Share

Chapter Six: Hindi Mapakaling Puso

“Sana! Come back! Arghh!”

Padabog na isinara ni Sana ang pintuan ng bahay ni Klyde pagkatapos niyang tuhurin ang pagkalalaki nito. Walang lingon-likod na iniwanan niya ito habang namimilipit sa sahig. Siguro naman ngayon ay madadala na ito nang kakalapit sa kanya. Kung alam lang niyang iyon lang pala ang dapat niyang gawin para patahimikin ito ay noon pa sana niya iyon ginawa.

“Sana, please! Come back here!” patuloy na pagdaing ng lalaki.

Kung tutuusin ay puwedeng-puwede na sanang iwanan ni Sana ang buwisit na lalaki. Hindi ba at iyon naman talaga ang gusto niya? Ang patunayan sa lalaki at sa sarili na hindi siya totoong naaapektuhan dito. Ang problema, hindi nga yata totoong hindi siya apektado sa mga pinaggagagawa nito sa kanya. Dahil sa halip na tuluyang magwalk-out palayo sa lugar na iyon, hayun siya at biglang natigilan sa labas ng pintuan ng bahay ng lalaki.

Paano kung napalakas pala ang pagtuhod niya sa sandata nito?

“Mukha namang hindi niya iindahin ang ginawa ko sa kanya,” pangungumbinsi niya sa sarili. Bigla na lang siyang naipit sa nagtatalong isip at puso. Ang isipan niya, sampu ng halos lahat ng bahagi ng katawan niya ay nagsasabing lumayo na siya sa lugar na iyon. Sa kabilang banda, sinasabi naman ng puso niya na balikan niya ang lalaki.

Hinding-hindi ko siya babalikan para tulungan! Bulong niya sa isip.

Pero narinig niya ang sunod-sunod na pag-ubo ni Klyde. It seems like he’s vomiting or something.

Sa isang iglap, pumihit siya paharap sa pintuan at binuksan iyon. Tumatakbong bumalik siya sa kusina kung saan nananatiling nakalupasay si Klyde sa sahig. Ganoon na lamang ang pag-aalala niya nang makita niyang pulang-pula na ang mukha nito sa nararamdamang sakit. Bigla ay hindi siya mapakali. Napakatindi ng kaba ng dibdib niya kung saan namumugad ang napakatinding takot at pag-aalala para sa lalaki.

“K-Klyde, are you alright?” sa nanginginig na tinig ay tanong niya sa lalaki. “I-ikaw k-kasi, eh. A-ayaw mong tigilan ang pamumuwisit sa akin,” mistula batang sabi niya sa lalaki.

Hindi umimik ang lalaki. Patuloy lang ito sa pamimilipit sa sahig at sa panaka-nakang pag-ungol –tanda ng sakit na nararamdaman nito.

“Come here, I’ll take you to your room,” aniya bago lumuhod sa tabi ng lalaki. Kinuha niya ang kanang kamay nito at hinila nang marahan mula roon ang lalaki. Nang makabangon ay kaagad niyang ipinaikot naman ang isang kamay sa katawan nito. Ipinatong niya sa kanyang balikat ang kanang kamay ng lalaki at dahan-dahan itong inalalayan sa pagtayo.

Ramdam na ramdam niya ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya ngayong magkadikit na magkadikit ang mga katawan nila ni Klay. Ang pagtama ng mainit at mabangong hininga nito sa kanyang pisngi ay mas lalo lamang nagdadagdag sa nararamdaman niyang kaba. As far as she can remember, it was the first time that they stand so close to each other. But there is something about her feelings at the moment that makes that thing so damn natural. Na para bang hindi iyon ang unang beses na naramdaman niya ang init ng katawan nito. Katulad noong halikan siya nito, kakatwang napakapamilyar sa kanya ng pakiramdam na halos yakap siya nito.

And why does she felt so safe inside his arms? Bakit pakiramdam niya ay kaytagal niyang nanabik sa tagpong iyon?

