Home / Romance / My Bodyguard / Chapter Eleven

Share

Chapter Eleven

Author: Miss Eryl
last update Last Updated: 2025-09-04 16:22:20

Sunod-sunod na text messages ang natanggap ni Cassandra mula kay Althea. Palihim niyang inilagay ang iPhone sa kanyang beywang. Kahit hindi pa tapos ang kanyang pagkain sa hapunan, agad siyang tumayo mula sa dining table.

“Cassandra, hindi mo pa natatapos ang kinakain mo,” puna ni Manang.

“I'm full, Manang. Magpapahinga na po ako; masakit po kasi ang ulo ko.” Agad siyang lumabas ng dining area at mabilis na umakyat sa kanyang kuwarto.

Isinara at ni-lock niya ang pinto ng kanyang kuwarto at binasa ang mga text messages ni Althea. Napabuntong-hininga siya at umisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa mga mata ni Christopher. Paniguradong mamaya lamang ay nandito na siya sa loob ng kanyang kuwarto para gawin ang kanyang routine.

Pinandigan niya ang pagpapanggap na masakit ang kanyang ulo, kaya't nag-utos siya kay Manang Gloria na magdala ng gamot sa kanyang kuwarto upang maging kapani-paniwala ito. Ilang minuto lang ang nakalipas, tatlong sunod na mahinang katok sa pinto ang narinig
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Bodyguard   Chapter Sixteen

    "PALPAK ang plano mo! Estupido!" bulyaw ni Hudson sa kaibigan, si Luke."Pasensya na, may dumating na asungot." Hindi niya pinansin ang pagbulyaw nito. Sanay na siya kay Hudson; mamaya'y mapapawi rin ang galit nito."Asungot?""One of her bodyguards. Masyado siyang malakas."Napatingin si Hudson sa sugat sa labi at kilay ni Luke. Walang duda, malakas ang kamao ng bodyguard dahil sa mga sugat nito."Mas malakas pa siya sa'yo, dahil kung hindi, hindi magagalusan ang guwapong mukha mo." Natatawang sabi ni Hudson."Muntik ko na siyang makuha. Ang init ng katawan niya, at ang bango niya'y naaamoy ko pa rin." Suminghot-singhot ito, humithit ng sigarilyo, at ibinuga ang usok."Luke, hindi ko sinabing pagnasaan mo si Cassandra. Kaya ka nga pumapalpak, wala sa hulog ang mga plano mo!" Singhal ni Hudson. Kinuha ang sigarilyo sa bibig nito, pinatay, at dinikdik sa ashtray."Matagal ko na siyang pinagpapantasyahan.""Hindi dapat. Childhood sweetheart siya ni Aries."Seryoso na ang mukha ni Hudson

  • My Bodyguard   Chapter Fifteen

    PILIT niyang tinanggal ang mga kamay ni Cassandra na nakakapit sa kaniyang leeg at pabalibag na itinulak sa kama. Ayaw niyang saktan ang dalaga, ngunit iyon lamang ang paraan upang bumitiw ito at maiwasan ang mapusok nitong mga halik. Namumuo ang pawis sa noo niya. Napailing na lamang siya sa mga ginawa ni Cassandra. Kinumutan niya ito—tanging tuwalya lamang ang nakabalot sa katawan nito. Agad siyang bumaba ng maid’s quarters at ginising si Manang Gloria. Pupungas-pungas itong binuksan ang pinto. “Christopher, anong ginagawa mo rito? Gabi na!” “Pasensya na po, Manang. Tumakas po ang alaga ninyo. Kasama ang mga kaibigan niya, nagpa-party. Kailangan ko po siyang sundan at iuwi sa mansyon.” “Dios mio! Kamusta na ang alaga ko?” “Lasing na lasing po siya, Manang. Pwede po bang bihisan ninyo na lang siya? Naghubad po kasi siya sa harapan ko dahil sa kalasingan.” “Ano!” Masama ang tingin sa kanya ng matanda, tila nagdududa sa ginawa niya sa alaga nito. “Manang Gloria, huwag po kayong m

