Share

CHAPTER 4—He has changed

FAYE

Gusto kong tumakbo papunta sa kanya para mahigpit siyang yakapin, pero natatakot ako sa mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Parang mga patalim kung makatitig. Kulang na lang masasaksak na ako sa tingin niya. Napalunok ako at hindi ko maitago ang nerbyos ko.

Pinapangarap ko ‘to e, ang makita ang mukha ng lalaking kinababaliwan ko at mahal na mahal ko.

“You missed me?” tumawa siya na para bang nagbiro ako, punong-puno ng sarkastiko at sakit. “Why? Iniwan ka na ba ng kabit mo?” May sama ng loob ng boses niya. “Nagsawa na ba siya sa ‘yo o pinagpalit mo rin?”

Wala na akong nasabi pa at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. Iisa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon, siya at ang hitsura niya ngayon. Ibang-iba na siya ngayon. Ang guwapo-guwapo na niya, desente at ang ganda na ng postura niya. Bagay na bagay sa kanya ang kanyang pormal na kasuotan.

Kung dati payat siya, ngayon maskulado na. Mas lalo siyang pumuti. Namumula na ako ngayon dahil punong-puno ako ng paghanga sa kanya.

Nakaramdam ako ng hiya sa sarili ko. Malayong-malayo na ang narating niya kumpara sa akin.

Pero masaya ako nang makita ko siyang ganyan na nasa sitwasyon. Ang buong akala ko naghihirap din siya katulad ko.

Salamat naman kay Lord at binigyan na niya ng magandang status si Rome.

“R-Rome. H-Hindi ako makapaniwala. Ikaw na ba talaga ‘yan? A-Ang laki ng pinagbago mo,” hindi mapigilan na sambit ko. Pinigilan ko ang sarili kong tumakbo sa kanya dahil nakakahiya.

“Tsk. Ano naman ngayon? Anyway, ano pang tinatanga-tanga mo? Sit. Don’t look so pathetic in front of me. Naiinis ako, hindi ako naaawa,” magkasalubong na kilay nitong sabi. “You are here for the job, right? Not just a person who wants to stare at me so ridiculous. Parang ngayon ka lang nakakita ng ganitong tao. Jeez, for crying out loud!”

Hindi ko siya sinunod at nanatiling nakatayo. Nakikita ko sa mata niya na sobrang nasaktan siya at nagalit sa akin dahil sa ginawa ko. Napansin ko rin na parang naging perfect shape na rin ang kanyang mga kilay. Ang pula-pula ng labi.

Shet!

Napailing ako nang marealize kong masyado kong pinapantasya si Rome. Naalala ko bigla ang tungkol sa trabaho. Kung ganun siya ang may-ari nito?

Nanlaki ang mata ko dahil sa naisip ko. Oh, my God. Siya ang may-ari? Siya ang boss?

Ayoko na isa pa ako sa makakasira ng araw niya, at ayokong bumalik para sirain ang natapos niya, pero malaki sa parte ko na umaasa akong magkakabalikan kami bilang mag-asawa. Alam ko na isa na akong sumira sa buhay niya pero hindi pa ba pwedeng ulitin?

“I’m sorry,” dalawang salita lang pero nautal pa ako. Magsasalita pa sana ako pero parang napiyok bigla ang boses ko dahilan para isarado ko na lang ang mga labi ko.

“Can you stop all the dramas, please? And stop wasting my time!” kinalabog niya ang mesa na ikinagulat ko. “Pinapaupo kita, ‘di ba? Mahirap bang intindihin ‘yon?”

“A-Ah, k-kasi, Rome—”

“Call me SIR!” sigaw niya para maputol ang sasabihin ko. “We are not close to mention my name,” madiin nitong sabi at napatayo pa para duruin ang mesa. “At nakakadiring pakinggan kapag nanggagaling sa bunganga mo!”

Napakagat ako ng labi dahil sa sinabi niya at pinagbuklod ang mga daliri ko sa ibabaw ng puson ko.

“I’m sorry, p-pero hindi ko na tatanggapin ang trabaho,” mahinang sabi ko at tumungo para hindi salubungin ang nakakamatay niyang tingin, “maghanap na lang kayo ng bagong employee,” ngumiti ako habang nakayuko. “Pasensya na, tatanggihan ko ang trabaho.”

“What?!” halatang nairita siya sa sinabi ko.

“Pasensya na ulit, mauuna na ako,” paalam ko at tumalikod na. Napatigil ako sa ilang paghakbang ko nang kinalabog niya ang mesa.

“You need money, right?” alam kong naglalakad siya papalapit sa akin dahil sa lakas ng tunog ng kanyang mga sapatos. “Your mother is sick and she needs medicine for her entire life. Your brother was in high school and I know your wish for him is to finish his studies,” dugtong niya pa. “Your sister also needs money like you, para mabuhay.”