“Stop staring at me like that,” sabi niya sa lalaki nang maramdaman niyang titig na titig ito sa kanya. Pakiramdam niya ay mistula siya ice cream na nabilad sa ilalim ng araw dahil sa titig nito. Pilit niyang kinakapa sa dibdib ang pagkamuhi at inis nalikas niyang nararamdaman para sa lalaki pero parang nagtago na iyon sa kung saan. Napalitan iyon ng pananabik, saya at pakiramdam na kuntento siya sa mga nangyayaring iyon. “Kapag hindi ka tumigil sa kakatitig sa akin, iiwanan kita ditong mag-isa,” pagbabanta niya sa lalaki.

“Hindi mo kaya,” sabi nito. Mukhang ayos naman na ang lalaki dahil hayun at nagsisimula na naman ito sa pang-aalaska sa kanya. “Aminin mo, nag-alala ka sa akin, ‘no?”

Pinili niyang ibaling sa kabilang direksiyon ang paningin. Doon sa hindi nito makikita ang reaksiyon niya. “Bakit ako mag-aalala?” sabi niya.

Kung tumingin lang siya kay Klyde, nakita niya sana kung gaano kasaya ang lalaki dahil nakumpirma nitong nagmamalasakit pa rin siya rito. Baka sakaling kung tiningnan niya ang lalaki ay nakita niyang kumikislap sa tuwa ang mga mata nito.

“Eh, bakit mo pala ako tinulungan kung hindi ka nag-aalala?”

“Dahil hindi mo ako katulad, may puso ako at konsensiya.”

“May puso rin naman ako, eh. Sa katunayan, I want to give it up to you,”

Kinailangang kagatin ni Sana ang pang-ibabang labi niya para hindi umalpas ang isang igik na hindi niya alam kung saan nanggaling. Talaga naman kasing may naramdaman siyang katiting na kilig sa banat nitong ‘yon. “Tigilan mo ako sa mga banat mong ganyan, hindi uubra sa akin ‘yan, Klyde. Masyado na kitang kilala para bilhin pa ‘yang mga ganyan mong gimmick.”

“Do you know that I want to kiss you you now?” walang babalang sabi ng tinamaan ng magaling na lalaki.

Nabibiglang napatingin siya rito. Natigilan siya sa paghakbang nang dumampi ang malambot at mainit na labi nito sa labi niya. Mabilis lang ang halik. Sa katunayan, bago pa siya mapakurap ay tapos na iyon. Pero ang impact na iniwan niyon sa puso niya, parang ngayon pa lang niya nararamdaman. Mistula iyon aftershock sa kakatapos lang ng lindol. At oo, tinalo pa talaga ng puso niya ang nilindol dahil sa halik na iyon. Hayun at abot na naman ang pagwawala ng puso niya sa loob ng dibdib niya.

Marahas niyang hinampas sa balikat ang lalaki nang makahuma siya. “Why did you do that?”

Tiningnan at nginitian lang siya ng kumag. “Because I want to. And just to clear things up, I won’t be asking for apology this time. Dahil kahit minsan, hindi ko pagsisisihang hinahalikan kita.”

Pakiramdam ni Sarah ay gusto nang kumawala ng kaluluwa niya mula sa loob niya at kumaripas ng takbo palabas ng bahay na iyon. Hiyang-hiya na kasi siya sa sarili niya dahil ilang beses na siyang nananakawan ng halik ng lalaking ito. Ang mas matindi, wala man lang siyang makapang reklamo mula sa puso niya.

“Pasalamat ka injured ‘yang alaga mo. Kung hindi, kanina pa kit…”

Natigil siya sa pagsasalita dahil muli na naman siyang hinalikan ng lalaki. Sa puntong iyon, sa kanyang pisngi naman naglanding ang mga labi nito. Doon na siya nagdesisyong kumalas mula rito pero ang magaling na lalaki, hindi siya pinakawalan. Sa halip, ito na ang mismong kumabig sa katawan niya para ikulong siya sa isang totoong yakap.

