Share

Kabanata 4

Author: Elara Night
last update publish date: 2026-10-15 22:44:19

CELESTINA’S POV

Sabay-sabay kaming kumain ng lunch. Tuwang-tuwa naman si dad. Namiss ko siya. Tatlong buwan ko siyang hindi nakita at nakasama. Hindi rin kami madalas mag-usap sa cellphone.

“Kumusta na nga pala kayong dalawa? Kumusta ang pagsasama niyo bilang mag-asawa?” tanong niya saka niya kami tiningnan ni Kyle. Magkatabi kami ni Kyle habang na sa unahan naman si dad.

“Okay naman dad. Medyo nag-aadjust pa kami pero masaya at okay naman kami.” Pagsisinungaling ko kahit na kabaliktaran ng sinabi ko ang totoong nangyayari sa amin ni Kyle. Naiintindihan ko naman na galit siya sa akin dahil natali siya sa babaeng hindi niya naman gusto.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis na maging Mrs. Valderama. Kung hindi naman ako kayang mahalin ni Kyle, siguro ay kailangan kong tanggapin na balang araw ay maghihiwalay din kami.

“Mabuti naman kung ganun. Hindi ka pa ba buntis? Hindi ka ba nagpunta rito para ibalita sa akin na magkakaroon na ako ng apo?” Biglang tanong ni dad. Bigla namang nasamid si Kyle kaya napatingin ako sa kaniya.

Kinuha ko ang tubig ko at ibinigay yun sa kaniya. Uminom naman siya kaagad.

“Hindi pa dad. Masyado pang maaga para magbuntis ako. Gusto ko ring i-enjoy muna na kami muna ni Kyle ang magkasama.” Sagot ko saka ko siya matamis na nginitian. Hindi naman nagdududa si dad. Masaya siyang marinig ang mga sinasabi ko.

“Kung sabagay, kung hindi naman kayo nagmamadali mas mabuti ngang magfocus na muna kayo sa isa’t isa. Hindi madali ang magkaroon ng sariling pamilya. Kailangan pareho kayong handa. Kyle, iho, kung ayaw pa ni Celestina huwag mo siyang pipilitin.” Ako naman ang muntik masamid sa sinabi ni dad.

Paano ako mabubuntis kung simula ng magsama kami ni Kyle ay wala namang nangyari sa amin. Ni ayaw niya akong makasama sa iisang kama at kwarto. Kahit na handa naman akong maging isang ina at dalhin ang mga magiging anak namin kung siya naman itong ayaw akong galawin, anong magagawa ko? Paano ako mabubuntis?

“Yeah, of course dad. Don’t worry.” Sagot naman ni Kyle.

“Ilang araw nga pala kayong magstay dito?” Pag-iiba na ni dad.

“Isang linggo kung papayag si Kyle pero kung may kailangan na siyang gawin at kailangan na aming umuwi, uuwi na kami.” Sagot ko.

Masyadong matagal ang isang linggo para kay Kyle. Isang oras nga lang na makasama ako, nabwibwisit na siya, ang makasama pa kaya ako ng isang linggo. Pero sobrang saya ko ng sabihin niyang gusto niyang sumama sa akin.

“Ipinahanda ko na ang magiging kwarto niyong dalawa. Pinalitan ko na ang kama mo sa kwarto mo, pinalitan ko ng mas malawak para komportable kayong dalawa na matulog.”

“Matutulog kami sa iisang kwarto?” Tanong ko saka ako napatingin kay Kyle na tahimik lang naman.

“Oo naman, bakit? Hindi ba kayo nagtatabi sa mansion?” Nagtatakang tanong ni dad. Narealize ko naman ang sinabi ko kaya napakagat labi na lang ako. Mahuhuli pa ni dad na hindi ako nagsasabi ng totoo.

“Nagsasama kami sa iisang kwarto. Ewan ko ba sa kaniya kung bakit ayaw niya akong makatabi. Minsan kasi kapag may hindi kami pagkakaintindihan, ayaw niyang magtabi kami sa iisang kama.” Si Kyle ang sumagot. Mukha namang naniwala si dad kaya nakahinga ako ng maluwag.

Nang matapos kaming kumain ay umakyat ako sa kwarto. Iniwan ko si Kyle sa sala. Kailangan kong iayos ang mga gamit ko. Namiss ko rin ang kwarto ko rito sa bahay. Hindi ko na rin nakakasama ang mga kaibigan ko. Kumusta na kaya sila?

Galit pa rin kaya sa akin si Vanessa? Pinigilan ako ni Vanessa noon na huwag pakasalan si Kyle pero hindi ko siya pinakinggan. Mukhang ngayon ko pa lang naiintindihan, hindi pala ganun kadali ang maging isang asawa.

