My Billionaire Husband's Dark Secret

My Billionaire Husband's Dark Secret

last update최신 업데이트 : 2026-10-15
작가:  Elara Night연재 중
언어: Filipino
goodnovel18goodnovel
순위 평가에 충분하지 않습니다.
4챕터
5조회수
읽기
보관함에 추가

공유:  

보고서
개요
장르
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

She married the man she loved. He married the woman he swore to destroy. Celestina Dizon thought marrying Kyle Valderama was the beginning of her happily ever after. Even if he didn't love her, she was willing to wait, hoping that one day, her husband would finally see her as more than just a wife he never wanted. But Kyle has a devastating secret. He married Celestina not for love, but for revenge against the Dizon family, whom he blames for the murder of his parents and younger sister. To him, his wife is merely a means to an end. While she dreams of winning his heart, he is preparing to destroy the family she loves. And the more she gives him her heart, the more painfully he may break it. What happens when Celestina discovers that the man she loves has been using her all along? Will she still choose him when she learns that their marriage was nothing but a carefully planned revenge? And what will Kyle do when the woman he vowed to destroy becomes the only woman he cannot bear to lose? When love becomes a weapon and marriage becomes a betrayal, can a shattered heart ever forgive the man who broke it?

더 보기

1화

Kabanata 1

CELESTINA’S POV

Akala ko ang magiging masaya lang ako at magiging kompleto ang buhay ko kapag pinakasalan ako ng lalaking mahal ko. Pinilit ko si Dad na i-arrange marriage sa akin si Kyle, pumayag siya sa gusto ko.

Pinakasalan ako ni Kyle, magkasama kami sa iisang bahay pero napakalamig ng pakikitungo niya sa akin. Mas malamig pa sa Antarctica.

Nang marinig kong nakauwi na siya ay mabilis ko siyang pinuntahan. Kahit na malamig ang pakikitungo niya sa akin ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sumasaya pa rin ang puso ko kapag nakikita ko ang asawa ko.

“Coffee for you,” nakangiti kong wika sa kaniya habang hawak-hawak ang mainit na kape na ako mismo ang gumawa. Malamig niya akong tiningnan kasunod ang basong hawak ko.

Nakangiti pa rin ako sa kaniya. Ibababa ko na sana sa lamesa ang kape niya nang masanggi niya iyun dahilan para matapon sa kamay ko at sa mga papeles na nasa lamesa.

“What the fuck are you doing, Celestina?!” Galit niyang sigaw sa akin. Napapakagat labi na lang ako.

“I’m sorry, hindi ko sinasadya.” Natatakot kong wika saka ko mabilis na pinunasan ang mga papeles na nabasa ng kape kahit na namumula ang mga kamay ko dahil mainit pa ang kape.

“Leave! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na layuan mo ako! Kasal lang tayo sa papel kaya wala kang karapatan na lumapit sa akin. Ikaw ang may gusto ng kasal na ito hindi ba? Kaya ayaw kong makarinig ng reklamo mula sayo.” May diin niyang sambit. Napapayuko na lang ako habang tahimik kong dinadaing ang paso sa mga kamay ko.

“Ano pang hinihintay mo? Umalis ka na! I don’t need a fucking useless woman.” Sigaw pa niya sa akin.

“I’m really sorry,” iyun na lang ang nasasabi ko sa kaniya saka ako tumalikod dala-dala ang baso na wala ng laman. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin. Akala ko ay magiging masaya ang buhay ko bilang asawa ni Kyle Valderama pero mali pala ako.

“Hey babe, busy ka ba?” Rinig ko sa boses ni Hazel kaya napalingon ako sa kanila. Nakangisi namang nakatingin si Hazel sa akin.

Naupo si Hazel sa tabi ni Kyle saka niya inihilig ang ulo niya sa balikat ni Kyle. Bagay na hindi ko pa nagagawa kahit na tatlong buwan na kaming kasal ni Kyle. Hindi niya rin ako tinatabihan sa kama.

Mapait akong ngumiti. Tama siya, kasal lang kaming dalawa sa papel. Hindi kami nagsesex, hindi kami nagtatabi sa iisang kama at kahit kailan ay hindi siya nag-aalala sa akin. Palaging mali ko ang nakikita niya.

“May kailangan ka?” Malumanay na tanong ni Kyle.

“I want you to take me on a date.” Malambing na sambit ni Hazel. Mabilis namang tumayo si Kyle saka niya kinuha ang suit niya at inalalayan na makatayo si Hazel.

“Let’s go,” walang pag-aalinlangang sagot ni Kyle. Umalis naman na silang dalawa pero bago pa man sila tuluyang makalabas ng pintuan ay nilingon pa ako ni Hazel at nginisian.

Para namang tinutusok ang puso ko dahil sa sakit. Ano pa bang aasahan ko? Si Hazel ang pinakamahalaga para kay Kyle. Kung may gusto pala sila sa isa’t isa, bakit pa siya pumayag na pakasalan ako?

