Home / Romance / My Boss Got Me Pregnant / Chapter 4 – Awkward Silence

Share

Chapter 4 – Awkward Silence

Author: Mooncaster
last update Last Updated: 2025-09-22 16:09:21

<

>

Kinabukasan, para akong lutang. Hindi pa rin ako makapaniwala na kung paano nangyari na napunta ako sa hotel kasama ang boss ko. One night stand lang yun—pero bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko? habang nasa kotse papuntang office, hindi ko mapigilan ang kaba. Paano ko siya haharapin? Siya yung taong sinusunod ko sa trabaho, pero nung isang gabi… ibang klase yung nangyari.

Pagdating ko sa office, ramdam ko ang kakaibang bigat ng hangin. Ang tunog ng telepono, yabag ng mga sapatos, kaluskos ng papel—parang dumoble ang lakas sa pandinig ko. Para bang may spotlight na nakatutok sa akin, kahit wala naman. parang lahat ng tao normal lang. Nagtatawanan, busy sa reports, may kape sa tabi. Ako lang yata yung hindi normal. Pakiramdam ko parang ang daming mata ang nakatingin sakin kahit alam kong wala namang may alam. Maybe it was just me, guilty lang ako.

Huminga ako nang malalim bago pumunta sa desk ko. Act normal, Celestine. Wala lang ‘yon. Wala lang. Paulit-ulit ko itong mantra sa isip ko, pero hindi ko mapigilan ang pagkabog ng dibdib ko.

Biglang bumukas ang glass door—dumating siya. Crisp white shirt, serious look, at yung mabigat na aura niya na lagi kong iniiwasan dati. parang walang nangyari. Napalunok ako at mabilis na tumingin sa monitor ko, kunwari may tinatype.

Huminto siya saglit sa gilid ng desk ko. Ramdam ko yung bigat ng presensya niya. Para bang bawat hakbang niya papalapit, lalong lumiliit ang mundo ko.

“Good morning,” sabi niya habang dumadaan sa likod ko.

Nag-stutter ako. “G-good morning po, Boss.”

Narinig kong huminto siya sandali, tapos diretso na ulit sa office niya. Hindi man lang nagbago yung expression niya, pero ramdam ko yung tension.

Sinubukan kong magpaka-normal. Binuksan ko ang computer, binabad ang sarili sa trabaho, at pinilit ngumiti kapag may lumalapit na katrabaho. Pero sa bawat segundo, ramdam ko ang tingin niya.

Para akong binabantayan. Kahit abala ako sa spreadsheet sa harap ko, pakiramdam ko bawat galaw ko ay sinusukat niya—kung paano ako humihinga, kung paano ko pinipigilang hindi manginig ang mga daliri ko.

Sa tuwing maglalakad siya palabas ng opisina, bahagya akong nakakahinga. Pero sa tuwing bumabalik siya, para bang sumisikip ulit ang paligid. Bakit ba ako ganito? Bakit siya parang walang epekto, samantalang ako—halos mabaliw kakaisip?

All day, iwasan kung iwasan. Kapag may kailangan akong ipasa, ini-email ko. Kapag may tanong siya, maikli lang sagot ko. At kapag accidentally nagkasalubong yung mata namin, umiiwas ako.

Nasa kabilang dulo lang siya ng opisina, abala sa mga papeles at meeting schedules. Pero sa tuwing magtatama ang mga mata namin, parang humihinto ang oras. Agad kaming umiiwas ng tingin, nagkakahiyaan, at pilit nag-aakto na parang walang nangyari.

Wala lang. Normal lang. Focus, Celestine, paulit-ulit kong sinasabi sa isip ko. Pero paano kung mismong katawan ko ang nagpaalala ng gabing iyon? Paano kung bawat titig niya ay bumabalik ang lahat?

“Uy, Celestine,” bulong ng isa kong officemate, “parang iba ka ngayon ah… tahimik ka, parang lutang.”

Napakagat ako sa labi at pilit ngumiti. “Ah, wala… siguro kulang lang sa tulog.”

Pero hindi lang ako ang napapansin. Kahit sila, ramdam nila ang kakaibang tension sa pagitan namin ni Adrian. At habang tumatagal ang oras, mas lalong sumisikip ang dibdib ko sa awkward na katahimikan na hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang itago.

At doon, sa gilid ng paningin ko, nasilayan ko si Adrian na nakatingin—diretso, hindi kumukurap. Nakakunot ang noo niya, para bang binabasa niya mismo ang iniisip ko.

Napalunok ako at mabilis na ibinalik ang tingin sa screen. Act normal. Wala lang ‘yon. Pero paano kung hindi lang pala isang gabi ang halaga ng nangyari?

After lunch, napansin ulit ng office mate ko.

“Uy, parang ang tahimik mo ah. May problema ba?”

Ngumiti lang ako ng pilit. “Wala, puyat lang siguro.”

Pero ang totoo, hindi puyat lang. Gulo ng isip ko. Bakit siya? Bakit ako pumayag? At higit sa lahat… paano na kami sa mga susunod pang araw?