Hindi ako makaalis ng Valderama mansion dahil hindi pa man ako nakakapagsabi kay Kyle na gusto kong lumalabas, iniisip kong hindi niya ako papayagan. Sa tingin ko naman ay papayagan niya lang akong lumabas dahil wala naman siyang pakialam sa akin.

Naupo ako sa gilid ng kama ko saka ko iyun hinaplos. Iisa pa rin ang ginagamit nilang fabcon. Namiss ko ang amoy ng buong kwarto ko lalo na kapag bagong palit ang mga bedsheet at punda ng unan.

“Do you miss living here?” Napalingon ako kay Kyle na nakasandal na pala sa gilid ng pintuan.

“Yeah,” pagsasabi ko sa kaniya ng totoo. May parte sa isip ko na kumawala na sa kasal namin pero may parte naman na ayaw ko siyang iwan. I want to be Mrs. Valderama dahil matagal ko ng pangarap yun. Ngayong hawak ko na ang title na yun saka ko naman iisiping kumawala?

“Iniisip mo na bang hiwalayan ako?” Tanong niya. Iniwas ko ang paningin ko at kunwaring inaayos ang bedsheet ng higaan ko. Kapag sinagot ko siya baka mag-away lang kaming dalawa rito. Ayaw ko namang makita ni dad na magkaaway kami ni Kyle.

Sigurado akong magagalit si dad kay Kyle lalo na kapag nalaman niyang hindi ako tinatrato ng tama ng asawa ko.

“Kyle!” Gulat kong sambit nang bigla siyang lumapit sa akin. Napapaliyad na lang ako sa kama habang siya napakatang na ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko at ilang inches na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.

“Hindi mo pa ako pwedeng hiwalayan.” Mahina niyang wika. Naaamoy ko na ang hininga niya dahil sa lapit ng labi niya sa mga labi ko. Halos mabaliw naman ang puso ko dahil ngayon lang kami napalapit sa isa’t isa ng ganito. Hinalikan niya ko noong kasal namin pero sa gilid lang ng labi ko.

“Ano bang sinasabi mo?” Kinakabahan kong tanong sa kaniya. “Ayaw mo sa akin hindi ba? Hindi mo ako gusto at ayaw mo rin akong makita. Bakit naman hindi pa kita pwedeng hiwalayan?” Lakas loob kong tanong sa kaniya. Halos makalimutan kong huminga dahil sa presensya niya.

Ngumisi naman siya sa akin. Napatingin ako sa kamay niya nang haplusin niya ang pisngi ko. Posible kayang narealize niyang hindi niya kayang mawala ako sa buhay niya? Ito na ba ang simula na tatanggapin niya na ako sa buhay niya?

Hindi ko mapigilang hindi matuwa sa iniisip ko. Pero paano kung acting niya lang ang lahat ng ito?

Nang dumulas ang mga kamay ko na nakapatong sa kama ay mabilis akong napahawak sa kamay niya dahilan para mahila ko rin siya at bumagsak siya sa ibabaw ko. Napapapikit na lang ako.

Natatakot na baka sigawan niya na ako.

“I’m sorry, umalis ka na kasi diyan.” Anas ko habang nakapikit.

“Do you like to spend this night with me?” He said in husky voice. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko saka ako napatingin sa kaniya. Ano bang nakain niya ngayon? Bakit parang ang sweet niya sa akin?

Sa nakalipas na tatlong buwan, iniiwasan niya ako, kaunting galaw ko lang, kaunting pagkakamali ko lang nagagalit na siya kaagad.

Kung alam ko lang na magiging ganito siya kapag umuwi kami rito sa bahay namin, sana noon ko pa naisipan na umuwi rito.

“Kyle, Celestina.” Rinig ko sa boses ni dad. Akma na sana akong tatayo nang hindi umalis si Kyle sa ibabaw ko.

“That’s dad,” kinakabahan kong wika sa kaniya.

“Ano naman ngayon? You’re my wife.” Aniya. Nanlaki na lang ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.

“Oh, Goodness gracious! I’m sorry.” Gulat na sambit ni dad. Malakas ko namang itinulak si Kyle saka ako bumangon. Naisarado naman na ni dad ang pintuan ng kwarto ko.

Napapapikit na lang ako, nakakahiya na nakita kami ni dad sa ganung posisyon.

“Ano bang iniisip mo?” Inis kong baling kay Kyle na nakahiga na sa kama. Napapangisi naman siya saka niya ako tiningnan.

“Hindi ba ito naman ang gusto mo? Ang makita ng daddy mo na sweet tayong dalawa at para bang totoong nagmamahalan?” Sagot niya saka sumeryoso ang mukha niya.