Suddenly, her heart started to beat so crazy and wild. Ang inis nararamdaman niya ay tila biglang nawala na parang bula. Nalunok niya ang lahat ng pagrereklamo nang maramdaman niya ang mabilis na tibok ng puso ni Klyde. At kung gaano kalakas at kabilis ang tibok ng puso nito ay sinasabayan naman ng puso niya. Why does it feels that their hearts were beating as one?

“A-ano na naman ba ito, Klyde?” sa mahinang tinig ay tanong niya. Natatakot siyang ilakas ang boses niya dahil alam niya at sigurado siyang magtutunog nangungulila iyon. Nababaliw na nga yata siyang talaga. Dahil aminin man niya o hindi, may bahagi ng kanyang sarili ang tila lubos na nangungulila sa mga bisig at yakap ng lalaki.

“Sabi mo magpasalamat ako. Ganito akong magpasalamat, Sana. Ganito kong iparamdam sa isang tao kung gaano siya kahalaga sa akin.”

“Huh?” nabibingi na yata siya. Mukhang pati pandinig niya ay nagmamalfunction na rin. Hayun kasi at kung ano-ano na ang naririnig niya.

“I’m sorry, Miss Sandejas but upon checking your resume as well as your vitae we have notice that you are lacking of work experiences. We are so sorry to inform you that we cannot give you any position to our company,” ito ang sabi ng lalaking kausap ni Sana nang mga sandaling iyon. Pagkauwi niya ay doon siya dumiretso sa kanyang kuwarto para sa isang virtual interview.

Noong isang araw ay nagsubmit siya ng application letter sa kompanyang iyon na matatagpuan sa Maynila. Lingid sa kaalaman ng mga magulang ay sumusubok na siyang mag-apply ng trabaho.

Pero kagaya ng sampung kompanya na in-applyan niya ay hindi siya natanggap. Kung pagbabasehan ang resume niya, one can easily tell that she’s fit to any position that she’s applying to. She graduated with Latin honor from one of the top universities in the Philippines with a degree in fine arts. Ilang beses na rin siyang nakapag-exhibit noon. Ang nakapagtataka lang, bakit kahit minsan ay hindi niya nasubukang mag-apply ng trabaho?

Sinikap niyang kalkalin ang isip upang isipin ang dahilan kung bakit wala siyang napasukang trabaho kahit isa. Pero hanggang sa sumakit lang ang ulo niya ay wala siyang matagpuang sagot.

“I understand, Mr. Palon,” matamlay niyang sabi bago pinutol ang video call na iyon.

Sa tuwing tatapusin niya ang isang interview at malalamang hindi siya tanggap sa trabahong in-applyan, palagi niyang iniisip na may mali sa mga nangyayari. Maayos naman kasi ang qualifications niya. Matataas ang nakukuha niya sa mga written exams ng bawat kompanyang pinapasukan niya. Palaging positibo at maganda ang tinatakbo ng bawat interview sa kanya. Ngunit sa bandang huli, bigla ay hindi siya tanggap.

Tumayo siya mula sa upuan sa harapan ng kanyang study table bitbit ang kanyang portfolio. Tinungo niya ang kanyang cabinet upang ibalik doon ang mga dokumento niya. Akmang isasara na niya ang cabinet nang mapukaw ng isang lumang scrapbook ang atensiyon niya. Nakakunot ang noong kinuha niya iyon at dinala sa kanyang kama.

Napangiti siya nang matuklasan niyang scrapbook niya pa ‘yon noong college. Minsan silang pinagawa ng scrapbook tungkol sa mga inspirasyon nila sa pagkuha ng kursong fine arts. Sa totoo lang, nalimutan na rin niya ang tungkol sa bagay na ‘yon at kung hindi pa niya makita ang scrapbook ay hindi niya maaalala ang bagay na iyon.