  • My Bodyguard   Chapter Fourteen

    NABUWAL sa kinauupuan si Luke dahil sa lakas ng pagkasapak sa kaniya ni Christopher. Pinunasan niya pa ang dugo sa kaniyang labi na tumama sa kanto ng mesa."Hey!" akmang susuntok pa sana ito ngunit agad na nakaiwas si Christopher. Napasubsob siya sa sahig dahil na rin sa kalasingan."Stay away from her," asik ni Luke kay Christopher. Bago pa niya pakawalan ang kaniyang kamao upang suntukin si Christopher ay isang tadyak ang pinalasap nito sa kaniya.Napadausdos siya sa katabing mesa at nagtumbahan ang mga alak na nakapatong doon. Ang mga nasa paligid ay hindi inalintana ang kaguluhan nagaganap sa pagitan nina Luke at Christopher.Muli siyang bumaling kay Cassandra na lango na sa alak at wala na sa sarili, nakalilis ang kanyang blouse na halos lumitaw na ang kanyang dibdib. Inayos ni Christopher ang suot niyang damit at sinara ang butones nito. Sinulyapan niya pa ang margarita na nakapatong sa mesa, kinuha niya at tsaka inamoy ang laman ng baso.Naamoy niya ang drogang inilagay sa inu

  • My Bodyguard   Chapter Thirteen

    SUMASABAY ang katawan ni Cassandra sa nakakaindak na tugtog sa loob ng bar. Itinaas niya ang kanyang kamay at iginiling ang beywang. Isang estranghero ang lumapit at sumabay sa kanyang pagsayaw. Gusto sana niyang umiwas, ngunit huli na. Hinapit siya nito sa beywang at sinabayan ang indak ng kanyang katawan.“You’re too sexy dancing,” bulong nito, inilalapit ang mukha kay Cassandra hanggang sa halos magdikit na ang mga ito. Naamoy niya ang alak at sigarilyo sa hininga ng estranghero.“Oh, really?” Huminto siya sa pagsasayaw at humakbang palayo.“Hey, wait. Can we have a drink? Just one shot,” anito, hinahawakan ang kanyang kamay. Ang mga ngiti nito ay tila tumutunaw kay Cassandra dahil sa lakas ng karisma.“Yeah, sure. Pero kailangan ko munang hanapin ang mga kaibigan ko.”Nagpalinga-linga siya sa loob ng bar at namataan sina Althea at Carla na kapwa may kasayaw. Si Carla naman ay nag-iisa sa kanilang puwesto at halatang lasing na dahil sa dami ng alak na nainom.“I think your friends

  • My Bodyguard   Chapter Twelve

    Isang kulay itim na kotse ang pumarada sa likod ng mansyon. Doon niya pinapunta si Althea upang hindi siya mapansin ng kaniyang mga bodyguard, at bukod dito, ay hindi ito tanaw ng CCTV.Bumukas ang pinto ng kotse at lumabas ang kanyang kaibigan na si Althea, kasama ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Carla at Allysa na nakaupo sa driver seat.“Hey guys, what are you doing here?” napaturo siya sa dalawang kaibigan sa pagtataka. Ang buong akala niya kasi ay si Althea lamang ang makikipagkita sa kanya dahil sa importanteng sasabihin nito.“Huwag ka nang tumayo diyan. Get in the car,” sabi ni Allysa sa kanya. Binuksan nito ang unahan ng kotse upang makasakay siya agad.“Let’s party!” sigaw ni Allysa habang pinapatakbo nang mabilis ang kotse.Parang lalabas ang laman-loob ni Cassandra dahil sa bilis ng pagpapatakbo ng kotse. Hindi na siya sanay sa ganitong gimmick; mahigit isang buwan na rin ang nakalipas mula nang hindi siya nakakalabas kasama ang mga kaibigan. Girls' night out, ito ang

  • My Bodyguard   Chapter Eleven

    Sunod-sunod na text messages ang natanggap ni Cassandra mula kay Althea. Palihim niyang inilagay ang iPhone sa kanyang beywang. Kahit hindi pa tapos ang kanyang pagkain sa hapunan, agad siyang tumayo mula sa dining table.“Cassandra, hindi mo pa natatapos ang kinakain mo,” puna ni Manang.“I'm full, Manang. Magpapahinga na po ako; masakit po kasi ang ulo ko.” Agad siyang lumabas ng dining area at mabilis na umakyat sa kanyang kuwarto.Isinara at ni-lock niya ang pinto ng kanyang kuwarto at binasa ang mga text messages ni Althea. Napabuntong-hininga siya at umisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa mga mata ni Christopher. Paniguradong mamaya lamang ay nandito na siya sa loob ng kanyang kuwarto para gawin ang kanyang routine.Pinandigan niya ang pagpapanggap na masakit ang kanyang ulo, kaya't nag-utos siya kay Manang Gloria na magdala ng gamot sa kanyang kuwarto upang maging kapani-paniwala ito. Ilang minuto lang ang nakalipas, tatlong sunod na mahinang katok sa pinto ang narinig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status