyan na pwede kang mahalin. Hanggang kailan ka magtitiis sa malamig na pagtrato ni Kyle sayo? Kilala ko si Kyle, he’s my cousin at mahalaga sa kaniya si Hazel. Hindi ka ba nasasaktan na si Hazel ang palagi niyang pinipili kaysa sayo na asawa niya?” May diing wika ni Gavin.

Masyado na ba talaga akong tanga? Manhid na ba ako para hindi ko maramdaman ang sakit?

Nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Gavin pero hindi ko pa rin magawang kamuhian si Kyle. Siya pa rin ang gusto ng puso ko at siya pa rin ang gusto kong makasama. Magigising pa ba talaga ako sa kahibangan kong ito? Sa katangahan kong ito?

“Paano ako magmamahal ng ibang lalaki kung si Kyle lang ang mahal ko?” Mahina kong sambit sa kaniya. Napapabuntong hininga na lang si Gavin na tila ba susuko na rin sa pag-aadvice sa akin para hiwalayan si Kyle.

Sa tuwing iniisip ko na makikipagdivorce ako kay Kyle, nasasaktan na ako. Palihim akong umiiyak sa gabi.

“Hanggang kailan ka magtitiis sa ganitong buhay, Celestina? Kailan ba huling umuwi si Kyle dito sa mansion?”

“Ano bang pakialam mo tungkol sa bagay na yan?” Sabay kaming napatingin ni Gavin kay Kyle nang bigla itong dumating at magsalita. “Ano bang ginagawa mo rito? Binebrain wash mo na naman ba ang isip ni Celestina?” Seryoso pa niyang dagdag.

“No, may pinag-uusapan lang kami. Hindi niya naman binebrainwash ang isip ko.” Ako na ang sumagot.

Malamig naman akong tiningnan ni Kyle. Wala man lang akong makitang ibang emosyon sa mga mata niya. Hanggang ngayon pa rin ba galit pa rin siya sa akin dahil pinilit ko si dad na kausapin siya para pakasalan ako?

“Siya ang kinakampihan? Kung ganun, magsama kayong dalawa.” May diin niyang wika saka ito umalis at umakyat na sa hagdan. Napapailing na lang si Gavin habang nakasunod ang paningin niya kay Kyle.

“Hindi ko alam kung paanong nagagawa ni Kyle na balewalain ka. You have an angelic face, Celestina. Inosente ka ring tingnan pero paanong napipigilan ni Kyle ang sarili niya na hindi ka magustuhan? Kung ako ang nasa pwesto ni Kyle, ako na siguro ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo.” Aniya, tipid na lang akong ngumiti.

Mabuti pa ang ibang lalaki ay naaapreciate ako pero ang sarili kong asawa? Mas pipiliin niyang umalis ng bahay kaysa ang makita at makasama ako.

“Pwede bang ihatid mo ako sa bahay namin? Tatlong buwan na kasi akong hindi umuuwi sa amin kaya gusto ko sanang bisitahin sila at magstay siguro ako dun ng isang linggo.” Pag-iiba ko na lang ng usapan.

Kunot noo naman akong tiningnan ni Gavin, bakas ang pagtataka sa mukha niya.

“Namiss ko lang si dad kaya gusto kong umuwi.” Pagdadahilan ko pero ang totoo ay gusto ko munang lumayo sa mansion na ito. Napakalaki ng mansion pero pakiramdam ko mag-isa lang ako palagi.

Palaging umaalis si Kyle kasama si Hazel samantala lang ako hindi man lang niya maibilhan kahit isang pirasong rose.

“Sigurado ka na bang uuwi ka?” Paninigurado niya. Tila ba hindi pa ako pinapaniwalaan. Tumango naman ako sa kaniya.

“Of course,” sagot ko.

“Kung ganun, ihahatid na kita. Igayak mo na ang mga gamit mo at hihintayin kita rito.” Tumango naman ako sa kaniya.