Isang sikreto. Isang gabi. At ngayon, isang opisina na puno ng mga matang hindi ko alam kung makakayanan ko.

Pagbalik ko sa mesa, pilit kong inayos ang sarili. Pero sa bawat pag sketch ko, wala akong naiintindihan sa mga drawing sa papel. Para bang may manipis na ulap na bumabalot sa isip ko.

Hindi puyat. Hindi pagod. Kundi siya.

Ang lalaking dati ay tinitingala ko lang mula sa malayo. Seryoso, disiplinado, halos untouchable. Pero nung gabing yun, siya yung nakayakap sa akin, humahalik na para bang ako lang ang mundo niya.

At ngayon, ilang metro lang ang layo niya. Nakaupo sa office niya na may transparent na salamin, at paminsan-minsan, ramdam kong napapatingin siya sa akin. Hindi ko siya masilip nang diretso, pero dama ko.

Pag-uwi ko, binagsak ko kaagad ang sarili ko sa kama, nakatingin lang sa kisame habang nakatulala. Tahimik ang buong condo, pero ang isip ko, sobrang gulo. Hindi mawala sa utak ko ang mga nangyari kanina sa office.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong nireplay sa isip ang bawat galaw niya—kung paano siya tumitig, mga salitang binubulong niya na parang suntok sa dibdib. Humahalo lahat: guilt, kaba, at—hindi ko gustong aminin—may naiwan na pagtimpla ng pagkasabik.

Yung mga titig na parang aksidente lang, pero alam naming pareho ni Adrian na hindi. Yung katahimikan sa pagitan namin na halos sumisigaw ng alaala ng gabing pilit kong gustong kalimutan. At yung mga kasamahan naming nakatingin, halatang nagtataka kung bakit ako biglang naging tahimik at lutang.

Humugot ako ng malalim na hininga, pinipilit maging matapang. Kaya ko ‘to. Wala namang makakaalam kung hindi kami magsasalita, diba?

Pero kahit anong tapang ang ipakita ko, hindi ko mapigilan ang kaba. Sa tuwing naiisip ko na baka kausapin niya ako, o baka may makahalata, bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang anytime, puputok ang sikreto namin.

Pumikit ako at tinakpan ang mukha ko ng unan. Sana panaginip lang lahat. Sana paggising ko bukas, normal na ulit ang lahat.

Pero alam kong hindi na.

At iyon ang mas nakakatakot.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 90 — Home, At Last

    Tahimik ang hapon sa villa, pero hindi na ito yung uri ng katahimikan na mabigat sa dibdib. Ito na yung katahimikan na may kapayapaan.Nakaupo si Celestine sa garden, hawak si baby Aiden habang pinapaarawan ito ng banayad na sikat ng araw. May hawak siyang bote ng gatas, dahan-dahang pinapadede ang anak.Habang pinagmamasdan niya si Aiden, hindi niya maiwasang mapangiti. Ang dami nilang pinagdaanan… takot, sakit, galit, pagkawala.Pero heto sila ngayon. Buhay. Magkasama.“Mommy’s here,” bulong niya. “Hindi ka na mawawala sa akin.”Mula sa loob ng bahay, lumabas si Adrian.May hawak siyang phone at halatang may kausap kanina. Lumapit siya kay Celestine at yumuko para halikan ang noo ni Aiden.“They’re here,” sabi niya.Napatingin si Celestine. “Who?”“My parents. Kakalapag lang nila.”Sandaling natigilan si Celestine. Hindi siya kinakabahan… pero ramdam niya ang bigat ng emosyon. Matagal na rin mula nang huli niyang makita ang parents ni Adrian. At alam niyang, gaya nila, marami rin it

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 89 — Healing Begins

    Tahimik ang umaga sa villa nina Celestine at Adrian. Ang araw ay dahan-dahang sumisilip sa malalaking bintana, nagbibigay ng warm na liwanag sa buong sala. Sa wakas, matapos ang lahat ng gulo, sigawan, takot, at luha… may katahimikan na rin.Nasa sofa si Celestine, karga si baby Aiden na mahimbing ang tulog. Pinagmamasdan niya ang maamong mukha ng anak, parang gusto niyang kabisaduhin ang bawat detalye… ang maliit na ilong, ang bahagyang pagkakurba ng labi, ang marahang paghinga.“Parang kailan lang,” mahina niyang sabi.“Akala ko mawawala ka sa akin.”Lumapit si Adrian, may dalang tasa ng tsaa. Inilapag niya iyon sa mesa at umupo sa tabi ni Celestine. Inilagay niya ang kamay sa balikat ng asawa.“Tapos na,” bulong niya. “Safe na kayo. Safe na tayo.”Tumango si Celestine, pero hindi pa rin maalis ang bahagyang lungkot sa mga mata niya. Kahit tapos na ang kaso, kahit nakakulong na si Bianca, may mga sugat na hindi agad naghihilom.Makaraan ang ilang araw, bumisita ang pamilya ni Celest

