Share

CHAPTER 6: Sophia's POV

Sa Hospital.

" Hi papa goodmorning, maaga po Ako ngayon Kasi mamaya pa Po yung trabaho ko. Ayukong mag isip ng Kung ano ngayon papa, basta ang alam ko lang masaya Ang puso ko ngayon. Sa wakas nakakahinga na ako ng maluwag dahil sa lalaking akala ko masamang tao, medyo kinikilig ako kapag naaalala ko sya papa (sabay hawak sa pisnge). Naway magtuloy tuloy na ang swerte sa buhay ko. Papa pagaling kalang dyan ah miss na miss kana namin ni Mama eh" 

"Napapabuntong hininga na lamang ako kapag naaalala ko yung mga Oras na kasama pa Kita papa. hayss Ayan na Naman eh gusto na Naman tumulo ng luha ko, Papa Naman Kasi eh tayo kana po dyan marami pa tayong pupuntahan kasama si mama"

Naiiyak Ako habang kinakausap ang papa kong mahimbing Ang pagkakatulog. Para akong sinasakal kapag naaalala ko yung mga panahong masaya pa kami. Yung panahong ramdam ko na importante ako sa mundong to. Ang sakit lang isipin at mahirap paring tanggapin na nangyari to sa buhay namin. 

Kung Sana lang panaginip ang lahat nang to at paggising ko sa Umaga bubungad ang napakatamis na ngiti nila mama at papa. If I can only go back in time, kung alam ko lang noon na yung gabing yon Ang sisira ng lahat, Sana ginawa ko nalang ang lahat para pigilan si papa na wag nalang tumuloy sa pagdeliver. Edi Sana hindi nangyari ang trahedyang yon, edi Sana iba yung buhay ko ngayon. I feel lost in the middle of the forest deciding where to go. Kung pwede nalang sumuko eh ginawa ko na pero alam Kong may hangganan Ang paghihirap Kong to at andyan pa si mama para palakasin Yung loob ko at Hindi ako mawawalan ng pag-asa na magkakasama ulit kaming tatlo. 

Life has full of surprises, Yung akala ko nga na di ko kayang gawin nagawa ko at yung mga bagay na akala ko Hindi ko kayang lagpasan nalagpasan ko, Kaya alam kong makakayanan ko lahat ng to. God's never leave me sa lahat ng laban ko sa buhay and my mother always cheering me up that everything will be okay soon. That's why I have no enough reason to give up, laban lang kagaya ng papa ko na matapang na lumalaban hanggang ngayon.

Sa apat na kwadradong silid na ito, halos nakita ko Yung sarili ko sa bawat sulok. Yung mga iyak, mga hinaing ko sa buhay na sana ay nandyan si papa para pagaanin lahat. 

"Papa laban lang po Tayo ah, wag Kang susuko magkakasama pa Po tayo at excited na po akong mangyari yon (sabay hawak sa kamay ng kanyang ama)"

Sa napakarami ko ng pinagdaanan Lalo na sa kamay ni Mrs. Alvarez, don ko ata naranasan lahat ng kahihiyan, pagmamalupit at pang aalipusta sakin, pero nakayanan Kong tiisin lahat ng yon dahil mahirap makahanap ng trabaho lalo na at Hindi pa ako nakapag college. Ngayon pa ba ako susuko, unti unti na akong nagiging matatag mas hinuhubog ako ng panahon at maging ng lahat nang nangyayari sa buhay ko ngayon. 

Si mama at si Papa lang ang tanging inspirasyon ko sa lahat, Ang pinagkukunan ko ng lakas at tibay ng loob, Kaya handa kong gawin ang lahat para sa kanila. 

Kung isusulat ko siguro ang kwento ng buhay ko, maaawa ako sa sarili ko at maiiyak. Hindi lang physical ang nasaktan at napapagod sakin kundi maging emotional. Siguro Kong Hindi ko nakilala si Harris malamang di pa rin ako nakawala sa malaimpyerno Kong trabaho. 

Ngayon ko lang napagtanto Mali talaga ang manghusga agad ng ibang tao Lalo na at Hindi pa talaga natin ito lubusang kilala. That's why I feel sorry to Harris, I already judge him without really knowing his personality. Alam Kong maling mali talaga ako sa part na yon, Hindi Ganon ang turo sakin ng mga magulang ko, siguro dahil na rin sa environment na ginagalawan ko over the years nakakapag adopt ako ng mga behaviors na dapat Hindi ko gawin. 

But I just want to make my mistakes right. In fact, sa kabila ng pagsusungit ko sa kanya, tinulungan nya pa akong makahanap agad ng trabaho. He's a type of guy aside from being handsome, he is kind, gentleman, respecful and a man that many girls are dreaming of. 

Hindi mapagkakailang full package na talaga  sya. Pero kahit na ganon kailangan kong pigilan ang sarili ko na madistract. Sya lamang ay Isang mabait na kaibigang aking pagtatanawan ng utang na loob. Yon lang dapat at Wala ng iba. Hindi ko dapat lagyan ng meaning ano man Ang sabihin o gawin nya. 

Nakakalungkot mang isipin na Hindi ko man lamang naranasan yung kung paano maging normal na dalaga. Kahit sa pagkakaroon ng crush ay kailangan ko pang pigilan ang sarili ko dahil sa mabigat na responsibilidad na nakaatang sa balikat ko. Siguro Ito talaga Ang kapalaran ko na kailangan Kong tanggapin. Kailangan Kong isantabi Ano man ang nararamdaman ko para sa pamilya ko. 

Ito ang masaklap na katotohanan sa buhay ko. Kahit gustuhin ko mang gawin, nandyan padin ang mga bagay na magpapaalala sakin na I don't deserve to be happy with such thing Kung ang kapalit naman ng kaligayahan na iyon ay kapighatian. Dagdag sa Sama ng loob na halos Araw Araw nadadagdagan. 

Ang kapalaran talaga ng tao ay masyadong kumplikado, Hindi natin alam kong saan Tayo dadalhin nito. Pero alam ko sa sarili ko na darating Ang Araw na ngingiti akong walang takot, pag aalinlangan at pag aalala. Siguro Hindi pa ngayon ang panahon na iyon kayat patuloy lang ako sa buhay hanggang sa marating ko Ang itinakda saaking panahon na Kung saan ako Naman Ang malaya.

Ang dami Kong natututunan sa buhay, tulad ng kailangan Kong lumaban ng mag Isa at harapin ang hamon sa buhay. Maging matapang at handa sa lahat ng Oras. Hindi na dapat paghinaan sa kahit Anomang bagay. Iiyak ng ilang minuto pagkatapos punas agad Kasi ganyan Ang buhay, papaiyakin at susubukin ka Mona nito bago mo makakamtan ang ninanais mo. Alam ko na Kaya ako nasa kalagayan na to dahil nagtitiwala Ang Diyos na malalagpasan ko ito at maipapanalo ko Ang laban na to. Mahirap sa una pero habang tumatagal nasasanay ka nalang at makikita mo ang sarili mo habang tumatagal nagiging mas matibay at malayo na sa dating ikaw. 

Anasthasia

"Ang buhay ay Puno ng pagsubok, paiiyakin ka Mona nito bago mo makuha ang kaligayahang para sayo"

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status