Iniwan ko siya sa sala at pumasok sa kwarto ko. Napakalawak ng kwarto ko pero mag-isa lang naman ako dun. Ni minsan ay hindi ko pa nakakatabi sa iisang kama si Kyle dahil ayaw niyang magsama kami sa iisang kama. Bawal din akong pumasok sa kwarto niya pero si Hazel,  nagagawa niyang makapasok kahit kailan niya gusto sa kwarto ni Kyle.

Inilagay ko na ang mga gamit ko sa maliit kong maleta. Marami pa naman akong mga gamit sa bahay namin kaya hindi ko kailangan ng maraming gamit na dadalhin. 

“Where are you going?” Mabilis akong napatingin ng Kyle ng marinig ko ang boses niya. Nakasandal siya sa gilid ng pintuan habang seryosong nakatingin sa akin. Nagsalubong ang mga kilay niya ng makita niya ang maleta ko.

“Aalis ka?” Tanong niya saka siya lumapit sa akin. Para naman akong mawawalan ng katawan habang papalapit siya sa akin.

Napaatras na lang ako at napasandal na lang ang mga kamay ko sa lamesa na nasa likuran ko. Sobrang lapit ng mukha ni Kyle sa akin at hindi na ako makahinga.

“U-Uwi lang ako sa bahay.” Nauutal ko pang sagot. Sa tuwing kakausapin niya ako, hindi ko alam kung anong isasagot ko ng hindi siya nagagalit sa akin. “T-Tatlong buwan na kasi akong hindi nakakauwi sa bahay kaya gusto ko sanang umuwi at magstay dun ng isang linggo. Ayaw mo naman akong makita diba? Aalis na lang muna ako para naman magstay ka na rito sa mansion na pag-aari niyo.” Dagdag kong sagot sa kaniya.

Hindi ko magawang salubungin ang mga tingin niya sa akin kaya napapayuko na lang ako.

“Sasamahan kita kung ganun. Kung gusto mong umuwi, sasama ako sayo.” Mabilis akong napatingin sa kaniya. Bakas ang pagtataka sa mukha ko.

Siya na ang nagsabi sa akin na ayaw niya akong makita. Nakikita niya pa lang ang mukha ko pero nasisira na ang araw niya kaya bakit naman siya sasama sa akin na umuwi sa bahay namin?

May nakain ba siyang panis na pagkain?

“Sasama ka sa akin?” Hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. “Bakit?” Nagtataka ko pang tanong sa kaniya. Ngayon ko lang natitigan ng malapitan ang mga mata niya. Kahit na palagi siyang seryoso at tila palaging galit, ang ganda pala ang mga mata niya.

“Because I’m your husband. Sa tingin mo ba matutuwa ang daddy mo kapag ikaw lang ang uuwi sa bahay niyo pagkatapos ng kasal nating dalawa?” Sagot niya.

Hindi naman ako nakasagot sa kaniya. Kunot noo lang akong nakatitig sa kaniya. Sa loob ng tatlong buwan na nakasama ko siya, kilala ko na siya. Halos isuka niya ako sa mansion na ‘to. Yun ba talaga ang dahilan niya o may iba pa siyang dahilan?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Billionaire Husband's Dark Secret   Kabanata 4

    CELESTINA’S POVSabay-sabay kaming kumain ng lunch. Tuwang-tuwa naman si dad. Namiss ko siya. Tatlong buwan ko siyang hindi nakita at nakasama. Hindi rin kami madalas mag-usap sa cellphone.“Kumusta na nga pala kayong dalawa? Kumusta ang pagsasama niyo bilang mag-asawa?” tanong niya saka niya kami tiningnan ni Kyle. Magkatabi kami ni Kyle habang na sa unahan naman si dad.“Okay naman dad. Medyo nag-aadjust pa kami pero masaya at okay naman kami.” Pagsisinungaling ko kahit na kabaliktaran ng sinabi ko ang totoong nangyayari sa amin ni Kyle. Naiintindihan ko naman na galit siya sa akin dahil natali siya sa babaeng hindi niya naman gusto.Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis na maging Mrs. Valderama. Kung hindi naman ako kayang mahalin ni Kyle, siguro ay kailangan kong tanggapin na balang araw ay maghihiwalay din kami.“Mabuti naman kung ganun. Hindi ka pa ba buntis? Hindi ka ba nagpunta rito para ibalita sa akin na magkakaroon na ako ng apo?” Biglang tanong ni dad. Bigla nam

