“Isa!” Pinalo ko nang bahagya ang kamay niya nang bigla niyang ipasok ‘yon sa suot ko na croptop.“Pakipot!” May asar sa kanyang tinig.“Hindi ako pakipot ‘no!” Kontra ko at umupo. Tinadyak ko siya ng bahagya sa tagiliran niya. Nang hindi siya umimik, tinadyakan ko ulit siya. He returned his gaze to me wearing his mischievous smile.Oh no…“Aw!” Bigla niyang hinablot ang hita ko at hinila ng may pwersa papunta sa kanya. Ang ending, nasa gitna ko siya habang nakakulong ako sa bisig niya.“Baka naman…” Nakangisi niyang pagpaparinig at hinalikan ako sa labi ng mabilis, “pwede na.”“Ewan ko sa ‘yo!” Namumula kong sabi at pilit siyang tinutulak. “Isa! Ang awkward ng posisyon natin!”“Dalawa, tatlo, apat, lima!” Itinaas niya ang mga kamay ko at hinalikan na naman niya ako sa leeg ng walang tigil kaya hindi ko mapigilan ang mapahalakhak ng malakas dahil sa kiliti.“Isa!” Tawang-tawang sigaw ko.“Oo, one round lang.” Inangat niya ang sarili niya mula sa pagkakapatong niya sa ‘kin.Pinanood k
“Faye!” Napatigil ako sa pagtakbo nang tawagin ako ni Rome. May narinig akong tawa ng isang babae. Agad akong bumaling at sinamaan silang tingin na dalawa.Hindi nagtagal napanguso ako at hindi mapigilan ang mapaiyak nang mahina.“Oh, my love…” Niyakap ako ni Rome at hinalikan ako sa ulo nang mahuli niya ako. “Claudia was just pranking you. Nakita ka niya kasi kaninang nakasilip.”Sumakit bigla ang dibdib ko sa pamimigil ko sa iyak ko dahil sa selos. Hindi na ako nakapagsalita pa at tinikom ang nga kamay ko.“Friends lang kami ni Rome. Hindi ko siya nilalandi. I was just joking.”“Hindi nilalandi pero kung ano-ano ‘yung mga pinagsasabi mo kanina sa kanya!” Hindi ko mapigilang pahayag ko. Pinigilan ako bigla ni Rome nang magtangka akong lapitan siya.“We are just talking about something. Nakita niya lang ako roon and kinausap niya. You don’t need to think deeper about that, mahal. Kaya lang naman niya sinabi ‘yon kasi nakita ka niya. Sinabi niya rin naman sa akin so mapang-asar ang boy
Ibinaling ko ang tingin ko sa isang lalaking kanina ko pa nararamdaman na nakatitig sa akin. Napakagat ako ng labi habang nginingitian siya ng matamis.“You should join them,” sabi niya at itinuro ang mga nag-su-swimming.“Ikaw?” Tanong ko.“Mamaya na ako. Kailangan ko munang sumali sa mga boys. Umiinom sila oh,” turo niya kina Xino na naghahanda ng mga alak.“Okay. ‘Wag masyadong marami, ha?” Paalala ko.“Alright. Isama mo na si Francis sa dagat, enjoy kayo.” Hinalikan niya ako sa noo at saka niya pinuntahan sina Xino.Napabusangot ako. Excited sa alak! Napatakbo eh. Pero wala naman akong karapatan na bawalan siya sa gusto niya kahit n’ong mag-asawa pa kami, hinahayaan ko lang siya kung saan siya masaya. Huwag lang sana siyang mambabae at puputulin ko talaga ‘yung ano niya.“Francis, tara swimming tayo.” Inakbayan ko siya at pinuntahan ang mga girls na busy sa pagbabad ng tubig.“Ate, doon muna ako kina Kuya Rome.” Tumigil siya sa paghakbang.“Bakit? Ayaw mong maligo?”“Gusto ko lang
Namulat ko ang mata ko nang may kumakatok sa pinto ng bahay. Agad akong tumayo at binuksan ang pinto.“Bill ng kuryente,” sabi ng manong. Iniabot ko ang bill ng kuryente. 256 lang ang kuryente ko dahil electricfan at ilaw lang ang ginagamit ko.Naghanda na ako para sa duty ko sa trabaho ko. Wala akong inilalagay sa mukha ko at tanging pagsuklay lang ang ginagawa ko bago pumasok. “Hi.”Nagulat na lang ako bigla sa next customer matapos kong ma-punch ang mga groceries ng may katandaan na babae kanina.“Ikaw pala, hmm, Rome, tama?”“Oo. Mabuti naman at natatandaan mo ang pangalan ko,” mahinhin nitong sagot kaya’t napangiti ako. Ang cute niya kasi sa inaasta niya ngayon.“So, asan ang binili mo?”“A-Actually, wala,” pagkamot niya sa batok niya kaya’t napakunot ang noo ko. “Anong time ng labasan niyo?”“7:30 pm pa.”“Pwede tayong magkita? Diyan lang sa 2nd street. Gusto ko lang na makausap ka.”“Titingnan ko. Excuse me, may customer.”“Ay…sorry. Hihintayin kita mamaya!”Hindi pa ako nakak