Napakagat ako ng labi ng madiin at nakaramdam ng kahihiyan sa sinabi niya. Hindi ko alam na may alam pala siya sa estado ng buhay ko. Paano niya nalamang may sakit si mama? Hindi ko man binanggit sa kanya, kahit ‘yung nangyari kay papa alam ko wala siyang alam dahil iniwan ko siya n’ong panahong ‘yon. Mas inisip ko ang kapakanan niya at ayaw ko siyang mamroblema pa sa pinoproblema kong malaki n’on.

“Oo, kailangan ko ng trabaho,” humarap ako, “Pero hindi ko matatanggap ito, lalo na’t nasa kumplikado tayong sitwasyon,” may hiya sa tono ang boses ko. “Hindi ngayon, hindi pwede at alam kong ayaw mo. Ayokong sirain ang buhay mo dahil lang nakikita mo ako.”

Tumawa na naman siya na kahit sino ay maaasar. Umiiling pa siya at sumandal sa table niya.

“Really, Faye? Ikaw pa ang may ganang mahiya? Makapal ang mukha mo, hindi ba? O nahihiya ka lang dahil alam ko kung sino ka? Baka naman kasi ikinakahiya mo ang status ng buhay mo at ang sarili mo sa akin?” He shook his head and let out a sharp sigh. “Sabagay, kahiya-hiya ka naman talaga. What a poor woman. Mahirap na nga, kahiya-hiya pa. Ang dami mong mali sa buhay mo pati ‘yang pagiging tanga mo idinamay mo pa,” matutulis niyang sabi at parang pinira-piraso ang puso ko roon.

Nasaktan ako sa sinabi niya. He never said those words to me, pero masisisi ko ba siya kung nasaktan lang siya ng nakaraan namin? I am the one to blame here, none other than me. Ako ang nang-iwan sa kanya.

At wala naman siyang karapatan na ipangalandakan na mahirap lang ako. Napagdaanan mo rin naman ang kahirapan, Rome. But I can’t blame him. I changed him. Kasalanan ko kung bakit nawala na lang bigla ang dating Rome na kilala ko.

Wala siyang nakuhang sagot sa akin, tanging pagtungo lang ang naipakita ko. Pagkatapos ng ilang segundo, tumalikod na ako para umalis, ngunit napatigil sa kanyang sinabi.

“Five hundred thousand a month.”

Napaharap ako ng mabilis sa kanya, “H-Ha? F-Five hundred?” totoo ba? Ang laki ng halaga ng sweldo!

Nasa Pilipinas lang ako. Dinaig ko pa ang mga vlogger kung ganun. Madalang lang ang ganitong sahod kahit sa ibang malalaking kumpanya.

Sobrang yaman ba talaga ni Rome? Hindi ba siya nalulugi sa mga pinapasweldo niya?

“All free, even your uniform, your food, anything.”

Lumapit siya sa akin. One foot ang layo niya. Naakit naman ako sa amoy niya. Napakabango, lalaking-lalaki. Naiiyak ako sa isip ko na gusto ko siyang lapitan at paggigilan kasi namiss ko siya ng sobra.

Nakakatindig balahibo rin ang amoy niya parang gusto ko na lang biglang sumunggab sa kanya at halikan siya ng walang katapusang beses. Gusto ko ring hawakan ang mapupula niyang labi. Gusto kong halikan ang magaganda niyang mata.

“Still not want to accept it?” Ipinalupot niya ang mga braso niya sa kanyang dibdib. Blangko pa rin kung paano niya ako tingnan.

Kanina pa ako nakatitig sa kanya mula ulo hanggang paa. Para akong pinakain ng napakaraming mga insekto sa tiyan ko para maramdaman ang matinding kiliti sa kanya.

“H-How, how sure are you that the mentioned amount a while back is legitimate?” paninigurado ko.

Libak siyang ngumiti. “So you were speaking English, huh?”

“Eh.” Napakagat muna ako ng labi. “Totoo nga ba ‘yun?”

Baka sinasabi niya lang ‘yon para hindi niya ako paalisin? Pero sa kabilang isip ko sana totoo dahil wala na akong ibang mahahanap na ibang trabaho at ganito kung magpasweldo.

Grabe, dai. Tanga na lang ang hindi tatanggap sa trabahong ‘to. Willing akong matuto sa lahat.

“Babayaran muna kita, if you want, to prove that what I’ve said was true, but I doubt you will run away after you get the money. Ganyan ang ginawa mo noon, ‘di ba? What a greedy,” pag-iling niya. “A gold-digger.” Ngumiti siya nang may pagka-uyam.