  • My Billionaire Husband's Dark Secret   Kabanata 3

    KYLE’S POVNanguha lang ako ng ilang pirasong gamit ko. Ito na ang pagkakataon ko para makapasok sa bahay ng mga Dizon at baka sakaling may mahanap akong ebidensya laban sa pamilyang iyun.Hinding hindi ko sila mapapatawad sa pagpatay nila sa buong pamilya ko. Hanggang hulong hininga ko, hindi ko sila mapapatawad. Wala mang kasalanan si Celestina sa kasalanan ng pamilya niya pero isa pa rin siyang Dizon.Nagmula pa rin siya sa pamilyang labis kong kinamumuhian. Pumayag ako sa kasal namin para may makuha akong impormasyon laban sa pamilya niya. Kung noon niya pa sana naisipang umuwi sa bahay nila, nagawa ko na sana ang balak ko.Nang matapos kong igayak ang mga gamit ko ay bumaba na ako. Kita ko naman si Gavin na nasa sala pa rin at kinakausap si Celestina. Ano bang ginagawa ng lalaking yan dito sa mansion?Alam ko naman na hindi ako ang pakay niya rito kundi si Celestina. May gusto ba siya kay Celestina?Napapailing na lang ako. Kung gusto niya, angkinin niya kapag wala ng silbi sa ak

  • My Billionaire Husband's Dark Secret   Kabanata 2

    CELESTINA’S POVIbinaba ko ang food tray sa lamesa saka ako naupo. Ramdam ko naman ang titig ni Gavin sa akin kaya tiningnan ko siya.“Are you okay?” Seryoso nitong tanong. Pinilit ko namang ngumiti saka tumango sa kaniya.“Of course, I am. Ano nga palang ginagawa mo rito? Hindi pa kasi umuuwi si Kyle.”“Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Kumusta ka naman dito?” Seryoso niyang sambit. Tipid akong ngumiti sa kaniya.Ampon na anak ni Don Donato si Gavin. Isa rin siyang Valderama kaya magpinsan silang dalawa ni Kyle kahit na magkaibang dugo ang dumadaloy sa katawan nila.“I’m fine,” tipid kong sagot sa kaniya saka ako kumain ng inihain kong meryenda para sa aming dalawa. Mariin pa rin ang titig niya sa akin. Alam niyang hindi ako nagsasabi ng totoo dahil alam naman ng lahat na ako lang ang may gusto sa kasal namin ni Kyle.“Hindi ka pa rin ba niya tinatrato ng tama? Sinasaktan ka ba niya physically?” Tanong niya. Naal

  • My Billionaire Husband's Dark Secret   Kabanata 1

    CELESTINA’S POVAkala ko ang magiging masaya lang ako at magiging kompleto ang buhay ko kapag pinakasalan ako ng lalaking mahal ko. Pinilit ko si Dad na i-arrange marriage sa akin si Kyle, pumayag siya sa gusto ko.Pinakasalan ako ni Kyle, magkasama kami sa iisang bahay pero napakalamig ng pakikitungo niya sa akin. Mas malamig pa sa Antarctica.Nang marinig kong nakauwi na siya ay mabilis ko siyang pinuntahan. Kahit na malamig ang pakikitungo niya sa akin ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sumasaya pa rin ang puso ko kapag nakikita ko ang asawa ko.“Coffee for you,” nakangiti kong wika sa kaniya habang hawak-hawak ang mainit na kape na ako mismo ang gumawa. Malamig niya akong tiningnan kasunod ang basong hawak ko.Nakangiti pa rin ako sa kaniya. Ibababa ko na sana sa lamesa ang kape niya nang masanggi niya iyun dahilan para matapon sa kamay ko at sa mga papeles na nasa lamesa.“What the fuck are you doing, Celestina?!” Galit niyang sigaw sa akin. Napapakagat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status