Inilapit ko ang mukha ko at idinikit ang labi ko sa labi niya. Agad naman niya akong itinayo para paghiwalayin ang mga labi namin.“Faye, ‘wag mo na gawin ulit ‘yun!” Banta niya habang nakakunot ang noo.“Kiss lang naman,” ngusong sabi ko at nag-iwas ng tingin.“Wala pang tayo, okay?”Ouch naman! “Okay…” Pag-tango ko. “At saka ayokong gumawa ng kasalanan. Lalaki ako, baka mapatulan kita sa ginagawa mo. Hangga’t kaya kong mapigilan ang temptation kasama ka, gagawin ko. Malaki ang respeto ko sa mga babae, siyempre lalo na sa ‘yo, ayaw kitang galawin, bata ka pa, marami ka pang magagawa at alam kong may pangarap ka pa. Ayokong sirain lang ‘yon. Huwag mo ng ulitin ‘yon dahil hindi maganda sa mata ng iba!” Sermon niya na mas lalong nagpababa ng nguso ko. Bigla kong naramdaman ang matinding kahihiyan.“Sorry na,” ‘kako at hindi makatingin sa mata niya.“I mean, kasal muna bago touching. Ganun point ko. At parehas tayong hindi ready sa pagbuo ng pamilya. Marami akong strategy na gagawin k
Bumaling ako kung saan nag-iinuman si Rome at nakatingin pala sila sa pwesto namin. Ngumiti siya at tumango, natutuwa na nakita niya kami ng nanay niyang nagyakapan.Akala niya bati kami ng magulang niya pero nag-iyakan lang kami tungkol doon. Hindi ko nga alam kung okay na ba talaga ni Mrs. Cora.Bigla siyang tumayo at naglakad papalapit sa amin. Tumalikod ako sa kanya ng bahagya para hindi niya mahalatang umiyak ako. Ayokong mag-alala siya at ibalik ang nangyari. Napahaplos ako sa tiyan ko. Bigla ko kasing namiss ‘yung baby. Naalala ko pa nung tuwang-tuwa akong malaman na buntis ako.“Is everything okay now, Mom?” Inakbayan niya ako at hinalikan ang ulo. Ih! Pinakilig na niya ako.“Yeah. I talked with Faye. I told her that I would observe her action,” pag-amin ni Mrs. Cora. “Kapag nagkanda-loko-loko ulit ang mga ginagawa niya ay sasabunutan ko na talaga siya.” Natawa ako ng mahina sa sinabi niya.“Can I borrow her? Mag-su-swimming lang kami. Hindi ko siya nasolo kanina,” sabi ni R
“Guys! I’m gonna sing a song!” Nang makaupo ako, kumuha ng isang ukelele ang isa sa mga pinsan ni Rome na lalaki.“H’wag ka na, Kuya Keegan. Si Kuya Rome na lang para naman mapakilig niya ‘yung fiancé niya,” wika ni Bianca habang matamis na nakatingin sa gawi ko. My shoulder shook a bit when I let out a laugh.“Sure.” Tumayo si Rome pagkatapos kinindatan ako nang tumama ang tingin namin. “For my fiancé,” dagdag niya.“Parang kahapon lang ako ang fiancé mo,” biro ni Claudia sa gilid. Nagbusangot ako nang balingan niya ako. “Pikon ka na naman. Girl, may singsing ka na,” dugtong niya.“Alam mo Ms. Forteza, ako na lang ang manligaw sa ‘yo tutal single naman tayong pareho,” pagpasok sa usapan ni Bruno, kapatid ni Bianca. “Para hindi na rin magselos si Faye.”“No way! I don’t do boyfriends!” hiyaw ni Claudia.“Aysus. Hindi mo masasabi ‘yan kapag natry mo na,” banat ni Bruno.“How old are you na ba? I’m 29, you know that?” Umirap si Claudia.“26. Age doesn’t matter naman eh,” pagpupumilit p
Kanya-kanya kami ni Rome ng trabaho. Tinuro niya sa akin kung ano ang dapat i-prioritize. Tumungo ako papuntang Wilson para kausapin si Darah. Sakto naman at palabas na siya sa office nila.Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ako. Halos gusto na niya akong lamukutin sa yakap. “Faye! OMG! You’re back!” Tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Iniikot-ikot pa niya ako na para bang hindi kami nagkita ng isang dekada.Humalakhak ako habang niyayakap siya pabalik. “Namiss kita!”“Mas namiss kita! Hu-hu! Bakit kasi nag-resign ka ng madalian without telling me? Duh, we’re friends ‘di ba? Akala ko hindi na kita makikita,” may pagtatampong sabi niya at bumitaw sa yakap para hawakan ang mga kamay ko. Nakikita ko ang pagkasinsero niya na namimiss niya ako.“Nagkaproblema lang eh. Anyway, wala ka na bang trabaho?” Sumilip ako sa loob ng office nila dahil glass wall naman. Nakita ko na mukhang kanya-kanya silang ginagawa.“Yes. Break time. Nasa vacation yata si Sir Rome eh