Share

CHAPTER 5—First punishment in office

Hindi ko mapigilan ang hindi mapatayo at magtingin-tingin sa paligid. Mukha ni Benjamin ang nakikita ko, kahit saang sulok ng office.

“Papatayin kita!”

Tinakpan ko ang mga tenga ko nang marinig ko ‘yon sa isip ko.

“Katangahan mo ang pinapairal mo! Wala kang kwenta!”

Isang alaala na paghampas niya sa akin ang dahilan para mapahagulgol na ako ng tuluyan.

Nakita ko si Rome na napatayo sa kanyang upuan at nilapitan ako ngunit pinigilan ko siya.

“Please, ‘wag mo akong saktan,” umiiyak kong pakikiusap. “Kakapanakit mo pa lang sa akin kanina. Sobrang sakit na ng katawan ko. Hindi ko na alam saan ako lulugar! Tama na, ayoko nang masaktan!”

“What the heck is happening to you? And what are you talking about? I will not hurt you and I didn’t hurt you. Baka akalain ng mga makakarinig sa ‘yo sinaktan talaga kita. My goodness. Ipapahamak mo pa ako!” singhal niya sa akin.

“Kailangan kong mapag-isa,” huling sabi ko at tumakbo palabas ng office niya. Hindi ko alam kung saan pasikot-sikot ang building na ‘to pero ang alam ko lang na nakarating ako sa hindi pamilyar na hall kung saan ako lang ang mag-isa.

Kitang-kita ang buong shudad sa lugar na ito. Napaupo ako at napayakap sa tuhod ko.

Ayoko na ulit mamaltrato ng ibang tao. Ang hirap, lalo na kapag naaalala ko at lalo na n’ong wala akong mahingan na tulong. Kapag ganito ang nararamdaman ko, si Francis ang kailangan ko.

Komportable ako kay Francis at hindi ko siya kayang wala sa tabi ko kapag sinusumpong ako.

“It is not rude to run away while I am interviewing you?” boses ni Rome ang narinig ko sa likuran ko. “Baliw ka ba? Alam mo, hindi pa kita empleyado, namroblema kaagad ako sa ‘yo.” Hinawakan niya ang sintido niya at inilagay ang kaliwang kamay sa baywang niya.

Yumuko ako, “Sorry po, sir. Na-anxiety attacked lang ako kanina,” paghingi ko ng paumanhin. “Hindi ko sinasadya. Hindi ko mapigilan. Para akong hinahabol at gusto kong makawala sa humahabol sa akin kaya hindi ko na napigil ang mapatakbo hanggang sa bumalik ako sa huwisyo,” dagdag ko.

“Tch. Never mind, follow me and I will explain your job,” malamig niyang sabi at tinalikuran ako.

Sinundan ko siya papunta sa elevator. Sa likuran niya ako nakapwesto kaya nakakaramdam ako ng nerbyos.

“Click the 8th floor button,” utos niya kaya inabot ko ang elevator button. Nanlaki ang mata ko nang mapindot ko ang number nine. “Hindi mo ba alam ang numerong walo?!” Iritable niyang tanong at medyo itinulak niya ako kaya napalayo ako sa tabi ng elevator button.

Siya na ang pumindot ng number at sinamaan ako ng tingin bago niya ibinaling ang tingin niya sa pinto ng elevator.

“Sorry, nagkamali ako ng pindot,” pag-nguso ko.

“Kailan pa ba hindi mali ang mga ginawa mo?” Ngumiwi siya kaya yumuko ako habang napapalunok. “Ayoko sa mismong trabaho mo nawawala ka sa sarili mo. That’s one of my pet peeves. Nakakairita lang. Kapag nairita ako, nanananggal ako ng mga empleyado kaya sana malinaw ‘yon sa ‘yo.”

Hindi ko namalayan na nagsilabasan na ang nagkakarerahan kong luha. Mas diniinan ko ang pagsara ng bibig ko para hindi niya mahalatang umiiyak ako. Naiiyak lang ako kasi ang laki ng pagbabago ng asawa ko.

“Move!” Bulyaw niya nang tumunog ang elevator hudyat na nandito na kami.

