Share

Chapter Fifteen: One Step Away, Two Steps Closer

MAAGA pa lamang ay nakatulog na sina Kianna at Kelsey. Marahil ay masyadong napagod ang mga ito sa paglalaro kaya kaagad na nakatulog ang mga ito nang dalhin niya sa higaan. Nang masigurong mahimbing na ang mga bata ay kaagad siyang nagtungo sa banyo upang maligo. Ilang minuto rin siyang nagbabad sa ilalim ng shower bago niya naisipang silipin si Klyde.

Kumatok siya sa pintuan ng kuwarto nito pero wala siyang nakuhang tugon. Muli siyang kumatok pero nanatiling tahimik mula sa loob niyon. Noon siya nagpasyang pihitin ang seradura ng pintuan. Maliwanag sa kabuuan ng kuwarto pero hindi niya matanaw ang lalaki. Napakunot ang kanyang noo.

Inimbitahan niya ang sarili papasok sa loob niyon. Noon tumambad sa kanya ang lalaki na nakahiga sa kama nito. Balot na balot ito ng kumot at nanginginig sa lamig. Kaagad na nagbangon ang matinding pag-aalala sa kanyang puso nang makita niya sa ganoong ayos ang lalaki.

“K-Klyde? Anong nangyayari sa’yo?” dinama niya ang noo nito. Halos mapaso
Chloe Haynes

Just keep on reading guys! Salamat sa support, sorry din kung late ang update, back to school na kasi ang writer! God bless!

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status