Nanahimik ako at yumuko ulit, hindi na muling nakapagsalita pa. Hindi ko alam saan ako magsisimula, pero gusto kong magpaliwanag sa kanya. Gusto kong ipaliwanag ang dahilan na matagal ko ng tinatago noon pa. Lahat ng naitago ko na paliwanag sa isip ko, sa wakas nagkaroon na ako ng sign para ibulgar lahat ng ‘yon sa kanya.

Naniniwala ako na kapag narinig ako ni Rome, maiintindihan niya ako at magkakaroon pa ng chance para balikan niya ako. Tibay na loob lang talaga ang kailangan ko.

“Deal or no deal?” walang pasensyang tanong niya. “Ang tagal, Faye!” stress na stress niyang dagdag.

In the end, “Deal.” Sayang ang opportunity, napakadami ng sweldo. “Deal ako, s-sir. G-Gagawin ko ang makakaya ko,” determinadong dagdag ko.

Isa pa, makakasama ko siya, makakasama ko ang mahal ko. Kanina ko pa gustong maiyak sa totoo lang, pinipigilan ko lang dahil nahihiya ako sa kanya.

“Ang hilig mong magpa-importante sa lahat ng bagay, papayag ka rin naman.” Umiling siya kasabay ang pagtirik ng kanyang mga mata. “Let’s start the interview, then,” umupo siya sa swivel chair niya habang nakadikit ang kanyang mga kilay. Mata yata ng tigre ang kaharap ko ngayon.

Naupo ako sa harapan ng table niya at pinanood siya na mag-ayos ng mga papel. Napagmasdan ko ang table niya. Glass ang tumpakan at wood naman ang foundation ng table. Mayroon din siyang glass hours at mayroon siyang tasa na may nakasulat na ‘I love SG’ na may mga laman na ballpen at mga lapis.

Nakita ko rin ang necktie niya nakapatong sa pinakagilid ng table. Marami ring candy na nakalagay sa isang glass cup.

Ni isang tingin ay hindi siya bumabaling sa akin, habang ako, mumuntikan ng maglaway sa kakatitig sa kanya.

Kanina ko pa sinisinghot ang pabango niya, nakakaakit.

“Stop staring at me, pinapatayo mo ang buhok ko sa balat,” pansin niya kaya’t tumikhim ako at pinaglaruan na lang ang singsing sa kamay ko. “Artistang-artisa ako sa ‘yo ‘no? Ganyan ba talaga ang hindi mulat sa mga tao?” Bahagyang umawang ang mga labi ko. “Tell me about yourself,” panimula niya, common na tanong ng mga interviewer.

Nakalimutan mo na ba kung sino ako, Rome? Ako ang asawa mo na mahal na mahal ka pa rin hanggang ngayon.

“U-Uh.”

Shet! ‘Wag kang mauutal!

“Huwag na pala,” pagtuloy niya nang akma na akong magsasalita. “Alam ko magsisinungaling ka lang, baka hindi ako magdalawang isip na palabasin ka,” naiinis nitong wika. “Baka sabihin mo na napakasimple mo at marami kang alam na trabaho pero ang totoo, kasinungalingan at kalandian lang ang dumadaloy sa dugo mo.”

Malungkot ang mga mata ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. Ang sakit lang sa dibdib na ganito na katindi ang galit ng taong mahal mo sa ‘yo. Parang nabiyak ang puso ko sa mga salitang lumabas sa kanya.

Malandi ang tingin niya sa akin, hindi na nakakapagtaka ‘yon dahil sa nangyari.

“What are your strengths?” ikalawang tanong niya.

“My strengths are—”

“Money and boys,” siya na ang sumagot, may asar ang kanyang tono habang nginingisian ako. “Especially old wealthy guys. Being a brag about handing a little of money.”

“Rome naman—”

“I said don’t fucking call me to my name from your disgusting voice!” gigil nitong sigaw sa harap ko kaya’t napapikit ako ng mariin.

Isang sigaw ang nanumbalik sa alaala ko. Ang sigaw niya, kung paano niya ako saktan.

Sa tuwing galit siya, sumisigaw siya ng pagalit kasabay ang pambubugbog niya sa akin, paglalatigo sa likod ko at sa mga hita at pamamalo sa akin gamit ng bakal ng sinturon niya na muntikan ko nang ikinamatay.

Itinago ko ang kamay kong nanginginig. Ang isa kong kamay ay nasa dibdib ko. Hindi ko pinapahalatan sa kanya na humihinga ako ng malalim. Anxiety attack.

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag ganitong sitwasyon.

Kailangan kong mapag-isa. Kailangan ko nang magandang tanawin. Kailangan ko ng karamay. Kailangan ko ng taong nasa tabi ko para maging kalmado ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status