Maingat akong sumunod sa kanya at pinagmamasdan lang ang likod niya pati na ang kanyang kilos.

Lumabas bigla ang mga ugat niya sa kamay nang buksan niya ang pintuan ng office. Nanlamig ako dahil sa aircon kaya niyakap ko ang sarili ko.

May hawak-hawak siya na papel nang bumaling ang tingin ko sa kanya matapos kong isarado ang pinto.

“This is the contract that you need to sign. What is this? I will just summarize it, baka kasi pirma ka lang nang pirma para lang sa pera,” umirap siya bago niya binitawan ang papel.

“Ano ba ang gagawin ko?” Lumapit ako malapit sa pwesto niya.

“Just wait and I will tell you!” he growled which made my mouth shut. “You will be my temporary secretary here since I am looking for a qualified, smart, beautiful, sexy, and one hundred percent confident as my secretary,” madidiin niyang sinabi, hindi mawala-wala ang tingin niya na para bang sinasabi niya na kasalungat ako ng puri niya sa gusto niya sa isang babae na magiging secretary niya. “It is not only your job but to be a maid in my mansion, it is actually your real job,” dugtong niya. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon na itatapon ko sa kanya.

Maid niya?

Dati niya akong asawa…

Ang pangit naman sigurong tingnan kung ang dati niyang asawa ay magiging katulong niya.

“That word ‘maid’ suits you better, right?” Pagngisi niya.

“Hindi bagay sa ‘kin,” malakas na loob na sagot. Inikot naman niya ang mga mata niya.

“Damn, whatever.”

ROME

I knew what was up with this woman, the way she reacted a while back made me puzzled. She was in shock, afraid that might people hurt her, and she even shielded herself.

My wonders increased about how she acted, but I ended up, I didn’t care. Who is she, anyway, to worry for her?

Mukha namang hindi siya nagpapanggap sa nangyari kanina sa kanya kaya hinayaan ko na lang siya kahit na nagsisigaw at nagtatakbo siya rito.

Whatever happens to her, I’m out. I have my plan here to accomplish, which is to punish her. I won’t stop until she does not feel the taste of my revenge. I won’t stop until she doesn’t experience what I have been through. Malala pa sa gasgas ng gulong sa kalsada.

I haven’t started yet. I let her first know the details about the Wilson Incorporation, my company, and the job of being secretary, but I am planning another job that suits her. Secretary is a high standard job for me, hindi siya nararapat doon.

Pangkatulong lang ang nababagay sa kanya. She was now sitting at the left side where the table of the secretary was placed. I can see her focused on knowing the information of the company. Napataas na lang ang kaliwang kilay ko.

I can feel that she was amazed. She tried to throw her gaze at me but I suddenly glared at her. Ilang ulit niyang magtangkang bumaling sa pwesto ko pero kahit isang putol sa talim ng tingin ko, hindi ko ginawa.

Alam ko ang mga tingin niyang ‘yan. Alam na alam ko ang gusto ng atensyon ko kaya sinusubukan niya.

Gusto kong iparamdam sa kanya na galit na galit ako. I know it was unbelievable for her to know that I am a successful businessman now.

Her regret in her eyes was invisible, isa sa mga bagay na gustong-gusto kong makita, ang magsisi siya sa ginawa niya. Ngunit hanggang pagsisisi na lang ‘yon, wala ng iba pa at mangyayari pa.

“Wow! Natapos mo pala ‘yung business management?” She asked, smiling like she didn’t do anything.

Nang mapansin niyang matalim ang titig ko, nanahimik siya at humalikipkip. I was irritated by her voice. If only I didn’t have the desire to punish her, I would rather kick her here.

“Wow! Twenty million…a day?” Napatakip pa siya sa kanyang bibig.

Twenty million ang kita ng kumpanyang ‘to, naka-aparte pa ang iba kong ari-arian.

Napailing na lang ako at hinayaan na muna siya. Ayokong sagarin ang mood ko ngayon. Pinaglaruan ko ang isa sa mga paborito kong ballpen habang tinitingnan ang bagong innovate na product na suhestiyon ng mga presenters ko.

I stopped when I heard a growl from her spot. As I glimpse her, she is holding her stomach. She feels uneasy and side-eyeing me, seems like she is embarrassed. I scoffed.