Natutuwa ba siya kapag pinaglalaruan niya ang nararamdaman ko?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Billionaire Husband's Dark Secret   Kabanata 4

    CELESTINA’S POVSabay-sabay kaming kumain ng lunch. Tuwang-tuwa naman si dad. Namiss ko siya. Tatlong buwan ko siyang hindi nakita at nakasama. Hindi rin kami madalas mag-usap sa cellphone.“Kumusta na nga pala kayong dalawa? Kumusta ang pagsasama niyo bilang mag-asawa?” tanong niya saka niya kami tiningnan ni Kyle. Magkatabi kami ni Kyle habang na sa unahan naman si dad.“Okay naman dad. Medyo nag-aadjust pa kami pero masaya at okay naman kami.” Pagsisinungaling ko kahit na kabaliktaran ng sinabi ko ang totoong nangyayari sa amin ni Kyle. Naiintindihan ko naman na galit siya sa akin dahil natali siya sa babaeng hindi niya naman gusto.Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis na maging Mrs. Valderama. Kung hindi naman ako kayang mahalin ni Kyle, siguro ay kailangan kong tanggapin na balang araw ay maghihiwalay din kami.“Mabuti naman kung ganun. Hindi ka pa ba buntis? Hindi ka ba nagpunta rito para ibalita sa akin na magkakaroon na ako ng apo?” Biglang tanong ni dad. Bigla nam

  • My Billionaire Husband's Dark Secret   Kabanata 3

    KYLE’S POVNanguha lang ako ng ilang pirasong gamit ko. Ito na ang pagkakataon ko para makapasok sa bahay ng mga Dizon at baka sakaling may mahanap akong ebidensya laban sa pamilyang iyun.Hinding hindi ko sila mapapatawad sa pagpatay nila sa buong pamilya ko. Hanggang hulong hininga ko, hindi ko sila mapapatawad. Wala mang kasalanan si Celestina sa kasalanan ng pamilya niya pero isa pa rin siyang Dizon.Nagmula pa rin siya sa pamilyang labis kong kinamumuhian. Pumayag ako sa kasal namin para may makuha akong impormasyon laban sa pamilya niya. Kung noon niya pa sana naisipang umuwi sa bahay nila, nagawa ko na sana ang balak ko.Nang matapos kong igayak ang mga gamit ko ay bumaba na ako. Kita ko naman si Gavin na nasa sala pa rin at kinakausap si Celestina. Ano bang ginagawa ng lalaking yan dito sa mansion?Alam ko naman na hindi ako ang pakay niya rito kundi si Celestina. May gusto ba siya kay Celestina?Napapailing na lang ako. Kung gusto niya, angkinin niya kapag wala ng silbi sa ak

  • My Billionaire Husband's Dark Secret   Kabanata 2

    CELESTINA’S POVIbinaba ko ang food tray sa lamesa saka ako naupo. Ramdam ko naman ang titig ni Gavin sa akin kaya tiningnan ko siya.“Are you okay?” Seryoso nitong tanong. Pinilit ko namang ngumiti saka tumango sa kaniya.“Of course, I am. Ano nga palang ginagawa mo rito? Hindi pa kasi umuuwi si Kyle.”“Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Kumusta ka naman dito?” Seryoso niyang sambit. Tipid akong ngumiti sa kaniya.Ampon na anak ni Don Donato si Gavin. Isa rin siyang Valderama kaya magpinsan silang dalawa ni Kyle kahit na magkaibang dugo ang dumadaloy sa katawan nila.“I’m fine,” tipid kong sagot sa kaniya saka ako kumain ng inihain kong meryenda para sa aming dalawa. Mariin pa rin ang titig niya sa akin. Alam niyang hindi ako nagsasabi ng totoo dahil alam naman ng lahat na ako lang ang may gusto sa kasal namin ni Kyle.“Hindi ka pa rin ba niya tinatrato ng tama? Sinasaktan ka ba niya physically?” Tanong niya. Naal

  • My Billionaire Husband's Dark Secret   Kabanata 1

    CELESTINA’S POVAkala ko ang magiging masaya lang ako at magiging kompleto ang buhay ko kapag pinakasalan ako ng lalaking mahal ko. Pinilit ko si Dad na i-arrange marriage sa akin si Kyle, pumayag siya sa gusto ko.Pinakasalan ako ni Kyle, magkasama kami sa iisang bahay pero napakalamig ng pakikitungo niya sa akin. Mas malamig pa sa Antarctica.Nang marinig kong nakauwi na siya ay mabilis ko siyang pinuntahan. Kahit na malamig ang pakikitungo niya sa akin ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sumasaya pa rin ang puso ko kapag nakikita ko ang asawa ko.“Coffee for you,” nakangiti kong wika sa kaniya habang hawak-hawak ang mainit na kape na ako mismo ang gumawa. Malamig niya akong tiningnan kasunod ang basong hawak ko.Nakangiti pa rin ako sa kaniya. Ibababa ko na sana sa lamesa ang kape niya nang masanggi niya iyun dahilan para matapon sa kamay ko at sa mga papeles na nasa lamesa.“What the fuck are you doing, Celestina?!” Galit niyang sigaw sa akin. Napapakagat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status