“WHAT are we doing here?” Iyon kaagad ang tanong ni Sana nang dalhin siya ni Klyde sa loob ng library sa tabi ng kuwarto nito. Kaninang umaga lang ay biglang sumulpot si Nina sa bahay ni Klyde para sunduin ang mga kambal. Laking pagtataka niya sa bagay na iyon dahil hindi iyon nasabi sa kanya ni Klyde. Ngayon ay heto ang lalaki at iniimbitahan siya sa loob ng library nito. “Wala lang. Gusto lang kitang sorpresahin,” sabi nito kasabay nang pag-aabot sa kanya ng paintbrush. Dumiretso ang lalaki sa isang bakanteng upuan sa tabi ng bintana. Noon lamg niya napansin ang isang stool sa ‘di kalayuan. Sa harapan niyon ay naroon ang isang isle kung saan nakapatong ang isang may kalakihang bakanteng canvas. Kaagad na tumibok sa pananabik ang kanyang puso. Patakbo siyang lumapit sa stool at umupo doon. Her heart beats even faster when he looked at Klyde. Napakaperpekto ng ayos nito para sa isang portrait. The weather outside is gloomy ; a perfect view to be a background of a painting. “I want
“Good morning po ma’am, O-Shop delivery po,” sabi ng lalaki mula sa kabilang linya.Kasalukuyang nagba-browse ng internet si Sana nang mga sandaling iyon nang makatanggap siya ng tawag mula sa unknown number. Abalang-abala siya sa pagja-job hunting kaya wala sana siyang balak na patulan ang caller pero makulit ito. Ganoon na lamang ang kanyang pagtataka matapos marinig ang sinabi ng lalaki. Wala siyang matandaang nag-order siya ng kahit ano sa kahit na saang on-line shop. “I’m sorry, but I think you’re calling to a wrong number. I didn’t placed an order to any on-line shop,” naguguluhan man ay mahinahon niyang sagot.“Pero tama naman po ang number na di-n-ial ko mam. Kayo po ba si Miss Saniah Sandejas from number 301 Imperial St. Saint Ignatius, San Antonio, Nueva Ecija?” paglilinaw ng lalaki sa kabilang linya.Mas lalo lamang nagulumihanan si Sana. Kung tama ang address na binanggit ng lalaking kanyang kausap ay hindi nga malayong sa kanya ang ano mang parcel na dala nito. Dalawa lan
Hindi pa man nagtatagal na nakakapasok si Sana sa loob ng kanilang bahay ay narinig na niya ang sunod-sunod na katok sa pintuan ng kanilang bahay. Hindi na niya kailangan pang maging manghuhula upang mahulaan kung sino ang taong iyon na kumakatok at balak pa yatang sirain ang pintuan ng bahay nila. Marahas siyang pumihit pabalik at padabog na binuksan ang nakapinid na pintuan. “Ano pa ang hindi mo naiintindihan sa mga sinabi ko kanina Mr. Imperial?” nakataas ang kilay na tanong niya sa lalaking hayun at tila modelo habang nakatayo sa harapan ng bahay nila. Nakatukod ang kanang kamay nito sa hamba ng pintuan habang ang nalalabing kamay ay nakapamulsa sa suot nitong shorts.Mukhang balak talaga nitong seryosohin ang misyon nito na palaging sirain ang bawat oras ng bawat araw ng buhay niya. “Marami,” tugon nito, nakangiti. Kung nang-iinis ang lalaki base sa ngiting iyon ay hindi niya alam, basta ang sigurado niya, kahit ano pang isipin at sabihin niya ay ang ngiti
GUSTO sana ni Klyde na bumalik sa bahay nina Sana. Hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa dalawang dahilan.Una, nahirapan siyang matulog dahil sa kaalamang mas lalo lamang nagalit ang babae sa kanya. And it’s because of that kiss. Suddenly, the picture of him kissing Sana flashed on his mind. May kung anong tila malaking bilog na bagay ang gumulong sa loob ng dibdib niya isipin pa lang niya ang halik na iyon. Ayaw naman sana niyang halikan ang babae pero ano bang magagawa niya? Evertime that he got the chance to be with her, he used to feel the urge to kiss her like it was the only right thing that’s left on his complicated world. Geez, he misses her so much. At kahit paano, naibsan ang pangungulila niyang iyon. Ganoonpaman, kailangan na niyang pag-aralan kung paanong hindi madaig ng kagustuhang halikan ang babae palagi dahil siguradong masisira ang plano niya kung palagi na lamang niyang hahalikan ang babae. At hindi niya sasayangin ang pagkakataong iyon para itama ang lah