I continue to work, letting her starve. Buhay niya ‘yan, eh. N’ong mag-asawa pa kami, kahit na napakahirap ng buhay, I never let her starve like that. I served her as my queen.

Wait! Parang may gusto akong pag-tripan.

I texted Regina to deliver me food so that I could eat. Maraming iba’t ibang pagkain ang nirequest ko. 10 minutes later, Arlo entered with a paper bag in his hand. Sumabog ang amoy ng pagkaing dinala niya kaya’t ang ulo ni Faye ay nakasunod kay Arlo. Napangiti ako nakakaloko.

“Here’s your food, sir! Enjoy!” I nodded at Arlo and opened the paper bag. There were 2 containers. Binuksan ko ang dalawa at nagsimula ng magsandok.

Lasagna at Carbonara na may kasamang Cordon Bleu. Before I ate, I looked at Faye. She was looking at me, especially at the food container. Kitang-kita ko ang paglunok niya.

I slowly eat the food in the teaspoon, looking at her, teasingly smirking. Nakanganga pa talaga siya. I wanted to express laughing out loud but I wanted to tease her more.

Sumubo ulit ako at uminom ng juice. She was swallowing nonstop then after that, she looked away but gazed again at my food.

Palagay niya ba bibigyan ko siya? Noong dati kontento na kami sa kakaunti ang kinakain sa isang araw, ngayon hindi na mangyayari ‘yon. Wala na akong pakialam kung mapuno pa ng inggit ang isip niya.

“Gusto mo?” Tanong ko at ngumisi.

“H-Hindi na.” Parang pagsisising sagot niya at nagbasa ulit. Nanginginig pa ang mga kamay niya.

Kinuha ko ang container ng lasagna at itinapon iyon sa sahig na ikinagulat niya. “If you want it, get it and eat it.”

“B-Bakit mo tinapon? Sayang naman!” I raised my left eyebrow when she knelt to get the food lying on the ground. Dahan-dahan niya ‘tong tinikman.

“Yuck.” Hindi ko mapigilan ang matawa ng mahina. “Patay gutom.” I shook my head sarcastically and sat down in my rotating chair.

Now I feel repulsed. The way she was eating gave the impression that she hadn’t eaten in years. I sent Regina another email asking her to bring more food and coffee for me.

What I tasted of the pasta was not to my taste. Yet, the carbonara and Cordon Bleu remains here, and the lasagna that Faye eats on the floor.

“Hmm…” I groaned as I got up and picked up her resume. I tore it apart loudly. What I did astounded her. I stopped to clean up the lasagna mess on the floor using her résumé.

“Rome?!” gulat niyang reaksyon, “bakit mo naman ginawa ‘yon? Ang mahal kaya ng print!”

Itinaas ko ito nang gusto niya ‘tong abutin. Napapatingin ako sa kanya sa tuwing ngumanganga siya kapag sinubukan niyang abutin ang punit niyang résumé.

“Patay gutom ka ‘di ba? Tinutulungan lang naman kitang damputin ‘yang pagkain sa sahig. Oh, kainin mo,” I grinned and offered her the résumé full of lasagna.

My beaming face faded as she started crying out of the blue. I got up and tossed the paper in front of her.

I muttered sourly, “Clean it up,” and clomped back to my swivel chair.

Every time she cries out, I become irritated. She is not someone who should be pitied. Kung iniisip niya na kaagad akong naaawa at marupok katulad ng dati, pwes nagkakamali siya. Magmula nang iwan niya ako, naging matigas na ang puso ko na parang bakal na hindi madaling sirain.

I was watching her cleaning the floor while scrolling through the trending advertisement of one of my competitors. I blocked him so that I couldn’t see him. Isa sa mga nakakadagdag sa mga useless people na nasa social media ko.

But her presence bothered me so much. Kanina ko pa siya binabalingan and she was crying painfully.

I just realized what I did, throwing food is not a good idea and I didn’t mean to do that. I was just mad and hurt.

The moment I saw the new posts of Xino, muntikan ko nang masuntok ang laptop. He just posted my wacky picture!

Bwesit. Kaya ayaw kong kasama ‘tong umiinom. Lagot ka sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status