Binuklat niya ang scrapbook. Tumambad sa kanya ang larawan ng Imperial Museum –ang isa sa pinakamalaking museum sa bansa. Lahat ng fine arts students ay nangangarap na makapag-intern doon. Bawat artist sa bansa ay nagnanais na mapabilang sa mga artist na taon-taon ay nag-eexhibit sa nasabing lugar.

May pumitik na eksena sa kanyang isip. Mariin siyang napapikit nang makaramdam ng biglang pagkibot ng kanyang sentido. Ipinilig niya ang kanyang ulo kasabay ng pagbuklat ng scrapbook. Ganoon na lamang ang gulat niya nang makita niya ang isang larawan ni Klyde. Kuha ang larawan sa isang billboard ng lalaki. Sa isang pahina naman ay makikita ang larawan ni Klyde habang nakikipagkamay sa isang foreigner. Binilisan niya ang pagbuklat para lamang malaman na halos lahat ng larawang laman ng scrapbook ay tungkol kay Klyde.

Naroon ang kuha nito habang nakaupo sa loob ng opisina nito. May kuha rin ang lalaki habang iniinterview ng isang reporter. May mga stolen shots din ito habang naggogolf, nagsusulat, nakatayo sa intersection ng kalsada, natutulog sa loob ng bus, at nakikipagsayaw sa mga aeta.

Habang patuloy siya sa pagbuklat sa scrapbook at patindi nang patindi ang sakit ng ulo niya. Sa katunayan, nagsisimula na siyang pagpawisan. Palagi siyang nakakaranas ng ganoon tuwing iisipin niya ang lalaki. Hindi alam ng mga taong nasa paligid niya na ang tunay na dahilan kung bakit niya iniiwasang makausap o makaharap si Klyde ay dahil sa pakiramdam na tila may malaking bahagi ng sarili niya ang hindi niya kilala tuwing kausap niya ito. Idagdag pa ang pakiramdam na literal na sumasakit ang ulo niya sa tuwing makakausap niya ito.

Sa mga ganoong pagkakataon, palagi niyang gustong makita ang mga kambal na anak ni Klyde. It may sounds weird pero ang sakit ng ulo at pagkaligalig na idinudulot ni Klyde sa kanya ay madaling napapawi kapag nahahawakan at nakikita niya ang mga anak nito.

Tumayo siya sa kabila ng pananakit ng kanyang ulo at mabilis na lumabas ng kanilang bahay. Tiyak ang mga hakbang na tinawid niya ang kalsada patungo sa bahay nila Klyde. Nasa kalagitnaan na siya ng kalsada nang makarinig siya nang malakas na busina. Kasabay niyon ay ang tunog ng nagngangalit na gulong.

Marahas siyang napatingin sa gawing kanan niya kung saan parating ang isang malaking truck. Bigla, isang malagim na eksena ang pumasok sa isipan niya. Mabilis lang ang eksena pero malinaw niyang nakikita ang mga nangyayari.

Nagdadrive daw siya ng isang kotse habang sa backseat niyon ay makikita ang nagtatawanang anak na kambal ni Klyde. It was dark outside due to a heavy rain. Mabagal ang pagmamaneho niya subalit pagtawid niya sa intersection ay may nakakasilaw na liwanag na umangkin sa bintana sa tabi ng bakanteng upuan ng kotse sa tabi niya. Kasunod niyon ay ang pagbangga ng isang sasakyan sa kotseng dina-drive niya.

Hindi na niya natapos pa ang eksenang iyon dahil bigla na lang niyang naramdaman ang marahas na pagkabig ng kung sino mang iyon sa kanya paalis sa gitna ng kalsada. Ang galit na galit na si Klyde ang nakita niya.

He was yeeling and nagging. Pulang-pula ang mukha nito habang ang mga mata naman ay punong-puno ng pinaghalong takot at pag-aalala. Hindi niya alam pero isa man sa mga sinasabi nito ay wala siyang naririnig. Sobrang sakit na ng ulo niya at hilong-hilo na siya. Mayamaya, bigla na lang siyang nawalan ng malay at tuluyang nilamon ng kadiliman ang kamalayan niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status