Share

Kabanata 3

Author: Elara Night
last update publish date: 2026-10-15 22:43:54

KYLE’S POV

Nanguha lang ako ng ilang pirasong gamit ko. Ito na ang pagkakataon ko para makapasok sa bahay ng mga Dizon at baka sakaling may mahanap akong ebidensya laban sa pamilyang iyun.

Hinding hindi ko sila mapapatawad sa pagpatay nila sa buong pamilya ko. Hanggang hulong hininga ko, hindi ko sila mapapatawad. Wala mang kasalanan si Celestina sa kasalanan ng pamilya niya pero isa pa rin siyang Dizon.

Nagmula pa rin siya sa pamilyang labis kong kinamumuhian. Pumayag ako sa kasal namin para may makuha akong impormasyon laban sa pamilya niya. Kung noon niya pa sana naisipang umuwi sa bahay nila, nagawa ko na sana ang balak ko.

Nang matapos kong igayak ang mga gamit ko ay bumaba na ako. Kita ko naman si Gavin na nasa sala pa rin at kinakausap si Celestina. Ano bang ginagawa ng lalaking yan dito sa mansion?

Alam ko naman na hindi ako ang pakay niya rito kundi si Celestina. May gusto ba siya kay Celestina?

Napapailing na lang ako. Kung gusto niya, angkinin niya kapag wala ng silbi sa akin si Celestina.

“Let’s go,” agaw atensyon ko sa kanilang dalawa dahil hindi man lang sila lumingon sa akin. Tumayo naman na si Celestina. Bakas pa rin ang pagtataka sa mukha niya kung bakit ko naisipang sumama sa kaniya.

I really hate to see her because of her family. Gusto kong maubos din ang pamilya ng mga Dizon gaya ng pag-ubos nila sa pamilya ko. Namatay ang mga magulang ko at ang nakababata kong kapatid ng dahil sa kanila.

“Sigurado ka ba talagang gusto mong sumama? Baka kasi maboring ka lang sa bahay namin.” Nag-aalalang sambit ni Celestina. Napapakunot na lang ang noo ko. Siya itong sabik na sabik na makasama ako tapos ngayong sasama ako sa kaniya, bakit parang ayaw niya?

Hindi ko maiwasang hindi magtaka. May alam ba siya sa itinatago ng pamilya niya? Of course, marami siyang alam sa pamilya niya. Ayaw ba niyang sumama ako sa kaniya dahil sa itinatago ng pamilya niya?

“Ako ang asawa mo hindi ba? Sino bang gusto mong makasama? Ang ampon kong pinsan?” Prangka kong sambit saka ko tiningnan si Gavin. Napapangisi na lang ako nang ikuyom niya ang kamao niya at umigting ang panga niya.

“Ikaw lang ang inaalala ni Celestina, Kyle. Huwag mong masamain ang tanong niya sayo. Alam naman natin na ikaw itong tila nandidiri na makasama si Celestina. Wala namang nagawang kasalanan si Celestina sayo, hindi naman siguro krimen ang magmahal sayo hindi ba? Sino bang hindi magtataka kung bakit gusto mong sumama kay Celestina?”

“Oh shut up, Gavin. Ano bang pakialam mo? Bakit ba nandito ka pa? Binibisita mo ang asawa ko? She’s already my wife so back off.” Angil ko sa kaniya. Hilaw naman siyang natawa saka siya napapailing.

“Parang kanina lang wala kang pakialam kay Celestina. Kung itrato mo siya para bang hindi mo asawa tapos ngayon, magseselos ka?” Tumigas ang panga ko sa sinabi niya. He’s really in love with my wife and I don’t care about that. Hangga’t wala pa akong nalalaman sa pamilya ng mga Dizon, hindi ko pa pwedeng hiwalayan si Celestina.

“Umalis ka na dahil aalis na kami. Kung gusto mo namang bantayan ang mansion, hindi kita pipigilan. Let’s go, Celestina.” Nauna na akong umalis sa kanila.

Inilagay ko na sa likod ng sasakyan ang bag ko. Napatingin ako kay Gavin at Celestina nang sabay silang lumabas ng mansion.

Si Gavin ang may dala-dala ng maleta ni Celestina. Bakit ba parang ang dami niyang dala? Pagod na ba siyang habulin at mahalin ako?

Siya ang nagpilit sa daddy niya na pakasalan ko siya kaya kung malamig ko man siyang tratuhin, hindi siya pwedeng magreklamo.

Nauna na akong sumakay ng driver seat. Si Gavin naman ang naglagay ng maleta ni Celestina sa likod. Hinintay ko na lang si Celestina na makasakay.

Hindi ako titigil hangga’t hindi ako nakakahanap ng ebidensya tungkol sa pagpatay nila sa buong pamilya ko. Kung maidamay ko man si Celestina, that is not my fault anymore.