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 88 — The Final Verdict

    Mabigat ang hangin sa loob ng courtroom. Tahimik ang lahat, tanging mahinang pag-ubo at kaluskos ng papel ang maririnig. Nasa unahan si Bianca, suot ang simpleng beige na damit pangkulungan. Wala na ang mamahaling ayos, wala na ang palaban na tindig. Ang dating matapang na mga mata ay puno na ngayon ng kaba at pagod.Sa kabilang panig ng korte, tahimik na nakaupo sina Celestine at Adrian. Mahigpit ang hawak ni Adrian sa kamay ni Celestine, ramdam ang panginginig nito… hindi sa takot, kundi sa bigat ng alaala. Ang kidnapping, ang takot na mawala si baby Aiden, ang gabing halos gumuho ang mundo nila.“Are you ready?” mahinang tanong ni Adrian.Tumango si Celestine. “Tapos na ang takot. This ends today.”Pumasok ang hukom. Tumayo ang lahat.“This court is now in session.”Isa-isang binasa ang mga kasong isinampa laban kay Bianca…. conspiracy to commit kidnapping, psychological manipulation, obstruction of justice, at abuse of power. Habang binabanggit ang bawat kaso, lalong bumibigat an

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 87 — Fragments of a Broken Mind

    Tahimik ang loob ng psychiatric ward. Walang sigawan, walang drama… tanging tunog lang ng mahinang electric fan at ang maingat na yabag ng mga nurse sa hallway. Nakaupo si Margaux sa gilid ng kama, yakap ang isang maliit na teddy bear. Maputla ang mukha niya, bagsak ang balikat, at parang wala nang sigla ang mga mata.Hindi na siya umiiyak.Hindi na rin siya galit.Parang pagod na pagod na ang kaluluwa niya.“Good morning, Margaux,” mahinahong bati ng therapist niyang si Dr. Reyes habang pumapasok sa kwarto. “How are you feeling today?”Matagal bago siya sumagot.“Empty,” mahina niyang sabi. “Parang may butas dito.” Sabay tapik sa dibdib niya.Umupo si Dr. Reyes sa tapat niya. “Do you still think the baby is yours?”Napapikit si Margaux. Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila.“No,” bulong niya. “Alam ko na… hindi siya sa akin.”Huminga siya ng malalim. “Pero masakit pa rin. Kasi sa isip ko, sandali… sandali naging totoo.”Sa unang linggo ng therapy, halos walang imik si Marga

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 86 — The Trial Begins

    Tahimik ang loob ng courtroom, pero ramdam ang bigat ng bawat paghinga. Isa-isang pumapasok ang mga tao… media, abogado, at ilang piling imbitado. Nasa unahan sina Celestine at Adrian, magkatabi, hawak ang kamay ng isa’t isa. Hindi nila kasama si baby Aiden… masyadong bata para sa ganitong klaseng eksena.Sa kabilang panig, pumasok si Bianca… nakaposas, payat na payat, at halatang puyat. Wala na ang confident na ngiti, wala na ang mataray na tingin. Ngayon, puro galit at takot ang nasa mga mata niya.Naupo siya sa tabi ng abogado niya. Sa likod, nandoon ang mommy at daddy niya… tahimik, seryoso, halatang kinakabahan. Hindi na sila makapagsalita ng mayabang tulad ng dati.“Court is now in session,” anunsyo ng hukom.Tumayo ang lahat.Sinimulan ng prosecutor ang paglalahad.“Your Honor,” mariing sabi nito, “this case involves kidnapping, conspiracy, psychological manipulation, and corporate sabotage. The accused, Bianca Alcantara, may not have physically taken the child… but evidence wi

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 85 — The Line That Was Crossed

    Hindi nagtagal ay kumalat din ang balita sa buong social circle ng mga Alcantara at Monteverde ang pagkaka-aresto ni Bianca. Isang eskandalo na hindi na nila kayang tabunan ng pera, koneksyon, o impluwensiya. Kaya kinabukasan pa lang, kumilos na agad ang mommy at daddy ni Bianca.Nag-file sila ng petition for bail at motion for temporary release, umaasang makakalaya agad ang anak nila habang inaayos ang lahat. Pero mabilis ding dumating ang sagot ng korte… denied.Mabigat ang kaso. Kidnapping. Psychological manipulation. Corporate sabotage. Conspiracy.Hindi ito pwedeng idaan sa pera lang.“Kailangan ng trials,” malamig na sabi ng abogado nila. “At kailangan ninyong kausapin ang mag-asawang biktima.”Kaya isang hapon, dumating ang mommy at daddy ni Bianca sa villa nina Adrian at Celestine.Tahimik ang sala pero ramdam ang bigat ng hangin. Nakatayo si Adrian malapit sa bintana, habang si Celestine ay nakaupo sa sofa, tuwid ang likod, kalmado ang mukha… pero matalim ang mga mata.Hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status