Share

Chapter Nineteen: Kapirasong Alaala

SANDALING umahon si Sana mula sa pagtatampisaw sa tubig. Tanghalian na kasi at oras na ng pagkain ng mga kambal. Mabilis siyang nagluto ng pagkain ng mga ito, iyon ay sa kabila ng katotohanang may inuupahan si Klyde na chef para bakasyon nilang iyon. Kung ang lalaki ang masusunod, ayaw nito na intindihin niya ang kanyang trabaho bilang nanny ng mga anak nito. Gusto raw nito na ma-enjoy niya ang bakasyon na iyon. Pero hindi mapakali si Sana. Bukod sa importante para sa kanya na masigurong safe ang pagkain ng mga bata ay nahihiya siya kay Klyde. Ayaw niyang isipin nito na sinasamantala niya ang kabutihan nito.

Dinala niya sa harapan ng inuuapahan nilang cottage ang mga pagkaing iginayak para sa mga kambal. Nang maayos niya ang mga iyon sa isang maliit na mesa ay kinuha niya ang mga bata mula sa mga nag-aalaga sa mga ito. Sinimulan niyang subuan ng pagkain ang mga bata habang pinapanood ang magandang tanawin sa harapan.

Mayamaya, nakita niya sa dalampasigan si Klyde habang pi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status