Share

Chapter Sixteen: Resisting the Irresistable Charmer

Sorry na. Bati na tayo.

Iyon ang laman ng text message na ipinadala ni Klyde kay Sana halos isang minuto pa lang ang nakakalipas buhat nang umalis ito sa harapan niya. Ni hindi pa nga ito nakakasakay sa sasakyan nito. Hayun at nakatayo pa ito habang nakatingin sa kanya.

Hindi niya nireplyan ang lalaki. Tiniis niyang huwag itong replyan kahit pa kating-kati na ang kamya niya na gawin iyon.

Hindi ako sanay na umiiwas ka. It’s killing me, promise.

Muli itong nagtext. Pero hindi pa rin siya nagreply.

Nakita niyang laglag ang mga balikat na sumakay ng sasakyan nito ang lalaki. Hinintay niyang i-start nito ang sasakyan, bagay na hindi nito ginawa.

Hindi ako mapapakali nang ganito tayo. Kausapin mo ako. Tell me what’s your problem.

Nagtype siya ng reply. Iyon ay pagkatapos ng ilang minutong pakikidigma sa sariling isip at puso. Ikaw ang problema ko.

Ako?

Bakit?

Pangit ba ‘ko?. Masama ba ang ugali ko? Bad breath ba ako? Hindi ba ‘ko mabango?

Sunod-sunod ang naging reply nito.

Ibig
Chloe Haynes

Kumusta po ang mga puso natin? Malapit na ang mga masasakit na parts.

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status