LAKAD-takbo ang ginawa ni Sana upang abutan niya ang lalaking iyon na nagligtas sa kanya sa kamay ng mga lalaking may masamang tangka sa kanya noong isang araw. Ito rin ang parehonglalaking palagi niyang hinihintay na lumabas sa gate ng kanilang paaralan bago umuwi. He was the same man she wants to see in the school gymnasium. The very man she used to follow even in the café where he works as a waiter.“Hey! Could you please wait for me?” sigaw niya. Naririnig niya ang sariling tinig habang malakas na sumisigaw ngunit tila bingi ang lalaki sa bagay na iyon. Mas binilisan pa niya ang pagtakbo nang makita niyang tumawid ang lalaki sa kalsada. Akmang hahabulin niya ito ngunit may parating na malaking sasakyan. Nakuntento na lamang siyang hintayin na makaraan ang sasakyang iyon habang nakatanaw sa lalaking hayun at nakatayo patalikod sa kanya sa kabilang panig ng kalsada. Napuno ng antisipasyon ang kanyang dibdib nang makita niyang unti-unting kumilos ang lalaki paharap sa direksiyon niy
“Masyado pong matigas si Sana. But I don’t have the right to blame her, afterall kasalanan ko po ang lahat kung bakit galit siya sa akin,” mababa ang tinig na sabi ni Klyde habang kausap ang mga magulang ni Sana.Tiningnan siya ni Alfredo, ang ama ni Sana. “This is not the right time for us to point fingers at each other. Lahat naman tayo ay nagkulang kung kaya nangyari ang aksidenteng iyon. Ang mas dapat nating gawin ay ang mag-isip ng paraan kung paano nating makukumbinsi si Sana na pumayag na maging nanny ng mga anak n’yo. That is the only way kung paano natin unti-unting maibabalik ang mga nawawala niyang alaala.”“Pero paano nga po nating gagawin ‘yon kung sa halip na tanggapin niya ang alok ko ay mas gusto pa niyang araw-araw na maghanap ng trabaho. Kahapon lang ay nalaman kong nag-apply siya bilang tindera sa palengke at kung hindi ko lang nakausap at binigyan ng pera ang inaapply-an niya ay malamang na isa na siyang tinder ngayon. Pero hanggang kailan po natin siya mababantaya
“Sana! Come back! Arghh!”Padabog na isinara ni Sana ang pintuan ng bahay ni Klyde pagkatapos niyang tuhurin ang pagkalalaki nito. Walang lingon-likod na iniwanan niya ito habang namimilipit sa sahig. Siguro naman ngayon ay madadala na ito nang kakalapit sa kanya. Kung alam lang niyang iyon lang pala ang dapat niyang gawin para patahimikin ito ay noon pa sana niya iyon ginawa.“Sana, please! Come back here!” patuloy na pagdaing ng lalaki.Kung tutuusin ay puwedeng-puwede na sanang iwanan ni Sana ang buwisit na lalaki. Hindi ba at iyon naman talaga ang gusto niya? Ang patunayan sa lalaki at sa sarili na hindi siya totoong naaapektuhan dito. Ang problema, hindi nga yata totoong hindi siya apektado sa mga pinaggagagawa nito sa kanya. Dahil sa halip na tuluyang magwalk-out palayo sa lugar na iyon, hayun siya at biglang natigilan sa labas ng pintuan ng bahay ng lalaki.Paano kung napalakas pala ang pagtuhod niya sa sandata nito?“Mukha namang hindi niya iindahin ang ginawa ko sa kanya,” pa
Nang imulat ni Sana ang paningin ay sinalubong siya ng mapagparusang halik mula sa lalaking hindi niya makita ang mukha. Tanging ang liwanag na nagmumula sa buwan sa labas ng bahay ay nagsisilbing liwanag sa loob ng malaki at malamig na kuwartong iyon. Nagsimula siyang magpumiglas pero hinawakan ng lalaki ang kanyang mga kamay. Ipininid nito iyon sa ibabaw ng ulo niya habang patuloy sa marahas na paghalik sa kanya.The man was punishing her through that kiss. “This is what you want, right?” tanong ng lalaki sa tinig na pamilyar sa kanya. It was the first time he ever talk. Kaya ganoon na lang ang pagkagimbal niya. Napatigil siya sa pagpupumiglas dahil sa tinig nito.“D-don’t do this, please,” sabi niya sa naiiyak at nakikiusap na tinig.“You are my wife, my unwanted wife, so I have all the right to do whatever I wanted to do,” sabi ng lalaki.Marahas na hinawakan ng lalaki ang ladlaran ng suot niyang damit. Akmang huhubarin nito iyon pero naging maagap siya na pigilan ang lalaki. But