Walang ginawa ang pamilya ko sa kanila lalo na ang nakababata kong kapatid pero walang awa pa rin nilang pinatay.

Napatingin ako nang bumukas na ang pintuan sa passenger seat. Tiningnan ko naman si Gavin na siyang nagbukas ng pintuan. Pumasok naman na si Celestina saka niya tiningnan si Gavin.

“Thank you, Gavin. Ingat ka sa pag-uwi mo.” Aniya pa kay Gavin. Nakakainis pakinggan ang pag-uusap nilang dalawa.

Pinaandar ko na ang sasakyan saka kami umalis. Napapatingin na lang sa akin si Celestina pero wala siyang sinabi.

“Kung makikipagdate ka sa ibang lalaki, sa ibang lugar mo gawin hindi sa loob ng pamamahay ko.” Inis kong wika sa kaniya. May asawa na siya pero nag-eentertain pa siya ng ibang lalaki at talagang pinsan ko pa.

“Hindi naman kami nagde-date ni Gavin. Wala rin naman kaming relasyon. Ikaw lang naman ang nag-iisip na may namamagitan sa amin. Bumisita lang siya rito at hanggang dun lang yun.” Hilaw naman akong natawa sa sinabi niya.

“Manhid ka ba, Celestina? Hindi mo man lang ba maramdaman may gusto sayo si Gavin. Hindi ko kayo pipigilan kung magkaroon man kayo ng relasyon pero ayaw kong magkakalat kayo ng lagim sa loob ng pamamahay ko. Oras na makita kong pinapasok mo ang lalaking yun sa loob ng kwarto mo, hakutin mo na ang lahat ng mga gamit mo. Ayaw kong makasama ang babaeng malandi.” Diretso kong sambit.

Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang paglingon niya sa akin. Nasaktan siya? Wala akong pakialam.

Walang wala ang sakit na nararamdaman niya ngayon sa nararamdaman ko ng dahil sa pamilya niya.

“Wala kaming ginagawa ni Gavin. Nag-usap lang kaming dalawa. Kung malandi talaga ako, sa tingin mo ba magtitiis akong makasama ka kung pwede naman akong sumama kay Gavin?”

“Kung ganun sumama ka na lang sa kaniya!” Inis kong sigaw sa kaniya kasabay ng pagpreno ko at galit siyang tiningnan.

“Ikaw ang may gusto ng kasal natin hindi ba? Ikaw ang may gusto na makasama ako kaya bakit parang nagrereklamo ka ngayon?”

“Paandarin mo na ang sasakyan. Sunod-sunod na ang pagbusina ng mga sasakyan sa likod natin.” Pangbabalewala niya sa mga sinabi ko. Inis kong hinampas ang manubela. Kung wala lang akong kailangan sa kaniya ngayon, pinalabas ko na siya ng sasakyan ko.

Pinaandar ko na ang sasakyan, mahigpit ang pagkakahawak ko sa manubela dahil kumukulo ang dugo ko ng dahil sa kaniya.

Tahimik na kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Nauna na siyang bumaba at inutusan ang mga katulong nila na ibaba ang mga gamit namin. Sumunod naman ako sa kaniya.

“Celestina, my dear.” Tuwang-tuwang sinalubong ni Don Alejandro ang anak niya saka niya ito niyakap. Tiningnan ko lang naman silang dalawa. “Kumusta ka na? Bakit ngayon lang kayo bumisita rito?” Tanong niya saka niya tiningnan ang kabuuan ng anak niya.

“Bakit parang pumapayat ka? Kumakain ka ba ng tama sa oras?” tanong pa nito saka niya ako tiningnan.

“Of course dad, sinadya ko lang talagang magbawas ng kilo kasi napaparami ang kain ko sa mansion ng mga Valderama.” Masigla namang sagot ni Celestina saka niya ako tiningnan. Kasalanan ko pa ba kung pumayat siya? Kailangan ba ako ang susubo sa kaniya para kumain?

Hindi ko hawak ang mga kaldero at kaserola para hindi siya kumain.

“Oh siya, pumasok na kayong dalawa ng makapagpahinga kayo. Pinaluto ko ang mga paborito mo. Nang mabasa ko ang message mo na bibisita kayong dalawa ni Kyle dito, hindi na ako makapaghintay na makarating kayo.” Masaya pa niyang wika.

Gusto kong alisin ang maganda niyang ngiti sa mga labi niya. Paano niya nagagawang ngumiti kung alam niyang may pinatay silang pamilya? May sinira silang buhay?

