Share

Chapter Twenty-One: On The Other Side of Fear

Hindi maiwasan ni Klyde ang mamangha sa magandang tanawing nakahain sa harapan niya. Maingay ang paghampas ng bawat alon sa dalampasigan ngunit kakatwang hindi niya iyon napapansin, the beat of his heart is way louder than the sound of the waves kissing the shore. Nanghahalinang pagmasdan ang pagtama ng liwanang ng buwan sa tubig ng karagatan pero hindi niya iyon magawang pagtuunan ng pansin dahil sa katotohanang mas nakakahalina ang kagandahan ni Sana nang mga sandaling iyon. Sampung beses na mas maganda ang babae kaisa sa tanawing nakapaligid sa kanya.

“Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?” tanong ni Sana nang mapansin hindi man lang siya nag-abalang galawin ang pagkain sa harapan niya.

“I’m not actually hungry,” matapat niyang tugon. Makita pa lamang niya si Sana, pakiramdam niya ay matitiis niya ang habang-buhay na gutom.

Kumislap ang pagkailang sa mukha ng babae. Kakatwang ilang beses na niya itong nahalikan sa loob ng mahaba na ring panahon na pamamalagi nila sa iisang bahay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status