Anong gusto niya? Mas mayaman at makapangyarihan ang pamilya nila kaysa sa pamilya namin kaya bakit siya pumayag na ikasal kaming dalawa?

Tiniis ko na lang ang pagiging broken hearted ko. Mahal ko siya at tama naman siya, ako ang may gusto ng kasal na ito kaya dapat lang na magtiis ako kung gusto ko siyang makasama. Siguro naman ay masyado pang maaga ang tatlong buwan para sumuko ako sa pagmamahal ko para sa kaniya. Siguro maghintay pa ako ng ilang buwan hanggang sa mahalin niya na rin ako.

Ngumiti na lang ako sa sarili ko saka ko nilinis ang natapon na kape sa sala at niligpitan na rin ang baso. Kumain ako ng mag-isa dahil kasama na naman ng asawa ko si Hazel.

Hindi ko alam kung anong relasyon nilang dalawa pero close sila sa isa’t isa. Para ngang si Hazel pa ang asawa ni Kyle kung itrato niya ito.

Pumasok na ako sa kwarto ko at natulog na. Nagising ako ng madaling araw nang makaramdam ako ng pagkauhaw. Tiningnan ko ang glass water ko sa kwarto ko pero hindi ko pala ito nalagyan ng tubig kaya bumaba pa ako ng kwarto at nagtungo ng kusina.

Habang umiinom ako ng tubig ay nagulat ako sa pagdating ni Kyle. Sunod-sunod nitong binuksan ang mga cabinet at tila may hinahanap. Hawak niya ang kaliwang braso niya at nanlaki na lang ang mga mata ko ng makita kong duguan ang braso niya.

“What happened to you? Bakit may sugat ka?” Nag-aalala kong tanong saka ko siya nilapitan at tutulungan sana siyang lagyan iyun ng bandage para tumigil sa pagdurugo nang bigla niya akong itulak.

“Leave me alone! Don’t you dare touch me, woman.” Galit niyang angil sa akin. Tahimik naman akong napapadaing dahil tumama ang ulo ko sa paa ng lamesa.

Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil para bang naalog ang buong utak ko.

“Kyle,” sambit ni Hazel saka niya inalalayan na makatayo si Kyle habang ako nananatiling nakaupo sa sahig at hindi pa makatayo dahil masakit ang ulo kong tumama sa lamesa.

“Leave him alone. Huwag kang lalapit sa kaniya dahil ako na ang bahala sa kaniya. Asawa ka lang pero wala kang karapatan na hawakan siya.” May diing saad ni Hazel saka sila umalis ni Kyle ng kusina.

Hindi ko alam kung ilang minuto pa akong nanatili sa kusina habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa paa ng lamesa. Nang mawala na ang hilo ko ay tumayo na rin ako. Wala naman sila sa sala kaya baka nasa loob na sila ng kwarto ni Kyle.

Bakit siya may sugat sa braso niya? Tama ba yun ng baril? Sino naman ang gagawa nun sa kaniya? Posible bang kaaway nila sa business?

Napapahaplos na lang ako sa ulo ko at ramdam ko naman na may bukol na dun. Gusto ko lang naman sana siyang tulungan pero hindi ko akalain na itutulak niya pa ako.

Hindi man lang siya naawa kahit na alam niyang nauntog ako sa paa ng lamesa. Umalis na lang din sila ng hindi man lang ako tinutulungang tumayo.

I wonder kung anong ginagawa nila ngayon sa loob ng kwarto ni Kyle. Ito ba talaga ang pangarap kong buhay? Hanggang kailan ako aasa sa isipin na baka matutunan din akong mahalin ni Kyle?

Ako nga ang asawa niya pero si Hazel naman ang palagi niyang kasama. Si Hazel din ang palagi niyang pinaniniwalaan kahit na kasalanan naman ni Hazel.

Hanggang kailan ako magpapakatanga dahil sa pag-ibig?

Kinabukasan, sabay kaming kumain ni Kyle ng umagahan. Hindi ko naman makita si Hazel, siguro ay umuwi na sa kanila.

Tiningnan ko ang braso niya pero hindi ko makita ang sugat niya dahil natatakpan iyun ng damit ni Kyle. 

“I’m sorry what happened last night.” Hinging paumanhin ko kahit na ako ang nasaktan.

“Leave me alone, Celestina. Huwag kang lalapit sa akin hangga’t hindi ko sinasabi. Nakikita ko pa lang ang mukha mo pero nasisira na ang araw ko. Hanggang ngayon ba umaasa ka pa rin na mamahalin kita? That’s not gonna happen.”

Parang piniga ang puso ko sa sinabi niya. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko ang pagbagsak ng mga luha ko dahil alam kong magagalit lang siya sa akin lalo kapag umiyak ako.

Ayaw niyang makakita ng drama kaya kahit na nasasaktan na ako at durog na durog na ang puso ko, pinilit ko pa ring ngumiti sa kaniya.

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

더보기

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


댓글 없음
4 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status