Tinanggalan nila ako ng karapatan na magkaroon ng masaya at kompletong pamilya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Billionaire Husband's Dark Secret   Kabanata 4

    CELESTINA’S POVSabay-sabay kaming kumain ng lunch. Tuwang-tuwa naman si dad. Namiss ko siya. Tatlong buwan ko siyang hindi nakita at nakasama. Hindi rin kami madalas mag-usap sa cellphone.“Kumusta na nga pala kayong dalawa? Kumusta ang pagsasama niyo bilang mag-asawa?” tanong niya saka niya kami tiningnan ni Kyle. Magkatabi kami ni Kyle habang na sa unahan naman si dad.“Okay naman dad. Medyo nag-aadjust pa kami pero masaya at okay naman kami.” Pagsisinungaling ko kahit na kabaliktaran ng sinabi ko ang totoong nangyayari sa amin ni Kyle. Naiintindihan ko naman na galit siya sa akin dahil natali siya sa babaeng hindi niya naman gusto.Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis na maging Mrs. Valderama. Kung hindi naman ako kayang mahalin ni Kyle, siguro ay kailangan kong tanggapin na balang araw ay maghihiwalay din kami.“Mabuti naman kung ganun. Hindi ka pa ba buntis? Hindi ka ba nagpunta rito para ibalita sa akin na magkakaroon na ako ng apo?” Biglang tanong ni dad. Bigla nam

  • My Billionaire Husband's Dark Secret   Kabanata 3

    KYLE’S POVNanguha lang ako ng ilang pirasong gamit ko. Ito na ang pagkakataon ko para makapasok sa bahay ng mga Dizon at baka sakaling may mahanap akong ebidensya laban sa pamilyang iyun.Hinding hindi ko sila mapapatawad sa pagpatay nila sa buong pamilya ko. Hanggang hulong hininga ko, hindi ko sila mapapatawad. Wala mang kasalanan si Celestina sa kasalanan ng pamilya niya pero isa pa rin siyang Dizon.Nagmula pa rin siya sa pamilyang labis kong kinamumuhian. Pumayag ako sa kasal namin para may makuha akong impormasyon laban sa pamilya niya. Kung noon niya pa sana naisipang umuwi sa bahay nila, nagawa ko na sana ang balak ko.Nang matapos kong igayak ang mga gamit ko ay bumaba na ako. Kita ko naman si Gavin na nasa sala pa rin at kinakausap si Celestina. Ano bang ginagawa ng lalaking yan dito sa mansion?Alam ko naman na hindi ako ang pakay niya rito kundi si Celestina. May gusto ba siya kay Celestina?Napapailing na lang ako. Kung gusto niya, angkinin niya kapag wala ng silbi sa ak

  • My Billionaire Husband's Dark Secret   Kabanata 2

    CELESTINA’S POVIbinaba ko ang food tray sa lamesa saka ako naupo. Ramdam ko naman ang titig ni Gavin sa akin kaya tiningnan ko siya.“Are you okay?” Seryoso nitong tanong. Pinilit ko namang ngumiti saka tumango sa kaniya.“Of course, I am. Ano nga palang ginagawa mo rito? Hindi pa kasi umuuwi si Kyle.”“Hindi naman siya ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Kumusta ka naman dito?” Seryoso niyang sambit. Tipid akong ngumiti sa kaniya.Ampon na anak ni Don Donato si Gavin. Isa rin siyang Valderama kaya magpinsan silang dalawa ni Kyle kahit na magkaibang dugo ang dumadaloy sa katawan nila.“I’m fine,” tipid kong sagot sa kaniya saka ako kumain ng inihain kong meryenda para sa aming dalawa. Mariin pa rin ang titig niya sa akin. Alam niyang hindi ako nagsasabi ng totoo dahil alam naman ng lahat na ako lang ang may gusto sa kasal namin ni Kyle.“Hindi ka pa rin ba niya tinatrato ng tama? Sinasaktan ka ba niya physically?” Tanong niya. Naal

  • My Billionaire Husband's Dark Secret   Kabanata 1

    CELESTINA’S POVAkala ko ang magiging masaya lang ako at magiging kompleto ang buhay ko kapag pinakasalan ako ng lalaking mahal ko. Pinilit ko si Dad na i-arrange marriage sa akin si Kyle, pumayag siya sa gusto ko.Pinakasalan ako ni Kyle, magkasama kami sa iisang bahay pero napakalamig ng pakikitungo niya sa akin. Mas malamig pa sa Antarctica.Nang marinig kong nakauwi na siya ay mabilis ko siyang pinuntahan. Kahit na malamig ang pakikitungo niya sa akin ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sumasaya pa rin ang puso ko kapag nakikita ko ang asawa ko.“Coffee for you,” nakangiti kong wika sa kaniya habang hawak-hawak ang mainit na kape na ako mismo ang gumawa. Malamig niya akong tiningnan kasunod ang basong hawak ko.Nakangiti pa rin ako sa kaniya. Ibababa ko na sana sa lamesa ang kape niya nang masanggi niya iyun dahilan para matapon sa kamay ko at sa mga papeles na nasa lamesa.“What the fuck are you doing, Celestina?!” Galit niyang sigaw sa akin. Napapakagat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status